CHAPTER 5
"Ano ka ba sir anong hindi magkakilala, kilala kaya kita, kaibigan ka ni Boss Kairo, saka anong dapat kong ikatakot sayo haler ang aga aga ang liwanag kaya, makakagawa ka ba ng kalokohan ng ganito ka aga.
Patuloy lang ako sa pagbaba nang hindi ko sya nililingon.
“Saan ba ang punta mo Sir sasabay na lang ako para hindi na ako sasakay ng tryk para hindi na ako yuyuko, yun naman ang concern mo diba."
Pagkausap ko dito na hindi tumitingin. Wish ko lang sana tumangi na lang ito na isakay ako kase nahihiya natalaga ako dito ahaha ngayon ko na realize ang kapal ng mukha ko.
Eh nakakainis naman kase ito napaka parang matanda sa higpit.
Hmp! Gawin kita dyan boyfriend ko e makita mo!
Natatawang napailing pa ako.
"Saan ka ba pupunta Sir?"
Pagtatanong ko pa dito.
"May date ka ba ngayon? Ganitong oras."
Hindi ito nagsalita at patuloy lang sa pagbaba.
"Hay naku sir ano? Kanina lang ang dami dami mong sinasabi tungkol sa damit ko ngayon naman tahimik ka jan saan ka ba pupunta? Ok lang naman kung ayaw mo akong isabay sa paglabas keribels naman."
Patay malisya kong sabi dito. Quite ka na nga Athena ang daldal mo.
Nang magsalita ito.
"Sumabay ka na sakin mamimili rin ako."
Paktay! Tsk mukhang walanang atrasan ito. Lalayo na lang ako dito pagdating sa groceries store.
"Shot sakto pala! Libre pamasahe."
Kunyari ay masaya ako pero sa totoo lang kinakabahan na ako sa isiping makakasama ko ito sa loob ng kotse nya.
Hay shemay naman kinikilig ako kay pogi. Susmio kahit may katalasan ang dila nito makalaglag panty parin ito.
Nang makarating sa baba ay saktong labas ni Tita Andrea.
"Hi Tita kamusta po kayo tagal nating hindi nakapag kwentuhan."
"Oh Hija ikaw pala san ang punta mo, nagkakilala na pala kayo nitong pamangkin kong si Kendric. Sya yung kinukwento ko sayo."
"Opo Tita kaibigan din sya ng Boss ko sa pinagttrabahuhan ko."
"Aba'y ganon ba kita mo nga naman ano ang liit ng mundo."
"Oh ikaw namana hijo saan ang punta mo. Kakarating mo lang galing sa lolo mo ah aalis ka na agad?"
"Hi, Tita opo lalabas lang ako saglit grocery lang ako may ipapabili ka ba sakin?"
"Naku wala naman kakabili ko lang ng supplies ko, sabay ba kayong aalis iisa ba kayo ng pupuntahan?"
Ako na ang sumagot sa sinabi ni Tita.
"Ah Tita makikisakay ako kay Sir Kendric ako na nag invite sa sarili ko na makisakay sa kotse nya hehe.”
Kakamot kamot sa ulong sabi ko dito.
"Ano ka bang bata ka ok lang yun kung iisa naman kayo ng pupuntahan oh sya Ken ingatan mo si AA ikaw na bahala sa batang yan mag ingat sa pagddrive."
Wew! Enedew medyo kinilig ako sa sinabi ni Tita si Kendric na daw bahala sakin mygulay ang landi.
Pwede bang ikaw na din ang bahala sa buhay ko hanggang pagtanda, Char! ariba ka na naman.
Hoy! Umayos ka Athena tandaan mo stowaway ka wala sa plano mo ang lumandi.
Bahagya na lang ako yumukod kay Tita Andrea at si Kendric naman ay humalik sa pisngi nito.
Hindi na lang ako nag kumento sa sinabi nya baka ipahamak ko na naman ang sarili ko kapag nagsalita na naman ako.
Habang sakay sa sasakyan nito ay hindi ako mapakali buti na kang napipigil ko pa ang sarili ko na mag dumaldal.
Nang makarating sa Shopwise at makapag park ay dali dali akong lumabas ng kotse nito.
Binalingan ko ito, Sasabihin ko sana na salamat sa pagpapasabay sakin nang unahan ako nitong magsalita.
"Give me your phone?"
Walang ka ngiti ngiti nitong sabi sakin.
"Huh? Bakit Sir Ken?"
"Just give me your phone and stop calling me Sir Nakakatanda ano ba."
Pagtataray nito sakin. Hmp! Litsugas na lalaking to sarap kagatin.
Nagtataka man ay inabot ko dito ang mumurahin kong phone.
May ginawa ito sa phone ko na hindi ko alam. Sabagay ano bang gagawin nito sa phone ko e wala man lang itong camera o kahit ano call and txt lang ang pwede nitong gawin.
Susme makikitxt lang naman pala hindi pa nag sabi ng maayos.
"I used your phone to txt myself paki save ng number ko. When you are done doing your thing message me let's meet somewhere ok."
Ayun akala ko nakikitxt lang ito yun pala.
Nag rerejoice ang sarili ko sa kaalaman na meron na ako nitong numero.
Pero syempre hindi ako papahalata para kunyari hindi ako naglalaway sa kanya.
"Ah ganon ba sir akala ko makikitxt ka sakin e buti na lang may load ako. Pero ok lang naman sir kung hindi na ako makakasabay sayo baka matapos ka kagad baka matagalan ako."
Pagtanggi ko dito. Nakaka pressure kase na may naghihintay sa akin habang namimili.
Talagang nagpapakipot ako kase halos lahat ng nasa parking lot naka tingin samin at lahat e pamatay ang tingin kay Kenken ko.
Maglaway kayo belat.
"I told you to stop calling me Sir!"
He hissed. Hmp suplado ok ok payn ang shoray tlg nito.
"And let me remind you ibinilin ka sakin ni tita Andrea ayokong magalit sya sakin nang dahil sayo, dahil iniwanan kita at hindi isinabay pauwi."
Pagtataray pa ulit nito sakin.
Langya to napaka straightforward hindi man lang nag iba ng dahilan hindi man lang nag kunwari.
"Ah ok ganon ba KenKen ok sige una na ako sayo ha, see you later."
At nagmamadali akong tumalikod dito hindi ko na ito nilingon pa.
Habang naglilibot nawala na sa isip ko si Kenken ng buhay ko nag enjoy na ako sa pamimili hindi naman karamihan yun kase ayoko din nagpakaluho dahil kailangan kong magtipid ng sweldo ko at saka baka maubos agad agad ang savings ko kaya kahit kating kati na ako sa mga pinag titingnan ko ay hindi ko magawang kumuha kagaya na lang ng Nutella na nakagawian ko as palaman.
Fresh milk imbes na 4 kuhain ko 2 lang na malaki. Saka na ulit ako bibili.
May nakita din akong cornflakes pero binalik ko dahil baka mag over budget na ako kaya puro instant ang kinuha ko at delata na lang ok na yun bibili na lang ako sa labas ng lutong ulam.
Hindi ko namamalayan na naka masid pala sakin sa malayo si Ken. Dahil sa sobrang pag iisip at pag kkwenta ng mga gagastusin ko.
Nang magbabayad na ako at papila na ako sa counter ay napansin kong kasunod ko na din si Ken na magbabayad.
Hindi ko na lang ito pinansin hinayaan ko lang ito na lumapit pa sakin.
Naiilang na ako, masyado itong malapit.
Dahan dahan itong yumukod sakin.
"Yan lang mga pinamili mo puro junkfoods at delata walang kasusta sustansya mga pinag kukuha mo."
Bayan ang pakialam naman ng Ken ko. Char medyo nahiya ako sa mga sinabi nito.
Medyo nagtaray na lang ako para mapagtakpan ang pagkapahiya ko.
"Ako lang naman ang kakain Kenken kaya hindi ko na need mag luto ng magarbo saka kumakain naman ako sa labas sa gabi lang ako sa bahay kaya ok na to. Saka paki mo sa pinamili ko kung walang sustansya, ampunin mo ako kung gusto mo pwede naman.”
Nag peace sign pa ako dito.
"My name is Kendric not KenKen. "
"Hmp! Same lang din naman yun saka ayaw mo nun lakas makabagets Kenken."
At tumalikod na ulit ako dito kase baka kung ano na naman masabi ko.