CHAPTER 4

1454 Words
CHAPTER 4 Napatulala ito saglit kapag daka’y napalitan ng pagkainis ang mukha nito. What’s wrong with him? Asking myself feeling confused. “Come in, Sir Kendric.” Pagwawalang bahala ko sa expression ng mukha nito. Akala mo eh makikipag-away kung kanino.Hmp! Niluwagan ko pa lalo ang pintuan ko na naka bukas. Baka masabihan pa akong bastos at hindi man lang nag anyaya na papasukin sya. He looked at me from head to toe as if I did something wrong. I got conscious of how the way he looked at me. That's when I realized that I'm only wearing my towel. Nak ng tokwa naman nakaka wala naman sa katinuan tong si pogi. Nakalimutan ko tuloy na kagagaling ko nga lang pala sa CR. As fast as I can. I quickly hide behind my door. I swallowed hard, a realization hit me, Duh! I even invited him in. Susmio marimar! Anong nangyari sayo Athena Angela! Ano na lang ang iisipin nito sakin. “Ah eh Sir binabawi ko na pala ang pag invite ko sayo na pumasok.” Nag-rarambulan na ang tyan ko sa nerbyos at sa pagkapahiya. “Bakit po pala kayo nandito sir? Bakit kayo napadaan dito sa Unit ko?” Napansin ko din na kanina pa ako salita ng salita samantalang ito ay walang ginawa kung hindi ang titigan ako. Bahagya itong umiling at ngumiti ng nakakaloko. Pucha! Makalaglag panty si Sir pwedeng pang commercial ng toothpaste. Shemay ka Kendric. “Are you always like that? You open your door wearing only a towel?” Nagtaas baba pa ang kilay nito sa akin. “Are you trying to seduce every man who knocks on your door?” What!! Aba’t lokong to ah, Anong pinagsasabi nito sakin. Seduce ka dyan! “Excuse me lang Sir Kendric dahan dahan ka sa pananalita mo. Ikaw tong kung maka katok ah, akala mo may emergency. Natural nataranta ako sa pagkatok mo ng pagkalakas.” Inirapan ko pa ito. “Atsaka haler parang gusto mo na kayang gibain itong pintuan ko akala mo naman may napaka- Urgent na nangyari.” Akala mo ha! Papatulan kita kahit pogi ka, wala ako sa Shop ngayon kaya pwede kitang sagutin hmp! “Bakit ka ba kase nandito? Anong ginagawa mo dito sa lugar ng Dyosa?” Pagtatakip ko sa pagkapahiya ko. Napapantastikuhan itong tumingin sa akin. “Dyosa huh!” Mapang asar nitong pag gaya sa sinabi ko. “For your information kaya ako kumakatok sa pintuan mo ay dahil napaka ingay ng sounds mo nakakabulahaw ka ng taong nagpapahinga.” “Huh? Nagpapahinga sa pag kakaalam ko din wala naman akong kasama sa floor na to kaya sinong na bubulahaw ko?” Takang tanong ko dito. “Para din sa kaalaman mo ako ang nakatira sa katapat na Unit mo kaya nakaka bulahaw ka kase magpapahinga po ako tapos ang lakas mong magpatugtog akala ko lalaki ang me ari nitong unit sa lakas ng sounds mo.” Naka kunot nitong pagsasalita nang maalala ang dahilan ng pag ka inis at kung bakit ito kumakatok dito sakin. “Huh? Ikaw ang nakatira sa kabilang Unit? How come? Since when ibinenta na ba ito ng may-ari?” Takang tanong ko rito. “Omg! Ikaw ang pamangkin ni Tita Andrea? Tama ba ako?” Realization comes to me eto yung masungit na pamangkin ni Tita na sinasabi nya sakin. “At your service. Wala nang iba,” Bahagya pa itong yumukod tanda ng paggalang. Pero alam kong nang aasar lang ito. “Kaya pwede ba paki hinaan yang pagpapatugtog mo ng Linkin park para kang lalaki akala ko kailangan ko makipag suntukan dahil napaka ingay.” Wala na akong masabi dito I was speechless, Anong sasabihin ko dito. Kapag sinuswerte ka nga naman este minamalas pala kase ang sungit nito sakin. Kahit kapag nagkikita kami sa shop ni Boss Kairo palagi lang itong naka tingin ng seryoso hindi rin marunong ngumiti kapag sakin samantalang sa iba nakikipag usap pa ito na ngumingiti. Hmp! Malas! “Ok ganon ba sir pasensya na po sa kaingayan ko, hindi ko naman kase alam na me tao na pala dyan sa kabilang Unit nasanay ako na malakas mag patugtog.” “May iba ka pa po bang sasabihin sakin aside dyan, kase kung yun lang isasarado ko na po itong pintuan ko.” Mas nahiya ako ngayon landlord ko pala tong si Pogi hindi na ako lalaban baka palayasin ako nito dito sa unit ko although may contract naman kaso baka daanin ako sa pagiging maingay ko mapa Tulfo pa ako ng wala sa oras kakahiya. “ Wala naman yun lang ang gusto kong sabihin sayo.” “ Ok po sir pasensya na po.” Isasara ko na sana ang aking pintuan na pigilan nito ang pag sara. Nagtatakang napatingin ako dito problema na naman nito? Bakit may pagharang pa. “ Meron pa ba kayong sasabihin Sir?” Nakita kong dumaan ang halo halong emosyon sa mga mata nito paghanga inis ewan halo halo hindi ko ma pangalanan at hindi din ako sigurado. “Uhm .. sa susunod na magbubukas ka ng pinto siguraduhin mo munang naka ayos ka ng damit hindi yung naka tapis ka lang ng tuwalya hindi magandang tignan sa isang babae, Unless talagang nang aakit ka at intensyon mo yan.” At tumalikod na lang to bigla at pumasok sa kanyang Unit naiwan akong naka tulala. Ni hindi ako naka sagot sa sinabi ni Pogi. Pucha! Ano yun naisahan mo ako dun ha! langyang lalaki na to ang talas ng dila sarap kagatin. Dahil sa nangyari naiinis at nawalan tuloy ako sa mood. Hmp! Bwiset kang pogi ka akala mo makakaganti din ako sayo! Nagmamadali akong nagbihis dahil sa pagkainis kailangan kong lumabas. Ngayon na nga lang ako mag grocery makalabas na nga lang ng bahay badtrip na sungit yan akala nya. Nag pupuyos parin ang kalooban ko, hinanap ko ang sling bag ko at binuklat kung nandun ba lahat ng kailangan ko. Pera cellphone na mumurahin, susi ng unit at susi ng malaking gate ok lahat nandito na. Nang akma ay lalabas na ako saktong palabas din ang poging nilalang ay este Mr. Sungit pala. Hindi ko sya magawang tignan dahil na iinis parin ako sa sinabi nya. Nagulat din sya ng bahagya ng makita nya akong palabas. "ehem Tinakpan mo lang ng konti yang katawan mo." Kunot nuo nitong pagpuna na naman sa suot ko. "Excuse me? Are you talking to me?" Maang maangan kong baling dito. "Sa tingin mo sinong kausap ko? Sarili ko ba?" Balik panggagaya nya sakin. "Excuse me lang sir Kendric ha, kanina ka pa e ano bang problema mo? Ang ayos ayos naman ng suot ko ah" Naiinis ko nang sita dito. "Maayos ba yan, tignan mo nga yang suot mo konting yuko mo lang kita na dibdib mo dyan sa spaghetti strap na suot mo maayos yan sayo?" Kunot nuo nitong sita sa suot ko. "My gosh hindi naman po kita tatay para sitahin ako sa mga susuotin ko at lalong hindi naman po kita boyfriend para sitahin ang suot ko. Saka anong masama sa suot ko maglalakad ba ako ng naka yuko para i showcase ang dibdib ko?!" Naiinis kong sabi dito. Natigilan naman ito sa mga sinabi ko at napabuntong hininga. "I know sorry concern citizen lang ako, kung saan ka man pupunta alam kong commute ka lang at hindi maiiwasan ang pag yuko yuko." Napatigil naman ako sa sinabi nito at bahagyang napahiya may point naman ito. E kase naman nainis talaga ako kaya di ko na naisip ang pagpili ng susuotin ko. Bago pa ako makapag isip ng sasabihin. "Mag g-grocery lang ako sa Savemore or shopwise total mukhang paalis ka din naman sasabay na lang ako sayo. May sasakyan ka naman diba?" Opps! Ahahaha napailing ako sa sarili ko sa mga sinabi ko, sumobra ata ako sa kapal ngayon at ako pa ang nag sabi na makikisabay ako dito hindi ko man lang natanong kong saan ito papunta. Napapantastikuhan itong napatingin sakin. "Seriously sasabay ka sakin? Ni hindi mo nga alam kung saan ako pupunta at hindi naman tayo magkaibigan tapos sasabaya ka sakin?" Para mapagtakpan ang pagkapahiya ko. "Magiging magkaibigan din tayo soon sir Kendric wag kang mag alala tutal naman iisang bahay tayo ikaw pa ang landlord ko, and tutal naman concern citizen ka so isasabay mo na lang ako." Naglakad na ako papuntang hagdan umuna na ako para hindi nito makita ang pamumula ng mukha ko sa pagkapahiya umandar naman kase ang pag ka adelantada ko e. "Saka mukha naman pupunta ka lang naman kung saan, hindi ka naman naka porma. Saan ba ang punta mo sir?" Alam kong nakatingin ito sakin habang naka sunod sa pagbaba namin ng hagdan kaya lalo akong namula. Buti na lang talaga nakatalikod ako dito. "Ganyan ka ba talaga? Nagbubukas ng pinto na naka tapis lang, tapos sasama sa hindi kakilala." Pucha ka talaga ipaaala pa ba ang nangyari kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD