KABANATA 24 Nakatanggap ng mensahe si Jian sa sekretariya ng mga Anderson na makikipagkita sila ngayon sa kaniya kasama si Felix sa kanilang kumpaniya alas-kwatro ng hapon. Tamang-tama lang din iyon pagkatapos ng kaniyang trabaho. Felix sent him a message, too. Ni-remind siya nito ng mangyayari pati kung anong oras at saan. Umirap lang si Jian at hindi ito ni-reply-an. Atat na atat ito masyado sa pakiramdam niya. “May lakad ka na naman ba?” taas ang kilay na tanong sa kaniya ni Inah nang makita nitong nagmamadali siyang magligpit ng kaniyang mga gamit sa faculty. “Kakausapin kami ngayon ng mga magulang ni Felix,” tipid niyang sagot at narinig niya ang pagsinghap nito. “Sama ako!” “Inah…” “Kahit hintayin na lang kita sa labas basta sasama ako. Gusto ko talaga makita ang pinalit sa’yo

