KABANATA 25 “You look horrible,” ang nakangisi nitong saad pagkakita kaagad sa kaniya. Napakuyom ng mga kamao niya si Jian. Ayaw niya itong patulan dahil kahit papaano ay nirerespeto niya ito bilang babae, ngunit wala talagang karespe-respeto sa mga ganitong klaseng babae. Landakan at walanghiya na mang-aagaw ng asawa nang may asawa. Mas lumala lang ang inis niya dahil nag-effort pa talaga itong puntahan siya at hanapin para lang ipamukha sa kaniya na ito ang nagwagi! “Kung makakita ka ba naman malaking ahas sa harap mo, sino ang hindi mahihintakutan?” mariin niyang sambit habang may kaunting ngisi rin sa kaniyang mga labi. Tumawa nang malakas si Jennie sa harap niya at pinagpapasalamat ni Jian na sila lang ang tao ngayon sa pasilyo rito. Naisip niya na baka kinausap pa si Felix ng mga

