KABANATA 30 The next day, Jian woke up right beside his apartment’s door. Nakatulog na pala siya sa malamig na sahig at hindi na nakatuloy sa kaniyang higaan. Tumila na rin ang ulan at nang tignan niya ang orasan ay pasado ala-singko pa lamang ng umaga. Ayaw na niya alalahanin, kaso sariwa pa rin sa utak niya na nangyari nang pumunta si Felix sa apartment niya kagabi. Lasing ito at sumuong pa sa malakas na ulan. Napahilot si Jian sa sentido niya dahil nanakit yata iyon. Marahan siyang tumayo at naisipang umpisahan na lamang ng maaga ang kaniyang araw. Hindi na rin naman siya makakatulog sa ganitong lagay kung kaya ay wala na siyang magagawa. Nagtungo siya sa maliit niyang kusina para pagtimplahan ang sarili niya ng mainit na kape upang tuluyang magising ang kaniyang diwa. Habang hinihint

