KABANATA 37 Natatawa pa rin si Jian dahil pinagsasabihan pa rin siya ni Inah kung tama ba ang naging desisyon niya na ito. Marami itong sinabi kung paano raw if may makita si Felix sa America bigla at pagbalik ay babawiin na naman nito ang pinangako nito? Paano raw if pinaasa na naman siya? Paano raw if masaktan lamang siya ulit? Tama ito. Para kay Jian, tama lahat ang mga sinabi ni Inah. Ngunit siguradong-sigurado siya na hindi kailanman iyon magagawa ni Felix. Nagsinungaling ito sa kaniya, oo, Pero lahat ng iyon ay para naman sa kaniya, kaya bakit magloloko pa sa kaniya ang isang lalaki na handang itaya ang buhay nito para lang sa kaniya? Hinawakan niya ang singsing sa kaniyang kamay at iyon ay pinaglaruan. Naisip ni Jian na kung ganoon nga ang mangyari, hindi talaga sila para sa isa’t

