KABANATA 38 Balik eskwela na ang mga estudyante pagkatapos ng bagong taon. Hindi man ganoon kasaya kagaya ng pagsalubong niya ng pasko, may ngiti pa rin sa mga labi nang makita niya screen ng kaniyang cellphone ang kaniyang pamilya. Kumpleto ulit sila bukod lang siyempre na wala siya. Umiyak pa ang mama ni Jian dahil nais din talaga nitong magbagong-taon na kasama siya. Nangako naman si Jian na susunod na taon ay susubukan niyang makasama sila. Nabati niya rin si Manang Luz sa pamamagitan ng dalagang apo nito. Hiningi niya ang numero nito para sa kumunikasiyon at masayang-masaya ang matanda dahil doon. Paminsan ay tumatawag siya rito o ang dalaga mismo ang tumatawag kapag nais nilang magkausap. “Maligayang bagong taon, Sir Jian,” ani ng matanda sa kabilang linya. “Malig

