KABANATA 14 Parang kahapon lang nang mangyari ang lahat. Nang malaman at makita mismo ni Jian ang katotohanan. Ilang luha na ang naiyak niya sa gabi habang nakahiga ng mag-isa sa kama nila ng kaniyang asawa. Nanlalamig habang ang kaisipan ay lumalayag sa asawang nasa piling at yakap ng iba. Hindi na sinisikmura ni Jian na isipin pa ang ibang ginagawa ng dalawa dahil tinatatak niya sa kaniyang utak na trabaho lang ang lahat. Kahit ang katotohanan ay unti-unti na siyang tinutupok. Pinakatitigan ni Jian ang sarili sa salamin pagkatapos maghilamos. Halata ang pangayayat niya at namumutla na rin siya. Ilang araw na ring nag-alala si Manang Luz sa kaniya at tinatanong kung may problema ba ulit, sinasabi na lamang niya na stress lang sa trabaho nitong nakaraan. “Pauwi na rin ang asawa mo bukas

