Kabanata 1

1954 Words
Kabanata 1 Fisherwoman The sounds of cutlery and other kitchen things woke me up. I glanced at the round clock hanging above the door of my room before deciding to get up. It was five o'clock in the morning so I got up. Mamayang ala sais kasi ay sasama na ako sa mga mangingisda upang pumalaot sa dagat. Dito sa Está caliente, lalo na sa dito sa Isla Lefevre, pangingisda ang pangunahing kabuhayan ng mga tao at isa na ako roon. May ilang mga mayayaman rin ang nakatira rito ngunit nasa ibang panig sila ng lugar na ito. Hindi pa nakakatapos ng pag-aaral kaya naman puro maliliit na trabaho ang pinapasok ko matulungan ko lang si lola. Mabuti nalang pumayag si lola na subukan ang pangingisda kahit na madalas puro lalaki ang gumagawa ng ganoong trabaho.  "Magandang umaga, lola." masayang bati ko kay Lola habang sinusuklay ang magulo kong buhok gamit ang mga daliri ko. Suot ko pa ang terno pantulog ko habang naglalakad ako papalapit sa hapag-kainan. Ngumiti naman si Lola sa 'kin nang makita niya ako na papalapit. "Magandang umaga rin, Apo. Halikat na rito at magsabay na tayong mag-agahan. Papalaot ka ba sa dagat ngayon?" Mabilis akong tumango. "Oo naman, lola. Sayang din ang araw na ito kung hindi ako papalaot. Wala naman po akong ibang gagawin sa umaga kundi mangisda lang."  Lumapit ako kay lola at umupo sa silya haharap niya. Kumuha ako ng pinggan at nagsandok ng kanin at ulam. Pritong itlog na may kamatis at tuyo ang ulam namin ngayong umaga. May kape rin na tinimpla si lola para sa 'ming dalawa. "Sige, mag-iingat ka sa dagat, apo. Ikaw lang ang nag-iisang babae na matapang na pumapalaot sa dagat. Kung sapat lang sana ang kita ko sa palengke hindi naman kita hahayaang pumalaot sa dagat upang mangisda. Masyado kasing delikado. Lagi ko na lamang ipinagdarasal ang kaligtasan mo." saad ni Lola habang hawak ang tasa ng kape.  Sa totoo lang, ayaw na ayaw talaga akong payagan ni Lola na sumama sa pangkat ng mga mangingisda. Sa pangingisda kasi ang namatay ang asawa niya na si Lolo Simon. Hindi ko na naabutan si Lolo Simon, sa mga litrato ko lang nakita ang itsura nito.  Ang sabi sa 'kin ni Lola, namatay si Lolo dahil pumalaot pa ito sa dagat noon kahit na may bagyo. Matigas daw kasi ang ulo ni Lolo kaya hindi niya ito napigilan noon.  Tumango-tango naman ako bago ako sumubo.  Mabilis kong nilunok ang pagkain sa bibig ko nang may bigla akong maalala. "Lola, oo nga pala. Ano kaya kung tumigil na kayo sa pagtitinda ng kakanin at mga pamaypay sa palengke? Masyado na kasi kayong napapagod sa pagtitinda. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari sa inyo roon kapag wala ako." nag-aalalang sambit ko. Agad namang kumunot ang noo ni Lola matapos siyang sumimsim sa kape niya. "Kung titigil ako sa pagtitinda.. Kukulangin tayo budyet, Apo. Mahal ang gamot ko.. Tapos kailangan pa nating mag-ipon para sa pang matrikula mo sa pasukan..." Nagkibit balikat naman ako sa sinabi ni Lola. Oo nga pala, bukod sa gastusin sa gamot ni Lola ay kailangan ko rin palang magtabi ng pera para sa pag-aaral ko pagkatapos ng bakasyon. Libre naman ang pagpasok ko sa kolehiyo, kaya nga lang, malayo iyon dito at mahal pamasahe papunta ro'n. Wala naman kasing ibang college school dito sa Está Caliente kung iyon lang kaya wala akong ibang pagpipilian.  Matapang kong hinarap si Lola at nagsalita."Hindi na tayo kukulangin, Lola. May sinabi sa 'kin si Sela. Naghahanap daw ng crew iyong bagong bukas na Hotel Resort sa kabilang Isla.. Balak naming mag-apply doon sa makalawa. Bukas ay gagawa na kami ng resume ni Sela. Pati ang ilang kaibigan namin ay mag-aapply din doon." salaysay ko. Umaliwalas naman ang mukhan ni lola at mukhang nagulat pa ito sa sinabi ko. "Talaga? Pero 'di ba mabibigat ang trabaho sa mga gano'ng lugar, apo? Baka hindi mo kayanin--" "Lola.. Kaya ko po 'yun. Lahat kaya ko. Basta ang gusto ko po ay tumigil na kayo sa pagititinda sa palengke kapag natanggap na ako roon. Ang balita ko kasi, mayaman daw ang may ari ng hotel resort na 'yon at malaki raw po magpasahod. Kapag naging maayos ang trabaho ko roon, baka minsan nalang ako papalaot sa dagat. Mas ayos 'yon 'di ba, lola?" "Sige, apo. Kung iyan ang gusto mo." nakangiting sambit ni lola. Pagkatapos naming mapag-usapan ang tungkol doon, mabilis ko nang tinapos ang pagkain ko. Pinagpahinga ko na muna si Lola at ako na ang nag-imis ng pinagkainan sa lamesa. Hinugasan ko na rin ang mga iyon at inihimpil sa lalagyanan bago ako nagtungo sa banyo upang maligo. Saktong alas sais ng umaga, naglalakad na ako papunta sa dalampasigan. I was wearing a loose black t-shirt and tokong. I also wore a kayakas hat to protect  my face against the sun rays later.  Si Lola Tilda ay iniwan ko roon sa bahay, siguradong abala 'yon sa paghahabi o kaya naman ay sa paggawa ng sumbrero o pamaypay. 'Yon ang madalas na ginagawa ni Lola sa tuwing nasa bahay siya at hindi nagtitinda sa palengke. May schedule kasi ang pagtitinda niya roon dahil may kahati kami sa pwesto. "Aba, Era. Ang aga mo, ah." nakangiting bungad sa 'kin ni Mang Bernard, mangingisda rin.  Tulad ko, papalaot din siya sa dagat upang mangisda. Inaayos niya ngayon ang lambat ng kaniyang bangka. "Mas maganda na po 'yung maaga, Mang Bernard. Para po mas marami akong huli." sagot ko naman. Ngumiti lamang si Mang Bernard at iniwan na ako roon upang makipag-usap sa iba pa naming kasamahan. Lahat sila puro lalaki at dadalawa lamang kaming babae. 'Yung isa pang babae ay si Aling Susing. Lumapit na ako sa bangka namin upang ayusin ang lambat at ilagay sa loob ng bangka ang dala kong balde at lubid. Hindi pa tuluyang lumilitaw ang araw ay nasa gitna na ako ng karagatan at nangingisda. Wala pa akong isang oras na naroon ngunit may nahuli na akong limang malalaking isda. Napangiti na lamang ako, mukhang magiging maganda ang huli ko ngayong araw, ah? Nagtagal pa ako sa dagat ng limang oras hanggang sa tawagin na ako ng ilang mangingisda na kasama ko. Tapos na raw ang oras ng pangingisda ng pangkat namin. Tumango nalang ako at ini-angat na mula sa dagat ang lambat. Tinakpan ko na rin ang baldeng dala ko na ngayon ay punong-punong na ng sariwang isda. Pawisan at pagod na ako dahil sa sikat ng araw ng tumatama sa 'kin dahil tanghali na at masakit na ang tama ng araw sa balat. Ngunit sa kabila ng pagod ko, natutuwa ako dahil marami akong huli. Malalaki pa. Sino bang hindi matutuwa sa malaki? Pagbalik naming lahat sa dalampasigan, sinalubong kami ng ilang palengkera't palengkero. Sila 'yung mga taong palaging nag-aabang sa 'min dito upang bilhin ang mga huli namin. Minsan binibili nilang lahat minsan ay hindi. Kapag may natira, diretso ako sa fish landing upang doon ibenta ang mga huli ko. "Aba ang lalaki ng mga nahuli mo, Era!" manghang sambit ni Aling Marites, isa ring palengkera. Tuwang-tuwa ito habang sinusuri ang lahat ng isdang nahuli ko. Napangisi naman ako. "Syempre naman, Aling Marites. Bilhin niyo na 'yang lahat para lumaki rin ang kita niyo." pang-uuto ko rito. Hindi naman iyon nasayang dahil mabilis na tumango si Aling Marites. Lakas talaga ng charm ko, ano? "Sige, bibilhin ko na itong lahat--" "Era, malaki raw ang huli mo. Pabili rin ako!" singit ng isa pang palengkera na suki ko na rin. Agad naman itong hinarang ni Aling Marites. "Hindi pwede! Bibilhin ko na lahat ang huli niya. Sa iba ka nalang bumili, Mina!" mataray na wika ni Aling Marites rito. Natawa na lamang ako dahil sa pagtatalo nilang dalawa. Kay Aling Marites ko ipinagbili ang lahat ng nahuli ko dahil siya naman ang nauna. Nangako nalang ako kay Aling Mina na dadamihan ko pa ang huli sa susunod upang magpagbentahan ko siya. Dahil nabili na naman ang lahat ang huli ko, nagpasiya akong umuwi na sa bahay. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng gutom dahil hapon na at hindi pa ako nanananghalian. Siguradong matutuwa na naman si Lola dahil naibenta ko lahat ng nahuli kong isda nang hindi na pumupunta sa fish landing. I found my lola in the yard of our house. She was making kayakas fans and hats while seating in a bamboo chair. Tutok na tutok ito sa kaniyang ginagawa. Palibhasa'y malabo na ang mata kaya kailangang ilapit niya ang kaniyang mukha sa ginagawa. Napatingin ako sa likurang bahagi ni Lola kung saan nakatayo ang munti naming bahay. Gawa naman iyon sa semento kaya kahit ilang dekada na 'yong nakatayo ay matibay pa rin. Sa loob ng bahay namin, kumpleto naman. May dalawang kwarto, maliit na kusina at banyo at mayroon ding sala kung saan makikita ang telebisyon at mga kawayang upuan. Minsan ko nang natanong kay Lola noong bata pa ako kung bakit kami lang ang nakatira sa bahay na iyan. Tinanong ko rin kay Lola kung may anak ba siya o ibang kamag-anak bukod kay Lolo ngunit umiling siya. Ang sabi niya, matagal na raw namatay ang kaisa-isang anak nila ni Lolo at hindi na sila muling biniyayaan. Nawalan na lamang sila ng pag-asa kaya inalagaan na lamang nila ang isa't isa. "Lola!" tawag ko. "Nabenta ko lahat ng isda sa may dalampasigan. Hindi ko kinailangan pang pumunta ng fish landing!" tuwang-tuwang saad ko. Basang basa ang damit na suot ko dulot ng tubig dagat at pawis kaya naman agad akong humigit ng nakasampay na bimpo sa sampayan upang ipamunas. "Mabuti naman. Nagugutom kana ba, apo? Nakapag luto na ako ng hapunan, iyong paborito mo. Ginataang tilapia." Lumapad ang ngiti ko nang marinig ko iyon. Excited akong pumasok sa bahay at dumiretso sa kusina kasama si Lola. Nag presinta ako na ako na ang maghahanda ng pagkain ngunit sinaway ako ni Lola. Hindi na ako nakipagtalo at hinayaan na lamang siya. "Lola, ito nga  po pala 'yung kinita ko ngayong araw. May gusto ba kayong bilhin?" sambit ko. Inilahad ko ang perang napagbentahan ko ng isda at ipinatong iyon sa lamesa malapit kay lola. Akala ko ay tatanggapin niya 'yon ngunit nagulat ako nang iisod niya iyon sa gawi ko. "Itabi mo nalang 'yan, apo. O 'di kaya naman ay magpunta kayong dalawa ni Sela sa bayan at bumili ng mga bagay na gusto mo." sabi ni lola habang kumakain. Napakunot naman ako. "Pero, lola.. Gusto ko kayong bilhan ng mga gamit.." giit ko. "Itabi mo nalang, apo. Itabi mo para sa kinabukasan mo. Matanda na ako at hindi ko na kailangan ng kung anu-anong materyal na bagay. Ang tanging makakapagpapasaya nalang sa 'kin ay ang makitang masaya ka habang inaabot ang mga pangarap mo. Kapag nakapagtapos kana ng kolehiyo, hahayaan na kitang lumuwas ng Maynila upang magkaroon ka ng panibagong buhay.. Hahayaan na kitang mahanap ang mga tunay mong--" "Lola.." putol ko sa sinasabi nito. Mahigpit akong napahawak sa kubyertos habang nakapukol ang buong atensiyon ko sa aking plato. "Hindi natin alam kung buhay pa ba sila.. Ayokong paasahin ang sarili ko.." malungkot ang ngiti nang mag-angat ako ng tingin kay lola. Pinipigilan ko ang sarili ko na maiyak. "At kung buhay man sila.. Hindi ko na sila hahanapin, lola. Kaya nga ako narito ngayon sa Isla kasama niyo dahil iniwan nila ako rito.. Maaaring may mabigat silang dahilan kung bakit nila nagawa 'yon sa 'kin na anak nila.." "Era, huwag ka naman sanang magtanim ng galit sa tunay mong mga magulang.." hinawakan ni lola ang kamay ko at pinisil-pisil iyon. Umiling ako, may namumuong luha na sa mga mata ko na nagbabadyang tumakas. "I'm not mad at them, lola.. Ayoko lang po ang hanapin sila at ipagsiksikan ang sarili ko sa kanila. Iniwan nila ako rito sa Isla.. Baka ayaw nila sa 'kin kaya nila ginawa 'yon.. Tanggap ko na 'yon, lola. At masaya na po ako na kayo ang kasama ko. Tutuparin kona lang po ang mga pangarap ko nang kayo ang kasama, lola.." __________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD