Kabanata 2

2079 Words
Kabanata 2 Interview "Era! Tara na! Dala na namin ni Ophelia 'yung mga resume natin!" Rinig na rinig ko ang matinis na boses ng kaibigan kong si Sela mula sa labas ng bahay namin. Nasa kwarto ko pa ako at sinisipat ang sarili ko sa salamin upang malaman kung disente ba akong tingnan. Ngayong araw ang interview namin ni Sela sa bagong bukas na Hotel Resort sa kabilang Isla at kasama namin ang iba pa naming mga kaibigan na nag-aapply din. Noong nakaraang linggo pa kami nagpasa ng resume at ngayong araw lamang kami isa-isang tinawagan upang ma-interview. Hindi ko alam kung ilang araw akong dinalaw ng kaba para lamang sa araw na ito. Ayokong biguin si lola dahil tulad ng sinabi ko sa kaniyan noong nakaraan ay gusto ko na siyang patigilin sa pagtitinda sa palengke. Ayaw ko na kasi siyang napapagod. Noong huling check-up sa kaniya ng doktor sa bayan, sinabi nito sa 'min na masamang napapagod si lola dahil baka raw bigla nalang itong mahimatay. Natatakot ako na mangyari 'yon kaya hangga't maaari, nakiusap ako sa ilang kapitbahay namin na kasama ni lola sa pagtitinda sa palengke na tingnan tingnan ito. Hindi kasi ako makasama kay lola sa pagtitinda dahil marami rin akong ginagawa. Nangingisda ako sa umaga, sa hapon naman ay sumasama ako sa kina Sela at Kuya Sergio na mag ani ng prutas at gulay sa taniman nila. Pero minsan lang 'yon, kumpleto na kasi sila sa tauhan kaya hindi na ako kailangan doon. Naghahanap nalang ako ng ibang pagkakakitaan minsan. Napabuntong hininga ako bago lumabas ng kwarto dala ang envelope na naglalaman ng ilang papeles tungkol sa akin. Ang mga papeles na ito ang requirements doon sa in-apply-an naming trabaho. Sa sala, nadatnan ko roon sina Sela at Ophelia kasama ang iba pa naming ka-edad na kapitbahay. Dalawang lalaki at isa pang babae. 'Yung isang lalaki ay nobyo ni Ophelia. Kung gano'n mag aapply rin pala ng nobyo niya? Ang alam ko kasi ay arkitek sa bayan ang tatay nitong nobyo ni Ophelia. Hindi ko na lamang iyon inisip pa. Wala naman ako sa lugar upang pakialaman sila. Lahat sila'y mukhang disenteng tingnan hawak ang kani-kanilang envelope. "Hoy! Ang tagal mong mag-ayos ha! Ano, handa kana ba, Era?" bungad sa 'kin ni Sela. Tumayo ito at binigyan ako ng isang pilyong ngiti. Ang ayos niyang tingnan ngayon sa suot niyang white na collar blouse at black na slacks na tinernuhan ng itim na heels. Nakapuyod ang katamtamang haba ng itim na buhok nito at naka make-up din siya. Tumango ako. "Oo, ilang gabi akong hindi pinatulog ng interview na 'to, 'no. Kinakabahan talaga ako." serysong sabi ko. Ito ang unang beses na mag-aapply ako bilang crew kaya naman talagang kinakabahan ako. "Hoy, ako rin kinakabahan!" lumapit si Ophelia sa 'min at nakigulo na rin. Sumunod naman ang nobyo nito. Pagkarating namin sa dalampasigan, natanaw ko roon ang papa ni Sela, si Tito Samuel. Siya ang maghahatid sa'min patungo sa kabilang Isla. Sasakay kami ngayon malaking bangka upang maging ligtas ang biyahe dahil anim kami. Sa gitna ng biyahe ay hindi maitago ang kaba ko. Nagawa ko pang lingunin ang Isla Lefevre habang naglalayag kami palayo roon. Tanaw na tanaw ko ang nakakandado naming bahay. Naka schedule ang pagtitinda ni lola ngayon sa palengke kaya naman mamaya pa ang uwi nito. "Era, alam mo ba--" "Hindi ko pa alam." pabirong putol ko sa sinasabi ni Sela. Inirapan niya ako at nagpatuloy sa pagsasalita habang nasa biyahe kami. "Alam mo ba, 'yung may ari daw ng hotel resort sa kabilang isla ay talagang mayaman at kilalang tao. Ang alam ko kumikita sila ng milyon-milyong halaga sa lahat ng hotel nila sa buong Pilipinas! Kaya nga hindi na ako magtataka kung malaki silang magpasahod. Sana matanggap tayo, ano?" "Matatanggap tayo.. Sigurado ako riyan.." matapang na sagot ko. Kahit na medyo kinakabahan ako para mamaya, gagawin ko pa rin ang lahat ng makakaya ko upang matanggap ako roon. Hindi ko pwedeng biguin si lola. "Sela! Ako rin may chika," sawsaw ni Ophelia sa usapan naming dalawa ni Sela. "Ang sabi sa 'kin ng tatay nitong si Thadeo, ang ganda raw ng lahi ng pamilyang may ari ng lugar na 'yon. Parang may dugo silang french ata, ewan ko lang din." Napailing-iling naman si Sela. "Naku naman 'tong si Ophelia, makakalat na lang chismis hindi pa sigurado." Natawa naman ako sa naging reaksiyon na 'yon ni Sela. Binalingan ko si Ophelia. "Paano mo naman nasabi, Pheng?" Napakamot ito sa ulo niya. "E, kasi ang gaganda at ang gu-gwapo nila! Nakita na namin sila ni Thadeo noong isang araw sa bayan! Grabe lang, kahit medyo matanda 'yung mga magulang ang ganda at gwapo pa rin! Pati 'yung dalawa nilang anak. 'Yung lalaking anak, gwapo at mukhang mabait. 'Yung babae naman, ang kinis! Mukhang artistahin kaso ang sungit kung tumingin!" Nagtawanan na lamang kami dahil sa naging paglalarawan ni Ophelia tungkol sa pamilyang may ari ng Hotel Resort na 'yon. Makalipas ang isang oras ay narating na rin kami sa karatig isla. Ang Isla Alvarado. Mas malaki at matao rito kaysa sa Isla Lefevre. Ito siguro ang dahilan kung bakit dito nila itinayo ang business nila. Sa lahat ng isla dito sa Está Caliente, ang Isla Alvarado ang madalas na madami tao na taga siyudad. "Sana totoo iyong sinabi ni Pheng tungkol doon sa lalaking anak ano?" bulong sa 'kin ni Sela habang naglalakad kami sa dalampasigan. Nahuhuli kami, ang iba ay nasa unahan namin. Natawa naman ako at medyo napakunot ang noo sa sinabi niya. "Bakit naman?" "Gusto ko nang magka-jowa, e. Gano'n ang mga tipo ko, 'yung mabait tapos mayaman. Gusto ko talagang makapag-asawa ng mayaman." humagikhik si Sela na parang sira kaya natawa nalang ako sa kaniya.  Wala naman masama sa sinabi niya, normal lang 'yon para sa 'ming mga babae na lumaki sa hirap. Marami akong kilalang tao sa 'min na pangarap rin makapag-asawa ng mayaman o kaya naman ay ang lumuwas sa Maynila upang doon maghanap. Pero ako, hindi gano'n ang pananaw ko. Ayokong mag-asawa ng mayaman at umasa sa pera niya. Mas gusto kong maghirap na i-angat ang sarili kung nasaan man ako ngayon. Gusto kong magsikap upang maging mayaman rin ako. Hindi ako nawawalan ng pag-asa tungkol sa pangarap kong iyon. Alam kong matutupad iyon kung magsisikap ako. Para narin kay Lola.. "Nandito na tayo.." sambit ni Thadeo. Isa-isa kaming bumaba sa sinakyan naming trycicle upang mapagmasdan ang establisyimentong nasa harapan namin. Nasa harap namin ang isang napakaganda at magarbong Hotel. Mukhang itong mamahalin kung titingnan dahil gawa ito sa bakal at ang mga dingding nito ay salamin. Marmol ang sahig at sobrang nakakahalina ang itsura ng lugar. "Grabe... ang ganda! Mayaman nga!" bulalas ni Ophelia. Sabay sabay kaming pumasok doon. Hinarang kami ng guard ngunit nang malamang mag-aapply kami ay pinatuloy rin naman kami. Sa bulwagan, isang babae na sa tingin ko'y nasa singkwenta na ang sumalubong sa 'min. Nakasuot ito ng knee-length white skirt at itim na blouse. May suot din siyang itim na heels at kaunting alahas. Naka mababang puyod ang buhok niya at may ribbon pa iyon. Hindi kaya ang suot niya ay ang uniporme dito sa hotel? Napatingin ako sa paligid at napansin ko na isa isa na palang nagsisidatingan ang mga taong sa tingin ko'y balak ring mag-apply. Nanlaki pa ang mga mata ko nang mapagtanto kung gaano sila karami. Parang bigla ko tuloy naisip ang posiblidad na baka hindi ako matanggap. Sa dami baga namin, e. Tanging pagdarasal nalang ang nagawa ko. "Welcome to Hotel de Louviere! Mukhang kumpleto na kayong lahat.. Hindi ko inaasahan na ganito karami." nakangiting wika nito sa 'min. Pinagdaop niya ang palad niya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Ako nga pala si Caroline Espenueva. Bukod sa  Owner ng lugar na 'to, isa rin ako sa namamahalasa buong Hotel. I'm the right hand and the head manager of this place. You call me Ma'am Carol or Mrs. Espenueva." isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi nito. Nagulat naman ako nang bangitin niya ang pangalan ng lugar na 'to. Gano'n pala ang basa doon. Pakiramdam ko antanga ko kanina habang binibigkas iyon sa utak ko. Pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar at kakaunting tao pa lamang nandito, marahil ay kakabukas lamang nito kaya ganito. "Sumunod kayo sa 'kin. Ihahatid ko na kayo kwartong pag i-interview-han sa inyo. Dala niyo naman siguro ang lahat ng requirements, hindi ba?" Tumango kaming lahat. "Kung gano'n, pumila na kayo at sumunod sa 'kin." huling salitang sinabi nito bago kami talikuran at magsimulang maglakad. Kaya ng sinabi niya, inihatid niya kami sa lugar na pag i-interview-han sa 'min. Dahil marami kami, mukhang matatagalan pa bago kami matapos. Nakaupo ako ngayon sa monoblock chair habang iniisip ang mga posibleng itanong sa interview. Gaya ng ginagawa ko, gano'n ang ginagawa ng mga kasamahan ko. Halatang kinakabahan sila. Pinalis ko ang kaba sa dibdib ko at nagfocus na lamang sa mga pwedeng itanong sa interview, syempre nag-isip na rin ako ng mga pwede kong i-sagot. 'Yung sagot na pangmalakasan. Haha. Ang tagal kong pinaghandaan ang araw na ito kaya naman hindi ako pwede mabigo! Matapos ang dalawang oras, gulat akong napatayo nang marinig ko ang pangalan ko mula sa loob ng silid. "Miss Emerald Guercio?" "Present!" sagot ko. "Please, get inside." Sumunod naman ako sa sinabi niya. Naglakad na ako papunta sa pintuan pero nilingon ko muna ang mga kasamahan ko bago ako tuluyang pumasok sa loob. Nag-okay lamang sila sa 'kin at ngumiti kaya pumasok na ako. Malamig na hangin mula sa aircon ang sumalubong sa 'kin. Pinaupo ako ng interviewer sa kaharap niyang silya na mabilis ko namang sinunod. Babae ang interviewer at mukhang maedad siya sa akin. Nineteen ako at kung tatantiyahin ko ang kaniya edad, sa tingin ko nasa twenty-eight pataas na siya. I'm not sure. Maganda kasi siya at iilan lang ang wrinkles. Nakasuot siya ng pang office attire, blouse, blazer, slacks and heels. Naka ponytail din ang buhok niya at may suot siyang reading glasses. Ngumiti siya sa 'kin habang inilalahad ang mga papel na gagamitin niya para sa interview. "Let's start?" aniya niya. "By the way, I'm Draciella Marquez. Tawagin mo nalang akong Miss Darcy." she smiled and fixed her reading glasses. Kinakabahan naman akong napatango. Sa ilalim ng lamesa ay hindi mapakali ang mga daliri ko. "Okay, hmm.." hawak nito ang resume ko at marahan 'yong sinusuri. Medyo nahiya tuloy ako sa mga inilagay ko roon. May inilagay kasi ako sa objectives na trust worthy ako, multi-tasker at kung ano ano pang bagay. Si Sela rin ay gano'ng inilagay sa resume niya. Ibinaba niya ang resume ko at serysong tumitig sa 'kin. "So, your name is.. Emerald Guercio.. 19 years old.. Lives in Isla Lefevre.. And an orphan?" nagtaas siya ng kilay at nangalumbaba. Siguro ay nagulat siya sa impormasyong inilagay ko roon. Si lola lang kasi ang inilagay kong guardian doon. Hindi ko naman kasi alam ang tunay na pangalan ng mga magulang ko. Kahit si lola ay hindi rin alam. Tumango ako at tipid na ngumiti. "Yes, Ma'am.. But I'm with my lola. Siya lang po ang pamilya ko." "Oh." nagulat siya sa sagot ko. "Uhm, sorry to ask this but.. may I know what happened to your parents? Are they also a local in Isla Lefevre? Well, you look like a half-blood lady.. Parang may dugo kang spanish dahil sa itsura mo." Napalunok nalang ako. Marami talaga ang nagsasabi sa akin na mukha akong banyaga. Hangga't maaari ay ayokong napag-uusapan ang tungkol sa tunay kong mga magulang pero kung kailangan para matanggap ako rito ay sige. Baka sakaling makuha ko ang loob ng interviewer at ipasa niya ako. "No, they aren't.." matapang kong sagot. "Ang totoo po kasi niyan.. Hindi ko sila kilala. Hindi ko alam kung sino ang mga magulang ko. Lumaki po ako nang walang magulang bukod sa Lola ko.." pahayag ko. Sinabi ko na lang totoo, tutal may nakalagay na honest at trust worthy sa resume ko. Malungkot naman itong tumitig sa 'kin. "Sorry to hear that.. Uhm, let's proceed." umayos ito ng upo at binalingan ulit ang resume ko. Kumunot ng bahagya ang kaniyang noo. "Tell me something about yourself.." Matapos ang ilang minutong interview lumabas na ako ng silid. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa wakas ay tapos na. Nairaos ko na ang interview. Kampante naman ako dahil maayos ko naman nasagot ang lahat ng tanong sa 'kin ng interviewer. Medyo magaan nga ang loob ko sa kaniya dahil sa naging pakikitungo niya sa 'kin. Mabait siya at masasabi ko na magaan siyang kausap. May bagay nga rin kaming pinagtawanan habang ini-interview niya ako. Hindi ko alam kung masyado siyang friendly o gano'n talaga dapat ang ugali ng mga interviewer. I don't mind. Ang importante ngayon ay tapos na. Sana matanggap ako. _________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD