Kabanata 13
Care
Hindi ko lubos maisip kung paano ko pa pipigilan ang nararamdaman kong pagkagusto kay Eli. Sa nagdaang panahon, parang mas lalo kaming napapalapit sa isa't-isa. Noong una palang naman ay mabait na siya, pero may kakaiba sa mga ikinikilos niya ngayon.
Noong umuwi ako kagabi, hindi ako sigurado kung talagang nag-aalala siya sa akin o iniisip lang niyang may utang na loob siya sa akin kaya niya ako pinag-sisilbihan. Pagkapasok ko pa lamang ay sinalubong niya na ako at kinuha ang bag ko.
"Hi, how's your day?" he asked.
Natulala ako at hindi kaagad nakasagot. Napatingin ako sa buhok niya at napansing mamasa-masa pa iyon. Mukhang kakaligo niya lang. Pasimple ko siyang inamoy ngunit tumigil din nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa. Nag-init ang pisngi ko at agad na nag-iwas ng tingin. Nakakahiya!
"Uh, a-ayos lang. Si Lola?"
"Nasa kusina na. Kakatapos ko lang magluto ng dinner. Are you hungry?" inayos niya ang magulang buhok bago tinitigan ng seryoso ang mukha ko.
Napalunok tuloy ako at napaatras ng kaunti dahil klase ng titig niyang iyon. "B-bakit?"
"You look.. tired, Era." he let out a heavy sigh. Nagulang ako ng i-angat niya ang kamay niya at haplusin ang buhok ko. "Sorry for being a burden..."
I was stunned. Hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata kaya napukol ang atensiyon ko sa labi niya. Napasinghap ako nang dilaan niya iyon!
Naligo muna ako bago pumanhik sa kusina. Mabilisang ligo lang dahil inaantay na nila ako para kumain. Sinabi ko naman na ayos lang kahit mauna nasila ngunit ayaw naman nila. Ipinatong ko ang suklay sa ibabaw ng drawer at lumabas na ng kwarto ko. Nakasuot lamang ako ng puting cotton short at orange na t-shirt. Syempre naglagay ako ng liptint kahit kaunti lang. Simula nang dumating rito si Eli ay palagi na akong nako-consious sa itsura ko. Nakaliptint at pulbo pa ako kahit nasa bahay lang, Ugh!
Paglabas ko, binati kaagad ako ni Lola at mahigpit na niyakap. Nang magsimula ang trabaho ko sa Hotel ay hindi na kami masyadong nakakapag-bonding nitong si Lola. Ang lahat ng orask ko ay napupunta sa pagtatrabaho. 'Di bale na, pag-sweldo ko nama'y hindi na ako mahihirapan. Marami akong gustong bilhin para sa bahay.
Napabuntong hininga na lamang ako bago tumayo at lumabas ng simbahan. Linggo ngayon at kakatapos lamang ng misa. Nagpaalam ako sa ka-close kong madre doon at lumabas na. Kahit na pagod ako ng ilang araw at nanakit ang likuran ko sa bigat ng trabaho sa Hotel ay pinilit ko pa rin gumising ng maaga ngayon para makapag-simba. Hindi si Lola sumama sa akin dahil nakapagsimba na siya kahapon kasama pa raw si Eli.
My white dress and straw hat were gently blown by the fresh breeze when I came out. From where I stood the plaza and the children playing there were clearly visible. Sa 'di kalayuan, naroon ang tiangge at ang kalsadang daanan kung saan maraming trycicle ang nakaparada.
Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa ATM machine para makapag-widraw ng kaunting pera. Limang daan lang ang kinuha ko dahil siguradong pagagalitan ako ni Lola kapag nalaman niyang ginagalaw ko ang perang inipon namin para sa akin sa bangko. Hindi naman ganoon kalaki ang laman ngunit magagamit na rin kung sakaling sa Maynila ako mag-aaral.
"Gagalawin mo lamang ang perang iyon kapag wala na ako, Era. O kaya naman kapag kailangan sa pag-aaral. Alam mo naman, gusto kong sa Maynila ka makapagtapos kahit na ayaw mo..."
"Bakit ba gusto niyong doon ako mag-kolehiyo, Lola? Maganda naman po sa Eatern College, ah?" nagugulang tanong ko.
Bakasyon at kaka-graduate ko lamang ng highschool. Kapag napag-uusapan ang school ay doon talaga napupunta ang usapan. Ang pag-aaral ko sa Maynila. Hindi ko maintindihan si Lola. Ayaw niya sa mga taga-Maynila ngunit gusto niyang doon ako mag-aral.
"Maganda nga, Apo. Pero mas maraming oportunidad ang mayroon sa Maynila. Malay mo, makita mo roon ang tunay mong--"
"Iyan ba ang oportunidad na tinutukoy niyo, La?" napailing ako. "Hindi sila gustong makita."
Hinawakan ni Lola ang kamay kong nakapatong sa lamesa at pinisil iyon. Ang mukha niya ay seryosong nakapukol sa akin. Sa tingin pa lang na iyan ni Lola'y alam ko na kung ano ang naglalaro sa isipan niya.
I let out a heavy sigh. Ini-angat ko ang isa kong kamay upang hawakan rin ang kamay ni Lola na nakahawak sa isa kong kamay. "Lola.. Hindi pa po ako handa."
"Kailan ka magiging handa apo? Nasa wastong edad ka na naman. Labing-anim na taong gulang kana."
"Sa tingin niyo po ba hinahanap pa nila ako? Paano kung hindi pala. E, 'di sayang lang po ang oras na gugululin ko sa paghahanap sa kanila."
"Kung hindi man. Wala naman siguong masama kung makilala ka nila. Kung hindi ka nila tatanggapin, ako palagi kitang tatanggapin ng buong-buo, Apo."
Nag-iyakan kami ni Lola at nagyakapan nang gabing iyon habang naghahapunan. Dahil sa hirap ng buhay at sa kadahilang ayaw kong iwan si Lola, nagpasiya akong sa Eastern pa rin mag-kolehiyo. Kinuha ko ang kursong Industrial Technology habang sina Sela at Ophelia naman Business Ad.
Pagkakuha ko ng pera, dumiretso ako sa palengke. Namili ako ng kaunting gulay at prutas para kay Lola. Bumili rin ng sabong panlaba at bathroom essentials. Pumunta ako sa tindera at binayaran ang lahat ng iyon. Napangiwi ako nang kaunti nalang ang matira.
Nagkibit ako ng balikat at nagpasiyang umalis na ngunit hindi pa man ako nagkaka-hakbang ay nagsalita iyong tindera.
"Hija, ikaw ba iyong may kasama gwapong lalaki noong nakaraan?" naninigkit ang mga mata nitong tanong sa akin.
Humarap naman ako sa dahan-dahang tumango. "Opo. Bakit po?"
Ngumiti ito na para bang nagustuhan ang sinabi ko. Tumango-tango ito bago nagsalita. "Sabi ko na, e. Medyo makakalimutin na kasi ako at matanda na. Apo ka ni Matilda, hindi ba?"
Tumango ako ulit. Naguguluhan kung ano nga ba talaga ang gusto niyang sabihin sa akin.
"Ah, taga dulong baryo pala kayo. Iyong malapit sa dalampasigan... Ah, e. Kahapon kasi may napadaang magandang babae rito sa tindahan ko.. May hinahanap siyang tao. Sinabi niya iyong pangalan sa akin ngunit hindi ko naman iyon kilala kaya pinakitaan niya ako ng litrato... 'Iyong taong nasa litatong ipinakita niya ay medyo nahahawig doon sa lalaking kasama mo, e..."
Nanuyo ang lalamunan ko at parang may nagbara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang dapat na sabihin. Sari-saring tanong ang naglalaro ngayon sa isipan ko.
Sino ang babae nagpunta rito? Totoo bang kamukha ni Eli iyong nasa litrato?
Diretso ang paningin ko sa daanan habang naglalakad ako papunta sa paradahan ng trycicle. Iniisp ko pa rin iyong napag-usapan namin ng tindera kanina sa palengke. Totoo kaya ang sinasabi niya? At bakit naman hindi magiging totoo iyon?
Sa sobrang pag-iisip ko'y ngayon ko lamang napagtanto na nasa harap ko pala ang isang pamilya na tao.
"M-Miss Darcy?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Masigla naman itong ngumiti. "Hello! Kamusta? Namalengke ka?" tanong niya sabay sulyaw sa bayong plastic na bitbit ko.
Nahihiya akong tumango. "Ah, ayos lang. Opo, n-namalengke."
Humagikhik ito at tumango. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo kanina, ah? Ilang beses na kita tinawag."
"Ah." yumuko ako. "Pasensiya na, Miss--"
"Ano ka ba, okay lang 'yon!" she chuckled. "Pauwi kana ba? Baka gusto mong sumama muna sa akin?"
"S-saan po?"
"Breakfast lang." she smiled.
Hindi na ako nakatanggi nang hilahin niya ang kamay ko at igiya paalis doon sa paradaan ng trycicle. Tumigil siya sa harap ng isang old coffee shop at pumasok kami roon. Binati kami ng mga emplayado roon. Nang makaupo kami'y agad na lumapit ang waiter upang kuhanin ang order namin.
Miss Darcy smiled and placed her purse on the table. "What do you want, Era?"Ngumiti ako pabalik at naiilang nagsalita. Hindi ko alam kung bakit sobrang friendly nitong Miss Darcy pagadating sa akin. O baka ganito lang talaga siya?
"Kahit t-tubig nalang po--"
She laughed. "Ano ka ba, Era. Don't worry, my treat." sabi niya bago binalingan ang waiter na kanina pa sa gilid namin. "The usual, please. Gano'n nalang din sa kaniya."
Tumango ang waiter at umalis na. Nang makaalis na ito'y nahihiya akong ngumiti kay Miss Darcy. "Uhm.. Bayaran ko nalang Miss kapag sumweldo na ako sa Hotel."
Imbis na sumang-ayon sa sinabi ko'y, tumawa ulit siya. Umiiling-iling siya bago sumimsim sa tubig na nasa harapan namin. "No, that's fine. You do not have to pay me. Also, don't be ashamed of me, Era. You can call me Ate when we are not at work. Mabuti nga at nakita rito. Ayoko kasing kumain mag-isa."
"Bakit naman po? Mga kaibigan niyo po nasaan?"
"I have no friends here, all of them are in Manila. I also work there until I'm assigned here." inayos niya ang buhok niya at umayos siya ng upo.
Kahit na kanina pa siya casual na nakikipag-usap sa akin ay parang hindi pa rin nag-si-sink-in sa akin. Hindi ako makapaniwalang inaya akong mag-breakfast ng isa mga boss ko sa Hotel. Dumating na ang waiter at s-in-erve na ang aming order. Kahit na naroon pa ang waiter ay walang tigil sa pagsasalita si Miss Darcy tungkol sa trabaho niya rito at sa Maynila. Marami siyang nabanggit na hindi inaasahang ibabahagi niya sa akin. Naisip ko tuloy, baka kumportable lamang siyang kausap ako since wala siyang kaibigan dito at nasa Maynila lahat. Nang wala na siyang mai-kwento ay napunta naman sa akin ang usapan. Wala akong nagawa kundi mag-bahagi rin.
"What? You're living here all you life? Have you ever thought of about going to Manila and look for your parents? Gosh, I can't imagine that! Hindi ko maisip na hahayaan ka nilang mapunta sa isang bangka at pabayaang tangayin na lamang ng alon papunta sa kung saan! They must have a good reason why they did this to you!" hindi makapaniwalang sambit ni Miss Darcy. Ang pagkakahawak niya sa kuryertos ay mas lalo humigpit dahil sa nai-kwento ko.
Ngumiti ako at umiling. "Ayoko pong pumunta ng Maynila. Ayos na ako rito kasama si Lola. At isa pa hindi ko alam kung paano sisimulan kung susubukan ko silang hanapin..."
"Even so! Wait, I can help you!"
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang determinasyon sa mga mata ni Miss Darcy. Hindi ko alam kung bakit ang bait niya sa akin. Hindi naman ako mabilis magtiwala sa mga tao ngunit nararamdaman ko naman na wala siyang masamang intensiyon.
"Huwag na Miss Darcy. Okay lang naman po ako." binalingon ko ng atensiyon ang pagkain ko at sinubukan kong ipagpatuloy ang pagkain.
"Are you sure? W-well, I can really help you. May kilala akong private investigator..." parang nag-aalangan pa siyang sabihin iyon sa akin. "Huwag mo sanang pag-isipan ng masama ito. I'm just curious about you. Unang kita ko palang sa 'yo nagulat na ako dahil kamukha mo iyong kakilala ko sa Maynila."
Hindi na ako nagsalita pa. Hindi na rin naman ako pinilit ni Miss Darcy kahit gaano niya ako kagustong tulungan. Okay, ginagawa niya ito dahil lamang sa kuryosidad. Dapat pala hindi ko na lang kinwento sa kaniya ang tungkol sa akin.
"Salamat po sa paghatid," nagbayad ako sa trycicle driver at bumaba na.
I was greeted by a strong wind blowing from the sea. Ang sikat ng araw ay hindi ganoon kasakit sa balat kaya nasi-siguro kong magta-tanghali pa lamang. At sea, I saw some of our neighbor's young children swimming and and having fun. I walked on the grass until the path I was treading turned into white sand.
Nadaanan ko si Lola Tilda kina Sela at mukhang nagbabaraha sila. Hinayaan ko nalang si Lola. Pinatigil ko na siya sa pagtitinda kaya naman wala na siyang iba pang mapaglilibangan.
Pagkarating ko sa bakuran ng bahay, nagulat ako nang makita ko roon si Eli. Tanging itim na short lamang ang suot, walang pang-itaas. Nakatalikod siya gawi ko kaya naman malaya kong napagmamasdan ang hubog nang katawan niya. He was busy combing a familiar brown horse. A few grains of sweat on her back made her even more sexy. He ran his fingers through the hair before placing the horse's comb on the small table. He grabbed a towel to wipe his face and neck.
Hindi ko maiwasang kagatin ang ibabang labi ko lalo na nang umigting ang mga muscle niya sa braso niya. Napalunok ako. Natigil lang ako sa pag-iisip nang may dalawang kapit bahay na babae sa gilid ko ang maghagikhikan. Napakunot ang noo ko nang mapagtantong humahagikhik sila habang pinagmamasdan si Eli!
Hindi na ako nagdalawang isip pa't nilapitan ko na si Eli. Tumunog ang malulutong na dahong naapakan ko dahilan ng pagbaling niya sa akin. Napatigil ako sa paglapit sa kaniya nang sumilay ang isang ngisi sa kaniya mga labi.
"Oh, you're back.." bungad niya. Ang kaninang ngisi ay napalitan ng matalim na titig. "Where have you been, by the way? Ang aga mong umalis."
Uminit ang pisngi ko nang biglang siyang ngumuso. "S-sa bayan lang."
His brows shot up. He glanced at what I was carrying before speaking. "Anong ginawa mo.. bukod sa namalengke ka?"
"Nagsimba ako. Okay na? Pumasok na tayo sa loob." medyo iritang sambit ko nang mapansing naroon pa rin pala ang dalawang babaeng nanonood kay Eli!
Hindi naman siya tumanggi. Sumunod siya sa akin sa loob. Bago siya sumunod ay inayos niya muna ang kabayo.
Dumiretso ako sa kusina para uminom. Ipinatong ko na rin ang mga binili ko sa lamesa. Pagkasalin ko ng tubig sa pitchel ang biglang pagdating ni Eli. Nakadamit na siya ngayon. Bigla akong nairita. Bakit kanina nakahubad siya sa harap ng dalawang babaeng iyon? Tapos pagdating sa akin... Uh nevermind!
"Anong ginagawa mo sa labas?" bungad ko sa kaniya. Ibinalik ko ang pitsel sa ref at inilagay naman ang baso sa sink.
"Uhm, nagsusuklay ng kabayo?" inosenteng tanong niya.
"Alam ko. Pero bakit? At kaninong kabayo iyon? Hindi ko alam na marunong ka pala noon."
He licked his lower lip and smiled. "Kay Mang Bernard. I just found out that I know. I also know how to maneuver it. Do you want to ride?"
Tumikhim ako at hindi makapaniwalang siyang tinitigan. "Ayoko. Bakit ka nga kasi nagsusuklay ng kabayo, ha? Inip na inip kana at wala kang magawa?"
"Sorf of..." he smiled. "Pero may kapalit iyon."
Tumaas ang isang kilay ko. Hinihintay ang kasunod niyang sasabihin.
"Mang Bernard will pay me later for taking care of his horse." he winked at me. "I will give you that money."
I was about to say something ngunit pumirmi ang dila ko sa mabilisan niyang paglapit sa akin. He placed both of his hands on my shoulders and stared at me seriously. I immediately looked away.
"Era, pasensiya kana. I'm being a burden here--"
"Hindi ka pabigat! Ano ba, Eli?" singhal ko. Umirap ako at iniwas ang sarili ko sa kaniya.
Umigiting ang kaniyang panga bago siya nagsalita. "But I know you're tired. Alam kong nagtratrabaho ka ng maigi para may maipang-gastos dito. Alam kong gumigising ka ng maaga para mangisda at hindi mo ako isinasama."
"At bakit kita isasama, huh?"
"I want to look after you. Gusto kitang bantayan." he whispered while seriously looking at me.
Natawa naman ako ng bahagya. Kumunot ang noo ko at irita siyang tinitigan. "A-At bakit?! Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Kaya ko ang sarili ko."
"Hindi mo kaya.." mariing giit niya.
Sinalubong ko naman ang madilim niyang mga mata. "Kaya ko. Wala ka pa rito kinakaya ko na ang lahat ng mag-isa. Kaya pwede ba? Huwag umarte na nag-aalala ka kasi alam kong ginagawa mo lang ito dahil sa utang loob mo sa amin! Bakit hindi mo nalang kasi piliting alalahanin ang memorya mo nang sa gano'n makaalis kana rito!"
"Kung ang pagbalik ng memorya ko ay ang pag-alis ko naman sa tabi mo, huwag na lang. Pipiliin kong huwag nalang maalala ang lahat!"
I was startled by his shout. My eyes immediately warmed up and blurred but I still tried to look at his dark eyes. His blood shot eyes darted on me.
Pinilis ko ang mga luha ko at kinagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang anumang paghikbi. "B-bakit ba kasi, Eli? Bakit ba a-ayaw mo?"
Ang galit niyang mga mata ay unti-unting kumalma. Paulit-ulit na umigting ang kaniyang panga bago siya nagpasiyang aluin ako sa pamamagitan ng pagyakap sa akin. He gently caressed my hair with his strong hand.
"If it's not obvious yet.. Then it's because I care for you... I care a lot, Era... I want to stay here with you. Even thought I feel like you are pushing me away... " he whispered.
___________