Kabanata 14
Buts
He cares for me... I should be happy, right? Pero bakit hindi ko magawang ngumiti? Bakit hindi ako masaya?
"Ah, taga dulong baryo pala kayo. Iyong malapit sa dalampasigan... Ah, e. Kahapon kasi may napadaang magandang babae rito sa tindahan ko.. May hinahanap siyang tao. Sinabi niya iyong pangalan sa akin ngunit hindi ko naman iyon kilala kaya pinakitaan niya ako ng litrato... 'Iyong taong nasa litatong ipinakita niya ay medyo nahahawig doon sa lalaking kasama mo, e..."
"You are actually look familiar.. I think... I've seen you somewhere in Manila months ago."Those voices echoed in my head. Pinapaalala sa akin kung ang bagay na dapat na gawin. At ang dahilan kung bakit hindi ako masaya...
Pinilit kong alisin iyon sa isip ko. Nasa trabaho ako at kailangan kong mag-focus rito. Pangalawang linggo na namin dito at masasabi kong medyo gamay ko na ang mga gawain. Noong nakaraang linggo ay nakilala na namin ang may-ari ng Hotel na ito dahil umuwi sila. Tulad ng sabi ni Ophelia, stikto nga ang mag-asawa. Nagpapasalamat nalang ako at wala akong nagawang kamalian sa harap nila. Tatlong araw lamang ata silang nagtagal dito pagkatapos ay bumalik din sa Maynila. Ang hirap sigurong maging mayamang business man. Palipat-lipat ng lugar.
Tinapos ko ang pagpupunas ng tray na hinugasan at binuhat na ang mga iyon para sana ilagay sa tamang lalagyanan nang may biglang pumigil sa akin.
"Ako na, Era. Mabigat pa naman 'to." si Renz. Waiter rin ang trabaho niya sa Hotel na ito.Sa dalawang linggo namin dito'y unti-unting na naming nakilala ang iba pang empleyado rito. Mababait naman sila.
"Salamat pero kaya ko na 'yan, Renz."
Umiling ito inunahan na ako sa pagbuhat ng mga tray. "Ako na rito. Bumalik na roon sa labas at mukhang maraming tao."
Ngumiti ako tumango na lamang. Lumabas na ako ng kitchen at bumalik sa pag-se-serve sa mga customer. Tanghaling tapat pa lamang ngunit dagsa na ang mga taong kumakain rito sa Sea Side. Ang ilan ay foreigner pa. Suot ang kanilang beach ware ay masayang kumakain ang mga kasama nila. Tinanaw ko ang karagatan sa labas. Halos lahat ng sun lounger doon ay ginagamit. Napaka-rami ring tao ang lumalangoy roon.
"Gagawin ko rin 'yan, balang-araw."
Napalingon ako kay Sela nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko. Tulad ko nakatingin rin siya roon sa mga mayayamang tao na prenteng nakaupo sa sun lounger habang umiinom ng wine."Ang alin? Ang magbakasyon at gumastos?"
"Oo. Maghahanap ako ng 4M." natatawa niyang sambit.
Napataas ang isang kilay ko. Ang kwentuhan namin ay palihim lamang since nasa trabaho pa kami. "Anong 4M? 4 million? Saan ka naman makakahanap noon?"
Mas lalo siyang natawa nang makita ang reaksiyon ko. "4M. Matandang Mayamang Mabilis Mamamatay!"
Halos mahampas ko si Sela dahil sa sinabi niya. Napangiwi ako at napailing nalang. "Kung anu-anong naiisip mo."
"Joke lang, loko ka!"
Hindi ko na siya sinagot at nakangiti ko nalang na pinuntahan iyong customer na nagtatawag ng waiter. Nagrequest ito ng wine kaya pumunta ako sa counter upang kumuha ng isang bote at mga wine glass.
Nakasalubong ko pa roon si Dianne. As usual, walang emosiyong nilampasan niya ako dala ang isang tray ng pagkain. Hindi ko alam kung ano ba talagang problema ni Dianne. Simula nang magkalabuan sila ng boyfriend niya'y naging ganiyan na ang trato niya sa grupo namin nila Sela. Close kami ng boyfriend niyang si Luke kaya baka iyon ang dahilan kung bakit ganito siya makitungo sa akin. Wala naman akong ginagawang masama kaya hindi ko nalang siya pinapakialaman. Unless, kausapin niya ako tungkol sa bagay na iyon.
Pagdating ng hapon, nasa Hotel na kami ni Sela. Habang si Ophelia naman ang nasa Dinner Crave. Nakatayo lamang kami at naghihintay na mag-utos ang isang customer na naroon o kaya nama'y salubungin ang paparating. Tanging ang mga maliliit na usapan lamang ang naririnig namin ni Sela galing sa mga mayayamang taong kumakain rito. Lahat sila'y formal ang suot at kalat ang alahas sa katawan.
Napasinghap ako nang biglang mag-angat ng kamay iyong isang customer na nasa dulo. Ako lang ang wala pang inaasikasong customer kaya ako na ang lumapit roon.
"Yes, S-sir?" tanong ko.
Nakasuot ang lalaking ito ng suit and tie. Prenteng nakaupo sa couch, mag-isa. Gwapo naman siya at sa tingin ko'y matanda lamang sa akin ng ilang taon. Nagulat ako nang tanggalin niya ang suot niyang shades at ilapag iyon babasaging lamesa. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago siya ngumisi.
"Bago ka ba rito?" taas kilay na tanong nito.
Nag-aalalangan akong tumango. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang itanong iyon. Hindi ba't o-order siya kaya niya ako tinawag?
"I guess so, ngayon lang kita nakita rito, hm.." he licked his lower lip.
Parang bigla akong napa-atras nang makitang sinulyapan niya ang dibdib ko! "W-what do you need, Sir?" kinakabahang sambit ko. Bakit ba ako kinakabahan? Hindi naman niya ako magagawan ng masama dahil restaurant naman ito at hindi bar!
Umayos ito ng upo at pinasalikop ang mga kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Give me some wine."
"A-anything else, Sir?"
"Nothing. Mukhang hindi ka naman kasi pwede." ngumuso ito.
Parang may naghahabulang kung ano sa dibdib ko nang makapanhik ako sa may counter upang kuhanin ang order ng customer na iyon. Sa sobrang kaba ko'y parang gusto ko nalang na si Sela ang maghatid ng wine. Ang kaso nga lang ay busy rin siya.
"Oh, ayos kalang, Era?"
Tumango ako sa nasa counter na si Ate Venus. Siya ang nagpe-prepare ng mga order minsan. "O-opo."
"Namumutla ka, ah." sambit niya bago ibinigay sa akin ang tray na may nakapatong isang glass wine.
Umiling ako at ngumiti. Kumuha ako ng isang bote ng wine at inilagay na rin iyon sa tray. "Ayos lang po ako. Medyo hindi ko lang po gusto iyong customer sa dulo."
"Sino diyan?"
Pasimple ko namang itinuro iyong lalaki. Nakagilid ito mula sa gawi namin kaya hindi niya mapapasin kung sakaling pag-usapan namin siya ni Ate Venus. "Iyong naka gray po na suit."
"Ah, siya ba? Regular customer 'yan dito. Pagpasensiyahan mo nalang at medyo playboy iyon. Palagi niyang kinukwento lahat ng magagandang waitress dito. Huwag mo nalang pansinin ang mga sasabihin niyan."
Tumango ako at pumanhik na pabalik sa lalaki. Mabagal pa ang lakad ko dahil kinakabahan ako sa kung anong sasabihin niya.
"Here's your wine, Sir.." maingat kong inilapag ang wine at ang glass sa table nang hindi siya sinusulyapan. Yumuko ako at ambang aalis na ng magsalita siya.
"Anong oras ang out mo, Miss?"
Hinarap ko ito at isang hilaw na ngiti ang sumilay sa aking labi. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba siya. Sa huli'y nagpasiya akong sumagot. "Hapon po. Mga ala s-singko..."
"Hmm.." he leaned closer to the table. "My room is on the 18th floor. Do you want to go there later?"
Nanuyo ang lalamunan ko at halata ang pagkagulat sa mukha dahil sa sinabi niya. Bago pa ako makasagot ay tinawag na ako ng isa pang customer. Nanghihina akong nagtungo roon.
"Are you okay, Era?"
Nag-angat ako ng tingin at napanganga nang makitang si Zach pala ang tumawag sa akin. "A-ayos lang ako, Zach."
"Anong sinabi nang lalaking iyon sa 'yo?"
"W-wala naman. Anong order niyo, S-sir?"
"Basta, don't listen to that bastard. Marami nang waitress dito ang napaglaruan niya. Anyway, I want some pasta and wine."
Tumango ako at inilista na ang order niya. "Anything else, Sir?"
"That's it." he smiled. "By the way, my party rito mamaya sa Hotel. Do you want to come?"
Kumunot ang noo ko at agad na umiling. Ano naman kayang naisip niya at inaaya niya ako? Hindi naman kami close. "Marami pa po akong gagawin."
"How's your brother?"
Tumaas agad ang kilay ko. "Brother?"
"I mean, Eli. Why? Hindi ba? I thought he's your brother?"
Gusto kong matawa sa mga sinasabi ni Zach ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Baka isipin ng ilang mga tao rito'y sinasayang ko ang oras sa pakikipag-kwentuhan sa isang customer. Imbes na sagutin pa ang tanong niya'y naisip kong huwag na.
"I'll get your order, Sir. Excuse me."
Tulad ng araw-araw na nangyayari, pagod akong umuwi sa bahay. Ala-singko y media na makarating ako. Nagulat ako nang si Lola ang sumalubong sa akin at hindi si Eli.
"Oh, apo. Nandito kana pala." nakangiting sambit nito.
Pinagmasdan ko si Lola. Napansin ko ang ilang pagbabago sa kaniya. Parang pumayat ata siya at naging maputla. Hindi ko alam kung nag-iilusyon lang ako o talagang totoo itong nakikita ko. Gano'n pa rin naman ang mukha ni Lola. Masigla at parating nakangiti.
Tumango ako at ngumiti pabalik kay Lola. Inaalalayan ko siyang pumasok sa bahay habang iginagala ang mga mata ko. Para bang may hinahanap. Para bang may inaasahan akong tao na siyang sasalubing sa akin tulad ng palaging nangyayari.
"Hinahanap mo ba si Eliseo, Apo?"
Matipid kong nginitian si Lola bagoo dahan-dahan tumango. Hindi ko alam kung ano ang iniisp ni Lola nang bigla siyang ngumiti.
"Umalis siya kanina, e. Ang sabi niya may titingnan lang daw siyang lugar."
Namilog ang mga mata ko. "A-ano? Saan naman daw po?"
Inaalalayan kong maupo si Lola sa upuan. Agad naman niyang hinagilap ang remote ng tv bago ako sinagot. "Pasensiya na pero hindi niya sinabi, Apo. Kani-kanina lang siya umalis. Ang sabi naman niya'y babalik siya kaaagad kaya pinayagaan ko na."
Nasapo ko na lamang ang mukha ko dahil sa sinabi ni Lola. Ipinatong ko ang bag ko sa lamesa at hinawi nang marahas ang buhok ko.
"Lola, alam niyo namang hindi ni Eli kabisado ang lugar na ito. Bakit niyo pa po siya hinayaang makaalis?"
"Pasensiya kana talaga, Apo. Mukha kasi siyang malungkot, e. Nag-away ba kayo?"
Mariin akong napapikit bago umiling. "H-hindi po, La. Dito po muna kayo at hahanapin ko si Eli." nag-aalalang sabi ko. Tinalikuran ko na si Lola at ambang lalabas na ng bahay ngunit nagsalita ulit si Lola.
"May gusto ka ba sa kaniya, hija? Alam mo namang hindi pwede 'di ba?"
Hindi ko na nagawa pang sagutin ang tanong ni Lola. Nginitian ko lamang siya bago ako nagpasiyang lumabas ng bahay upang hanapin si Lola. Malungkot ang mga mata ko at bagsak ang mga balikat akong nagpunta kung saan-saan. Pinuntahan ko ang mga lugar kung saan ko siya madalas makita. Nagtanong din ako sa ilang kapitbahay namin. Hinihingal na ako kakalakad at takbo makita ko lamang siya.
Pagod na pagod na ako ngunit ayokong tumigil. Habang tumatagal ang oras at hindi ko pa rin siya nakikita'y namumuo na ang kaba sa dibdib ko. Sari-saring palaisipan ang naglalaro sa utak ko ngayon. Nasaan ba si Eli? May masama kayang nangyari sa kaniya? Naaalala na ba niya ang lahat at nagpasiya na siyang umalis?
Pinalis ko ang mga luha na lumandas sa mga pisngi ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nanghihinang naglalakad sa may buhanginan. Nakarating na ako sa dulo ng baryo namin ngunit wala pa rin si Eli. I still couldn't find him.
"Eli.. Nasaan ka na ba?" sambit ko sa pagitan ng mahina kong mga hikbi.
Papalubog na ang araw ngunit hindi ko pa rin siya natatagpuan. Parang sinasaksak ng matalas na bagay sa dibdib ko sa tuwing naiisip ko ang bagay na posibleng nangyari. Ang pag-alis niya.As I walked along the white sand I imagined he was by my side, carrying two heavy buckets full of fresh fish. Or see him, smiling as he walks towards me. Many grains of salt water flow freely through his hair, face and body.
"Era!" masayang bati niya sa akin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Ano'ng ginagawa mo diyan?"
"I was waiting for you. Naisipan kong lumangoy muna habang inaantay ka." he smiled. "How's work? Nagugutom kana ba? Pwede kitang ipagluto. May itinuro si Lola sa akin na bagong lutuin."
Lihim akong napangiti habang pinagmamasdan siya. Tinangka niya akong hawakan kaya mabilis akong napaatras. "Huwag. Basa ka, e!"
He chuckled while pushing his wet hair back. "Sorry. Gusto ko lang naman hawakan ang kamay mo. I miss you."
Natulala ako kasabay ng pag-iinit ng pisngi ko. Hindi ako kaagad nakasagot dahilan ng muling pagtawa niya. Hindi ko na nagawang umapila pa nang tuluyan niyang mahawakan ang kamay ko at igiya ako paalis sa dalampasigan.
"Nasaan ka na, Eli? Umalis ka na ba talaga? Hindi ka na ba babalik?" umiiyak kong sambit. Nanghihina kong pinagmasdan ang rock formation sa harapan ko. Ito na ang dulo ng baryo namin. Pagkatapos nito'y ibang baryo na. Muli kong pinalis ang mga luha sa pisngi ko bago ako nagpasiyang akyatin ang lubak-lubak na batuhan.
Bigo akong ngumiti nang may bigla akong maalala.
"You care for me?" mapanuya kong sabi. Marahas akong umalis sa mga bisig niya at matalim siyang tinitigan. "Huwag mo akong lokohin, pwede ba?"
"Hindi kita niloloko--"
"Hindi! Niloloko mo lang ako at ang sarili mo, e. Sabihin mo nga, Eli. Bakit, huh?"
He sigh heavily. Ang nanantiya niyang mga mata ang sumalubong sa akin nang magsalita siya. "Kung sasabihin kong gusto kita, maniniwala ka ba sa akin?"
Namilog ang mata ko. Isang sarkastikong tawa ang pinakawalan ko. "Hindi! Bakit ako maniniwala? Ang bilis mo namang magkagusto kung ganoon!"
"Mali ba na gustuhin ka ng gano'n kabilis, Era? Mali ba 'yon?" mariing ang pagkakabigkas niya sa bawat salita. Parang seryosong seryoso siya mga sinasaib niya ngunit binaliwala ko iyon.
Gusto ko siya pero.. Oo, may pero.
"Oo! Mali!" giit ko.
"Paano naging mali 'yon, huh?"
"Dahil wala kang naaalala. Malay ko ba kung anong buhay ang mayroon ka bago ka nawalan ng memorya. Hindi ka nababagay rito. Hindi ka dapat nandito. Hindi ka sa amin!"
"Pero gusto kita..." nanghihinang sambit niya.
Tinangka niyang hawakan ang kamay ko ngunit mabilis kong iniwas iyon. Pinalis ko ang mga luha sa pisngi ko at nasasaktan siyang tinitigan. Parang lumambot ang puso ko nang sinabi niyang gusto niya ngunit mali..
"Hindi kita gusto! Umalis kana rito! Bumalik kana sa pinanggalingan mo!"
Parang akong sasabog nang isigaw ko iyon sa pagmumukha niya. No matter how dark his eyes were I was still able to see the pain there. Nasasaktan siya... B-bakit.. Bakit ko ba sinabing hindi ko siya gusto? Paano ko nagawang magsinungaling sa sarili ko?
"B-bumalik kana, Eli... Ayoko naman talagang umalis ka, e... Bumalik kana, p-please.. G-gusto kita, Eli. Bumalik--"
"Bakit mo ako pinapabalik?"
I looked behind me when I heard that baritone voice. From where I was sitting I could clearly see Eli standing in the distance. Wearing the usual attire he slowly walked over to where I was. Even though my knees were shaking so much I still forced myself to stand up to face him.Bigo akong ngumiti nang makita sa malapitan ang madilim niyang mga mata.
"Eli... S-saan ka galing?"
I wanted to slap myself because of that question that came out of my mouth. It is obvious that he is angry with me. He probably won't tell me where he came from. Baka nga, nagpakita lang siya sa akin ngayon para magpaalam, e.
"Nandito ka siguro para magpaalam sa 'kin, hindi ba?" malungkot akong ngumiti. Napansin ko naman ang pag-igting ng panga niya. "Huwag mo nang sabihin sa akin kung saan ka galing, Eli. Kung nandito ka man para mag-paalam sa akin, sige. Hahayaan na kita. Hindi ko alam kung nakakalala kana ba o hindi. Sana bago ka umalis ngayon... Magpaalam ka rin kay, Lola... Kung sakaling bumalik na nga ang mga alaala mo... Masaya ako para sa 'yo... Makakabalik kana sa dati mong buhay at makaalis kana sa lugar--"
"Sinong nagsabing nakakaalaala na ako?" tumaas ang isang kilay niya.
"B-bakit... Hindi pa ba? A-akala ko..."
"At tsaka bakit mo ako pinapabalik? Hmm?" he pouted.
My cheeks heated when he asked that. Maybe he heard everything I was saying here earlier. Nakakahiya! He probably heard me too when I said .. I like him!
"A-ah, ano... Ayos lang naman kung... h-hindi na."
"Anong ayos lang?" nanliit ang mga mata niya. "I thought you like me?"
I bit my lower lip. "O-oo nga, pero..."
Hindi ko na nagawang ituloy ang sinasabi ko nang bigla niyang akong hilahin at yakapin. Ang mukha ko'y lumapat sa matigas at malapad niyang dibdib. Hindi ko ako magalaw. My eyes widened as he hugged me even tighter. I felt his hand gently caress my hair.
"Why would I come back if I didn't leave, Era?" he whispered on my ear.
Voltage of electricity flowed through my body as his lips touched my ear. I feel like fainting because of the sensation it caused.
"I said I will not leave even if you push me away, right? Mukhang nakalimutan mo na ata iyong sinabi ko noon." nagtatampo niyang sabi. "Hmm. It doesn't matter .. The important thing now is that you probably like me too ... I will not leave your side even more. Remember that."
_______________