Kabanata 15
Drowning
"Bakit ka nagsinungaling sa akin?"
Magkatabi kami ngayon ni Eli. Nakaupo at parehong nakatanaw sa papalubog na araw. Masayang-masaya ako noong nalaman ko kanina na gusto niya rin ako. Nag-away kami at nag-usap rin pagkatapos. In-explain ko sa kaniya ang lahat ng rason na mayroon ako kung bakit ako nagsinungaling tungkol sa nararamdaman ko kaniya. Lahat ng pero sa isipan ko'y nasabi ko na sa kaniya at naipaliwanag na rin kung parang wala siyang pakialam sa mga rason ko.
Galit niya lamang akong tinitigan habang ang mga panga niya'y patuloy sa pag-igting. Kung umasta siya'y parang wala lang sa kaniya iyong mga rason ko. Wala siyang ideya kung gaano ako nasaktan kakaisip sa mga bagay na iyon. Kakaisip sa dahilang hindi kami pwede.
Nakakatawa. Nang mga nagdaang araw patuloy ako sa pagpipigil sa sarili ko pagdating kay sa nararamdaman ko. Ngunit ngayon, ito ako at katabi ang lalaking sinabi kong hindi ko pwedeng gustusin. Ang malaki at malapad niyang kamay ay ikinukulong ng dahan-dahan ang maliit kong baywang.
Kumawala ako sa yakap niya at kunot noo siyang tinitigan. "Naipaliwanag ko na sa 'yo, hindi ba? Gusto mong ulitin ko pa ulit?"
He shook his head and look at me seriously. "I don't like your reasons. They are very shallow--"
"Shallow?!" hindi makapaniwala kong tanong.
Napailing ako ng tumango siya ng walang alinlangan. Paanong mababaw ang mga rason ko? Hindi niya alam kung ilang beses akong umiyak at nalungkot dahil doon! Mababaw ba talaga para sa kaniya o wala lang siyang pakialam sa mga maaaring mangyari?
"Uh-huh." ngumuso siya. "You're so unfair, Era. I love you so much but you keep suppressing how you feel about me for those reasons you have. I do not know how you were able to lie while I was unable to."
A smirked plastered on my full lips. "You love me? Akala ko ba gusto palang? Ang bilis mo talaga, e 'no? I wonder if it's true."
Umayos siya ng upo at tumumikhim. "It's true. Let me prove it, then?"
"Paano?" nag-taas ako ng kilay.
His lips curved in a sexy manner. Nilipad ng hangin ang buhok niya at tumakip iyon sa mga mata niya kaya inangat niya ang isa niyang kamay upang ayusin iyon. "Give me chance. Don't ignore my efforts."
"I am not ignoring your efforts..." giit ko. "Kinakain ko ang mga niluluto mo."
"Well, yeah? How about my other efforts? Hindi mo ba napansin ang ilang pagbabago sa bahay at sa iba pang bagay doon?"
Napakurap ako at inosente siyang tinitigan. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"See? Hindi mo talaga napapansin ang efforts ko." nagtatampo niya sabi. Medyo natawa ako nang ngumuso siya. "Pininturahan ko iyon pader tapos araw-araw ako nagliinis ng bahay. Inayos ko rin iyong bakuran. May ilang buto ng halaman akong itinanim doon tapos nagbungkal rin ako ng lupa."
Hindi ko napigilan ang pagsilay ng isang ngisi sa labi ko habang sinasabi niya iyon. Mukha siyang nagtatampo habang ako naman ay iniisip ang maaaring itsura niya habang nagbubungkal ng lupa roon.
"What's funny?" iritang tanong niya.
I chuckled. "Iniisip ko lang kung ano ang itsura mo habang nagbubungkal ka ng lupa. Hindi ko nakikita, e."
"Pwede ko naman ipakita sa 'yo. Anyway, let's talk about us."
Kumunot ang noo ko. "Us? Wala namang tayo, ah?"
His brow shot up. "We like each other--"
"So what?" nagtaas rin ako ng kilay.
"What?" dismayadong tanong niya. Umigting ang panga niya at umiling. "Akala ko pa naman bibigyan mo na ako ng chance--"
Uminit ang pisngi ko. "S-seryoso ka ba talaga sa akin, Eli? Hindi mo man lang ba iniisip 'yung mga rason ko? Hindi naman iyon mababaw, wala ka lang talagang pakialam!"
"How can you say that? Syempre may pakialam ako. May pakialam ako sa lahat ng bagay na may kinalaman sa 'yo..." his voice was too soft and too sweet.
Napalunok ako. Parang akong matutunaw sa klase ng titigan namin ngayon. How did we end up here?
"K-kung gano'n dapat naiintindihan mo kung bakit nagsinungaling ako sa 'yo at sinubukang pigilan ang nararamdaman ko. Dahil iyon sa kondisyon mo!" umirap ako at bahagyang dumistansiya sa kaniya. Kung ako didistansiya'y mawawalan ako ng lakas ng loob ng sigawan siya at ipaglaban ang mga dahilan ko.
"Baby... come here." malambing na utos niya.
Umirap ulit ako at hindi sinunod ang sinabi niya. Nag-iwas ako ng tingin nang mapagtanto ko kung ano ang sinabi niya. Kung ano itinawag niya sa akin. Tinawag niya akong baby! Sobrang tahimik ng paligid. Tanging pagragasa lamang ng alon ang ang paghinga namin ang naririnig ko. Bigla tuloy akong kinabahan. Baka naririnig niya ang paghuhuramentado ng puso ko!
Napasinghap ako ng bigla niyang mahuli ang palapulsuhan ko at hilahin ako papunta sa kaniya. Bumagsak ang mukha ko mabangong dibdib niya. Nalukot ko ang damit niya nang bigla kong maramdaman ang kamay niya sa may baywang ko. Niyakap niya ako kaya mas lalong nagdikit ang mga katawan namin.
"I understand all of your reasons. But none of those things can stop me from liking and loving you..." he kissed my forehead. "You never know how sad I was when you said you didn't like me. But I was happy when I heard the truth from you earlier..."
Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Kung sa magsasalita pa ako'y pakiramdam ko ay hindi ko na magagawa pang marinig ang sarili ko. I felt like I was drowning on my own heart beats. Bawat pintig ay para lamang sa lalaking nakayakap sa akin ngayon.
Yes, I like him too. But is this really okay? Ang mahalin at gustuhin ko rin siya kahit alam kong hindi naman talaga siya sa akin?
Nag-angat ako ng tingin nang sandaling luwagan niya ang yakap niya sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa. Napalunok ako nang mapagasdan ang mapupungay at madilim niyang mga mata. Parang may kung bagay ang naroon. Nakakapanghina. Pakiramdam ko'y walang ibang tao ngayon sa mundo kundi kaming dalawa lang.
He sigh heavily. Inilagay niya ang parehong kamay sa mga pisngi ko at ikinulong ang mukha ko roon. He might have done that just to keep my attention on him and not on anything else.
"I'm not just inlove with you. I'm falling into you. It's like I'm drowning, and you're the ocean... But somehow, you're also the air that I need to breath. Yes, you drowned me but you taught me how to breath..." he trailed off.
Ilang sandali kaming nagkatitigan hanggang sa unti-unti niyang ilapit ang mukha niya sa akin. Ramdam ko na ang mabagal niyang paghinga. Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa'y bumama ang tingin ko sa mga labi niya.
Napalunok ako at unti-unting pumikit. He groaned when our lips touched. He kiss me sofly and sucked my lower lip. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. I do not now how to kiss! Sinubukan kong sabayan na lamang ang galaw ng kaniyang labi. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang mapagtantong ito ang unang halik ko.
In an instant, all my reasons were in vain just swept away by the cold air. Nothing else runs through my mind but his kisses. My lips parted as the strong wind suddenly blew and caused him to insert his tongue into my mouth. He sucked my lower lip again and then he down to kiss my jaw! I just want to faint because of the sensation!
Habol ko pa ang labi niya nang sandaling bitawan niya ang labi ko. Inalis niya ang kamay niya sa pisngi ko at lumipat iyon sa mga balikat ko. He smiled at me me sexily. Parang gusto ko nalang matunaw sa kinauupuan ko habang tinititigan niya ako. Naghalikan kami! Hindi ako makapaniwala!
"I-Is this your first kiss?" he asked hoarsely. Ang madilim niyang mga mata'y nangungusap.Yumuko at bahagyang tumango. "Y-yes..."
"f**k," he muttured a curse.
Inalis niya ang kaniyang mga kamay sa balikat ko kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kaniya at kumunot ang noo.
"B-bakit? Pangit ba akong h-humalik?" ang kaninang inosente kong ekspresiyon ay napalitan ng pagdududa nang may mapagtanto ako. "May iba kang hinalikan bukod sa akin? May n-naaalala kana ulit? Siya ba iyong naaalala mo habang hinahalikan mo ako?" my voice broke.
"Of course not." agap niya at muling pinagapang ang mga kamay sa baywang ko. "Ikaw lang iniisip ko, Era..."
Hindi ko na napigilan ang paglandas ng luha sa pisngi ko. Nakakailang iyak na ako sa lalaking ito. Mababaw pero naiiyak ako dahil masakit sa kalooban.
"E, bakit gano'n ka magtanong? Bakit parang hindi mo nagustuhan?!" pinalis ko ang luha ko at galit siyang inirapan.
Tinangka kong kalasin ang mga kamay niya sa baywang ko ngunit masyado iyong mahigpit. Mas lalo lamang akong nawawalan ng lakas. I don't understand myself anymore.
He leaned closer and caressed my back. "Shh.. Wala akong ibang iniisip, Era. Ikaw lang. I don't remember anything but I strongly feel that this is not my first kiss."
"Ofcourse! You look a few years older that me! You're old!" galit na singhal ko sa kaniya.I tried again to escape his embrace but he did not let me. I was even more pissed so I just kept glaring at him.
He chuckled and pulled me closer. He kissed my forehead and let out a heavy sigh. "I don't know anything about me. How do I look? How old do you think I am? Hmm? Can you guess my age?""Hindi ako manghuhula.."
He chuckled more. "But atleast try, baby."
"Mukha kang mayamang negosyante na binata sa Maynila na ngayon ay naghihirap na. Mukha ka ring... babaero!" sigaw ko. Hinampas ko ng mahina ang dibdib niya at hindi naman niya pinigilan. Ako lang ang nasaktan dahil sa tigas ng katawan niya.
"Really, huh? Pero ang sabi ko age ko ang hulaan mo." natatawa niyang sabi.
"Fine!" Inirapan ko siya at mariin akong pumikit upang mag-isip. "Twenty plus. Around Twenty-four, five and six."
"Talaga? Hindi naman pala ako gano'n katanda."
"Pero mas matanda ka pa rin sa akin." pang-aasar ko na may kasamang irap.
Inayos niya ang kaniyang magulong buhok. A bark of laughter escape from his thin lips. "You're already nineteen. Legal age."
"Ano ngayon?" nag-taas ako ng kilay.
"Hindi ako masasabiha na pumapatol sa bata. Maayos ko na ring mahihingi ang kamay mo kay Lola Tilda kung sakali." he smirked.
Uminit naman ang pisngi ko. "Hindi naman na talaga ako bata. Tss! At bakit mo hihingin? Bakit ano ba tayo? Tayo ba, huh?"
"Hmm... Hindi." he licked his lower lip and shook head. "Pero siguradong sasagutin mo ako. Liligawan kita at wala kang magagawa." determindo niyang sabi.
Napalunok ako. "N-nasa akin ang desiyon at wala sa 'yo. Huwag mo akong pangunahan. At tsaka bago tayo mapunta sa ligaw-ligaw na 'yan. May itatanong muna ako sa 'yo."
"What is it?" he asked, very attentive.
"Saan ka galing? Sa mga babae mo?" mapanuya kong sabi.
Umiling siya at bahagyang natawa sa sinabi ko. Umayos siya ng upo at lumapit upang patakan ng isang mababaw na halik ang pisngi ko. Natulala ako dahil hindi ko iyon inaasahan.
"Galing ako sa bayan at wala akong babae."
I raised a brow. "Bayan? Ano namang gagawin mo roon? Ikaw lang mag-isa?"
Umiling siya. "Isinama ako ni Mang Bernard. Tumulong ako sa kaniya roon sa gulayan niya. Sumama ako dahil ang sabi niya babayaran niya ako ulit. Ibibigay ko ulit sa 'yo 'yung--"
"Eli naman! Bakit mo ginagawa iyon? Pinagtatrabaho ba kita, huh?"
"Era, kung iniisip mo ang lagay ko'y maayos na ako. I can work. I can help you buy things that we need. Hindi pwedeng ikaw lang o si Lola Tilda. Kailangan ko rin kumilos."
"Paano kung mapano ka, huh?"
"Doctor Guevarra visited me. He check on me and I asked if I can work. He gave me a go-signal kaya wala ka ng dapat na ipag-alala, Era. Tutulong ako sa ayaw at sa gusto mo. Wala akong pakialam sa sarili ko, ayoko lang makita ka na sobra kang napapagod! Let me help, atleast."
"But what if--"
"I'm really fine. I will help you, okay? Don't stress yourself too much, baby."he said calmy. He held my chin and gave me a soft tender kiss.
Saglit na nag-init ang pisngi ko. Ang malambi niyang mga mata ang sumalubong sa akin pagkatapos ng saglit na halik na iyon. Ngumiti siya na para bang ang saya-saya niya. I tried to smile back I couldn't. Isang bigong ngiti ang sumilay sa labi ko.
"Eli, maging totoo ka sa akin at magiging totoo rin ako sa 'yo. Wala ka pa ba talagang naaalala? Wala bang dumadagdag sa alaala sa nagdaang linggo? How your head? Does it still hurt?" puno ng pag-aalala kong tanong.
Nakaharap ako ng buo sa kaniya ngunit sa naman ay medyo nakagilid ang upo. He looked at me and he nodded. "Umiinom naman ako ng gamot para sa sakit ng ulo ko. About my memories..." his lips twitched. "Actually, my dumagdag. Hindi ko na sinabi sa 'yo dahil wala naman akong pakialam--"
"Ako mayroon." I cut him off. "Sabihin mo sa akin kung anong dumadag sa alaala mo. Ngayon, pursigido na talaga akong tulungan ka."
Kumunot ang noo niya at bahagya pang tumaas ang isang kilay. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa sinabi ko. Bakit? Hindi ba siya naniniwalang tutulungan ko siya? Kaya ko nang gawin iyon ngayon.
Bumuntong hininga siya bago ibinaling sa madilim na kalangitan ang buong atensiyon. "I don't care about this memory, pero dahil gusto mong malaman sasabihin ko sa 'yo." he sighed again. "Hindi ito panaginip. Kusa ko itong naglakbay sa isipan ko noong isang araw... I was in a yatch holding a glass of wine. Maingay at magarbo ang buong lugar. Maraming taong nag-uusap at nag-tatawanan sa harapan ko. And then suddenly, a woman with a blurry face came... she was with..." he trailed off.
He shook his head without looking at me. Sa ekspresyong nasa mukha niya'y para bang wala na siyang balak na sundan pa iyon.
Nagsalubong ang kilay ko. Hindi pwedeng hindi niya sabihin sa akin ang karugtong na salita!"She was with, ano? I-kwento mo lahat, Eli. I won't judge."
Napalunok siya at bumaling sa akin. "Talaga?"
"Y-yes..." I said hoarsely.
Lumapit ako sa kaniya at pinagapang ang kamay ko sa baywang niya upang yakapin siya.
"Well, she's with a k-kid. I didn't saw the kid and that woman's face. Everything is blurry and unclear. I have scattered thoughts inside my head. I don't know how to assemble it. I can't shape the story of that thoughts..." bulong niya. Suminghap siya at niyakap ang mga kamay kong nakapulupot sa katawan niya.
I didn't say anything. Nanatili lamang kami sa ganoong posisyon hanggang sa magpasiya na kaming umuwi. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang tinatahak namin ang dalampasigan. Hindi ako nagsasalita dahil hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin.
Ang sakit isipin na ang hinuha ko noong una palang ay tama. Maybe, ipinahiram lamang sa akin si Eli ng tadhana. Maybe, he's a married man. He has a wife and a kid that he couldn't still remember. Parang sinasaksak ang dibdib ko ng napakaraming patalim dahil sa mga nalaman ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko pang mas mahulog ako ng lalo sa kaniya.
Pero naisip ko, wala namang masama kung pagbibigyan ko ang sarili ko, 'di ba? Pwede kaming maging magkasama kahit sa loob lamang ng maikling panahon. Pwede ko siyang mahalin ng buong-buo habang wala pa siyang gaanong naaalala. At sa sandaling bumalik na ang alaala niya, wala akong ibang gagawin kundi ang pakawalan siya. Parang hahayaan ko lamang ang sarili ko na maka-experience ng isang pagmamahal mula sa lalaking gusto ko.
When he wants to leave, I will let him. He can leave. I will not stop him no matter how much I want him to stay by my side. Because that's really the only reason I can think of why he's here.Maybe he's right, he's drowning and I taught him how to breathe. I saved him. In return, he will make me feel an extraordinary love that will last only a short time. Not everyone lasts. Because nothing is permanent. Everything changes. Everyone can leave the place they are not suitable for.
It just hurts because this is the first time I fell in love like this. This is the first time I have ever kissed. I have no choice but to treasure the memories we can make while time is running out.When his memories came back, I can easily break up with him. I will let him return to the world he left. I will let him go back to who he really loves. I can do that. I am not weak. I can afford to sacrifice.
The next days passed like a whirlwind. Nakuha ko na ang unang sweldo ko. Namili ako ng ilang gamit para sa bahay at nag-bayad rin ako ng kalahati kay Doctor Guevarra. Tuwang-tuwa ako sa halaga ng sahod na nakuha ko. Hindi iyon gano'n kalaki para sa mga mayayamang tao ngunit ang isiping worth-it lahat ng pagod ko ay ang nakakapagpasaya sa akin. Binilhan ko si Lola at Eli ng mga damit at tig-isang pares ng sapatos. Ang kinuha kong pera sa account namin ni Lola ay ibinalik ko rin.
And for myself, I bought nothing but a white dress. My relationship with Eli is slowly deepening. I don't know when he started courting me but after out conversation that night, I felt some change in the way he treated me. He bacame even more tender, considerate, attentive, and loving. Even Lola Tilda seems to notice his behavior. I don't know if Lola already knows or not when she doesn'r ask anything. Masusi niya lamang kaming pinagmamasdan at bahagyany magtataas ng isang kilay.
Halos magwala sina Sela at Ophelia nang mai-kwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Eli. Paulit-ulit nila akong hinampas braso habang kilig na kilig sa pag-iimahinasyon. Hindi raw nila inaasahan iyong halik. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang tungkol doon. Isang linggo noong hinalikan niya ako. Gusto kong murahin ang sarili ko dahil pakiramdam ko'y namimis ko ang mga labi niya!
"Gosh! Hindi talaga ako makapaniwala, Era! Alam ko naman na may gusto si Eli sa 'yo pero hindi inakalang gusto mo rin siya!" napangiwi ako ng hampasin ni Sela ang braso ko.
"Oo nga! Naku, ikaw ha! Baka naman hindi lang kiss ang nangyari!" komento naman ni Ophelia.
"Ano ba kayo! Huwag kayong mag-isip ng kung ano riyan." saway ko sa kanila.
Sobrang ingay nilang dalawa. Hindi sila nauubusan ng sasabihin. Para akong mabibinga habang panay ang pag-uusap nilang dalawa. Sa aming tatlo ako talaga ang pinaka-tahimik kaya hindi na nakakapanibago kung hindi ako makasabay sa usapan nilang dalawa. Hindi ko rin naman gustong makisabay. Ayos na ako habang umiinom ng juice na gawa ni Ina ni Sela habang nanonood sa bangayan nilang dalawa. Sa sobrang busy namin sa trabaho, minsan na lamang kami nakakapag-bonding ng ganito ng kaming tatlo lamang. Nakakapagtaka na wala sa tabi ni Ophelia si Thadeo gayong hindi sila mapag-hiwalay na dalawa.
"Nasaan si Thadeo, Pheng? Hindi ka ba niya susunduin pagkatapos nating magkwentuhan?" tanong ko.
Inilapag ko ang baso ng pineapple juice at kumuha ng isang piraso ng tinapay sa lamesang nasa gitna namin.
Ang kaninang ngisi sa mukha ni Ophelia ay napalitan ngayon ng galit. Umirap siya at humalukipkip. "Hindi!"
Nagulat ako sa pagsigaw ni Ophelia. Samantalang si Sela naman ay humagalpak ng tawa bago bumaling sa akin.
"LQ sila ngayon, Era." she laughed. "Itanong mo kung bakit."
Kunot noo kong hinarap si Ophelia. "Bakit, Pheng? Ano'ng pinag-awayan niyo ni Thadeo? Kahapon lang.. Naghaharutan pa kayo sa kitchen ng hotel, ah."
Umirap itong muli. "Wala, basta! Wala akong pakialam sa lalaking iyon! Huwag na natin siyang pag-usapan. Kaya nga ako nandito para makalimutan ko siya, e."
"Girl, paano mo siya makakalimutan kung juice lang ang iniinom natin? Maglabas ka ng pera diyan at bibili ako ng isang bote." pagbibiro ni Sela.
Mabilis ko namang pinigilan ang dalawa. "May pasok pa tayo bukas. Hindi pwedeng uminom."
"Tss. Gusto ko ngang mag-absent, e. Sobrang sakit ng likuran ko!" reklamo ni Sela habang ibinebend ang likuran niya. "Maiba naman. Tutal ayaw sabihin ni Ophelia kung anong pinag-awayan nila ni Thadeo. Ikaw, Era. Kailan mo balak sagutin si Eli?"
Mabilis na nag-init ang pisngi ko. Muntik ko pang maibuga iyong juice na kakahigop ko lang. Mabuti nalang at napigilan ko. "H-hindi ko pa.. alam."
"Huwag mo nang patagalin, halata namang gusto mo rin siya!" singhal ni Ophelia sa akin bago sumimsim sa baso niya.
Napabuntong hininga naman ako. "Alam niyo hindi ko talaga alam kung tama ba hinayaan ko siyang ligawan ako. Mali ako, 'di ba?"
Ngumiwi si Sela at inirapan ako. "Gaga, walang mali diyan. Paano mo naman nasabing may mali, ha?"
I sighed again. "Ewan ko. May amnesia kasi si Eli. Natatakot akong mabaliwala kapag nagbalik na sa kaniya ang memorya niya..."
"Ano ba'ng sabi niya sa 'yo?" si Ophelia.
"Ang sabi niya..." napalunok ako. "Wala raw siyang pakialam sa mga alaala niya. Ayaw na raw niyang bumalik ang alaala niya kung kapalit no'n ay ang pag-alis niya sa tabi ko--"
"Tama na! Naiingit ako! Respeto naman sa mga walang jowa!" inis na pigil ni Sela sa sinasabi ko.
"Oo nga! Nakakainis naman 'to!" si Ophelia na padabog ipinatong ang baso sa lamesa at inirapan ako.
Natawa nalang ako sa kanilang dalawa. Marami pa kaming pinag-kwentuhan. Napilit ko rin si Ophelia na sabihin sa akin ang dahilan kung bakit magka-away sila ni Thadeo. Dahil pala iyon sa isang magandang customer sa Hotel na nagpapansin daw kay Thadeo. Ang sabi ko nalang ay mag-usap silang dalawa upang maayos ang problema nila. Hindi raw kasi ni Ophelia pinapansin ang panunuyo ni Thadeo.
Pagkauwi ko sa bahay. Namaataan ko na kaagad ang isang gwapong lalaki na nag-aabang sa akin sa labas, sa may bakuran. Prente siyang nakaupo sa kahoy na upuan habang ang buhok niya ay malayang nililipad ng hangin. Sinag lamang ng buwan ang nagbibigay ng liwanag upang makita ko ang mukha ni Eli. Nakasuot siya ng gray na pajama at puting t-shirt. Kaagad siyang tumayo nang makita niya akong papalapit.
Nilapitan niya kaagad ako at pinatakan ng isang halik sa noo. Nanlaki ang mata ko at agad ko siyang itinulak. Luminga ako sa bahay upang makita kung gising pa ba si Lola at kung nakita niya kami.
"Tulog na si Lola Tilda, Era."
Tumango ako at ibinalik ang atensiyon kay Eli. "S-salamat..."
His brows shot up. "For what?"
"Basta, salamat..." ngumiti ako.
Nagulat ako nang bigla niya akong higitin at yakapin. "I love you, Era."
"Puro ka halik at I love you sa akin, hindi pa naman kita sinasagot." natawa ako.
"Sasagutin mo rin ako. Alam ko 'yon." he said sweetly.
Kahit nakayakap ak sa kaniya'y nai-imagine ko ang mukha niyang nakangisi. Mas lalo tuloy akong natawa. "Sige, nextweek."
"W-what do you mean?" litong sambit niya nang pakawalan ako.
Ngumisi ako. "Next week nalang kita sasagutin."
Siya naman ang natawa ngayon at bahagya pang nagtaas ng isang kilay. "Talagang may date pa. S-seryoso ka ba diyan, Era?"
"Oo nga. Ayaw mo ba? Sa tingin mo ba easy to get ako?" inirapan ko siya at inalis ang kamay niya sa balikat ko.
He chuckled more at my reation. Tinalikuran ko siya ngunit naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. Nanindig ang mga balahibo ko dahil sa kilig. Ilang beses ako napalunok.
"Of course not, baby..." napapaos niyang sabi. "Kahit gaano pa katagal. Kaya kong maghintay."
"K-kahit bumalik na ang a-alaala mo?"
"Yes." mabilis na sagot niya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko inaya si Eli na pumasok na loob. Ang laki ng ngiti buong gabi. Ngunit hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakangiti ng ganito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang kasiyahang ito. Malungkot akong napangiti bago niyakap si Lola na mahimbing na natutlog sa tabi ko hanggang sa lamunin ako ng antok.
___________________