Kabanata 35 Vague "You will not heal by going back to the person who ruined you...." Huminga ako ng malalim at pinag-krus ang mga braso ko. Humilig ako sa swilver chair na narito sa opisina ko mansion at binalingan si Zach na naka-busangot ang mukha. Alam ko na kaagad ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang iyon at naiintindihan ko naman siya pero... bawal ba? Hindi na ba pwedeng bumalik ako sa taong sumira sa akin? "Nag-breakfast ka na ba, Zach? Ang aga-aga, naka-simangot ka riyan. Wala ka bang gagawin at ang aga mo yatang napadpad rito?" nag-taas ako ng kilay. Inirapan niya ako at pinagpalit ang binti niyang nakade-kwatro. Kapag narito siya sa Esta Caliete, madalas siyang tumambay rito at kung minsan dito niya pa ginagawa ang ilang trabaho niya gamit ang laptop niya. Dito rin siya

