Kabanata 18

4163 Words
Kabanata 18 Lost I was in the middle of thinking as I walked home. The leaves of the tall coconut trees flutter around freely and the crickets hum in the dark. The waves crashed on the shore, causing my feet to get wet. Tiningala ko ang langit. Bago pa lamang kumakagat ang dilim. Sakto lamang ang oras na ito sa normal na pag-uwi ko. Malamang pauwi na rin ngayon sina Sela. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa ang tinatapakan kong buhanginan ay maging damuhan na. I carefully entered the wooden gate and looked up at our house. The light and the door were open, just enough for me to see who was outside. Nakatayo si Eli malapit sa pinto at nakahalukipkip. He stared sharply at me and I could see the hazardous in his dark eyes. I smiled and nervously approached him. May lungkot sa bawat yabag na ginagawa ko papalapit sa kaniya. Naalala ko lang iyong napag-usapan namin ni Zach kanina sa talampas. Hindi ko alam kung totoo iyon. Pero kung sakaling totoo man... Magpaparaya ako. Bakit? Dahil una palang, hindi na naman talaga kami pwede. Noong una palang sana talaga.. pinigilan ko na ang kung anong nararamdaman dahil sa oras na bumalik na ang alaala niya, basta niya lang din akong iiwan. I smiled sadly at that thought until a warm hand grabbed my arm. I stared at him and I realized the concern on his face. His eyebrows furrowed and his jaw repeatedly clenced as he stared intently at my arms. Oo nga pala. Bakit ba hindi ko kaagad itinago ang mga iyon? "What happened?" parang kulog ang kaniyang baritong boses. Napalunok ako at mistulang buhol-buhol ang mga salita sa dila ko. Dapat ko pa bang sabihin sa kaniya ang nangyari? Pero hindi naman gano'n kalala iyon. Ang hawak niya sa braso ko ay humigpit ng kaunti dahil sa hindi ko pag-sagot sa kaniyang tanong. Nanatiling tikom ang aking bibig habang nakatitig sa kaniyang guwapong mukha. Vicenzo Castellon or Enzo Castellon... Alin man sa dalawang pangalang iyon... Walang Eli.  Kasinungalingan lamang ang lalaking nasa harapan ko. Kahit wala naman akong katibayan na siya ang lalaking nagngangalang Vicenzo.. Gusto ko pa ring paniwalaan ang kutob ko. The woman and the child in the photo are probably longing for this man.Anong kayang magandang unahing gawin? Ang tulungan si Eli na maibalik ang kaniyang memorya o ang kalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya? Ewan. Parehong mahirap gawin para sa akin. Umiling ako at ngumiti. "W-wala 'to. Kaunting lang. Kumain kana ba? Si Lola Tilda, nasaan?" masayang tanong ko. Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa braso ko ngunit hindi ako nagtagumpay. Ang paninitig niya sa akin ay mas lalong tumalim. Hindi ko na alam kung saan pa ilulugar ang mata ko. Kinakabahan ako at parang gusto ko nang umalis sa kaniyang harapan. "Pwede bang malaman kung ano ang nangyari sa 'yo at kung saan ka galing?" mariin ang pagkakabanggit niya sa bawat salita. Para bang hindi iyon tanong kundi isang utos. "S-sa trabaho. Saan pa ba... Eli?" naiilang kong sambit. Hindi alam kung dapat ko pa bang banggitin ang banyagang pangalan na ibinigay ko sa kaniya. His brow shot up. Umiling siya na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Sa trabaho? Tapos marami kang galos? Really, huh?" puno ng panunuya niyang sabi. I bit my lower lip and looked away. Bakit ba ako kinakabahan? Sa trabaho naman talaga ako galing! Sa talampas din. Ngunit imposibleng alam ni Eli ang pagpunta ko sa talampas kasama si Zach. "Eli, pagod ako. Pwede bang pumasok na muna tayo sa loob? Nagugutom ako at gusto ko nang magpahinga." sabi ko. Kahit na ang totoo'y hindi naman talaga ako gano'n kapagod. Gusto ko lamang makapag-isip tungkol sa bagay na namamagitan sa aming dalawa. I need to do something.I thought he would not allow what I wanted to happen but gradually his grip on my arm loosened. He glared at me and pursed his lips. "Okay," supladong sabi niya. Gusto kong matawa sa busangot niyang mukha ngunit pinigilan ko. Baka isipin niya pang nagsisinungaling at gusto lamang takasan ang mga tanong niya. Mas okay kung hindi na niya muna ako kakausapin. Kinakabahan ako, e! Nagulat ako ng hawakan niya ako sa baywang isama papasok sa loob ng bahay. Nilingon ko siya at nakitang gano'n pa rin ang kaniyang ekspresyon. Galit pa rin ang salubong ang mga kilay! Napangisi ako. Ano kayang ikinagagalit ng lalaking ito? Ang buong akala ko pa naman ay sasalubungin niya ako ng yakap kanina. Naghihintay rin ako ng isang halik. Tss, masyado na yata akong nag-eexpect ngayon. Ano kayang gagawin ko kapag iniwan niya na ako? Baka malungkot ako ng sobra.Parang gusto kong sampalin ang sarili ko. Noong nakaraan lang buo na ang desisyon kong pakikipag-hiwalay kay Eli sa oras na bumalik na ang alaala niya, ah? Anong nangyari ngayon, Era? Bakit may pagdadalawang-isip na naman ako?! Umiiling ako at tinapangan ang loob. Binitiwan ako ni Eli at suplado akong tinalikuran bago naglakad papunta ata sa kusina. Tatawagin ko na sana siya para asarin ngunit pareho kaming napatigil sa pagkilos nang biglang lumabas si Lola Tilda sa aming kwarto. Naka-bihis siya at mukhang aalis. Maayos ang damit, may suot na balabal at sumbrero bitbit ang isang maliit na bag. Ngumiti siya sa amin ngunit tanging pagkunot ng noo lamang ang nagawa ko. "Lola? Ano pong mayroon? Bakit gan'yan ang ayos niyo? Aalis po ba kayo?" nag-aalalang tanong ko. Nilapitan ko si Lola upang marinig ng maayos ang sagot niya. Nilingon ko si Eli na mukhang gulat rin sa ayos ni Lola. Tumango siya at tipid na ngumiti. "Mabuti at narito ka na, Apo. May lalakarin kasi akong importante ngayon." Mas lalong kumunot ang noo ko. "Lola, alam niyo po ba kung anong oras na? Ala sais na po. Saan po ba kayo pupunta? Baka naman po pwedeng ipagpabukas na 'yan--" "Hindi pwede, Apo." putol niya sa sinasabi ko. "Kailangan talaga ngayon dahil ngayon lamang nagkaroon ng oras 'yung taong kakausapin ko. Hindi ko ito pwedeng ipag-paliban." Pumikit ako at bumuntong hininga. "Lola naman... Alam niyo naman po ang kalagayan niyo--" "Binisita ako ng Doktor kanina. Ang sabi niya pwede raw akong lumuwas." Namilog ang mga mata ko. "L-lumuwas?! Lola, saan po ba kasi ang tungo niyo?" Tipid na ngumiti si Lola. "Malapit lang. Isang araw lang din akong mawawala, Apo. Huwag kang mag-aalala sa akin--" "Sasama ako sa inyo kung ganoon!" agap ko. "Hintayin niyo po ako at mag--" "Kaya kong mag-isa, hija." she cut me off. Hinawakan niya ang kamay ko at umiling. "Dito na lang kayong dalawa ni Eliseo. Hindi ako magtatagal sa Cebu. Baka bukas ng hapon ay nakabalik na ako rito." "Lola.. Ano po ba kasi ang gagawin niyo sa Cebu?" malungkot na tanong ko. Halo-halong pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon. Takot, lungkot, pag-aalala at awa. Simula nang mapansin ko ang pagbabago sa itsura ni Lola, ayoko nang lumalabas siya ng bahay o nagpupunta sa malayo. "M-may aasikasuhin akong papeles ko. Sige na, Apo. Aalis na ako at baka mahuli pa ako sa biyahe. Ayos lang naman ako. May dala akong sapat na pera at mabuti ang pakiramdam ko. Huwag ka nang mag-aalala sa akin. Babalik ako kaagad, Apo." malumanay na sabi ni Lola. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng isang marahang halik sa noo. Naiiyak ako at  pakiramdam ko'y mawawala ng matagal si Lola. Kung pwede ko lang sanang hilahin ang dulo ng damit niya tulad ng lagi kong ginagawa noong bata pa ako. "Mag-iingat kayong dalawa rito, ha? Eli, bantayan mong mabuti itong apo ko. Kapag may nangyaring masama sa kaniya malalagot ka sa akin!" humalkhak si Lola bago kami niyakap ni Eli. "Lola Tilda, may pera po ako. Baka po kulang ang dala niyo." nag-aalalang wika ni Eli. Umiling naman si Lola at pinigilan si Eli sa pagdukot sa kaniyang bulsa. "Ayos lang ako, hijo. Hindi naman ako gagastos masyado roon. Baka pagkain at pamasahe lang ang pagkagastusan ko." Sobrang lungkot ko habang pinagmamasdan si Lola na naglalakad paalis ng bahay. Mag-isa at may bitbit na maliit na bag. Nanginginig ang mga kamay ko at walang tigil sa pag-agos ang luha ko nang sundan ko si Lola sa gate. Niyakap ko si Lola ng mahigpit at umiyak ako sa kaniyang balikat. "L-Lola... B-Balik po kayo kaagad, please... Mag-iingat rin kayo roon. K-Kumain po kayo at.. huwag kalimutang inumin ang gamot niyo. I-text niyo rin po ako kung nakarating na kayo..." humagulhol ako at nilukot ang damit na suot ni Lola. Sa buong buhay k, ngayon lang ata ako mahihiwalay kay Lola Tilda. Naninikip ang dibdib ko at umaapaw ang kalungkutan. "Oo naman. Mahal na mahal kita, Apo. Ingat kayo rito, ha?" Paulit-ulit akong tumango kahit na dumadaloy ang mga luha ko. Parang ayaw ko nang bitawan si Lola dahil sa higpit ng pagkakayakap ko. I was dumbfounded at the dining table. Nakatitig lamang ako sa plato ko ang walang gana sa pagkain. Maluwag ang hawak ko sa kubyertos. Sa harapan ko, nakaupo si Eli at nararamdaman ko ang paninitig niya sa akin. Tatlumpong minuto na ang lumipas nang umalis si Lola ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring salitang lumalabas sa aking bibig. Bakit ba ganito? Umalis lang naman si Lola at sinabi niyang babalik siya? Bakit ang sikip sa dibdib? Dahil ba ito ang unang beses na malalayo kami sa isa't isa? Hindi ko yata kakayanin kung mauulit pa ito! Sasama na ako kay Lola sa susunod! Nag-angat ako ng tingin at pinasadahan ang buong bahay. Napakalungkot ng aura kapag wala si Lola. Dapat talaga sumama ako sa kaniya! Gaano ba kasi ka-importante ang papeles na lalakarin niya roon? Hindi niya man lang magawang sabihin sa akin kung ano iyon! Bumagsak muli ang paningin ko sa pagkain nasa plato ko. Sinigang ang ulam at alam kong si Eli ang nagluto nito. Ipinaghanda niya rin ako ng pagkain kaya napaka-bastos ko naman kung hindi ako kakain ngayon. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. Nag-angat ako ng tingin at agad na nasalubong ang kaniyang madilim niyang titig sa akin. He pursed his lips. "Ayaw mo ba ng ulam? Pwede kitang ipagluto ng iba--" "Huwag na! Ayos na 'to. Gusto ko ang sinigang." agap ko. Mabilis kong inayos ang pagkakahawak sa kubyertos at sumubo ng isa. Binilisan ko ang pagnguya ang nilunok ko agad-agad. Sumubo ulit ako at gano'n ulit ang ginawa. Inulit ko hanggang sa masamid ako at magkanda-ubo. Hinawakan ko ang dibdib ko at mariing pumikit dahil sa pag-ubo ko. Narinig ko naman ang pagmumura ni Eli. Mabilis siyang nagsalin ng tubig sa baso at lumapit sa pwesto ko upang ipa-inom iyon sa akin. "Here, drink this." utos niya habang hinahagod ang likuran ko. Ginawa ko naman kung ano ang gusto niya. Uminom ako at pinangalahatian iyon. Nang mahimasmasan ako'y bumalik na si Eli sa kaniyang pwesto. "Sorry," tanging nasambit ko. He sighed and shook his head. "Eat slowly. Nag-mamadali ka. May pupuntahan ka ba?" supladong sabi niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Wala. Saan pa ako pupunta sa oras na 'to?" His eyes narrowed and bore into me. "Ewan.. Baka sa talampas?" Muntik na akong masamid ulit dahil kaniyang sinabi. Kunot noo ko siyang binalingan at nakita ko ang pinaghalong galit at iritasyon sa kaniyang mukha. Talampas? Anong ibig niyang sabihin? Imposible naman na nakita niya kami ni Zach na nagpunta roon! "A-anong namang gagawin ko roon, Eli?" kinakabahang tanong ko. Umigting ang kaniyang panga at ang mga mata'y mas lalong naging galit. "Maybe .. To take a picture and eat grilled meat?" puno ng panunuya na sabi niya. Nalaglag ang panga ko. Hindi ako makapaniwala. Paano niya nalaman iyon?! "Eli... Sabihin mo sa akin, nagpunta ka ba sa Isla Alvarado?" napalunok ako. He nodded and glared sharply. "B-bakit?" Muli niya akong inirapan. Sinulyapan niya ang kaniyang pagkain na paubos na bago muling bumaling sa akin. "Bakit mukhang takot na takot ka kung pumunta nga ako roon? I have the right to fetch you sometimes because I am your boyfriend. " Umiling ako. "Oo nga, pero... Alam mo namang ayaw kong lumalabas ka ng mag-isa dahil baka mapano ka--" "Iyon ba talaga ang dahilan o ayaw mo lang na nakikita kitang nakikipag-mabutihan sa lalaking iyon?" iritadong sabi niya. Natauhan ako bigla. Pinagmasdan ko ang kaniyang nakabusangot na mukha at napangisi. Napansin ko ang pagsasalubong ng kilay niya kaya naman itinago ko ang ngisi ko sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig. Nagseselos 'to. "Natatawa ka pa?" naiinis na sabi niya. Padabog niyang binitawan ang kubyertos at umalis sa harapan ko dala ang kaniyang pinggan. Kahit na natatawa ako'y inubos ko na rin ang pagkain ko at sumunod sa kaniya sa lababo. "Ako na dito," sabi ko. Hawak na niya ang sponge at sa sobrang laki niya'y hindi ako makasingit sa lababo. Sinubukan kong agawin sa kaniya ang sponge ngunit inilayo niya iyon. Nagpalitan kami ng matalim na tingin. Bumuntong hininga siya. "Hindi ba't pagod ka? Magpahinga kana roon sa kwarto mo at mukhang napagod ka sa date niyo ng lalaking iyon." Natawa ako. "Mukhang bang date iyon, Eli?" "Malay ko sa 'yo." nagkibit siya ng balikat at hindi na ako pinansin. "Hindi iyon date, Eli. May pinag-usapan lang kami ni Zach kanina. Bakit naman ako makikipag-date sa iba e, ikaw ang boyfriend ko?" Sinulyapan niya ako ngunit hindi siya hindi siya umimik at nagpatuloy lang sa kaniyang pagsusuplado. Tinapos niya ang paghuhugas ng pinggan at iniwan na ako roon. Natawa tuloy ako. Seloso! "Hoy, hindi nga iyon date." pangungulit ko sa kaniya. Nasa sala na siya ngayon at prenteng naka-upo habang salubong ang kilay sa pinanonood. Umismid lamang siya ngunit hindi ako pinansin. Natawa ako at napa-iling na lang. "Tss, bahala ka nga diyan. Huwag tayong mag-pansinan hanggang bukas ha!" Umirap ako at pumasok na lamang sa kwarto namin ni Lola. Maliligo nalang ako at matutulog! Kinuha ko ang tuwalya ko at ang pantulog kong damit. Paglabas ko, nagtinginan kami ni Eli ngunit hindi ko siya pinansin. Pumasok na ako sa banyo at tahimik na naligo roon. Paglabas ko ng banyo, muntik na akong mapatalon sa gulat nang madatnang ko si Eli sa harapan ng banyo. Nakatayo at mukhang hinihintay akong lumabas. Tss. Napaka-papansin. "Tabi nga," sabi ko at tinulak siya paalis sa daan. Naramdaman ko ang pag-sunod ng tingin niya sa akin. "Let's talk." malamig na sabi niya. Umirap ako at hindi siya nilingon. Mabilis akong pumasok papunta sa kwarto ni Lola at ini-lock iyon. Let's talk mo mukha mo, Eliseo. Suplado ka, 'di ba? Suplado rin ako. Hawak ang suklay, pabagsak akong naupo sa upuan sa harap ng salamin. Marahan kong sinuklay ang aking basang buhok. Napabuntong hininga ako at dinilaan ang ibabang labi ko. Isang buwan na si Eli rito. Lahat ng tao rito sa Isla ay malapit na sa kaniya at kilala na siya pero kamusta kaya ang tunay niyang pamilya? Malamang nag-aalala na ang mga iyon. Ano kaya kung pumunta kami ni Eli sa Maynila o kaya naman ay humingi ako ng tulong sa mga pulis? Umiling ako at sumimangot. Nakakatakot kung iyon ang gagawin ko. Baka mamaya, pagbintangan pa nila akong kinidnap ko si Eli at itinago rito! Inilapag ko ang suklay sa drawer nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko kaagad iyon nanag makitang si Lola ang nag-text. From: Lola Tilda Malapit na ako sa Cebu, apo. Kumain ako kanina sa karinderya malapit sa terminal. Ayos lang ako rito, apo. Huwag mo na akong tawagan at medyo mahina ang signal rito. Mag-iingat kayo ni Eli diyan, ha. To: Lola Tilda Mag-iingat po kayo diyan, La. 'Yung gamot niyo po huwag niyo kalimutang inumin. Tumawag po kayo kaagad sa akin kapag maayos na ang signal. I love you, Lola! Hindi ako na nakatanggap pa ng reply mula kay Lola. Napabuntong hininga na lamang ako bago tinapos ang pagsusuklay at pagtutuyo sa buhok ko. Nag-aalala ako kay Lola at medyo hindi ako mapakali. Hindi lang din si Lola ang iniisip ko kundi pati si Eli. Anong gagawin ko sa kaniya? Dapat ba kausapin ko na siya ngayon? Kaya lang... Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Naguguluhan na ako. Nagtatalo ang puso't-isip ko sa mga oras na ito. Nagpalakad-lakad ako sa kwarto at kapag nangawit, hihihiga naman ako sa kama ng patihaya at ang paa ay naiiwan sa sahig. Hindi ako makakatulog nito. Marami akong iniisp. Tulog na kaya si Eli? Sinulyapan ko ang orasan at mabilis akong tumayo nang malamang hindi pa gano'n kalalim ang gabi. Kung kakausapin ko siya kahit kaunting oras lang, makakatulog na ako ng maayos. Sasabihin ko na rin sa kaniya ang tungkol sa singsing na nakita ko kasabay niya. Tama. Lumabas ako ng kwarto at nalamang patay na ang ilaw sa sala. Dumiretso ako sa kusina upang uminom muna. Kinakabahan ako. Saan ba ako mag-sisimula? Pinangalatian ko ang tubig sa baso at tahimik iyong hinugasan sa sink. Patay ang ilaw dito sa kusina ngunit dahil sa sinag ng buwan na nanggagaling sa maliit ng bintana, nakikita ko ang ginagalawan ko. Ibinalik ko ang baso sa lalagyanan at nag-isip. Hindi muna ako aalis sa kusina dahil bubuo pa ako ng tamang salita. "Eli, mahal kita pero hindi tayo p'wede. Mahal kita pero handa ako palayain ka--" Sinabunutan ko ang sarili ko at naiinis na bumuntong hininga. Bakit parang napaka-corny naman ng sinabi ko? Totoong mahal ko si Eli pero... Ah, basta! Kailangan kong mag-isip ng iba. "Eli..." I cleared my throat. Nakaharap ako sa ref at iniisip na si Eli iyon. "Gusto kong malaman mo na, masaya ako dahil dumating sa buhay namin ni Lola. Masaya ako dahil naging parte ka ng buhay namin. Pero hindi kasi lahat dumadating ay nananatili..." Naiiyak na ako sa mga pinagsasabi ko. Huminga ako ng malalim at mariing pumikit. Masyado naman iyong ma-drama. Bakit ba dalang-dala ako? I sighed and opened my eyes. I smiled sadly and slowly walked over to the refrigerator to hug it. Nanunubig na ang mga mata ngunit sinubukan ko pagilan ang pagiging emosyonal. "Pasensiya kana, Eli... Mahal na mahal kitang lalaking ka kahit na alam ko namang hindi ka naman talaga sa akin." I sniffed. "Handa na akong tulungan kang mai-balik ang memorya mo. Kapag naaalala mo na ang lahat, wala akong ibang gagawin kundi ang hayaan kang umalis. Tutal, hindi ka naman talaga dapat nandito. Aksidente lang ang lahat. Aksidente lang itong namamagitan--" "W-what are you doing there, Emerald?" Muntik na akong mapasigaw sa sobrang gulat ko. Dumilat ako at agad-agad na lumayo sa ref. Bukas na bukas na ilaw dito sa kusina at nasa harapan ko si Eli! Nakatayo at kunot noong nakatingin sa akin. Yumuko at natatarantang nag-isip ng sasabihin. Narinig niya kaya? Kanina pa ba siya nakatayo diyan? I want to slap myself right now, right here. Nakakahiya! Baka isipin niyang nababaliw na ako! Sa kaniya... "K-kanina ka ba d-diyan?" naiilang kong tanong. Hindi ko rin magawang tingnan siya. "Hindi naman. Ano'ng naisipan mo at niyayakap mo 'yang ref?" tumaas ang isang kilay niya. Nanantiya ang titig. Sinulyapan ko siya at napansin ang natatawa niyang mukha. Bigla tuloy akong nairita. "W-wala. Sinusukat ko lang ang laki nito." pagdadahilan ko. "U-uhm. B-balik na ako sa kwarto..." hilaw akong ngumiti at ambang lalampasan na siya ngunit nahuli niya ang palapulsuhan ko. "Mag-usap tayo, Era. Please?" puno ng pagsu-sumamo na sabi niya. Mapupungay ang kaniyang mga matang nakapukol sa akin. Napalunok naman ako nang bumaba ang tingin ko sa kaniyang katawan. Paano ba naman kasi, ang nipis ng t-shirt na suot niya. Hapit sa kaniyang malapad katawan kaya bumabakat. Ako ba ang bumili niyan para sa kaniya? Wala akong maalala. Tsaka hindi ko siya bibilhan ng manipis ng damit. Sana lang hindi niya 'yan sinusuot sa labas! Naamoy ko pa ang mabangong halimuyak sa kaniya. Mukhang naligo siya habang nag-mumuni-muni ako sa kanina sa kwarto. "A-ano ba ang pag-uusapan natin?" He sighed. "Tara sa kwarto mo. Doon tayo mag-usap." "H-huh?!" Namilog ang mga mata ko. "B-bakit sa kwarto pa... Pwede namang dito na sa kusina?" kinakabahan kong tanong. Nanginginig na ang mga tuhod ko sa sobrang kaba at kundi lamang ako hawak ni Eli malamang natumba na ako. Kwarto raw? Anong namang gagawin namin sa kwarto? Imposibleng naiisip ni Eli ang mga bagay na naiisip ko. Imposibleng nag-iisip siyang kahalayan ngayon. Bakit ba kabadong-kabado ako? Nakakainis naman, e. Kung anu-anong bagay nalang ang pumapasok sa utak ko. Simula nang maging kami at halikan niya ako, a little worldliness has stained my mind. Nagpa-flashback din 'yung halikan namin sa batuhan! Ano ba, Era! Get a hold of yourself! "You're blushing really hard. What are you thinking, Emerald?" he smirked. Kinalas ko ang kamay ko sa kaniya at inirapan siya. "W-wala! A-Ano ba kasing pag-uuspan natin ha?" The side of his lips rose a bit. "I need an explanation." My brows furrowed. "Explanation for what?" "Sa pagsama mo sa lalaking iyon at kung ano ang sinabi mo kanina lang habang yakap-yakap iyang ref. I need a proper explanation." his jaw clenched. "Sinabi ko na, 'di ba? Hindi nga iyon date at nag-usap lamang kami ni Zach. Magkaibigan lang kami, Eli. Sinamahan niya ako sa talampas dahil nakita niya iyong nangyari sa Restaurant kanina. Nag-aalala siya sa akin kaya.." hindi ko na tinapos ang sinasabi ko dahil mukhang iritang-irita na siya sa akin. He looked so pissed. His jaw clenched repeatedly while looking sharply at me. Yumuko siya at hinapit ang baywang ko. Bagay na ikinagulat ko. Napahawak tuloy ako sa kaniyang dibdib bilang suporta. "What about what you said earlier? Anong sinasabi mong hahayaan mo na akong umalis kapag bumalik na ang alaala ko? Anong sinasabi mong aksidente lang ang lahat ng ito? Aksidente ba talaga ito para sa 'yo? Sa tingin mo ba... Aksidente lang itong pagmamahal ko sa 'yo?" galit at napapaos niyang sabi. I looked away. Narinig niya nga lahat. E, ano man? Balak ko naman talagang sabihin iyon sa kaniya, ah? "Totoo naman ang sinabi ko, Eli." nanghihinang sagot ko. We are so close to each other and I can already feel his breath on my forehead. My hands are well pressed against his wide chest so I can feel his heartbeat. "Please lang, Eli. Subukan mong alalahanin na ang lahat. Tutulungan kita sa lahat--" "f*****g no!" Nangilid na ang mga luha ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib upang doon tumulo ang mga luha ko. "Eli, please... Makinig ka naman sa akin." "No, Era. No... Ayokong makinig sa 'yo..." nahihirapang sabi niya. Inilayo niya ang sarili niya sa akin at ini-angat niya ang kaniyang kamay upang hawakan ang baba ko. Inangat niya ang mukha ko at upang magkatitigan kami. Puno ng lungkot ang kaniyang mata. Mapupungay ang mga iyon ngunit may bahid ng kalungkutan. He slowly shook his head and closed his eyes tightly. Our every breath was heavy. Kanina, buong-buo na ang desisyon ko sa relasyon ito. Bakit ngayon nahihirapan na naman ako? Bakit ang sakit? "I love you, Era. Why are you forcing me away? Aren't we feeling the same way about each other?" Napalunok ako at hindi kaagad naka-sagot. Mahal ko si Eli pero at alam kong alam niya iyon. I don't have to tell him that because I know he knows the answer. Nag-angat ako ng tingin kay Eli at bago pa ako makasagot, muli niya akong hinapit sa baywang. I stiffened when he closed the distanced between us. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko at ang mga mata ko'y titig na titig sa kaniyang mata hanggang sa bumaba iyon sa kaniyang labi. Because my body was so close to him, I could not help but wrap my arms around his neck. I bit my lower lip when he stared at it. "I miss this, I miss you." he said huskily. Slowly, his lips claimed mine in a lazy way. Napapikit ako dahil doon. He claimed my lips completely with a passionate desire. Nagpa-ubaya naman ako at masuyong sinuklian ang bawat galaw ng kaniyang labi sa akin. Every drop of a kiss is intoxicating. It was as if I was being humiliated by what he was doing. When I opened my eyes, I saw his dark and dizzy look. "Part you lips," Mabilis kong ginawa ang kaniyang sinabi. He groaned and his kisses went deeper. His arms snaked around my waist while kissing me hungrily. He pushed his tongue inside my mouth to taste me. When our lips parted, we both gasped for breath. Yumuko ako at hinawakan ang labi ko. Can't believe the way we kissed just now. Sinulyapan ko si Eli at nakita ang mapupungay niyang mga mata. He licked his lower lip and went for another kiss. He crouched and his tongue nudging my lips to open more so he could claim his territory. His kiss went to my jaw and down to my neck. It gave me a tickling sensation that caused my knees to look like jelly and cling tightly to Eli's neck. He kissed and licked my neck seductively. Nakakalunod ang bawat dampi ng kaniyang labi sa akin. Kung hindi niya lamang suportado ang baywang at likod ko, baka kanina pa ako bumigay. A shameful moan escape on my lips when he slightly bit my neck. Napaliyad ako dahil doon. He breathed on my neck and came back to my lips for a more moving kiss. I was losing myself and the only thing on my mind was the restraint I was feeling towards him. Now I just thought that was worthless now. I fell too much on him. I don't know where I can cling to get myself up. I'm lost. "E-Eli..." tawag ko sa kaniya habang hinahalik-halikan niya ang aking leeg. He licked my neck and stop right there to listen on what I'm going to say. "Hmm?" "Kiss me more, please..." wala sa sariling sambit ko. Before I closed my eyes I could see the amusement on his face because of what I said. "Don't try to pushed me again because I will never leave..." ________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD