Kabanata 17
Possible Truths
Tulala ako sa mga nagdaang araw. Gumugulo pa rin sa isipan ko ang mga bagay na sinabi sa akin ni Miss Darcy. Nalulungkot ako sa ideyang baka totoo nga ang sinabi niya. Ilang beses na akong nagtangkang mag-tanong ng ilang bagay kay Lola Tilda ngunit pinangungunahan ako ng kaba at takot sa maaaring matuklasan ko.
Mahal ako ni Lola. Wala akong nakikitang dahilan upang gawin niya ang bagay na iyon sa akin. Kung talagang ginawa niya iyon, ano'ng dahilan at inalagaan niya ako na parang tunay niyang anak?
Kaya hindi, malabong ako talaga ang sinasabi ni Miss Darcy na sanggol na nawawala sa kasong na sinasabi niya. Kahit ano pa'ng sabihin niya'y hindi ako maniniwala. Mas gugustuhin ko pang mamuhay na lamang ng tahimik sa lugar kung nasaan ako kaysa alamin ko pa ang tunay kong pagkatao.
Hindi lumipas ang isang araw ko trabaho na hindi niya ako ipinapatawag sa opisina niya. Wala akong magawa kundi ang makinig sa sasabihin niya. Boss ko siya at kahit gaano ko kagustong magalit sa kaniya'y hindi ko magawa. Natatakot ako na mawala sa akin ang trabahong ito.
"Ayos ka lang ba, Era? Hindi ka pa rin ba naniniwala sa mga sinasabi ko?" nag-aalalang tanong sa akin ni Miss Darcy isang hapon.
Nasa loob kami ng opisina niya at kahit nasa oras pa ako ng trabaho'y pinagka-abalahan niya akong ipatawag dahil may bago raw siyang sasabihin sa akin. Punong-puno ng kaba ang dibdib ko sa mga oras na ito. Takot na naman sa maaaring lalabas na impormasyon sa kaniya.
"A-ayos lang po ako, Miss." tanging na sambit ko. Nakayuko lamang ako, nakatingin sa mga kamay kong nakapatong sa aking hita.
Miss Darcy let out a deep sigh. When I looked up, she was leaning on her swivel chair and looked very stressed.
"Pasensiya kana sa akin. Hindi ko dapat talaga ginagawa ang bagay na ito pero... May kasalanan rin kasi ako kung bakit nawala ang batang na tinutukoy ko noon." napapaos niyang sabi.
Agad namang kumunot ang noo ko. Naguguluhan sa kaniyang sinabi. "A-ano pong sinasabi niyo, Miss? Bakit may kasalanan kayo?"
She smiled weakly. "I am the in-charge Doktor of that child. Ako rin ang nagpa-anak sa Ina ng bata..."
Umawang ang mga labi ko at parang hindi makapaniwala sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya. Doktor siya? Kung ganoon, bakit ganito ang trabaho niya ngayon? Hindi ko maintindihan. Sabagay, paano ko naman kung maiintindihan kung sa una palang ay hindi ko naman talaga siya kilala. Dapat ba akong magsisi na pinagkatiwalaan ko siya?
"I used to be a Doctor in Manila. I resigned from the job because of that incident. I blame myself for not doing my job well. And before I lost my license, I resigned." she sigh heavily. Ang kaunting lungkot sa kaniyang mukha ay nahahalata.
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Dati siyang Doktor? At siya ang in-charge dati sa bata? Pero napaka-bata pa ni Miss Darcy. Ilang taon na ang lumipas nang mangyari ang bagay na sinasabi niya. Ilang taon na ba siya? Nagkamali rin ba ako sa edad niya? Well, ni minsan, hindi naman niya nasabi sa akin ang edad niya. Hindi ko rin itinanong.
"A-ano po ba iyong gusto niyo talagang sabihin at pinapunta niyo ako ulit dito? Marami pong customer sa Hotel, Miss..." diretsahan kong sabi.
Her lips twitched. "Sana naman, pagkatiwalaan mo na ang mga sinasabi ko, Era. Mas mapapabilis sana ang lahat kung papayag ka sa isang DNA Test. Matagal na kasing nangungulila ang mag-asawa sa kanilang anak."
"Talagang ipinipilit niyo na ako nga ang sanggol na nawawala. Paano ka nakasisiguro, Miss? Lahat ba ng kwento sa buhay ko'y alam mo?" puno ng paghahamon ang tono ko. Hindi ko napigilan ang pag-usbong galit sa sistema ko.
"Hija, makinig ka muna sa akin.. Wala namang masama kung magsasagawa tayo ng DNA Test. At isa pa, nalaman ko rin na ang kumidnap sa bata ay ang kaniyang personal na tagapag-alaga. Baka naman 'yung Lola--"
Tumayo ako dahilan ng pagkakatigil niya sa sinasabi. Hindi ko na kayang makinig sa sasabihin niya. "Marami pa po akong gagawin." malamig kong sabi.
"Era, please. Makinig ka muna sa mga sasabihin ko..." pagpupumilit niya.
I sigh heavily and looked at her with a mix of irritation and respect. Pinipilit ko ang sarili ko na huwag magalit dahil boss ko pa rin naman siya. 'Iyon na nga, boss ko lang siya ngunit nangingialam siya sa buhay ko.
"Kahit ano pa po'ng sabihin niyo, hindi ako maniniwala. Hindi ako ang batang na tinutukoy niyo, nagkakamali lamang kayo ng akala sa akin. Hindi gagawa ng kahit na anong kasamaan ang Lola ko. Kilala ko po siya. Huwag niyo na akong ipatawag ulit, Miss. Hindi po magbabago ang desisyon ko. Salamat po."
Walang kabuhay-buhay akong lumabas sa opisina ni Miss Darcy at bumalik sa Restuarant kung saan ako naka-assign sa araw na ito. Parang ako lumulutang sa kung anu-anong bagay habang pinupunasan ng ang isang lamesa. Nakakunot ang noo ko habang ang atensiyon ko'y nasa mga turistang nagkakasiyahan sa isang swimming pool.
"Hoy, Era. Tama na ang punas at mukhang pati 'yang lamesa'y mabubura na."
Napapitlag ako sa nagsalitang si Sela sa tabi ko. Nakangisi siya habang hawak hawak ang isang tray na walang laman. Natawa siya nang makita ang reaksiyon ko.
Tiningnan ko ang lamesang pinupunasan ko at nakitang napaka-kintab na no'n. Halatang wala ako sa sarili ko. Tumikhim ako at umayos ng tayo. "Magtrabaho ka nalang. Huwag mo akong kausapin."
"Ay ang taray ha!" she chuckled. Luminga-linga siya sa paligid bago lumapit sa akin upang bumulong. "Parati ka nalang pinapatawag ni Miss Darcy, ah. Sana all ka-close ang Sales Manager. Ano ba'ng pinag-uusapan niyo sa loob?" muli siyang humalakhak na nagpairita sa akin.
"Hindi kami close." tipid na sabi ko.
"Asus. Nakita nga kayo ni Thadeo noong minsan na magkasamang kumain sa isang coffee shop. Tsaka pansin ko talaga na, magaan ang loob ni Miss Darcy sa 'yo. Well, mabait naman talaga siya sa lahat pero iba kasi siya makitungo sa 'yo. Parang napaka-casual niya kapag ikaw ang kausap niya. Ang ganda niya pa, 'no? Ilang taon na kaya siya? Itanong mo nga kung ano'ng skin care niya, ang kinis ng balat niya, e."
Umirap ako. "Bakit hindi ikaw ang magtanong?"
"Hindi naman kasi niya ako madalas na kinakausap, e. Ikaw lang!" sagot niya.
"Tss." umiling ako. "Ikaw na ang magtanong dahil hindi rin kami close." muli akong umirap bago umalis sa tabi ni Sela.
Nakasalubong ko si Ophelia na may dalang tray. Nginitian niya ako at sinabukan ko namang ngumiti pabalik kahit na naiirita ako. Pagkarating ko sa kitchen, si Kiel naman ang naroon. Tumutulong siya sa pagluluto. Nabanggit niya minsan sa akin na gusto niyang matutunan ang pagluluto ng mga pagkaing isine-serve rito sa Hotel dahil masasarap daw. Siguro'y na-train na siya sa station na ito kaya siya narito.
"Oh, Era. Nakasimangot ka ata." puno niya sa itsura ko. Nakasuot siya ng makapal na gloves at abala sa paglalagay ng hilaw ng chicken fillet sa lutuan.
"Wala 'to. Huwag mo akong pansinin. Dito kana pala sa kitchen kana pala naka-assign?" puno ko sa ginagawa niya.
Ngumisi naman siya at tumango. "Ah, Oo, nagsabi ako sa trainor. Nagpa-train na rin ako. Mas astig pala rito kaysa sa pagiging waiter at bellboy. Dito kasi, nasa loob lang at hindi kailangan makipag-usap sa mga marereklamong customer."
Natawa ako sa sagot niya. "Talaga? Madali lang ba rito? Parang gusto ko rin tuloy na dito na lang. Ayoko na sa Services." ngumuso ako. Naalala ko iyong mga matataray na customer dito sa Hotel.
Tumulong ako sa paghuhugas sa kitchen at nang dumami na ang customer ay lumabas na ulit ako para mag-serve. Sa sobrang dami ng tao'y medyo naging aligaga ako. Lima lang kaming nagseserve rito at napakalawak pa ng buong restaurant. Sa sobrang rami'y hindi na ako mapirmi sa i-isang lugar lang.
Papunta na ako sa isang table para sana i-serve ang order nila nang maramdaman ko ang isang bagay na sumagabal sa paglalakad ko dahilan ng pagkakadapa ko sa sahig. Natapon ang pagkaing hawak ko at sa isang iglap napunta ang lahat ng atensiyon sa akin. Mas lalo pang naging grabe ang lahat nang mapansin ko ang isang babaeng nasa harapan ko. Marumi ang damit at mukhang natapunan ata ng dala ko kanina. Kitang-kita ko ang galit sa pagmumukha niya.
"Opps, sorry." napalingon ako sa likuran ko at napagtantong naroon pala si Dianne. Ngumisi siya sa akin at imbis na tulungan ako'y, tumalikod na siya at naglakad palayo.
Bumalik ang atensiyon ko sa harapan nang marinig ang malakas na pagsigaw ng babaeng natapunan ko. Nanggagalaiti ang mukha niya at mukha sasabog na ang mga litid sa leeg.
"How dare you! You ruined my dress! Alam mo ba kung gaano kamahal ito?!" sigaw niya.
Napasinghap ako at napalunok dahil sa labis na kahiyan. Nakayuko akong tumayo. "S-sorry po. Hindi ko po s-sinasadya.." takot na sabi ko. Ang mga bulungan sa paligid ay lalong lumalakas.
"Oh my god! Ano'ng gagawin ko ngayon, ha?! Makakayanan mo bang bayaran itong suot ko?! Gosh! May date pa naman ako ngayon!" sigaw niya.
Yumuko ito sa kaniyan suot at naghagilap ng tissue para punasan ang kaniyang damit. Nanginginig rin akong lumapit sa isang bakanteng table upang kumuha ng tissue roon. Tinangka kong lapitan ang babae para sana tulungan siya ngunit marahas niya akong itinulak. Bumangga ang likuran ko sa matigas na lamesa at nagdulot iyon ng sakit. Binaliwala ko iyon at sinabukang lapitan ulit ang babae.
"Kaya ko pong labhan ang--"
"Shut up! You b***h! Humanda ka sa akin!"
Padarag siyang humakbang papalapit sa akin upang sampalin ako at sabunutan. Hindi ako nanlaban at hinayaan lamang siya sa gusto niyang gawin sa akin. Napaiyak ako nang maramdaman ang sakit sa pananakit niya. Sumugat ang kaniyang mga kuko sa aking mga braso. Naawat lang siya nang biglang dumating ang ilang manager at guard upang ihiwalaway siya sa akin.
Magulo ang buhok ko at puno ng kalmot ang mga braso ko nang daluhan ako ng nag-aalalang sina Ophelia at Sela. Itinigil ko ang paghikbi ko at tipid silang nginitian upang sabihin ayos lang ako.
Wala pa ring tigil sa pagwawala ang babae, para bang hindi pa siya kuntento sa nagawa niya sa akin. Sa isang sulok ng mata ko, namataan ko si Dianne na nakangisi sa akin. Tinalikuran niya ako at ipinapatuloy ang ginagawa.
Hindi ako nagpatuloy sa trabaho at pinag-out na ako kaagad. Bago ako makapag-bihis, ipinatawag muna ako ni Miss Carol sa opisina niya.
Mukha siyang galit nang makita niya akong pumasok.
"Have a seat." maawtoridad na sambit niya.
Nanghihina akong umupo. Alam ko na kung saan ang tungo nito. Baka tatanggalin niya na ako sa trabaho. Gusto kong maiyak, ngunit mukhang naubos na ang luha ko kanina.
"Pasensiya na po, Ma'am. H-hindi ko naman po talaga sinasadya... 'yung nangyari kanina. A-aksidente lang po iyon..."
Bumuntong siya at tinanggal ang specs na suot niya. Ipinatong niya iyon sa table at mariin akong tinitigan. "Alam mo ba kung sino iyong babaeng natapunan mo, Era? Importanteng panauhin iyon. Siya ang anak ng isa sa may pinakamalaking shares sa buong Hotel. Dahil sa nagawa mo baka bawiin nila ang investment."
Yumuko ako at kinagat ang ibabang labi ko. "Hihingi po ako ng tawad at lalabhan ang--"
"Sa tingin mo ba papayag siya roon? Baka nga sa mga oras na ito gusto kana niyang patalsikin sa Hotel na ito. Importanteng tao iyong binangga mo, Era. Kung bakit ba kasi hindi ka nag-iingat. Nitong mga naka-raang araw palagi kang tulala. Sana naman hindi mo dinadala sa trabaho ang problema sa bahay niyo."
"P-pasensiya na po talaga..."
She heavily and leaned on her swivel chair. Ang mga wrinkle sa noo niya ay mas lalong dumidepina dahil sa pagkunot ng kaniyang noo.
"Magiging unfair naman kung tatanggalin kita agad-agad sa trabaho mo rito sa Hotel. Mas mabuti siguro kung sa ibang trabaho nalang kita ilalagay. Aalisin na kita sa Customer Services Team."
Bumagsak ang mga balikat ko. "S-saan na po ako, kung ganoon?"
"Ilalagay kita sa cleaners. Pasensiya na Era pero iyon lang ang magagawa ko. Hindi imposible kung i-utos ni Miss Sophie na tanggalin kita sa trabaho mo."
Napayuko ako, tanggap na ang pagkatalo ko. "S-sige po. Ayos lang basta hindi ako matatanggal."
Tumango si Miss Carol. "Sige, bukas ipapa-train na kita sa bago mong station. Sa ngayon, mag early-out kana muna. Ikakaltas ko na lang sa sahod mo ang oras na hindi mo papasukan ngayon."
Bumuntong hininga ako. "Sige po, s-salamat."
Sobrang nanlalamot ako habang sinusuklay ang mahaba kong buhok sa salamin. Walang buhay ang mga mata ko at walang bakas ng ngiti sa aking labi. Alas tres pa lamang ngunit narito ako at aalis na sa Hotel. Ayos lang naman sa akin kahit na anong trabaho ang mapasukan ko, basta ba legal. Cleaner? Walang mahirap doon. Hindi ko lang talaga matanggap na hindi man lang ako pinag-explain ni Miss Carol tungkol sa nangyari. Basta na lamang siyang nagdesisyon! Hanggang ngayon, pala-isipan pa rin sa akin ang pag-ngisi ni Dianne. Hindi naman kaya siya ang may gawa kung bakit nadapa ako? Ano namang dahilan at gagawin niya iyon sa akin? Wala akong maalala na ginawan ko siya ng masama.
Bago ako umalis, saglit na pumasok sina Sela at Ophelia sa Crew quarter. Nag-aalala sila sa akin. Ngumiti ako at sinabing ayos lang ako. Iniligpit ko na ang mga gamit ko at sinabing aalis na kaya pinabalik ko na sila sa trabaho. Baka dahil sa akin ay mapagalitan rin sila. Puno pa naman ng customer ang Hotel ngayon.
I was greeted by a cool breeze when I came out. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko at nagpasiyang maglakad na ngunit napatigil ako sa paglalakad nang mamataan ang isang turista na naglalakad papunta sa direksyon ko. Hindi siya papunta sa akin, sadyang dadaanan lamang siya at makakasalalubong ko siya.
The woman is beautiful and her hair and eyes are the same as mine. She was wearing a long white summer dress and a flat brown sandals. Her face has some wrinkles but that does not diminish her beauty. Some other people here look at her as she walks. Considering her age, I think she's in her fourties... Hindi rin ako masyadong sigurado sigurado.
Napasinghap ako nang magtama ang mga mata namin. Hindi siya ngumiti, nagtagal lamang ang titig niya sa akin bago siya nag-iwas ng tingin at nilagpasan na ako. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako. Nilingon ko ang babae at nakitang pumasok iyon sa Hotel.
Paglingon ko sa harapan, nagulat ako nang makita si Zach sa harapan ko. Muntik pa akong mapatalon dahil sa nakakagulat niyang presensiya.
"I-ikaw pala, Zach..."
"Ako nga. Teka, ayos ka lang ba? Maaga ka yata ngayon?" nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan iyon ng pagtataka.
Ang kaniyang paningin ay lumipat sa itinatago kong mga braso.
Tipid ko siyang nginitian. "May nangyari lang. Uuwi na ako."
Malalim siyang bumuntong hininga bago hinuli ang mga braso ko. Nag-aalala niya iyong tinitigan. "I saw what happened inside the restaurant earlier. I'm waiting for you here to check if you're okay... But I guess, you're not."
"Nakita mo pala. Ayos lang talaga ako, Zach. Gusto ko rin talagang umuwi ng maaga ngayon at hindi maganda ang mood ko."
"Ganoon ba.. Do you want to come with me? I know better where to lose your annoyance. Gusto rin sanang gamutin ang mga sugat mo."
Kumunot naman ang noo ko. Inignora ang huli niyang sinabi. "Saan naman?"
"Basta," he smiled. "Malapit lang iyon dito."
I stared at his face for a long time before I answered. Hindi na naman iba si Zach sa akin. I know he is a good man. Even though we've only known each other for a few weeks, I still consider him as a friend. Hindi nga lang ako kumportable na kasama siya minsan dahil mayaman siya at kamag-anak siya ng may-ari ng Hotel na ito.
Tipid ako tumango. "Sige, sasama ako sa 'yo."
Ayoko munang umuwi sa bahay at baka usisain pa ako ni Eli at Lola sa problema ko sa trabaho. Mas mabuti na iyong hindi ko dinadala sa bahay ang problema ko sa trabaho. Ayokong ma-stress si Lola at ayoko namang mag-alala pa si Eli.
Dinala ako ni Zach isa isang talampas, dito lang rin sa Isla Alvarado. Hindi ako nagulat nang ang gamiting naming sasakyan papunta rito ay ang magara niyang SUV. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang lumabas kahit na sinabi ko naman na kaya ko na ang sarili ko. Iginiya niya ako sa isang pwesto bago siya bumalik sa sasakyan niya. Pagbalik niya sa harapan ko, dala niya na ang first aid kit.
"Ano ka ba, wala lang 'to. Galos lang." natatawa kong sambit.
Hindi niya sinabayan ang pagtawa ko. He just sighed and sat infront of me.
"Akin na ang kamay mo, please." kalmado niyang sabi.
Wala akong nagawa kundi ang payagan siyang gamutin ang mga sugat ko. Nakita ko kasing determinado siya kaya hindi na ako umangal pa. Sino ba ako para umangal?
"Pasensiya kana kay, Sophie, Era. Lumaki kasing spoiled at solong anak kaya gano'n ang ugali." kwento ni Zach habang abala sa pagdadampi ng bulak sa braso ko. "Masakit ba?" tanong niya.
Umiling ako dahil hindi naman talaga masakit. Parang kagat lang ng lamok ang nararamdaman ko. Ewan ko ba sa kaniya at nag-aaksaya pa siya ng oras na gamutin ako.
"So, kilala mo ang babae kanina?"
Marahan siyang tumango. "We're schoolmates in college.
Tumango ako. Matapos ang ilang sandaling panggagamot niya sa akin, bumalik siya sa kaniyang sasakyan at binuksan ang likuran no'n. May kukuhanin sigurong gamit. Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang tanawin sa ibaba ngunit nagulat ako nang bumalik si Zach sa harapan ko at ilapag niya ang kinuhang gamit sa harapan ko. Isang grill at stainless na container ang kaniyang inilapag bago siya naglatag ng mat sa lupa at umupo roon.
Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang ayusin ang mga gamit. Binuksan niya ang container at nalaman kong hilaw na karne pala ang laman no'n. Sunod niyang inayos ang grill, sinindihan niya iyon gamit ang dala niyang uling at lighter. Syempre may ginamit siyang ibang bagay upang mabilis na sumindi ang apoy.
"Ano 'yan?" nagtatakang tanong ko.
"Naisip ko lang na baka nagugutom ka. Nakakawala rin ng inis ang pagkain. Kumakain ka ba nito?" turo niya sa mga karneng i-ihawin.
Gustong kong matawa sa tanong niya. "Hindi naman ako pihikan. Pero hindi kana sana nag-abala. Akala ko magpapahangin lang tayo rito."
He chuckled. Kumuha siya ng isa pang mat at ibinigay iyon sa akin. "Wala lang 'to. Kaibigan kita kaya gagawin ko ang lahat para sa 'yo."
Medyo nailang ako sa huling panungusap na sinabi niya. Alam ko naman may gusto siya sa akin at alam niya rin na boyfriend ko na si Eli pero basta, hindi pa rin ako sanay kapag gano'n ang pananalita ni Zach. Kung si Eli siguro ang nagsabi no'n, baka nilalanggam na ako sa sobrang kilig.
Hindi na ako nagsalita pa at tinulungan ko nalang si Zach na paghahanda sa karneng iihawin namin. Malawak ang talampas na ito at may isang lumang kubo ang nakatayo sa 'di kalayuan. Kapag pumunta ka sa gilid ng talampas, malayang makikita ang buong bayan lugar ng Isla Alvarado. Kita rin ang Isla Lefevre dahil halos magkatabi lang naman ang dalawang Isla. Habang tinatanaw ko ang Isla Lefevre, napansin ko roon ang isang mansiyon at ang isang malawak na lupain na walang estrakturang nakatayo. Ano kaya kung pag-ipunan ko ang lupain iyon at bilhin ko balang araw?
"Magkano sa tingin mo ang lupaing iyon, Zach?" sabay turo ko sa tinutukoy.
Nilunok ni Zach ang karne sa bibig bago sinipat ng tingin ang itinuturo ko. "Hmm. Ang lawak, ah. Baka milyon-milyon ang halaga no'n. Bakit?"
"Wala naman." tanging nasabi ko. "Salamat nga pala at dinala mo ako rito. Ngayon lang ako nakapunta rito."
Tumawa siya. "Talaga? Paboritong lugar ko kasi ito, e. Dito ako madalas kumuha ng mga litrato."
"Mahilig kang kumuha ng litrato?"
Tumango siya ngumiti. "Yes. Pwede kitang kuhanan mamaya. May dala akong polaroid."
"Naku! Huwag na." umiling ako ng paulit-ulit.
"It's okay. Marami akong film na dala. Sige na, Era. Kahit isang shot lang. It would be nice if you wore the bracelet I gave you. Do you still have it?"
Tumango ako, medyo naguluhan sa sinabi niya. "Nasa bahay. Hindi naman kasi ako mahilig mag-suot ng alahas. Tsaka hindi naman kasi 'yon sa akin. 'Di ba napulot mo lang iyon? Baka hinahanap na iyon ng may-ari."
Umiling si Zach at tumawa sa sinabi ko. "H-hindi na 'yon hahanapin. Mukha naman kasing mayaman ang nakawala no'n. Mas maganda kung isu-suot mo iyon minsan..."
"Sige pero saglit ko lang isu-suot. Mabilis kasing mairita at mamula ang balat ko kapag nagsusuot ako ng alahas." sabi ko. Itinuon ko ang buong atensiyon ko sa tanawin habang si Zach naman ang abala sa pag-iihaw ng karne.
Napag-kwentuhan namin ang pamamalagi niya rito at ang tungkol sa trabahong iniwan niya sa Maynila. Nalaman ko na Woodcrafts pala ang business nila. Business man ang kaniyang papa at lawyer naman daw ang mama niya. Patuloy kami sa kwentuhan hanggang sa mapunta ang topic kay Eli.
"S-sabi mo pamilyar ang mukha niya, hindi ba? Sigurado ka ba roon, Zach?"
"Ah, yes! He really looks like the son of my Dad's business competitor. Hindi ko alam kung nasaan na iyon pero ang sabi'y nasa ibang bansa raw. Akala ko talaga iisa lang silang dalawa ngunit nang malaman kong nasa ibang bansa pala iyon, naisip ko na kamukha niya lang pala." paliwanag niya.
Umayos ako ng upo at hinarap siya ng buo. "M-may litrato ka ba niya?"
He shook his head. "Wala pero.. Pwede ko siyang i-search kung gusto mo talagang makita."
Kinakabahan akong tumango. "G-gusto kong makita..."
Tumango si Zach at mabilis na inilabas ang cellphone sa kaniyang bulsa. May kung ano siyang kinalikot roon bago ibinigay sa akin ang kaniyang cellphone.
"There. But you may not see much there. He does not like to use social media. He's a kind of private." he laughed mockingly.
Kunot noo kong tinitigan ang profile ng tanong tinutukoy ni Zach sa i********:. Pinag-tiyagaan kong pag-singkit-in ang mga mata upang suriin ang profile niya sa roon. Halos sumakit ang mga mata ko dahil napakalayo ng kuha tapos may suot pa siyang shades. May tatlong post siya ngunit dahil naka-private ang account, hindi ko iyon makita. Ang tanging nakita ko lang ay ang nakakairitang picture at ang mga salitang nakalagay roon sa account niya.
Vicenzo Castellon
Engineer
Napalunok ako nang mapagtanto kung gaano karami ang kaniyang followers. Wala siyang pina-follow at iilan lamang ang post. Napaka-famous naman pala ng taong ito? Mas lalo pa akong nagulat nang mapansing halos lahat ng followers niya ay mga sikat at bigating tao. Mga artista, modelo, business man, arkitekto at iba pa.
Sinubukan ko ulit sipatin ang kaniyang profile ngunit talaga hindi ko makita ng mabuti ang kaniyang mukha. Ka-hugis ng sa kaniya ang buong pigura ni Eli ngunit hindi ko alam kung kamukha niya ba si Eli dahil malayo nga ang kuha at naka-shades pa ito. Bakit naman kasi ang private niya?
"Uh, ang layo ng naman ng litrato, Zach. Wala bang iba?" nahihiyang sabi ko kay Zach.
Tumango siya at kinuha sa akin ang Cellphone. "May f*******: siya. Gusto mo rin bang ipakita ko iyon sa 'yo?"
"Ayos lang ba?" napalunok ako.
He laughed and nodded. He clicked on the f*******: app and immediately searched there. May cellphone naman ako at pwede ako na ang mag-search dahil alam ko na naman ang pangalan ngunit mahina ang signal ng cellphone ko pang-internet, kahit magpaload pa ako ng fifty pesos o isang daan.
"Here, he also has very few posts there." sabi ni Zach at inabot ulit sa kain ang kaniyang cellphone.
"Salamat." kinakabahan kong kinuha ang cellphone niya.
Halos malaglag ang panga ko nang makita ko nang malinaw ang kaniyang mukha. Wala na siyang shades sa kaniyang profile at sobrang lapit pa ng kuha.
"Enzo C-Castellon..." napapaos na basa ko sa kaniyang pangalan. Kinakabahan.
I clicked on his profile. My nervousness doubled even more when I realized Zach was right. At first glance you would not think he looked like Eli because he looked more presentable than Eli. slightly tanned skin, clean haircut and neatly dressed. Hindi siya nakangiti sa litrato at halata roon pagkunot ng kaniyang kilay. Hawig na hawig niya si Eli mula kilay, mata, ilong, labi at panga. No doubt...
Nag-scroll pa ako ng kaunti sa kaniyang timeline at nakita ko roon ang mga litratong naka-tag sa kaniya. I bit my lower lip when I saw a picture where a woman was hugging him. The woman is beautiful, white, sophisticated, looks rich and prim. Nothing compared to how I look. Sa sumunod na mga litrato ko, mas lalo ko pang tinanggap ang pagkakahawig niya kay Eli. Kung pagugupitan ko nang buhok si Eli at aayusin ang kaniyang pananamit, mapagkakamalan na siyang kakambal ng lalaking ito.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Lalo na ng makita ko ang panghuling litrato na siyang nagpawasak sa puso ko. Nakangiti ang lalaki habang buhat-buhat ang isang batang babae at ang magandang babae sa naunang litrato ay nakayapos ulit sa kaniya. They are all smiling here like a happy family ... A happy photo without any trace of me.
I sighed and wiped away my tears. I took a deep breath before returning the cellphone to Zach. My chest tightens and my eyes heat up. Hindi ko gusto ang mga bagay na nakita ko.
"Well, she's with a k-kid. I didn't saw the kid and that woman's face. Everything is blurry and unclear. I have scattered thoughts inside my head. I don't know how to assemble it. I can't shape the story of that thoughts..."
I felt even worse when I remembered what Eli had told me before. Mas lalo akong nanliliit sa sarili ko. Why did I even let myself fall for him? Noong una palang... Hindi na dapat talaga.. Hindi na dapat. Naiinis ako sa sarili ko.
"Are you alright, Era?"
I nodded and tried to smile. Isinantabi ko muna ang lahat ng bagay na gumugulo sa utak ko at nagpanggap na masaya sa lugar na ito. We finished the meal and as he wanted, he took a picture of me. Ibinigay niya iyon sa akin at itinabi ko naman sa wallet ko.
The sky was dark when I got home. Zach drove me home using a small yacht. Ang sasakyan niya'y naiwan sa kabilang isla. Nagpaalam at nagpasalamat ako sa kaniya sa araw na ito. Hinintay ko siyang makaalis bago naglakad patungo sa bahay.
I feel so bad and all I want to do is sleep and rest my mind. Tomorrow, I need to maybe resolve everything. I can't just let it all go and just keep up with the flow of time. I need to do something. Something between me and.. Eliseo. That guy-- No, the man that I love.
___________________