Chapter 1

2584 Words
Jade's POV "Ang boring kapag wala si kaliwa." sabi ni Fin. Ilang araw na kasing hindi pumapasok si kaliwa. Huling kita namin sa kanya nung pa-party ang lolo nya tapos wala na, hindi na nagparamdam ang kaliwang yon. Dinalaw namin sya kahapon sa bahay nya pero wala naman sya. Hindi tuloy namin alam kung nasaan yon. "Guys, may narinig ako kanina kay Mama." sabi ni Veron. "Ano naman yon?" tanong ni Gia. "Nagkaroon ng problema ang pamilya nila kaliwa. Narinig ko pang pinaghahanap ng mga police ang lolo nila kaliwa." sabi ni Veron. "Huh? bakit naman?" tanong ko. Kahit na mukhang nakakatakot ang lolo ni kaliwa, bakit naman ito hahanapin ng mga police? "Narinig ko lang na may pinatay ang lolo ni kaliwa kaya sya pinaghahanap. Nahuli nila akong nakikinig kaya hindi ko na alam ang iba pa." sabi ni Veron.  "Mamamatay tao ang lolo ni kaliwa?" tanong ko at tinakpan ni Gia at Fin ang bibig ko.  "Ang ingay mo. May nakarinig sayo dyan eh." sabi ni Gia. Napakamot ako ng ulo. "Kung totoo nga yon, ang laking problema nga yon sa pamilya ni kaliwa." sabi ni Fin. "Kaya siguro hindi natin nakikita si kaliwa dahil doon." "Baka nga, gusto man natin syang damayan pero hindi naman natin alam kung nasaan sya." sabi ni Veron. "Well, ipagdasal na lang natin na walang mangyari sa pamilya nya." sabi ni Gia. "Ah!" Nagulat kaming tatlo sa kanya. Kung makasigaw kasi sya pabigla bigla. "Nagagaya ka na ba kay Jade?" tanong ni Veron na ikinasimangot ko. "Nag-text sakin si kaliwa. Sabi nya, wala sila ni Nissan sa bahay nya kundi sa condo ng kuya nya. Kung may assigment daw tayo pakipasa na lang daw sa kanya para magawa nya." sabi ni Gia habang nakatingin sa cellphone nya. "Tara, puntahan natin ngayon! sakto uwian na." sabi ni Veron. Sumang-ayon kaming lahat kaya nagsilabasan na kami ng classroom. Nag-taxi lang kami papunta sa condo unit ni Kuya Kaysaysayan, wala naman kaming mga sasakyan. Dumaan muna kami sa supermarket para bumili ng pagkain. Hindi ko nga alam kung bakit kami bibili ng pagkain eh, wala naman sakit yung pupuntahan namin. Pauso lang ni Veron eh. "Sorry po ma'am bawal po magdala ng pagkain." sabi ng lalaking mukhang bodyguard dahil sa suot nya na humarang samin sa entrance ng condo unit. "Bawal? bakit naman?" tanong ni Fin. "Bawal na ba magdala ng pagkain sa condo na 'to?" tanong ni Gia. "Hindi ko alam na nagbago na ang rules ng condo na 'to." kilala kasi ni Gia ang may ari nitong condo. "Hindi po. For safety lang po ni Ms. Nissan. Kayo po ang ine-expect nyang bisita hindi po ba? Ms. Gia, Ms. Fin, Ms. Veron and Ms. Jade?" nagkatinginan kaming apat bago tumango sa kanya. "Ihahatid na po namin kayo sa unit ni Sir History pero maiiwan po ang pagkain at iche-check lang po namin kayo." "Okay." sabi naming apat. May lumapit saming dalawang babae na kaparehas ng suot nung lalaki at kinapaan kami. "Clear." sabi ng dalawang babae. "Sunod po kayo sakin." sabi nung lalaki at naunang pumasok sa loob. Sumunod naman kaming apat sa kanya. "Sa tingin ko may nangyaring hindi maganda kaya sobrang higpit ng seguridad nila kaliwa." sabi ni Gia. "Okay lang kaya sila?" tanong ko.  Nakarating kami sa unit ni Kuya Kaysaysayan. Bumungad samin ang nakasimangot na mukha ni kaliwa. "Grabe parang ayaw mo kaming makita huh?" sabi ni Veron. "Ayaw talaga." sabi ni kaliwa. Ang bad nito. Pumasok kaming lahat sa loob. "Bakit pinagbabawal magdala ng pagkain?" tanong ni Gia. "Nag-iingat lang." sagot naman ni kaliwa. "Ang ganda dito, pwedeng makitulog din dito?" tanong ni Veron. Tumingin naman ako sa paligid. Ang ganda nga dito. Mas maganda pa ito sa bahay ni kaliwa. "Hindi pwede, wala na kayong tutulugan." sabi ni kaliwa. "Kahit dito lang kami sa sala okay lang, masarap dito malamig." sabi ni Fin na nakahiga sa carpet. "Hindi nga pwede, manggugulo lang kayo dito tsaka may mga aircon naman kayo sa inyo." inis na sabi ni kaliwa.  "Ang KJ talaga nitong ni kaliwa, minsan na nga lang tayo mag-overnight umaayaw ka pa." sabi ni Veron. Tumango naman ako. "Wag ngayon, hindi maganda ang kalagayan ni maid kaya kailangan todo ingat kami." sabi nya. "Nakakapangselos na yan si Nissan, naagaw ka nya na samin." sabi ko. Medyo natawa ako ng mahina nung napangiwi sya. "Kadiri." sabi nya.  Natawa kaming lahat. "Oo nga pala, tumawag sakin si Ms. Dani kahapon." dagdag nya pa. Tumingin naman ako kay Fin na napatingin kay kaliwa. Ang bilis talaga nito pagdating kay Ms. Dani. Sa mismong araw din ng party ng lolo ni kaliwa, umalis ang professor namin na si Ms. Dani na nagugustuhan naman ni Fin. Sa tanan ng buhay nya ngayon lang sya nagkagusto sa isang tao tapos sa babae pa kaya nga nakakagulat na isa palang bisexual ang bestfriend kong ito. Si kaliwa, well maganda naman kasi si Nissan kaya hindi na makakapagtataka kung mahulog ang loob nya kay Nissan. Saming lima, kami lang ni Veron ang single, ay single na din pala si Gia dahil sa paulit ulit na panloloko sa kanya ng ex nya. Wala naman nagugustuhan ngayon ang dalawa lalo na si Gia na tumigil muna dahil sobra ang panloloko sa kanya habang si Veron, busy sa bar nya kaya walang time na maghanap ng the one nya. Ako? wala din. Chill lang. "Weh? ano sabi? kamusta na sila?" tanong ni Gia. "Yun nakatira na daw sila sa kalsada." sabi nya. "Imposible, kahit maghirap ang mga yon hindi sa kalsada titira ang mga yon 'no." sabi ni Veron Tama. Baka nga magpresinta pa si Fin na sa kanila muna matulog sila Ms. Dani kung sakali. Mayaman ang pamilya nila Ms. Dani yun nga lang bigla itong bumagsak kaya naman umalis sila ng bansa kung saan talaga nakatira ang pamilya nila. "Ano pa sabi nya?" tanong ko. Nakitbitbalikat lang si kaliwa. "Kinamusta lang ako, yun lang." sagot nya. "Wala man lang syang sinabi tungkol sa nangyari sa kanila ni Fin?" tanong ni Gia. Bago ang araw ng party ng lolo ni kaliwa. Pumunta kaming apat sa bar ni Veron tapos hindi namin inaasahan na nandon si Ms. Dani na umiinom at problemado. Hinayaan namin sya kay Fin tapos nalaman na lang namin na may nangyari sa kanila ni Ms. Dani, yun nga lang, iniwan din agad sya at yun din ang huling kita nila ni Ms. Dani. "Wala." aw grabe din si Ms. Dani pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila ni Fin. "Okay lang yan, Fin. Mas mabuti pang mag-move on ka na sa kanya." sabi ni Veron. "Tama yon, hindi lang si Ms. Dani ang tao sa mundo." sabi ni Gia. "Nagsalita." sabi ni kaliwa. Napahawak ako sa bibig ko para hindi matawa. "May sinasabi ka, kaliwa?" mataray na sabi ni Gia. Nakitbitbalikat lang si kaliwa. Nagkwentuhan kaming lima. Nalaman din namin kung ano naging problema nila. Sobra kaming nagulat na nangyari iyon sa pamilya ni kaliwa. Hindi lang pala sa itsura nakakatakot ang lolo ni kaliwa, lahat lahat sa kanya nakakatakot. Isang mamamatay tao ang lolo ni kaliwa na walang sinasanto. Pati ang mga magulang ni Nissan at Kris pinatay nya. Napakawalang awa. "Guys! kain na tayo!" sigaw ni Ate Yani na nasa dinning area. Pagkarinig palang namin sa pagkain, nag-unahan na kaming apat na pumasok sa dinning area. Natawa pa nga si Ate Yani at Nissan samin. "Kayo talaga, hindi naman kayo mauubusan." sabi ni Ate Yani. "Mahirap na. Matakaw pa naman si Jade." sabi ni Fin. "Lah, parang sya hindi matakaw." sabi ko. "Sus, lahat kayo matatakaw." sabi ni Kuya Kaysaysayan na natatawa pa. "Hindi ako kasali dyan, napakasexy ko kaya." sabi ni Veron. Pinagmasdan ko naman ang katawan nya. "Sexy din naman kami ah?" sabi ni Fin. "Mas sexy pa nga ako sayo." "Syempre nagbawas ka nung may mangyari-" tinakpan ko ang bibig ni Veron para hindi matuloy ang sasabihin nya. Grabe papahiyain nya ba si Fin kanila Kuya Kaysaysayan? "Ang bunganga." sabi ni Gia habang umiiling iling. "Ano yon?" takang tanong ni Ate Yani. Nagtatakang nakatingin pala samin yung tatlo. "Ah wala, wala. Kain na lang tayo." sabi ni Veron. Naupo kaming lahat sa upuan. Nag-uunahan na kaming kumuha ng pagkain habang natatawa naman samin sila Kuya Kaysaysayan at hindi pinapagalitan dahil nauubusan namin sila sa pagkain. "Si kaliwa?" tanong ni Veron.  Napatingin naman kami sa paligid. Walang kaliwa kaming nakita. "Teka, baka nasa sala pa. Puntahan ko." sabi ni Fin at pumunta ng sala. Nung makalabas na ng dinning area si Fin, kinuha ko agad yung hot dog sa kanya. Natatawa at naiiling naman sila. Napangiti na lamang ako sa kanila. Maya maya, wala pa din yung dalawa kaya sumunod sa kanila si Kuya Kaysaysayan. Nagkwentuhan naman kaming natira pero natigil lang yon nung marinig naming sumigaw si Kuya Kaysaysayan. "Anong nangyari?" tanong ni Ate Yani. Napatingin ako kay Nissan na tila natakot sa nangyari. "Nissan, okay ka lang ba?" sa tanong ko napatingin ang lahat kay Nissan. Tumango ito pero medyo nanginginig. Nakarinig kami ng basag sa kusina. Nagulat kami syempre pero mas natakot si Nissan kaya nilapitan ko ito at niyakap. Sobrang syang natatakot. "Butler Kim?!" sigaw ni Veron nung lumabas si Butler Kim sa kusina. May hawak itong patalim. Nagulat kaming lahat nung ibinato nya ang isang kutsilyo samin. Napasigaw kami nila Ate Yani sa gulat. Tinignan ko ang mga kasamahan ko kung nasugatan ba sila. Nakahinga naman ako kahit papaano na walang natamaan sa kanila ng kutsilyo. "Gago ka!" sigaw ni Veron. Sinugod nya si Butler Kim. Hindi naman nakakagulat na ginawa yon ni Veron. Matapang yan eh. Pagkatapos sipain at sapakin ni Veron si Butler Kim, umalis ito patungo sa kusina. Hindi ko alam kung paano sya nakapasok sa loob lalo na nasa tenth floor ang condo unit ni Kuya Kaysaysayan, depende na lang kung nasa kabilang unit sila. Pumasok si Kuya Kaysaysayan na may pag-aalala sa mukha. Niyakap nya pa ng mahigpit si Ate Yani pagkakita dito. "Mabuti naman okay lang kayo." nag-aalalang sabi ni Kuya History. "Ayos ka lang ba Nissan?" tanong ko sa kanya. Tumango ito at medyo kumalma. Mabuti naman, Lumabas kaming tatlo para i-check sila kaliwa. Nagulat kami nung makitang may tama yung dalawa at mas nagulat kami na makitang walang malay at duguan ang lolo nila. Inalalayanan namin si Fin na lumabas ng condo. Ang kulit kasi ni kaliwa, ayaw pang umalis hangga't hindi nakikita si Nissan pero nung si Nissan ang humila sa kanya palabas ng condo, agad naman sumunod. Iba talaga. Isinugod namin sila sa malapit na hospital. Inasikaso naman agad yung dalawa para gamutin ang sugat nila. Natagalan gamutin si Fin dahil ang likot nito. Grabe, para syang batang takot na takot gamutin. Hindi na nahiya sa nurse. Pagkatapos gamutin yung dalawa. Nagpaalam na kami kay kaliwa na uuwi na at dadalaw na lang bukas. Sobrang nakakapagod ang nangyari ngayon. Akalain mo yon? muntik na may mangyaring masama samin kung hindi lang nilabanan ni Veron si Butler Kim. Naunang nakasakay sila Veron. Nagpaiwan muna ako saglit para dumaan ng 7/11, bibili lang ako ng ice cream na guminhawa naman ang pakiramdam ko dahil sa nangyari. Pagkalabas ko ng 7/11 na saktong dumaan naman sina Paris at Chelsea. Naestatwa ako habang dumadaan sila. Mukhang hindi naman nila ako napansin dahil dire-diretso sila sa paglalakad at patuloy pa din sila sa pag-uusap. Nakahinga ako ng maluwag nung makalagpas sila. "Jade!" nagulat ako nung may tumawag sakin. Pagtingin ko sila Ino. Akala ko pa naman sila Chelsea lang makikita ko. Speaking of, tumingin ako sa kanila. Napatigil din pala sila sa paglalakad at nakatingin sakin. Si Chelsea na nakangiti habang yung isa walang kaemosyon na pinapakita. "Hi." nakangiting sabi ni Marie. Napangiti naman ako ng alanganin sa kanya. "Naaawkwardan na naman sa inyo si Jade." sabi ni Ino. "Hi. Anong ginagawa mo dito? bukod sa pagkain ng ice cream?" tanong nya. "Ah pauwi na din ako, bumili lang ako nito." sabi ko. Alam nyo yung feeling na, lima silang nakatingin sakin? mauuna ata akong matunaw kaysa sa ice cream na kinakain ko. "Double dutch. Paborito yan ni Paris." sabi ni Chelsea na nakalapit na pala samin. Tumingin ako kay Paris. Nakatingin sya sa ice cream ko. "At namin. Pwedeng patikim? ng ice cream...mo?" iba ata ang dating sakin ang pagkasabi ni Cess. Natawa sila Ino sa hindi ko alam ang dahilan. "Cess ano ba? ayusin mo nga yang pananalita mo iba ang pumapasok sa isip ko eh." sabi ni Rin. Hindi lang pala ako ang nakahalata. "Syempre yung deep ang tinutukoy ko." sabi ni Cess at kumindat pa sa mga kasamahan nya na ikatawa naman nila. Okay? "Hoy, malalagot tayo kay Ma'am Jo nyan, tinitira nyo na naman ang anak nya" sabi ni Ino. Bakit parang hindi ata maganda sa tanga ang pinagsasabi nila? "Tumigil nga kayo." naiiling na sabi ni Chelsea pero nakangiti naman. Hays ang weird talaga ng grupo na 'to. Hindi talaga ako komportable sa kanila. "Jade." napatingin ako sa gilid, pati din pala sila tumingin. "Save." bulong ko nung makita si kaliwa at Nissan. "Kaliwa!" agad akong lumapit sa kanila. "Grabe ka naman Jade, hindi naman kami nangangagat." sabi ni Rin. Napakamot ako ng ulo. Nagtatakang tumingin sakin si kaliwa. "Nandidila lang." sabi ni Cess. Nanlaki ang mga mata ko habang natatawa naman sila pwera syempre kay Paris na naiiling iling. "Tara na nga. Kung ano ano pinagsasabi nyo, hindi na kayo nahiya sa kasama ni Jade." sabi ni Ino. "Sige, Jade. Mauna na kami." tumango ako sa kanila at hindi na nagsalita pa. "Sino ang mga yon? grabe ang bibig ah." sabi ni kaliwa. Napakamot ako ng ulo. "Student Council yon ni Mama sa school nya. Puro nga lesbian ang mga yon eh, hindi nga ako komportable sa kanila." "Alam mo hindi ko alam kung nang iinis ka. Baka nakakalimutan mong dalawa kami ni Fin sa org. nila." sabi ni kaliwa. Natawa ako at inakbayan sya. "Siyempre iba naman kayo ni Fin. Bestfriend ko kayo, naiintindihan ko kayo. Hindi naman ako against sa lesbian or gay na yan, ang kaso lang sa mga yon, iba ang pakiramdam ko. Hindi ako komportable sa kanila." sabi ko habang nakatingin sa lima na palayo samin. "Halata nga, kahit ako hindi magiging komportable sa kanila. Mas pipiliin ko pang makasama kayong mga gago kaysa sa kanila na grabe magsalita." sabi ni kaliwa. Natawa ako sa sinabi nyang mga gago kami, hindi nya pa dinamay sarili nya eh isa din naman sya samin. "Saan pala kayo? bakit wala kayong bodyguard na kasa-kasama?" tanong ko. Hindi ko na pinansin pa ang namumugtong mga mata ni kaliwa. Alam kong umiyak sya kanina, siguro sa nangyari kay Kuya Kasaysayan. Nasa ER sya ngayon at sabi 50-50 daw ang buhay. Sana okay lang si Kuya Kaysaysayan. "Dyan sa 7/11, bibili lang ng pagkain tsaka nasa tabi ang mga bodyguard namin. Bakit pala hindi ka pa umuuwi?" tanong nya. "Pauwi na, bumili lang ng ice cream." sabi ko at tumingin sa ice cream kong natutunaw kaya agad ko itong kinain. "Umuwi ka na at magpahinga." sabi nya. "Sa tingin ko ikaw ang dapat magpahinga, kaliwa. Masyadong madaming nangyari. Ipahinga mo na ang sarili mo. Ikaw din Nissan." sabi ko sa kanilang dalawa. Ngumiti naman si Nissan habang si kaliwa at bumuntong hininga. "Masyado ngang maraming nangyari. Sige na. Ingat ka sa pag-uwi." sabi nya. "Kayo din." Hinintay nila muna akong makasakay ng taxi bago sila pumasok ng 7/11. Huminga ako ng malalim.  Sobrang daming nangyari ngayong araw. ---------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD