Chapter 2

3643 Words
Tumingin ako kay Mama na busy sa pagbabasa ng mga kung ano anong papel na nakalatag sa table nya dito sa library room namin. "Ma." tawag ko sa kanya. "Yes?" tanong nya na hindi lumilingon sakin. Naglakad ako patungo sa harapan ng table nya at naupo sa upan. Pinagmasdan ko ang mga papel na nasa table nya. Maloloka ata ako kung iintindihin ko ang mga 'to. Codes pa nga lang sa thesis namin hirap na ako. "Anong klaseng tao ang mga Student Council mo?" tanong ko at pinagmasdan ang mukha nyang tumingin sakin. Nakataas ang mga kilay nya. Tinanggal nya ang salamin nya at sumandal sa swivel chair. "Bakit mo natanong yan?" napakamot ako ng ulo ko. "Eh kasi kanina nakasalubong ko sila. Ganon ba talaga sila, Ma? yung salita nila parang ang bastos." pag-aamin ko. Lagi naman ako nagsasabi ng kung ano ano kay Mama kaya okay lang na sabihin ko ang tungkol sa mga Student Council nya. Alam ko naman na hindi nya sasabihin sa mga yon ang sasabihin ko ngayon. "Nilandi ka na naman ba nila?" imbis na sagutin ay nagtanong sya. "Ata? Ewan. Hindi ako komportable sa kanila." sabi ko. "Ngayon ka lang kasi nakasalamuha ng iba bukod kanila Left kaya feeling mo hindi ka komportable sa kanila." "Hindi din Ma. Sa kanila lang talaga na hindi ako komportable . Ang weird nila eh." "Wow, mula sa bibig mo, sinabi mo yan? nilalagnat ka ba?" napasimangot ako habang sya natawa. "Mula sa anak kong baliw, siraulo, loka loka, megaphone at gago." "Ma! sinasabihan ninyo ganyan ang anak nyo?" sabi ko. Okay lang sana kung sina kaliwa lang magsabi non eh kaso mula kay Mama? "Oh bakit? ganon kayong magkakaibigan 'di ba?" natatawang sabi nya. Napasimangot ako. "Ang tatanda ninyo na pero parang pa din kayong bata." naiiling na sabi nya pero mukhang hindi naman sya disappoint na ganon kami. "Alam nyo? napagdesisyunan naming mga magulang ninyo na bigyan kayo ng business na may gawin kayong seryoso." "Lah si Mama, IT kami hindi business ad student. Tsaka si Veron may business naman sya at lalo na seryoso naman kami." sabi ko. Bakit nauwi sa ganito ang usapan naming dalawa? "Nope, malaki ang ibibigay namin sa inyong business na pagtutuunan nyo talaga ng pansin na lima. Tsaka IT nga kayo pero may alam ba kayo sa IT? parang ang ginagawa nyo lang don ay pumasok para sa baon." "Ma, may alam naman kami sa pagiging IT namin. Hindi naman kami aabot sa fourth year kung wala. Para naman wala kayong bilib sa anak nyo." sabi ko na may himig na pagtatampo. "Anak, hindi bagay na magtampo ka dyan. Oo nga't fourth year na kayo, eh kaso ang grades nyo sa mga Major, tres o kaya two point five." "At least bawi sa minor." proud na sabi ko. Nailing naman si Mama na nakangiti. "Teka Ma, nalalayo na tayo eh, bigla napunta samin yung usapan, nasa Student Council mo tayo kanina eh." "Bakit ba interesado ka sa kanila?" tanong nya. "Hindi ako interesado Ma, nagtatanong lang ako dahil miski nga si kaliwa ay hindi komportable sa mga yon dahil sa pananalita nila." pangdadahilan ko. "Hmm..playgirl kasi ang mga yon, mahilig din sa kama at makipaglandian." sabi nya na para bang walang kaso yon sa kanya. "Ma, bakit may mga ganyan kang Student Council? hindi ba ikakasira ng school mo yan?" ano na lang iisipin ng iba na yung school nila Mama ay mahaharot na paaralan? na puro nag-aaral don malalandi nang dahil sa mga ganyang image na estudyante tapos Student Council pa. "Hindi, dahil kapag nasa school sila, seryoso sila, mababait at hindi mo maiisip na playgirl sila. Hinahayaan ko sila sa gusto nila as long as hindi ikakasira ng paaralan. So far wala naman akong naririnig na balita na paninira sa paaralan kaya okay lang. Tsaka makukulit lang talaga ang mga yon, ang dating nga nila sakin ay tropa kapag kami kami lang pero kapag may kasama kaming iba ay makikita mo talaga sa kanila ang pagiging professional na Student Council." mahabang sabi nya. Pinagmasdan ko si Mama. Seryoso talaga sya sa Student Council nya? "Anything else? may gagawin pa ako." nakangiting sabi nya. Napabuntong hininga ako at tumayo. "Wala na pero sana lang hindi ko na sila ma-encounter pa. Iba talaga pakiramdam ko kapag nasa paligid ang mga yon." sabi ko. "Sa pagiging lesbian nila? hindi ba lesbian din si Left?" "Ma, naging lesbian lang naman si kaliwa dahil kay Nissan, wala naman syang ibang nagustuhan kung hindi si Nissan lang. Tsaka hindi sa pagiging lesbian nila kung bakit hindi ako komportable, siguro dahil ang lalandi nila sakin?" "Wag mong seryosohin yon, nagbibiro at naghahanap lang napaglalaruan ang mga yon." "At hinahayaan nyong paglaruan nila ako." nakasimangot ko sabi. "Nang matuto ka naman lumandi. Nagka-boyfriend ka nga noon pero isang buwan lang ang itinagal tapos wala na." sabi nya. "Ma, wag kayong atat na magka-boyfriend ako dahil baka maaga akong mabuntis." "Well, gusto ko ng mabuntis ka." nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "Ma!" grabe hindi ko maintindihan ang mga magulang ko, atat na atat sila. Grabe, ayoko ngang mabuntis agad, gusto ko muna i-enjoy ang buhay 'no. Lumabas na ako ng library room dahil naiiba na ang usapan namin ni Mama. Pumunta ako sa sala at nakita ko don si Papa at Michael na nonood ng Ben10. Seryoso ba ang mag-amang ito? Napatingin ako sa may pintuan nung may mag-doorbell. Tumingin ako sa dalawa na patuloy lang sa panonood ng tv. Naglakad ako patungo sa gate para tignan kung sino ang nag-doorbell. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako nang makita si Paris at Chelsea. Sila na naman? kakasabi ko lang na sana hindi ko sila ma-encounter eh. "Hi. Good evening Jade." nakangiting bata ni Chelsea. "Good evening." pilit na ngiti ko. "Pasok kayo." gumilid ako para makapasok silang dalawa. "Thank you." ngumiti lang ako kay Chelsea. Nauna na silang pumasok sa loob habang sinara ko naman ang gate. Akala ko pa naman hindi ko na sila makikita pa. Nailing na sumunod ako papasok sa loob. Kampante na nakaupo yung dalawa habang kinakausap ni Papa nung madatnan ko. Nakita ko din pababa si Mama sa hagdan na may hawak ng cellphone. "Mike, namatay na daw ang Papa ni Letti." pagbibigay alam ni Mama kay Papa. Halata din ang gulat ni Mama sa balita. Akala ko alam na nila kaya hindi ko sinabi. "Seryoso? ano ang ikinamatay?" gulat din na tanong ni Papa. Nagtaka tuloy yung tatlo kung ano ba yung tinutukoy nila Papa. "Mamaya natin pag-usapan yan, at ikaw Jade." nagmamadaling lumapit sakin si Mama. Napaatras naman ako dahil parang naiinis si Mama. "Nandon ka nung nangyari pagpatay sa lolo ni Left. Ayos ka lang ba? may sugat ka ba o natamaan ka ba?" biglang napalitan ng pag-aalala ang mukha ni Mama. "Teka ano? nandon ka nung mamatay si Mr. Mateo? Okay ka lang ba?" lumapit sakin si Papa at tinignan ang katawan ko kung may tama. "Hey, ayos lang ako, walang sugat, buong buo. Wag kayong mag-alala dyan, nakakahiya sa bisita." sabi ko at pasimpleng tumingin sa dalawa. "Hindi mo kami mapipigilan mag-alala sayo. Paano kung mapaano ka huh?" sabi ni Mama. Napakamot ako ng ulo. "Ayos lang ako, Ma, Pa. Si Fin at kaliwa ang nasugatan habang si Kuya Kaysaysayan, nasa ER nung umalis kami." sabi ko sa kanila. "Wag kayong mag-alala sakin, okay lang ako." "Mabuti naman kung ganon. Siguradong hindi ka nasugatan huh?" nag aalalang sabi ni Papa. "Opo, okay lang ako." nakangiting sagot ko. "Sige, tatawagin ko muna ang mga magulang ni Fin para kamustahin sya." sabi ni Papa at pumunta sa labas. "Siguradong okay ka lang huh?" tanong ulit ni Mama. "Ma, paulit ulit." sabi ko. "Okay lang ako, buhay na buhay at buo na buo." "Baliw na baliw at siraulo na siraulo." tumingin ako ng masama kay Michael. "Hindi ko ma-imagine na si Jade, baliw at siraulo?" napatingin ako kay Chelsea. Nakangiti sya na tila nag-iisip. "Kung alam mo lang, itong anak ko? akala nyo mahiyain yan? loko loko yan." sabi ni Mama. "Ma! pinagsasabi nyo dyan?" tae nakakahiya sa dalawa yung pinagsasabi ng mga 'to. "Lalo na kapag kasama nya ang mga bestfriend nya. Para silang nakawala sa kulungan." sabi pa ni Mama. Natatawa naman si Chelsea. "Ewan ko sa inyo Ma." sabi ko sa kanila at umalis sa sala dahil hiyang hiya ako sa pinagsasabi ni Mama. Siyempre nakakahiya sa dalawang yon na kakilala ko lang at hindi pa ako komportable sakanila tapos sasabihan ni Mama sa mga yon ang mga kalokohan ko, baka kapag nagkita kami ng mga yon asarin ako at hindi tantanan. Ayoko nga sa kanila. "Bakasyon na!" sigaw ni Veron pagka-dismiss samin ng last teacher namin. Nakisabay ang ilan naming kaklase sa pag-celebrate ng bakasyon. "Tuwang tuwa ka dyan, hindi mo pa nga pinapasa ang survey kay sir." sabi ni kaliwa. Napatigil naman si Veron sa pag-celebrate. "Buti na lang!" sabi ni Fin. "May kasama ako!" natatawang sabi nya pa. "Mga siraulo. Ipasa nyo na ang survey tapos magwalwal tayo ngayon." sabi ni Gia. "Saan? sa bar ko na naman? hoy magbayad naman kayo, nalulugi ako sainyo." sabi ni Veron. Naglabas ako ng limang piso. "Ito, ambag ko." Naglabas naman ng piso si kaliwa habang si Fin sampung piso, si Gia naman dalawang piso ang nilapag. "Mga siraulo!" pero natawa kaming lima. "Oo nga pala, kaliwa kamusta naman kayo?" tanong ni Gia. Naglalakad kami patungo sa library para tulungan tapusin ng dalawa yung survey nila. "Okay naman, naayos na din ang mga issue na kinakaharap at tuloy na din ang kasal nila Kuya." sagot ni kaliwa. Dalawang linggo na din nakakaraan simula nung nangyaring trahedya sa condo unit ni Kuya Kasaysayan. Hindi naman namin iniwanan si kaliwa nung mga panahon na yon pati sila Mama laging dinadalaw sila Tita Letti dahil nag-aalala din sila sa baby nila. Si Fin at kaliwa, yung tama nilang bala hindi pa masyadong magaling pero naigagalaw naman nila ang braso nila. Nahuli na din si Butler Kim kaya payapa na ulit ang buhay nila kaliwa. "Mabuti naman, grabe ang kinaharap ninyo. Hindi ko mata-take yon." sabi ni Veron. "Mabuti naman hindi din napano si Tita Letti. Sobrang stress sa kanya ang nangyari." "Hindi naman, nasa tabi nya palagi si Papa tsaka yung apat na binabantayan talaga sya." "Good to hear that. Mabuti na lang at tapos na." sabi Gia. Pumasok kami sa loob ng library. Nagtaka pa kami na may mga estudyanteng nakikisawsaw. Wala yung librarian kaya hindi sila mapigilan sa kakabulong na parang bubuyog. "Ano meron?" tanong ko. Nakitbitbalikat yung apat. Hindi na kami nakisawsaw pa kung ano meron. Tumungo kami sa bakanteng mesa at nilabas ang mga gamit namin. "Bayad na yung pang inom namin ngayon, Veron. Tutulungan ka naming gumawa ng survey." sabi ko. Napangiti yung dalawa at nag-thumb ups. "Tama, tama." pang sang ayon ni Gia. "Minsan talaga gumagana ang utak mo, Jade." napasimangot ako sa sinabi ni kaliwa. "Bwisit kayo. Kahit naman hindi nyo ako tulungan hindi kayo mababayad." sabi ni Veron, natawa naman kaming apat. "Shhh! nasa library kayo." napatingin kaming lahat sa librarian. Nanlaki ang mga mata ko nung makita si Chelsea kasama si Paris at Cess. "Oh hi Jade. Dito ka pala nag-aaral." nakangiting sabi ni Cess. "Kilala mo sila?" bulong sakin ni Fin dahil sya ang katabi ko. "Yun lang po Ms. Mayor. Kung may mga tanong po kami ay sasabihin na lang po namin." sabi ni Paris sa librarian. "Sige, take your time libutin ang library." nakangiting sabi ng librarian at umalis. "Ang ganda ng school nyo, Jade." sabi ni Cess. Tumango naman ako at tumingin sa thesis paper ko. "Hi, ako nga pala si Chelsea, ito naman si Cess at Paris. Estudyante kami ng Everest University." sabi ni Chelsea. "Sa school ng Mama mo, Jade?" tanong ni Gia. "Hi, nice to meet you guys. Ako si Gia, sila si Veron, Fin at ka-I mean Left. Anong kailan ng taga Everest sa school namin? kung okay lang malaman dahil bihira lang ang may pumunta na taga ibang school dito." "Thesis purposes. Alam nyo na, ang mga Literature at Foreign." sagot ni Chelsea. Tumango at sumang-ayon sila Gia. "Thesis rin ang ginagawa mo hindi ba, Jade?" nagulat ako na nasa likuran ko na si Cess at ang lapit pa ng mukha nya sakin. "Oo." inusog ko ang upuan ko na medyo lumayo ako sa kanya. Nakita ko pang napangisi sya at umupo sa tabi ko. Inilapit nya pa yung upuan nya sakin. Hindi talaga ako tatantanan neto! "Cess." may babala sa boses ni Paris. "Wag kang gumawa ng kalokohan dito." "Wala pa naman akong ginagawa." sabi ni Cess. PA! ibigsabihin may balak sya. Hays! bakit kasi nakilala ko pa ang mga 'to. "Sige, mauuna na kami." sabi ni Chelsea. Mabuti naman aalis na sila. "Bye Jade, see you around." ngumiti naman ako ng alanganin sa kanya. "Alright, bye Jade." sabi ni Cess tsaka silang umalis na tatlo. Doon naman ako nakahinga ng maayos. Hindi talaga ako komportable sa kanila. Hindi. "Ayoko sa kanila." prankang sabi ni kaliwa habang nakatingin sa thesis paper nya. "Bakit naman? mukha naman silang mabait." sabi ni Veron. "Nah, mabait nga pero may dating silang bastos." tumingin sakin si kaliwa. "Like last time, sinabi nung Cess na yon na hindi sila nangangagat pero nandidila." "Na-meet mo na sila? tsaka sinabi talaga nila yon?" tanong ni Gia. "Pero mukha silang hindi naman ganon." "Napaka-judgemental mo naman kaliwa. Baka kasi nagbibiruan lang." sabi ni Fin. "Ganon din naman tayo." "Pero hindi tayo bastos magsalita. Sana nilulugar nila ang sasabihin nila." iritang sabi ni kaliwa. "Ni hindi nga komportable si Jade sa kanila dahil ganon sila magsalita." "Totoo Jade?" tanong ni Gia. Napakamot naman ako ng ulo. "Oo. Minsan kasi yung sinasabi nila ay double meaning tapos mamaya sasabihin nila yung deep yung tama. Ewan ko sa kanila. Ayokong napapalapit sa kanila dahil minsan nilalandi nila ako." sabi ko at nanlaki ang mga mata nila pwera kay kaliwa. "Lesbian sila?" gulat na tanong ni Gia at Veron. "Sinasabi na nga ba. Nung una palang pansin ko na nilalandi ka nung Cess na yon." sabi ni kaliwa. "Hindi lang naman sya, tatlo sila katunayan." sagot ko. "Wow, hindi sila halatang lesbian sa sobrang ganda nila." sabi ni Veron. "At ikaw ang trip nila." may ngisi sa mga labi ni Veron. Napasimangot naman ako. "Ayoko sa kanila, hindi ko sila trip. Katulad nga ng sabi ni kaliwa non, mas gugustuhin ko pa kayong makasama kaysa sa kanila." "Sweet naman." natatawang sabi ni Fin. "Bilisan nyo para matapos na yan. Gusto ko ng umuwi." sabi ni kaliwa. "Atat ka na naman makita si Nissan." sabi ni Fin. "Isama mo kaya sya mamaya? ang panget naman na iiwanan mo lang sya mag-isa sa bahay mo." Kahit na tapos na at wala ng magtatangka sa pamilya ni kaliwa, may mga bodyguard pa din sila, yun nga lang hindi mo makikita dahil nasa malayo silang nakapwesto pero laging nakabantay. Sa bahay nga ni kaliwa may bodyguard na nakabantay dahil naiiwan mag-isa si Nissan kapag pumapasok si kaliwa. "Hindi pwede, bukas na ang start nyang pamahalaan ang kompanya ng mga magulang nya. Kailangan nyang matulog ng maaga na maaga syang makapunta sa kompanya nila." sabi ni kaliwa. "Hindi ko aakalain na mayaman pala si Nissan. Grabe, inaapi api mo noon yon tapos rich kid pala yon." sabi ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni kaliwa. "Wag mo ng ipaalala pa. Nagsisisi nga ako sa pinaggagawa ko kay maid at sa mga sinabi ko sa kanya." sabi nya. Napangiti naman kaming apat dahil alam namin mahal na mahal talaga ni kaliwa si Nissan. Pagkarating ko sa bar ni Veron, ang dami agad na tao kahit na kakabukas lang nito. Sikat kasi ang bar ni Veron lalo na sa school namin. Naglakad ako patungo sa usual na pwesto namin. Nakita ko si kaliwa na kakwentuhan si Gia. "Kayo pa lang?" tanong ko sa kanila. Nagbukas naman ako ng isang bote. "May inasikaso lang si Veron pero si Fin wala pa." sagot ni kaliwa. "Halos lahat ng tao dito puro sa school natin." sabi ko nung makilala ang ilan sa mga tao dito. "Well, bakasyon na kaya nagkakasaya sila. Dalawang linggo din ang bakasyon natin. Any plan?" tanong ni Gia. Nakitbitbalikat kami ni kaliwa. Iniba na lang namin ang topic dahil hindi kami makakabuo ng plano kapag wala yung dalawa. "Hey, sorry late."  syang dating ni Fin. "Saan ka ba naggaling at late ka?" tanong ni kaliwa. "Ah dinalaw ko lang si Rose." nahihiyang sabi nya. Napakunot noo namin. Hindi namin kilala yung Rose na tinutukoy nya. "Yung nurse na gumamot sakin." "Bakit mo naman sya dinadalaw?" tanong ko. Napayuko naman si Fin pero nakangiti ito. "Hula ko, gusto mo sya 'no?" tanong ni Gia. Napakamot ng ulo si Fin at tumango. "Mabuti naman may nagugustuhan ka ng iba, Fin." dumating na din si Veron. Umupo sya sa tabi ni Gia. "Mahilig ka talaga sa strict ah." katyaw ni kaliwa. "Pero sure kang magmo-move on ka na kay Ms. Dani?" tanong nya pa. "Bakit parang ayaw mo pa syang pag-move onin?" tanong ko. "Hindi ba dapat maging masaya tayo sa kanya dahil hindi na sya aasa pa kay Ms. Dani pagkatapos ng may nangyari sa kanila pero wala lang yon sa kanya." ako ang naawa sa dinadanas ni Fin. Sobra syang umaasa kay Ms. Dani tapos hindi man lang sya pinapansin. "Hindi naman sa ganon." sabi ni kaliwa. Akala ko may sasabihin pa sya pero wala na palang kasunod. "Tama lang na magkagusto ka sa iba at ituon ang nararamdaman mo kay Ms. Dani sa iba. Wala ka talagang pag-asa kay Ms. Dani kahit na binusted na sya ni kaliwa, tsaka walang kasiguraduhan kung babalik pa ba sila." naiinis na sabi ni Gia. "Chill, si Fin nga chill lang eh." biro ni Veron. Napangiti ako. "Anong chill? naiinis ako dahil nasasaktan si Fin." sabi ni Gia. "Bakit kasi umaasa ka pa dyan na magkakagusto din sya sayo." "Aba Gia, sayo ko pa narinig yan." sabi ni kaliwa. "Parang nung last five months nag-iiyak ka dahil niloko ka na naman ng panget na Teron at nagpapakatanga sa pagmamahal nya." natawa kaming tatlo sa sinabi ni kaliwa. Naalala ko yung time na yon. "Gago!" binato ni Gia ng chips si kaliwa. Nagsitawanan kami bukod kay Gia na nakasimangot. Nagawi ang tingin ko sa may bar counter na may babaeng nakatayo na cool manamit. Naka-leather jacket sya, black pants at nakaboots. Kulay blonde ang buhok nya na nakalugay. Humarap sya pwesto ko at nagawi ang tingin nya sakin. Nanlaki ang mga mata ko na matanto kong si Paris pala yon. Hindi ko alam kung nakatingin ba sya sakin talaga dahil mukhang hindi man lang sya nagulat nung makita ako kaya tumingin ako sa likuran ko. Isang grupo ng mga lalaki na nagkakasiyahan ang nasa likuran namin. Ibinalik ko ang tingin ko kay Paris, sa gawi ko pa din sya nakatingin at bigla syang umirap at naupo sa may stool sa bar counter. Napakamot ako ng kilay ko.  "Jade kumuha ka ng chicken wings sa counter." utos ni Veron. "Panget kung puro chips kakainin natin." "Bakit ako?" tanong ko. Tae ayokong pumunta don, nandon si Paris. "Sumunod ka na lang." sabi nya pa. Napasimangot naman akong tumayo. Tumungo ako sa bar counter. Medyo malayo ako sa kanya puwesto nung makarating ako sa bar counter "Hey Jade!" bwisit ang lakas pa ng pagkasabi ni Clarke sa pangalan ko. Nagawi tuloy ang tingin sakin ni Paris pero hindi ko sya nilingon. "Hey Clarke. Isang bucket ng chicken wings." sabi ko. "Magpapakawalwal kayo ngayon?" tanong nya habang kumukuha ng liligyan. "Bakasyon na eh. By the way, Clarke bago ang DJ nyo?" tanong ko at tumingin sa bagong DJ. Gwapo ang bagong DJ nila at masasabi kong magaling sya dahil ang daming mga tao sa dance floor at halatang enjoy na enjoy sila. "Oo, pinsan ko yan. Naghahanap kasi ng trabaho kaya nirekomenda ko kay Veron. Trip mo?" may ngising sa mga labi nya. Pekeng tumawa naman ako. "Hindi, gago." biglang seryoso kong sabi. Natawa naman sya at nailing. "Ikaw ang gago dito, Jade." napasimangot ako. Bakit ba lahat na lang sinasabihan akong gago? hindi naman ako ganon kagago. "Mamaya makikita ko na naman kayo sumasayaw sa taas ng lamesa habang binubuhos ang laman ng bote." sabi nya. "Gago. Kilala mo naman kami kapag nakainom iba ang trip." natatawang sabi ko. "Matagal pa ba yan?" tanong ko. "Saglit niluluto palang. Naubusan kayo. Ito, uminom ka muna." sabi nya sabay ligay ng kung anong alak sa shot glass. Hindi ko na tinignan pa kung anong klaseng alak yung binigay nya sakin. Ini-straight ko yon at nakaramdam ako ng hapdi sa lalamunan. "Woah! Nice, Jade. Yan ang gusto ko sayo eh." sabi nya na natatawa. Nailing ako. "Mr. bartender, bigyan mo sya ng vodka." napatingin ako kay Paris. Nakalimutan kong nandito pala sya. "Alright, Jade wag mong ipahiya ang magandang dilag." sabi ni Clarke at binigay sakin ang shot glass na medyo malaki kanina. "Bwisit ka Clarke ang dami nito! Pinuno mo pa talaga." sabi ko. Napatingin ako kay Paris na nakatingin sakin. "Salamat." sabi ko na medyo nakangiwi. Ininom ko ng straight ang vodka. Shet maaga akong malalasing nito. "Nice, nice! bilib talaga ako sayo, Jade." sabi ni Clarke na mukhang naaaliw. "Siraulo." sabi ko. Tumingin ako kay Paris. Naka-smirk sya tapos inubos ang laman ng baso nya bago naglapag ng pera tsaka umalis. Nakatingin kaming dalawa ni Clarke sa kanya. "Damn she's hot." sabi ni Clarke. Para naman akong nainis sa sinabi nya. "Siraulo. Dalhin nyo na lang sa pwesto namin yung order." sabi ko. Tumingin ako sa dinaanan ni Paris bago bumalik sa pwesto namin. "Let's party! Bakasyon is rock!" sigaw ni Fin na nasa ibabaw ng lamesa. Nagsihiyawan naman yung ilan na nasa paligid namin. ---------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD