Chapter 3

2373 Words
"Ma! Ayoko ko!" sabi ko habang hinihila ako ni Mama palabas ng kotse na naka-park sa parking lot ng school nila. "Jade! Wag ka ng makulit!" sabi ni Mama at panay pa din ang hila nya sakin at tila hindi inaalinta na nagugusot na ang suot nya. "Ma, pabayaan nyo na kasi yan." sabi ni Michael na nakatayo sa likuran ni Mama. "Tama sya Ma! Kayang kaya nyo na yan na walang tulong ko!" sabi ko. Ang higpit nang pagkahawak ko sa upuan. "Ma'am Jo." s**t dumating na sila. Binitawan ako ni Mama kaya pumasok ako sa loob at isinara ang pintuan ng kotse. Napansin kong tumatawa ang lima sa ginawa ko habang naiiling si Mama. Bakit kasi kailangan sumama ako dito! bakasyon na nga pero ito ako, isinama ni Mama dito sa school nila para tumulong sa kanila. Kainis eh! dapat nakatambay lang ako sa kwarto habang naglalaro ng video games. Online pa naman si Veron at Gia. Maya maya umalis sila Mama. Nakahinga naman ako na hindi na ako pinilit pa. Ilang segundo ang tinagal ko sa loob tsaka ako lumabas. Nakangiting tumalikod ako pabalas ng school pero hindi ko inaasahan na nasa likuran lang pala ng kotse si Paris. "Saan ka pupunta?" tanong nya at umalis sa pagkasandal sa kotse. "U...uwi." sabi ko at pinagmasdan ang katawan nya. Naka-baseball tee sya na maluwag na yung kabilang side nakapasok sa suot nyang ripped jeans nyang black tapos yung isang side nasa labas tapos nakasuot sya ng nike shoes. Nakasuot din sya ng sumbrero ng team nila. "Done checking me out?" masungit na sabi nya. Namula naman ako at umiwas ng tingin. Tumalikod ako para umiba ng direction. Maglalakad na sana ako kaso pigilan nya ako. "Hindi ka uuwi. Tutulong ka sa ayaw at sa gusto mo." sabi nya. Napasimangot akong tumingin sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay. "You're not cute so stop doing that, mukha kang tanga." inirapan nya ako. Ang sama nito. "Hoy teka!" bigla ba naman akong hinila kung saan direction pumunta sila Mama. "Hindi ako tutulong! hindi naman ako nag-aaral dito eh!" sabi ko at pilit na tinatanggal ang pagkahawak nya pero shete, ang higpit! medyo nasasaktan na din ako ah. "Can you please shut your mouth? para kang nakalunok ng megaphone." sungit na sabi nito. "Bitawan mo kasi ako!" wala akong paki kung naiingayan sya, ang mahalaga makalayas ako dito na hindi ko sila makasama. "Damn! I'll kiss you kapag hindi ka tumigil!" sigaw nya. Parang maamong tupa naman akong hindi nakasagot. Ayokong mahalikan ng isang babae! "Tatahimik din pala, gusto pinapatagal pa." irap nya. Psh! kung hindi sya nagbanta ng ganon hindi ako titigil. "Teka!" nagulat ako nung biglain nya ako sa paghila. Hindi naman sya tumigil para gawin ang banta nya nung napasigaw ko. Napakabrutal nito. Wala na akong nagawa kundi magpahila sa kanya pero siyempre binibigatan ko sarili ko nang mahirapan sya sa paghila sakin at baka sakaling sumuko sya.  "Hi Paris." may isang gwapong basketbolista ang bumati kay Paris pero hindi sya nito pinansin. Aw sad. "Hey beautiful." bati naman nito sakin. Wow ganda ng ngiti. Ngingitian ko sana yung lalaki kaso binigla na naman ako hinila ni Paris. "Bastos." bulong ko. Nilingon ko yung lalaki at naiiling na lang ito. Siguro nasanay sa ugali nitong Paris. Napabuga ako ng hiniga dahil wala na talaga akong kawala sa isang 'to. Napatingin ako sa kalangitan at humiling na sana makawala ako kay Paris. Pero iba ata ang binigay ni God.  "Ilag!" sigaw ko at hinila sya palapit sakin. Sa sobrang lakas ng pagkahila ko natumba kaming dalawa. Nasa ibabaw nya ako na naagapan ko ang ulo nya dahil baka tumama sa bato. Tumingin ako kay Paris kung okay ba sya. Nakapikit sya at biglang dumilat. Mabilis nya akong itinulak paalis sa ibabaw nya. Psh! Salamat ah! Tumayo ako at pinagpag ang pantalon ko. Tumingin naman ako kay Paris na lumapit sa bola ng baseball na muntik na sya matamaan. Kinuha nya ang bola at tinignan. "Hindi ito samin." sabi nya tapos naglakad patungo sa baseball field. Alright, pagkakataon ko para makatakas. Tumalikod ako at patakbo na sana nung makita ko si Chelsea na nakangisi. Shet hindi pa pala ako makakatakas. "Saan ka naman pupunta, Jade?" tanong nya habang naka-cross arms sya. Napakamot ako ng ulo. Umatras ako. Napansin nya yon kaya napaayos sya ng tayo at sumeryoso. Mabilis na tumakbo ako palayo sa kanya pero mabilis din naman sya sumunod sakin. Oh shet bakit ba ayaw nila akong tantanan! "Gotcha!" sabi nya nung mahuli nya ako. Tae ang bilis nyang tumakbo! "Sorry pero hindi ka makakatakas." "Bakit ba ayaw nyo na lang ako paalisin, hindi nyo naman kailangan ng tulong ko." sabi ko. Hindi nya ako sinagot. Nakatingin lang sya sakin. Naiilang ako sa tingin nyang yon. "Puntahan natin si Paris." hinila nya ako katulad ng paghila sakin ni Paris kanina. Ang lalakas naman ng mga 'to. Nakarating kami sa soccer field. May tatlong lalaki na naka-civilan tapos dalawang babae na naka-baseball uniform ng school at si Paris. Napakunot noo ko na may hawak ng baseball bat yung isang lalaki na maangas na kinakausap si Paris. "Mukhang may gulo. Tara, makichismis tayo." at hinila na naman nya ako. Badtrip ang mga 'to. "Wala naman nasira hindi ba? kaya tumigil ka dyan. Wala naman kwenta ang school na 'to." sabi nung lalaki. Nainis ata ako don. Kahit naman na hindi ako dito nag-aaral, school pa din ito ng pamilya ko. "Wala naman panama ang mga players nyo dito, lagi naman talo." sabi nung isang lalaki sa kaliwa ng may hawak na bat. "Laging talo?" napasmirk si Paris. "Patawa ka kuya." sabi naman ng isang babae na kasama ni Paris. "Tanga mo, gago." nagulat ako sa sinabi ng isang babae. Ang tapang. "Ano sabi mo?!" napasugod yung isang lalaki pero hirangan sya nung may hawak ng bat. "Excuse me pero nasa school namin kayo. Hangga't maari ayaw namin ng gulo." nakisali na si Chelsea sa kanila "Ayaw din namin ng gulo. Nanahimik kami dito tapos bigla kayong lalapit samin." sabi nung isang lalaki. "Kung hindi nyo ginawang playground ang school, hindi kami lalapit sa inyo." sabi ni Paris. Seryoso sya ngayon. "Ang ginawa ninyo ay maaari kayong makasira ng kahit anong bagay dito sa school at makapanakit na muntik na mangyari sakin." "Aakuin naman namin ang kasalanan namin kung sakaling mangyari nga." sabi ng lalaking may bat. "Pero hindi pa din tama ang ginawa ninyo." sabi ni Chelsea. "School ito, hindi palaruan tapos wala kayo sa mismong field, nasa tapat kayo ng building nung maglaro kayo. May chance na makabasag kayo." Teka hindi sila dito naglaro? sabagay hindi naman aabot yon sa pwesto namin ni Paris kahit na home run yon. Ang layo kaya ng parking lot sa soccer field. "Aakuin nga namin, ang kulit nyo 'no?" banas na sabi ng isang lalaki. "Aakuin ba yung tumakas kayo?" sabi ni Paris. "Tsk." hindi naman nakasabat yung tatlo. Kaya siguro umabot dito sa soccer field dahil tumakas sila. "Sa susunod pumili kayo ng paglalaruan ninyo." sabi ni Paris.  "Sa susunod na gawin ninyo ito, mapaparusahan kayo." dagdag ni Paris at tumalikod sa tatlo. "Psh!" sabi na lang ng tatlo at naglakad din palayo. "Wait! yung bola nyo pala." sabi ni Chelsea. Napahinto yung tatlo. "Nasaan?" hanap nila. "Ayon oh." sabay kaming napatingin sa tinuro ni Chelsea. Kay Paris. Nanlaki ang mga mata ko na nakahanda na ibato ni Paris ang bola at binato nya na ito sa tatlo. Sobrang bilis ng bato nya pero buti na lang naiwasan ng tatlo. "Aba't gago ka ah!" sigaw nila. Gulat na napatingin ako kay Paris. Ang bilis ng pitch na yon. Hindi ko aakalain na isa palang pitcher si Paris. "Piliin nyo din pala kung sino ang kakalabanin ninyo." paalala ni Chelsea na nakangiti. "Let's go." sa pangatlong pagkakataon ay hinila na naman ako ni Chelsea. Papunta kami kay Paris. "Let's go." sabi ni Paris at nauna saming maglakad. Balak talaga nilang hindi ako pakawalan. Pagdating namin sa Information Center na sobrang daming tao, kanya kanya sila ng ginagawa kahit pa yung mga kaibigan nila Paris. Nakita nila ako pero kinindatan lang nila ako dahil may kinakausap sila. Iniwan din naman agad ako nung dalawa at tumulong sa mga kasamahan nila. Tignan mo nga naman, dinala nila ako dito tapos ano gagawin ko? tutunganga? para naman kasing alam ko ang patakaran dito. "Ate Jade!" napatingin ako sa tumawag sakin. Familiar yung boses nya kaya ako lumingon. "Hoy! Fynch! sino kasama mo?" tanong ko sa kababatang kapatid ni Fin. "Mga kaibigan ko po. Gusto kasi namin dito mag-aral pagkatapos namin ng grade ten." sabi nya. "Ayaw ninyo sa school namin? doon nag-aaral ate mo 'di ba?" napahawak naman ako sa ulunan ko nung may nambatok sakin, sisigawan ko sana sya kaso nakita ko si Mama. "Imbis na tulungan mo kaming makahakot ng mga mag-aaral dito, pinapalipat mo pa." sabi ni Mama. Natawa naman si Fynch at binati si Mama. "Nasaan ang mga kaibigan mo? ako na mag-aassist sa inyo dahil baka hindi pa kayo dito mag-aral." "Dito po talaga ako mag-aaral tita, alam ko naman pong maganda ang school ninyo kaya po niyaya ko ang mga kaibigan ko na dito mag-aral." sagot naman ni Fynch. "Tama, mabuti ka pa alam ang kagandahan ng school na ito. Yung ate mo at mga barkada nya hindi ko alam kung ano meron sa utak nila." "Grabe Ma, nandito lang ako." sabi ko na ikatawa ni Fynch. "Nandyan ka pala. Hi." pang-asar talaga si Mama. "Tara Fynch, ia-assist ko kayo. Sobrang daming tao kaya hindi kayo ma-assist ng mga alagad ko." sabi ni Mama at umalis silang dalawa ni Fynch. Psh! sana hindi na lang kasi nila ako pinilit na isama pa dito. Ano gagawin ko dito? tatayo lang? "Ay wait, Jade, pakitawag nga si Paris, sabihin mo kakausapin ko sya." sabi nya sabay talikod. Ako pa ang nautusan. Napabuntong hininga ako at hinanap si Paris pero hindi ko sya makita. Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko si Chelsea para tanungin sya kung nasaan si Paris pero ayoko kasing napapalapit sa kanila. No choice, nilapitan ko si Chelsea. "Chelsea, ano...nakita mo ba si Paris?" tanong ko habang kamot ang batok ko. Nakangiting bumaling sya sakin. Alam mo yung tingin at ngiti nya? parang mapang-asar eh. "Sa SC room. Gusto mo samahan kita?" "Ah hindi na, kaya ko na sarili ko. Alam ko naman kung saan yon." sabi ko at nakitbitbalikat sya. "Ikaw bahala." sabi nya. Nagpasalamat ako sa kanya bago naglakad patungo sa SC room. Ang bilis naman mawala non, parang kadarating lang namin tapos pumunta na sya don. Ang tahimik ng hall way. Walang katao tao. Ang creepy tuloy. Naglalakad akong mag-isa sa hall way na walang katao tao makikita sa paligid. s**t. Naalala ko tuloy ang nakakatakot na kwento dito nung highschool pa ako. Bwisit yan.  Binilisan ko ang paglalakad ko na halos takbuhin ko na dahil tila ako nakaramdam ng lamig nung maalala ko ang kwento. Bwisit kasi ang mga kaklase ko non! wala lang teacher, nagtakutan na! Nakarating ako sa tapat ng SC room. Kumatok agad ako at nung makarinig ako ng 'come in' pumasok agad ako. Nakahinga naman ako ng maluwag. Tumalikod ako sa pintuan at hinanap si Paris. At ayun sya, nakaupo sa swivel chair sa tapat ng table nya na may sandamakmak na paper works. Napalunok ako nang makita syang nakasuot ng reading glasses. Spell hot. P-A-R-I-S. Ang hot nya! para syang si Ms. Dani kapag suot ang reading glasses, napakastrikto ng dating pero ang hot pa din tignan. "Ano ang kailan mo?" nakataas kilay nyang tanong. "Hot." "What?" Nanlaki ang mga mata ko na matanto ang sinabi ko. "Wa-wala! a-ano..tawag ka ni Mama." sabi ko na hindi makatingin sa kanya dahil alam kong sobrang pula ng mukha ko. Tae ano ba naman pumasok sa isip ko at nasabi ko yon? "Nag-text na ako kay Ma'am Jo na hindi ako makakapunta." sabi nya at naging busy sa paper works nya. "O-okay." tumalikod na ako at naglakad patungo sa pintuan. Bwiset, bakit hindi ko pala naisip na pwedeng i-text ni Mama si Paris? naghanap pa ako at nagtanong kay Chelsea para lang hanapin itong si Paris, pwede naman i-text na lang. "At sinabi nya na wag kang paalisin." napatigil ako sa pagbukas ng pintuan. Nilingon ko sya. "Huh?" "Dahil siguradong tatakas ka." sabi nya at may pinindot sya na kung ano sa remote control. Pinagmasdan ko ang distansya naming dalawa. Hindi nya ako mahuhuli. Pinihit ko ang doorknob pero hindi ko mabuksan. Tae paanong nangyaring na-lock 'to? "Wag mo ng ipagpilitan pang makatakas, mapapagod ka lang." sabi nya. "Buksan mo 'to." sabi ko sa kanya. "Tumahimik ka." napatigil naman ako dahil ang seryoso nya. Tae naman eh. "Ayoko din naman na nandito ka pero anong magagawa ko? binilin ka sakin. Wag kang mag-inarte dyan dahil parehas lang tayong ayaw makasama ang isa't isa." mataray na sabi nya. Napangiwi ako. Ang taray naman nito. Nagmumukhang Ms. Dani talaga sya. "Ano naman gagawin ko dito?" tanong ko, mababagot lang ako dito na imbis naglalaro ako ngayon. "Do whatever you want." sagot nya lang. Tumingin ako sa paligid. Hays. Walang magagawa dito. Tumingin ako sa kanya. Makikita sa mukha ni Paris ang pagiging seryoso, lalong ikinadagdag sa appearance nya ang suot nyang reading glasses, nagmukha syang striktong teacher at nakakatakot na boss. Nanlaki ang mga mata ko nung umangat ang tingin nya sakin. Hindi ko magawang umiwas ng tingin. Hindi ko alam. Hindi din sya umiwas ng tingin. Pinagmasdan ko ang asul nyang mga mata. Tila na naman ako nalulunod sa mga tingin nya. Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako makahinga ng maayos. Para na talaga akong nalulunod na ang hirap umahon. "What's up!" napaiwas ako ng tingin at tumingin kay Marie. "Oh! you're here!" Ngumiti ako ng alanganin tsaka ako huminga ng maayos. Ang bigat ng pakiramdam ko kanina. "Okay ka lang?" tanong ni Marie na lumapit sakin. Nagtaka ako kung paano sya napasok eh naka-lock ang pinto kanina. "Tubig gusto mo?" hindi nya na hinintay pa ang sagot ko at pumasok sa isa sa mga pinto. Tumingin ulit ako kay Paris pero naging busy na ulit sya sa paper works nya. Napabuntong hininga na lamang ako. ----------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD