Jade's POV Nagising ako kinabukasan. Nakaramdam ako na pangangalay sa kanang braso ko. Tumingin ako sa kanan at nakitang mahimbing na natutulog si Paris. Shemay. Hinanap ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na. Madilim pa rin pero nagiging blue na ang kalangitan. Mag-aala singko na sigurado. Tumigil ako sa paglingon sa tabi nung gumalaw si Paris. Dahan-dahan itong namulat. "Good morning gorgeous." bati ko sa kanya. Tumingin sya sa paligid. "Morning. Anong oras na?" tanong nya at humikab. "Mag-aala singko na siguro." sagot ko. Nakaunan pa rin sya sakin. "Pero siguradong gising na sila tatay Renato." dagdag ko. "Hmm." umupo sya at nag-unat. Dahil sa ginawa nyang yon ay umangat ang nighties nya at lumitaw ang black nyang underwear. Iniwas ko ang tingin ko at tumayo na. Hin

