Jade's POV Nakaramdam ako ng gutom pero may sinu-suportahan pa ako. Nasa call ako habang pinapanood ko ang ginagawa nyang pinapagawa ko para maayos ang issue nya. "Ayun, okay na. Thanks." sabi nya nung gumagana na ang apps na kailangan nya. "Nice, may need pa po ba kayo?" tanong ko. Sa wakas ay kakain na ako. "Ayun lang. Salamat." tumango ako sa kanya kahit hindi nya naman nakikita. Wala kaming video call. "No problem. Thank you." in-end ko na ang call at umunat. Makakakain na rin. Tumingin ako sa orasan at halos mag-aala una na. Ang tagal ko palang na-support yung caller. Nauna na rin kumain sila Ate Mau. Hindi ko na sila pinaghintay kahit na sinabi nilang hihintayin nila ako. Mabuti na lang talaga dahil anong oras na. Siguradong gutom na gutom rin sila katulad ko kung hinintay nila

