Jade's POV "Ang boring talaga." sabi ko habang nakatayo sa gilid. Iniwanan ko si Paris dahil puro business yung pinag-uusapan nila. Wala akong naiintindihan. Hindi ko pa nakikita sila Fin kaya wala rin akong kausap. Nakita ko sila Tito Cyrus pero si Kuya Kasaysayan lang kasama nila. Ayaw nila kaliwa ang ganitong klaseng party kaya hindi ko yun inaasahan na pupunta rito. "Jade." "Sawakas!" sabi ko nung makita si Nissan. "Teka, kung nandito ka, dapat nandito rin si kaliwa." nilingon ko ang paligid baka matanaw ko si kaliwa. "Wala sya rito. Kahit kasama ako nila Tito, hindi sya sasama. May allergy daw sya sa ganito." nakangiting sagot ni Nissan. "Loko yon, iniwanan ka talaga mag-isa rito." sabi ko. "Mabuti pinayagan kang pumunta rito." "Ayaw nya pero kailangan kong pumunta rito dahil ka

