Jade's POV "Tara, lunch." tumingin ako kay Pia na kinalbit ako sa balikat. "Lunch na ba?" sabi ni Ate Mau at nag-unat. "Mukhang may hindi nagugutom ah?" sabi ni Lemuel na lumapit samin kasama si Kuya Kups. "Ngayon ko lang napansin ang gutom ko. Tara, kain na." sabi ni Ate Mau. "Sorry, pass. May baon kasi ako at may kasabay." pangtatanggi ko. "Aba iba, nagbabaon na." sabi ni Kuya Kups. "Tipid tipid rin." nakangiting sabi ko. "Mukhang hindi ka na namin makakasabay kumain nyan." sabi ni Pia. "Mamayang merienda na lang ako sasabay." nakangiting sabi ko. "Tuwing lunch lang ay hindi na ako makakasabay." paumanhin ko. "Aw nanlilibre pa naman minsan si Mau." sabi ni Kuya Kups. "Hayaan mo na, libre na lang kita sa merienda." napangiti ako sa sinabi ni Ate Mau. "Ano arat?" tanong ni Lemu

