Jade's POV Hindi magkaugaga ang mga tao sa back stage sa nalalapit na palabas. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader. Ilang minuto na lang magsisimula na ang palabas pero parang hindi pa okay ang lahat dahil nagkakagulo ang mga tao rito. "Ano ba?! bilisan naman ninyo oh! malapit na tayo mag-umpisa!" sigaw ni Cess. Napailing ako. Kung kailan malapit na mag-umpisa, hindi sila magkadaugaga. "Nasaan si Paris?!" sigaw ulit ni Cess. Doon naman ako napatingin sa paligid para hanapin si Paris. Kanina ko pa pala yon hindi nakikita simula nung dumating ako. Sakto naman pumasok sya ng back stage. "Bakit nagkakagulo pa din kayo? mag-uumpisa na." sabi ni Paris. "Mag-uumpisa na nga bakit hindi ka pa din nakaayos?" tanong ni Ino sa kanya. "May speech ka pa, aba mag-ayos ka na." Nakausot na

