Jade's POV "Sabihin mo nga Michael, bakit kailangan nandito ako?" tanong ko sa kapatid ko habang nasa field ang tingin. "Pinapapunta tayo ni Mama dito dahil after game daw may date kayo ni Paris." "What?" pinagsasabi nito? date kami ni Paris? "Treat daw ni Mama sa inyo dahil sa magandang performance ninyo kahapon." sabi nito. Tinignan ko sya kung seryoso ba sya sa pinagsasabi nya. Mukhang seryoso naman sya pero what the hell? kami ni Paris magda-date? imposibleng pumayag ang isang yon tsaka hindi na kailangan pa ni Mama i-treat kami ng date. Tumingin ulit ako sa field. Malayo kami sa mismong field pero kita naman namin ang mga naglalaro. Nasa nine inning na sila at lamang sila Paris, sigurado akong matatapos din ito agad dahil lima score ang hahabulin ng kalaban. Nag-pitch si Cess,

