Jade's POV
"Ma! bakit ba ang hilig ninyo akong pinapapunta kay Paris? Sinasadya nyo ito eh!" maktol ko kay Mama dahil pinapapunta na naman nya ako sa bahay ni Paris.
"May sakit ngayon si Paris kaya hindi sya makakapunta dito kaya ikaw ang pupunta doon ngayon."
"Ma si Michael na lang. Alam ninyong hindi pa ako nakaka-get over sa huling encounter namin eh." dahil sa taong yon naalala ko na naman yung nangyari sa akin noon.
"Umalis ang kapatid mo kaya wala kang choice kundi puntahan si Paris sa kanila. Dalian mo at may pupuntahan pa ako."
Napahilamos ako ng mukha gamit ang dalawang palad ko.
"Shoo! dalian mo ah." makautos talaga. "Ay wait! bilhan mo ng prutas si Paris. Mahilig yon sa mansanas."
"Akala ko ba nagmamadali ka sa dokumento na kukunin ko sa kanya tapos pinapabili mo ako ng prutas para sa kanya."
"Mamaya ko na aasikasuhin yon baka ma-late pa ako sa lakad ko ngayon." hindi ako makapaniwala sa Mama kong ito. Kanina minamadali nya ako tapos ngayon. "Alagaan mo muna sya ah?"
"What?!"
Mygod hindi ako makapaniwala sa Mama kong yon. Sinasadya nya talaga ito eh! alam nyang ayokong nakakasama ang taong yon tapos pinipilit nyang magsama kami.
Bakit hindi na lang si Kris ang mag-alaga sa kanya? tutal mas pabor yon sa kanya.
"Ma'am, dito po tayo." sabi ng kasambahay nila Paris.
Sumunod ako sa kanya papunta kung saan man si Paris ngayon. Sa susunod talaga hindi ko na susundin pa ang utos ni Mama. Nakakainis.
Kumatok ng ilang beses yung kasambahay sa isang pintuan tapos binuksan.
"Pasok na po kayo." sabi nya. Tumango ako at pumasok sa loob.
Nakita ko agad si Paris na nakaupo sa higaan nya.
"Nasa study table ang mga dokumento." mahinang sabi nya pero kahit papaano ay naintindihan ko naman. Tumingin ako sa study table na tinutukoy nya.
Napangiwi ako dahil ang kapal na naman ng papel.
"Ayos ka lang ba?" imbis na tanong ko. Napatingin sya sakin.
"Kukunin mo lang yung dokumento hindi ba?" sungit.
"May dala akong mansanas. Gusto mong kumain?" hindi ko pinansin yung sinabi nya.
Tinignan nya ako dahil sa pagbabaliwala sa sinabi nya kaya naman napangisi ako.
Sakto naman na may kumatok sa pintuan kaya binuksan ko muna ang pintuan. Yung kasambahay lang na dala ang mansanas na hiwa na. Lumapit ako kay Paris dala ang mansanas.
"Sabi ni Mama paborito mo daw ito kaya ito ang pinabili nya. Kain ka." sabi ko habang kumuha ng isang slice ng mansanas.
"Umalis ka na."
"Hmm..sarap." pagbabaliwala ko sa kanya at pinuntahan ang study table nya.
Ini-scan ko ang mga papel. Iniisip ko kung may time pa ba magsaya si Paris sa ginagawa nya. Ang dami nito tapos naglalaro pa sya ng baseball.
Tila ako lalagnatin habang tinitignan ko ang mga papeles sa sobrang dami kaya naman tinigilan ko na. Nilingon ko si Paris na nakahiga na ngayon sa higaan nya.
Siguro naman pwede na akong umalis? sa totoo lang kanina pa ako nangangating umalis eh. Natuwa lang ako sa pagsusungit nya kanina.
Inubos ko ang mansanas ko. Lalapitan ko na sana sya pero may kumatok sa pintuan. Pagbubuksan ko sana kaso kusa na iyon binuksan ng taong kumatok.
"Jade?" takang tanong nya.
"Kris." bakit tuwing pupunta ako dito, pumupunta din ang isang 'to?
"Anong ginawa mo dito?" tanong nya pero nilapitan nya si Paris at hinawakan ang noo ni Paris.
"May pinapakuha sakin si Mama na dokumento na hawak ni Paris." sabi ko.
Tumango sya. Hinaplosan nya ang pisngi ni Paris.
"May tanong ako Kris. Nililigawan mo ba si Paris?" tanong ko sa kanya. Napatingin sya sakin.
"What? No. She's my cousin." tila nahihibang na sabi nya.
"Huh?!"
Napakunot ang noo nya dahil sa pagsigaw ko. Napatakpan naman ako ng bibig. Nilingon ko si Paris at mabuti na lang ay tulog pa din sya.
Seryoso? magpinsan sila? ibigsabihin may gusto si Paris sa pinsan nya? what the heck?!
"Bakit?" takang tanong nya.
Umiling iling ako. "Wala. Napansin ko lang ang closeness ninyo." akala ko pa naman may malalim na relasyon ang dalawang ito. "Alis na ako tutal nandito ka na din naman." sabi ko.
Kinuha ko ang mga dokumento ni Mama. Nagpaalam muli ako kay Kris bago lumabas ng kwarto ni Paris.
Hindi ako makapaniwala na may gusto si Paris sa pinsan nya. Kung ano pa ang bawal.
Dahil sabado ngayon at may kanya kanya lakad ang apat kaya mag-isa akong naglalakad sa mall. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayokong manatili sa bahay dahil baka utusan na naman ako ni Mama pumunta kanila Paris. Lagi pa naman ganon yon kapag nakikita nyang wala akong ginagawa mandamag. Kaya ginagawa ko na ang thesis ko kahit na hindi pa nagdi-discuss ang prof. namin para lang makaiwas sa utos ni Mama.
Effective naman dahil isang linggo na nya ako hindi inuutusan pumunta kay Paris at naririnig kong si Michael ang inuutusan nya.
Wala talaga akong maisip na puntahan kaya naisipan ko na lang puntahan si Kuya dito sa mall nya.
Pagkarating ko sa tapat ng office nya ay walang katok katok kong binuksan ang pinto.
"Kuya!" sigaw ko pero napatigil ako nung makita ko si Paris kasama ang mga kaibigan nya. What the hell? Sila na naman?
"Jade! ilang beses ko bang sasabihin sayo na kumatok ka bago ka pumasok?" naii-stress na sabi ni Kuya. Gusto ko sana matawa sa itsura ni Kuya pero nandito kasi ang Paris and friends eh.
"Mamaya na lang pala." sabi ko at isasarado sana ang pintuan pero pinigilan ako ni Kuya umalis.
"No, sit there. Kapag umalis ka dyan, ipapa-ban kayo ng mga kaibigan mo dito." panakot nya. Parang maamong tupa naman akong umupo sa couch. Buti na lang nakatayo ang anim sa harap ni Kuya kaya wala akong katabi dito sa couch.
Napasimangot ako habang hinihintay sila matapos na mag-discuss. Hindi ko naman alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero mukhang pinipilit nila si Kuya.
"Madami akong ginagawa. Hindi ako sigurado." sabi ni Kuya.
"Sige na, Kuya Maitan." pamimilit Rin.
"I don't know Rin. Ang dami kong trabahong gagawin ngayon. Nalalapit na din ang anniversary ng mall."
Oo nga pala, magkasunuran lang ang anniversary ng school nila Mama at mall ni Kuya. Kaya pala this past few days ang daming katawagan ni Mama. Sana lang hindi mai-stress yon dahil buntis. Hindi naman sya matulungan ni Papa dahil busy din ito.
"Bakit hindi na lang kayo maghanap ng ibang banda?" sabi ni Kuya. Banda pala pinag-uusapan nila. Dating miyembro ng band group si Kuya kasama ang mga kaibigan nya. Sya ang vocalist ng banda nila.
"Kayo ang pinakahinahangaan ng mga estudyante sa school kaya nga pinipilit namin kayo na tumugtog sa anniversary ng school." sabi ni Marie.
"Grabe ah limang taon na simula nung umalis ako sa school. Wala ng makakakilala samin." sabi ni Kuya.
"Hindi sinabi sayo ni Mama?" napatingin silang lahat sakin. Napangiwi naman ako dahil lahat sila napatingin sakin. Umepal pa kasi ako eh.
"Ang alin?"
"Na pinapalabas sa school ang mga record ng banda ninyo tuwing break time." may mga monitor kasi sa mga lobby ng bawat building, cafeteria at sa iba pang parte ng school nila Mama. Tuwing break may pinapakita ang school kung ano ang nangyayari sa nakaraang taon.
"Ano?!" napatayo sya. OA. "Totoo ba yon?" tanong nya sa anim.
"Oo. Akala ko alam mo." sagot ni Cess.
Napa-facepalm naman si Kuya at naupo ulit. Mukhang nai-stress sa nalaman nya. Oops.
Natahimik sila ng ilang segundo at hinayaan mag-isip si Kuya.
Tumingin tingin na lang ako sa mga magazines na nasa coffee table ni Kuya.
"Hindi pa din ako sigurado. Busy na din ang mga kaibigan ko kaya hindi ako sigurado. Kahit naman gusto ko, masyado kaming busy."
"Wala na ba talagang ibang paraaan?" tanong ni Chelsea.
Hindi sumagot si Kuya dahil tila ito nag-iisip.
"Pinapakita din ba sa school ang event na Ms. Everest nung 2008?" nanigas ako sa sinabi ni Kuya.
"2008?"
"Ms. Everest 2008, isa si Jade sa candidates noon at ang ginawa nya para sa talent nya ay ang kumanta. Madaming humanga sa ginawa nya noon at sya ang nanalong Ms. Everest nung 2008."
Napatingin sakin ang anim. May pangdududa ang mukha nila kung totoo ba ang sinasabi ni Kuya. Mukhang nung college lang sila napadpad sa Everest University kaya hindi nila alam ang tungkol don. I mean, hindi ko sa pinagmamalaki pero lahat ng nag-aral sa school nila Mama simula highschool hanggang college kilala nila ang mga taong nanalo sa bawat event.
"And you're saying?" rinig kong tanong ni Paris.
"Dahil busy kami, si Jade na lang ang yayain ninyo kumanta sa anniversary?"
"No way!" napatayo ako sa suggestion ni Kuya. "Bahala kayo dyan! busy din ako 'no." galing magpasa ng trabaho itong si Kuya ah.
"Hindi mo kailangan sumigaw." masungit na sabi ni Paris.
"Ah basta! bahala kayo dyan. Aalis na ako." sabi ko at naglakad papunta sa pintuan.
"Wait Jade!" tawag nila pero nagmadali akong lumabas ng office ni Kuya.
Mabilis din akong umalis sa lugar para hindi nila maabutan. Naman oh. Pahamak si Kuya. Hindi ako sigurado kung pipilitin din nila ako pero sana hindi. Bukod sa ayokong kumanta, ayokong makasama ang anim na yon!
Hindi na muna ako umuwi at pinuntahan na lang ang bahay ni kaliwa. Inis na inis sya nung dumating ako dahil naglalambingan sila ni Nissan pagdating ko. Tawa lang ako nang tawa pero wala naman syang palag kung hinayaan ako ni Nissan na manatili sa bahay nila.
"Ilang percent ka na sa system mo?" tanong ni kaliwa. Gumagawa na sya ngayon ng system nya dahil nagluluto na si Nissan ng hapunan tsaka nandito ako hahaha.
"Ninety percent." napatingin sya sakin.
"Talaga lang huh?" kita mo ito, nagtanong tapos hindi maniniwala.
"Eh para makaiwas sa utos ni Mama pumunta kanila Paris, nagpaka-busy ako sa thesis ko kahit na masiraan ako ng ulo sa mga codes."
Napailing sya. "Mukhang sinasadya ni Tita na papuntahin ka kay Paris."
"Ewan ko don. Alam nyang ayoko sa mga yon pero pinipilit nya akong makita ang mga taong yon." sabi ko at tumabi sa kanya. "Error!" tawa ko nung makita ang error sa screen ng laptop nya.
"Siraulo, manahimik ka nga dyan. Kanina ko pa nga ito inaayos. Bwisit 'to. Teka nga bakit ba ayaw mo kay Paris? mabait naman yon. Mukhang malayo naman ang ugali nya sa mga kaibigan nya."
"Ako nga." kinuha ko ang laptop sa kanya at niligay ang tamang codes. "Iba nga si Paris sa kanila pero syempre kaibigan nya sila Cess at nakakasama nila yon. Ayokong makasama sila."
"Pero si Paris gusto mong makasama?"
"Hindi din. Sungit eh." natawa sya sa sinabi ko. Ibinalik ko sa kanya ang laptop nya pagkatapos kong ayusin ang error nya. "Oo nga pala, alam mo ba na pinsan nya pala si Kris?"
"Huh? pinsan nya si Kris?" gulat na tanong nya.
"Oo. Tinanong ko si Kris nung minsan pumunta sya sa bahay ni Paris kung nililigawan nya ba si Paris dahil lagi syang pumupunta doon. Ang sabi nya pinsan nya daw si Paris. Nakakagulat 'no? ang taong gusto ni Paris, pinsan nya." sabi ko.
"Incest." sabi nya. "Anong pumasok sa utak ni Paris para magkagusto sa pinsan nya? at si Kris pa? wala naman maganda sa babaeng yon." natawa ako.
"Hanggang ngayon bitter ka pa din kay Kris?"
"Hindi ako bitter sa taong yon. Nakakainis lang dahil binibisita nya pa din si maid dito." iritang sabi nya.
"Selos ka naman."
"Hindi ako nagseselos. Girlfriend ko na si maid dapat lang lumayo na sya kay maid pero ang kapal ng mukha, hindi na nahiya sakin."
"Hindi naman nya maaagaw pa si Nissan sayo kaya wag ka na mainis dyan."
"Feeling kasi yon." natawa ako. Ang laki ng galit nito kay Kris.
Ilang oras akong tumambay sa bahay nila kaliwa, sa kanila na din ako kumain na hindi naman ikinaangal ni kaliwa dahil madami akong natulungan sa system nya.
Ayoko pa sanang umuwi sa bahay kaso pinapalayas na ako ni kaliwa. Maglalaro na lang ako ng video games, baka online ngayon si Fin or baka sa bahay ni Nurse Rose yon ngayon.
"I'm home." sabi ko pagkapasok ko ng bahay. Nanigas ako pagkakita ko sa anim na babae na masayang nakikipagkwentuhan kay Papa.
Sabi ko na nga pipilitin ako ng mga ito. Kita mo, nagawa pa akong puntahan dito kaya ayokong umuwi eh.
"Hey sweetie." nakakindat na sabi ni Cess.
"Oh Jade, buti dumating ka na. May sasabihin sila Paris sayo." sabi ni Mama na may dalang dessert. May kutob na ako kung ano ang sasabihin nila.
"Tungkol ba ito sa anniversary?" tanong ko.
"Oo. Narinig mo naman yung pinag-usapan namin kanina ng Kuya mo." nakangiting sabi ni Chelsea.
"Pasensya kung tatanggi ako."
"Jade!" saway ni Mama.
"Ma, hindi naman ako nag-aaral sa school ninyo, bakit ako ang kukunin nila?" sabi ko.
"Yung nga ang point. Kinukuha nila ang mga nanggaling sa Everest." sabi ni Mama.
"As if naman grumadaute ako sa school ninyo. Remember? nag-transfer ako nung third year high school pa lang." yung ang time na lumipat ako sa school nila kaliwa. Ako lang kasi ang nahiwalay sa kanila kaya naman pinakiusapan ko sila Mama na lilipat ako ng school.
"Sikat ka pa din naman sa school kahit wala ka na don." sabi ni Ino. Napangiwi ako.
"Bakit naman? seven years na akong wala doon, impossible naman ang sinasabi mo. Unless.." tumingin ako ng makahulugan kay Mama.
"Wala akong ginagawa." maang ni Mama pero nakangiti naman. Napailing ako.
"Kahit anong sabihin ninyo hindi ako papayag. Akyat na po ako." sabi ko at hindi ko na sila hinintay pa na magsalita pa. Nagmadali akong pumunta sa kwarto ko dahil baka pilitin pa nila ako.
Tatalon na sana ako sa higaan ko nang biglang bumukas ang pintuan. s**t nakalimutan kong i-lock.
"Ano?" may bahid na inis na sabi ko kay Paris. "Please lang, wag ninyo akong pilitin dahil nagsasayang lang kayo ng laway."
"Bakit ba ayaw mo?" masungit na sabi nya. Nakasalubong pa ang mga kilay nya.
Kita mo ito. Sya may kailangan sakin, ang lakas magsungit. Kapag ako talaga kinakausap nito ang sungit. Hindi naman sya ganyan kanila Fin.
"Kasi bukod sa ayoko talaga, hindi na ako kumakanta at ayokong kumanta sa harap ng madaming tao." sabi ko.
"How about.." napaatras ako na nag-step forward sya." Let's have a deal?"
"Deal? anong klaseng deal? tsaka ayoko nga sabi! bakit ang kulit mo?" inis na sabi ko. Tumalikod ako sa kanya at naglakad palayo. Hindi ko gusto na napapalapit sa kanya.
"Maglaro tayo ng baseball." mabilis na nilingon ko sya.
"Anong sabi mo?" nababaliw ba sya? lalong hindi ako papayag sa gusto nya! bakit kasi ayaw nya na lang ako tantanan. Ayaw nya sakin diba? tigilan nya na ako, ano ba!
"Kapag nanalo ka, kahit anong gusto mo, gagawin ko pero kapag nanalo ako kakanta ka sa anniversary." sabi nya. Napailing ako.
"Umalis ka na. Nagsasayang ka lang ng oras." sabi ko at nahiga sa higaan ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagpaka-busy don. Hindi ko na lang papansinin si Paris na tumigil sya.
Tinatawag nya ang pangalan ko at pinipilit ang deal na gusto nya. Ano bang problema ng isang 'to at ayaw tumigil? ang kulit ah!
Gusto nya pa akong paglaruin ng baseball, eh may trauma nga ako don. Ayoko na maglaro ng baseball. Nasira na ito kahit na magaling na din naman ang paa ko. Ayoko na maulit pa muli iyon.
"What the..hey!" umupo ako sa higaan ko nung kinuha ni Paris ang cellphone ko.
Pero napahiga ulit ako dahil tinulak nya ako. Nanlaki ang mga mata ko na sumampa sya at umupo sa tyan ko.
"U-u-umalis ka dyan." nauutal na sabi ko.
Napa-smirk sya dahil doon. Bwisit.
"I-itutulak kita kapag hindi ka umalis dya-dyan." umiwas ako ng tingin sa kanya pero napapatingin pa din ako sa kanya pero iiwas din agad.
"Hindi ako aalis..." tumaas ang balahibo ko na magsalita sya sa tainga ko. s**t sobrang lapit nya na sakin! "Hangga't hindi ka pumapayag sa deal natin." hindi talaga sya titigil tungkol sa bagay na yon?
"A-ayoko nga sabi." huminga ako ng malalim dahil tila ako hindi makahinga ng maayos sa pwesto namin. "Kahit ano pa ang gawin mo."
"Kahit halikan kita?"
"Hoy iba na yon!" nilingon ko sya pero sana pala hindi ko na ginawa yon dahil sobrang lapit ng mukha nya sakin. Halos magkadikit na ang mga ilong naming dalawa. "La-layo."
"Alam mong hindi ko gagawin yan." ako lang ba o sadyang mapang-akit ang boses ni Paris ngayon?
"Hep!" mabilis na inilayo ko sya sakin nang dahan dahan syang lumapit sakin.
Napangisi sya dahil don. Bwisit talaga ang taong ito.
"Wait! wait!" lumapit na naman sya pero itinutulak ko sya.
"Stop wasting my time, Jade." kinabahan ako nang hawakan nya ang dalawang kamay ko. Pinipilit ko naman makawala sa hawak nya pero masyado talaga syang malakas para makawala sa kanya.
"Eh kung tinitigilan mo na kasi ako para hindi masayang oras mo." sabi ko habang pinipilit pa din makawala sa kanya. Nasasaktan na nga ako sa pinaggagawa ko eh, ang higpit kasi ng hawak ni Paris.
"Ayokong gawin ito pero pinipilit mo akong gawin ang bagay na ayoko." sabi nya. Ano naman ang tinutukoy nya?
Nagulat ako nung iniligay nya sa ulunan ang dalawang kamay ko.
"Te-teka! anong gagawin mo?!"
Nanlaki ang mga mata ko na dahan dahan nyang nilalapit ang mukha nya sakin. Wag nyang sabihin na..
"Oo na, oo na! papayag na lumayo ka sakin!" sabi ko at pilit na pumipiglas sakin.
Ang laki ng ngisi nya na binitawan nya ang mga kamay ko at umalis sa ibabaw ko.
"Good. See you tomorrow sa baseball field." nakangising sabi nya at naglakad palabas ng kwarto.
"Bwisit!" sigaw ko pagkalabas na pagkalabas nya.
I'm dead!
----------------------------