Jade's POV "Kapag may mangyaring hindi maganda kay Jade. I swear, masasaktan ko kayo." seryosong sabi ni kaliwa habang masamang nakatingin kanila Paris. "Chillax, maglalaro lang naman sila." sabi ni Marie. Kung ganon lang naman kadali, ayos lang. "Alam ninyo ba ang salitang trauma huh?" mataray na sabi ni kaliwa. "May trauma si Jade sa baseball!" "Huh? seryoso?" gulat na sabi nila Cess. "Bakit hindi mo sinabi agad?" sabi ni Chelsea na nakatingin sakin. "Hindi ninyo alam?!" sigaw ni kaliwa na tila naii-stress na. Ang aga, highblood agad itong si kaliwa. "Hindi namin alam." nag-aalalang sabi ni Chelsea. Kumunot ang noo ko tapos tumingin ako kay Veron. "Akala ko nasabi mo na sa kanila?" tanong ko sa kanya. Sya ang hindi sumama samin sa paghatid sakin sa clinic pero sumunod rin sya.

