Tulak-tulak ni Silvestre ang dilaw na janitor’s cart pagpasok sa CEO's office. Maraming suksukan at kawit ang cart niya na siksik sa cleaning supplies, mop, at trash holder. Hindi bagay sa kanya pero dahil pinangatawanan niya na ang pagiging tagalinis ay nasasanay na rin akong makita siyang ganyan. "Mabuti naman at dumating ka na. Kanina pa kita hinihintay. Ewan ko ba't naroon kayo lahat na mga housekeeping personnel sa baba. Napakaraming kailangang linisin dito sa taas." saad ko, nakasandal ang puwetan sa executive desk at magkakrus ang mga hita. "Anong gusto niyong unahin kong linisin para maumpisahan ko na." ignora niya sa mga sinabi ko, gusto nang simulan ang gagawin niya rito para matapos na siya. "Itong sa may paanan ko. Natapunan iyan ng kape kahapon, pakiramdam ko ay hindi mas

