ROHAN'S POV: LUMIPAS ang mga araw at dumating na nga ang pinaka hinihintay naming araw ni Naya. Ang araw ng kasal namin. Bago ang araw ng kasal, bumalik na muna kaming dalawa sa mansion nila para magkausap muna kami ng pamilya nito nang masinsinan. Kabado ako habang magkahawak kamay kami ni Naya na hinihintay ang pagdating ng ibang mga kapatid nito mula sa kani-kanilang trabaho. Dito sa Madrigal's compound naman nakatira ang mga kapatid nito. Lahat silang magkakapatid ay pinatayuan ni tito Dwight ng kani-kanilang mansion. Kahit si Naya ay meron din. 'Yon nga lang, hindi pa iyon nagagamit dahil saka lang ibinibigay ni tito Dwight ang mga susi ng mansion sa kanyang mga anak kapag ikinasal na ang mga ito. Habang hindi pa sila kasal, mananatili sila sa poder niya. Dito sa old mansion nila.

