bc

The Legal Mistress [NAYA MADRIGAL]

book_age18+
826
FOLLOW
13.1K
READ
billionaire
contract marriage
HE
dominant
heir/heiress
bxg
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

To scape from her arrange marriage, Naya asked Rohan's help. Inalok niya ang binata na magpakasal sila para hindi ito ipakasal sa taong hindi niya mahal. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari. Rohan dies in a car accident. Ngunit paano kung buhay pa pala ito na itinago sa isla ng bagong asawa nito na malaki ang pagkakagusto kay Rohan!? *********Makalipas ang dalawang buwan, nagkrus muli ang landas ng dalawa sa isla! Makikilala pa kaya nila ang isa't-isa? Kung bulag na si Naya, habang si Rohan ay hindi na nakakaalala?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
ROHAN: ABALA kami sa trabaho sa site bilang mga construction worker sa condo unit na pinapatayo namin dito sa may Taguig. Hindi alam ng mga kasamahan ko dito na ako ang may-ari sa building na itinatayo namin. Maigi rin ‘yon para maitago ko ang katauhan sa publiko. “Bossing, nand'yan na si Fatima. May dalang pananghalian mo,” tawag sa akin ni Niño. Ang pinakamalapit sa akin sa lahat ng trabahador dito. Napailing lang ako na patuloy sa paghalo ng semento. Nanunudyo naman ang mga kasamahan namin dito na tinatawanan ko lang. Maganda naman si Fatima, hindi ko lang talaga gusto. May ibang babae na kasi akong natitipuhan. Medyo suplada nga lang at puro barako ang mga nakapaligid dito. Kaya nakakatakot din siyang ligawan at maraming mga nakabakod ditong kapatid nitong lalake. Si Sharanaya Madrigal. Ang hipag ko. Asawa ng Ate Yumi ko si Kuya Delta na kapatid ni Naya. Malapit naman ako sa kanilang lahat. Maliban lang kay Naya dahil masungit ito sa akin. Palaging mainit ang ulo niya sa akin kahit hindi ko naman ito inaano. Madalas kasi ay tuksuin kami ng mga kapatid niya sa tuwing magkakasama kami kaya pinag-iinitan niya ako. “Hi, handsome. Alasdose na ah. Hindi pa ba kayo manananghalian? May niluto ako para sa'yo. Kainin mo ito ha? Para na rin makatipid ka,” ani ng malambing na boses mula sa likuran ko. Naghiyawan tuloy ang mga kasamahan ko na tinutukso akong ikinaiilling ko lang. Itinabi ko na ang hawak kong pala na pinanghahalo sa semento bago humarap dito. As usual, nakasuot ito ng maiksing short at croptop na kita na ang pusod at dibdib. Makapal din ang makeup nito at umaalingasaw ang gamit nitong pabango. Kung sa ibang lalake ay napaka-sexy, hot at ganda na nito? Sa akin, wala siyang dating. Walang-wala siya sa kalingkingan ni Naya ko. Pero pinakikisamahan ko siya ng maayos kasi ayoko namang maging bastos lalo na't wala naman itong nga ginagawang masama sa akin. Kung tutuusin ay inaasikaso pa nga niya ako. Matamis itong nakangiti na nagniningning ang mga matang nakatitig sa akin. Mainit dito site kaya pawisan na ako at nag-alis na rin ng sweater kaya tanging ang itim na sando ko na lang ang suot. Kita sa mga mata nito ang pagkamangha at pagnanasa na hinahayaan ko na lamang. Hanggang doon lang naman kasi ito. Kahit anong gawin niyang pagpapa-cute sa akin ay hindi nito maaakit ang puso ko. Dahil nakalaan na ito sa isang tao. Si Sharanaya Madrigal. “Kumain ka na, Rohan. May dala ako.” Wika nito na napakalambing ng boses. Napahinga ako ng malalim na nagpatianod ditong hinila na ako sa isang sulok. Naghugas na muna ako ng kamay bago bumalik sa mesa kung saan ito naghain. May karinderya d'yan sa tapat ng site kung saan madalas akong kumakain kasama ang mga kasamahan ko dito. Pero magmula nang mapansin ako ni Fatima dito ay palagi na siyang nagdadala ng pananghalian ko. “Fatima, baka naman sa susunod, pwede mo kaming isali sa pabaon mo?” tudyo ng isang katrabaho ko, si Ariel. Napangiwi pa ito sa mga kasamahan ko na nasa gilid at kumakain ng kanilang baon. “Bakit? May mga asawa na kayo, ‘di ba? Iba si Rohan kasi siya, walang nagluluto para sa kanya.” Sagot nito na matamis na ngumiti pagbaling sa akin. “Hindi ka na sana nag-abala, Fatima. May karinderya naman d'yan sa tapat eh. Kaya ko namang bumili ng pagkain ko,” saad ko na nagsimulang kumain. Nahihiya din kasi ako sa ginagawa niya. Ayoko lang na singilin niya ako balang araw. Wala akong maibibigay na kapalit sa mga ginagawa nito sa akin. Hindi naman lingid sa kaalaman kong nagtatrabaho itong prostitute sa kalapit na Bar dito. At may mga kapatid ding binubuhay kaya ayoko na pati ako ay ginagastusan niya. Kaya ko namang bumili ng pagkain ko. “Ano ka ba? Wala ‘to. Saka. . . mas masarap ang lutong ulam sa bahay kaysa sa mga tinitinda lang d'yan sa tabi-tabi noh? Kumain ka na lang. Masaya ako sa ginagawa ko, Rohan.” Nakangiting sagot nito na pinagsandok pa ako ng kanin. “Ayoko lang na dumagdag sa'yo. Kaya ko naman ang sarili ko eh.” Mahinang sagot ko na patuloy sa pagkain. Hindi naman na ito sumagot na sinabayan akong kumain at panaka-nakang inaasikaso na hinahayaan ko na lang. MATAPOS naming kumain ay ito na ang nagligpit sa pinagkainan namin. Gan'to naman lagi ang routine namin. Dinadalhan niya ako ng tanghalian sa tanghali at sinasabayan sa pagkain. Pagkatapos ng break time namin at balik trabaho na ay umaalis na rin ito. “Sige, Rohan. Bukas ulit ha? Dalhan kitang pagkain mo.” Tumango lang ako bilang sagot dito. Napasunod ako ng tingin dito na lumabas na ng site dala ang mga pinagkainan naming dinala nito. “Hindi mo pa ba sinasagot ang manliligaw mo, bossing?” Napalingon ako kay Niño na magsalita. May toothpick pa ito sa ngipin na kitang katatapos lang din kumain. Natawa at iling akong muling nagsuot ng sweater ko. “Anong manliligaw? Babae na pala ang nanliligaw ngayon, hindi ko manlang alam.” Pabirong sagot ko. Napahagikhik naman ito na nagsuot na rin ng sweater at nagsimula sa nakatokang gagawin nito. “Sus. Ang hina mo naman, bossing. Sa ngitian pa lang ni Fatima sa'yo eh halatang may gusto siya sa'yo. Aba. . . hindi naman ‘yon magi-effort na ipagluto ka, dalhin dito at samahan kang kumain na todo asikaso sa'yo kung wala siyang gusto sa'yo.” Saad nito na kasama ko sa paghahalo ng semento sa mixer. “Kaibigan ko lang si Fatima. Wala naman akong gusto sa kanya. Kaya nga tinatanggihan ko na ang pagdadala niya dito ng pagkain pero siya itong mapilit.” Sagot ko na ikinailing lang nito. “Malabong tantanan ka no'n, bossing. Eh halata namang deads na deads sa'yo eh. Ayaw mo no'n, libre ka lagi sa tanghalian.” Natatawang saad nito na ikinangiwi ko. “Ayoko namang samantalahin ang pagkakataon, Niño. Wala siyang maaasahan sa akin, kaya ayokong umasa siya na mamahalin ko siya pabalik katulad ng nais niya. Hanggang kaibigan lang ang kaya kong ipagkaloob sa kanya.” Seryosong saad ko dito. “Bakit nga ba, bossing? Maganda at sexy naman si Fatima. Mabait din siya at maasikaso. Bakit hindi mo siya magustuhan?” nagtatakang tanong naman nito na napatitig sa akin. Napahinga ako ng malalim na napailing. Mapait na napangiti na maalala ang dalagang iniibig ko. Si Sharanaya. “Eh ‘di ba, binata ka pa naman, bossing?” tanong pa nito. “Yeah, binata pa ako. Walang karelasyon pero. . . .” “Pero?” bakas ang kasabikan sa tanong nito. Naiiling akong nagkamot sa batok. “May hinihintay akong dalaga. Kahit masungit siya sa akin ay hinihintay ko pa rin siya.” Sagot ko. Natigilan naman ito na napatitig sa akin. Tila inaarok pa nito sa isipan kung tama ba ang narinig niya sa akin o ano? “Seryoso, bossing?” Tumango ako na ngumiti bilang sagot. Napasinghap pa ito na napatango-tango. “Kaya naman pala kahit anong panggagayuma sa'yo ni Fatima ay hindi umuubra. May nagmamay-ari na pala ng puso mong sinusungkit nito.” Saad nito na nagsimula muli sa trabaho. PASADO alasingko ng hapon ay tapos na ang trabaho namin. Dalawang kanto lang naman ang layo ng tinutuluyan kong apartment dito sa site na pinagtatrabahuan ko kaya naglalakad na lang ako. Habang pauwi ay nakita kong may itim na BMW na nakaparada sa harapan ng apartment na tinutuluyan ko. Napangiti ako na makilala ito. Kaagad na akong lumapit sa kotse na ikinabukas ng pinto at bumaba ang mala anghel sa gandang dalaga na ikinatigil ng mundo ko. Parang walang nage-exist sa paningin ko kundi ito lamang. Tinatangay pa ng hangin ang mahaba at unat nitong buhok na lalo niyang ikinaganda. “Hi, I didn't expect to see you here.” Saad ko na matamis na ngumiti dito kahit nakasimangot ito. “Tss. Inutusan lang ako nila Kuya noh?” ingos nito na napakamaldita ng pagkakasabi. Napahalukipkip pa ito na bakas ang pandidiri sa magandang mukha na mapasuri sa akin. Nakasuot kasi ako ng kupas na pantalos at itim na sando. Nakabalabal sa balikat ko ang itim kong sweater na nakasuot ng lumang sapatos. “Tara muna sa loob. Pinagpipyestahan ka na nila eh,” bulong ko na inakay ito sa siko paakyat ng apartment ko. Hindi naman ito umangal na nagpatianod lang. Pagala-gala ng tingin na tila inaaral ang paligid. “Bakit dito ka nakatira? And why are you wearing those clothes? Daig mo pa ang pulubi sa itsura mo,” pagalit nito na ikinangiwi kong nagkamot sa ulo. “Maigi na rin iyon. Hindi kasi alam ng mga trabahador sa site kung sino ako. Gusto kong matutukan ang pagpapatayo sa condominium.” Mahinang sagot ko na binuksan ang pinto. Hindi naman ito umimik na nagkakandahaba ang nguso. Kitang diskumpyado ito sa lugar pero hindi na nagkomento. “Pasok ka,” paanyaya ko na niluwagan ang pinto. Pumasok ito na kaagad napagala ng paningin. Simple lang ang ayos ng apartment na tinutuluyan ko. Ang sala at kusina ay nahahati lang ng kurtina, may isang silid dito at banyo. Puti at abo ang kulay ng pintura habang pula naman ang tiles nito. May ilang kagamitan din naman ako dito at maayos ang lahat dahil hindi ako makalat. “Maupo ka muna,” paanyaya ko dito na napabusangot pang makitang ordinary lang ang sofa pero naupo pa rin naman. Nangingiti akong naupo kaharap ito na napapasuri pa rin sa kabuoan ng bahay. “Are you safe here?” tanong nito na ikinatango ko. “Oo naman. Ano ka ba? Hindi naman ako magtatagal dito kung masama ang mga tao dito. Kaya nga magandang hindi nila ako kilala para kahit wala akong bantay ay ligtas pa rin ako,” sagot ko dito. “Maglinis ka nga muna ng katawan mo. Ang dungis mo,” masungit nitong turan na ikinangiti kong nagkamot sa ulo. Tumayo ako na pumasok ng silid at kumuha ng damit pamalit. Paglabas ko ay nasa kusina na ito na sinusuri ang laman ng refrigerator ko. Lumapit na ako dahil nandito naman sa kusina ang banyo. “Uhm, maliligo lang ako saglit. May pancit canton at pandesal ako dito, baka gusto mo?” alok ko na ikinailing nito. “I'm good. Kumuha lang ako ng maiinom,” sagot nito na ipinakita ang hawak. Napangiwi ako na isang beer in can ang kinuha nito. Wala naman kasing ibang maiinom sa refrigerator ko kundi beer lang at tubig. “Uhm, sige. Ligo lang ako,” kindat ko ditong napaikot lang ng mga mata. MATAPOS kong maligo at magbihis ay lumabas na ako. Nasa sala na itong muli dala ang beer nito at kasalukuyang kinukulikot ang cellphone nito. Nagtimpla ako ng kape at ininit muna saglit sa microwave oven ang pandesal. Ininit ko rin ang pancit canton na ginawa kong palaman nito at dinala sa kinaroroonan nito. Hindi naman ito umangal na sa tabi niya ako naupo. “Anong atin?” tanong ko na nagpapalaman ng pancit sa pandesal na hinati ko sa gitna. “Uhm, just checking on you.” Sagot nito na sa cellphone pa rin nito nakatutok ang attention. Napangiti ako na napatitig dito. Himala yatang hindi mainit ang ulo niya ngayon. O sadyang nakasanayan ko lang na palaging mainit ang ulo niya sa akin. “Maayos naman ako, Naya.” Sagot ko na kumagat sa pandesal na may palamang pancit. “Tss. Mukha ka ngang pulubi eh. Muntik na kitang hindi makilala,” mahinang saad nito na napakasungit ng pagkakasabi. “Yon lang ba ang ipinunta mo dito?” pag-iiba ko para magkaroon manlang kami ng topic. Ilang linggo ko rin siyang hindi nakikita. At aaminin kong masaya akong makita ito ngayon. Masayang-masaya kahit nakabusangot ito at wala manlang kalambi-lambing sa akin. Tumuwid ito ng upo na ibinaba na rin ang cellphone sa mesa. Inabot nito ang beer nito at tinungga iyon. Napapikit pa ito na napahingang malalim. Matamang lang naman akong nakatitig dito na parang timang na nangingiti. Kahit kabisado ko na ang mukha niya ay hindi ko pa rin maiwasang purihin siya sa isip-isip ko. “Napakaganda talaga ng mahal ko,” piping usal ko na nakamata dito. “Staring is rude.” Napakurap-kurap ako na napatikhim sa sinaad nito. Nahihiya akong nagkamot sa batok na umayos ng upo. Malamlam naman ang mga mata nitong bumaling sa akin na ikinalunok kong nagkarambola ang pagtibok ng puso ko sa pagtatama ng aming mga mata! “Let's get married, Rohan.” “Hah?” Natulala ako sa tinuran nito at hindi maproseso sa isipan ang narinig! Kahit paulit-ulit na nagri-replay sa utak ko ang sinaad nito ay hindi mag-sink-in sa utak ko. Nakatanga lang ako dito na nakaawang ang labi. Mahina itong natawa na napailing. Muling uminom sa beer nito na nagseryosong tumitig sa akin. “Gusto nila Daddy na ipakasal ako sa anak ng kaibigan niya. Si Daven. Pero ayoko. Hindi ko naman mahal si Daven and damn. Para ko na siyang Kuya. Ayoko.” Wika nito na bakas ang iritasyon sa tono at mukha. Natahimik ako sa sinaad nito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na inaalok nitong magpakasal kami para tantanan siya ni Tito Dwight at hindi na ipakasal kay Daven Smith o masasaktan kasi. . . may ibang lalake ng gusto nilang ipaasawa dito. Mapait akong napangiti na inabot ang beer nito at inubos ang laman no'n. Napatitig naman ito sa akin na namamangha sa ginawa ko. “Hey, are you okay?” tanong nito na napahawak sa braso ko. Tila napapaso itong binawi ang kamay na mapasulyap ako doon. Nagpatay malisya lang din ako na hindi nagpahalatang apektado sa paghawak nito sa akin. Minsanan lang kaming magkausap ni Naya na hindi nag-aasaran o nagtatalo. Hindi ko rin alam kung bakit hindi kami magkasundo. Kahit palaging sinasabi ni Ate Yumi sa akin na pagpasensyahan ko na lang ito ay napapatulan ko pa rin. Lalo na kapag umiiral ang pagiging maldita nito at ako ang napagbubuntunan ng init ng ulo. “Uhm, magpakasal ka sa kanya. Siya ang gusto ni Tito Dwight. Hindi ka naman ipapakasal sa kanya kung wala silang tiwala sa taong ‘yon,” saad ko na ikinalunok nito. “You want me to marry him?” 'di makapaniwalang tanong nito na nakakunot ang noo. “Gusto mo ba?” balik tanong ko dito. “No. That's why I'm asking you. Let's get married, Rohan. Marry me.” Sagot nito na nagpapasaklolo ang boses at itsura. "N-naya."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
95.9K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook