Chapter 2

2209 Words
ILANG minuto kaming walang imikan. Lumamig na rin ang kape ko na kapwa lang kami nagpapakiramdaman nito. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang magpakasal kami. Kung gagamitin niya lang ba ako para makaligtas sa ama niya, o dahil may iba pang dahilan. “Ayaw mo ba?” Napalingon ako dito na sa wakas ay nagsalita din siya. “Ang alin?” tanong ko na ikinasalubong ng aming mga mata. “Ayaw mo bang magpakasal tayo? Kasi kung ayaw mo. . . hindi naman ako namimilit. I'll ask some of my friends na lang ng gustong magpakasal sa akin–” “Pumapayag na ako.” Putol ko na ikinakurap-kurap nitong napatitig sa akin at bakas ang pagkamangha. “Are you sure?” nakataas kilay pa nitong tanong na ikinatango ko. “O-oo.” “Hwag na kung napipilitan ka lang. Isa pa. . . hindi naman talaga tayo magsasama bilang mag-asawa. Magpapakasal tayo dahil tiyak na malalaman nila Daddy kung peke ang kasal natin o totoo. Ikaw ang nilapitan ko kasi kilala ka na nila at alam kong hindi ako mahihirapang i-convince sila na mag-asawa tayo kung ikaw ang ihaharap ko sa kanila.” Saad nito na bakas ang kaseryosohan. “Pumapayag na ako. Hwag ka ng humanap ng iba. Mabuti nga at. . .ako ang unang sinabihan mo.” Sagot ko na pilit ngumiti dito. Wala naman akong ibang mabasang emosyon sa kanyang mga mata. Nakatitig lang ito sa akin na tila binabasa nito ang tumatakbo sa isipan ko. “Let me just clear, Rohan. Magpapakasal tayo pero hindi tayo magsasama bilang mag-asawa. There are times na magkasama tayo but it doesn't mean na pag-aari mo ako. Hindi kita pakikialaman sa personal life mo, at dapat gano'n ka rin sa akin. After six months ay pwede na tayong maghiwalay. Kailangan lang makapag-asawa na muna si Daven para hindi na ako ipagkasundo sa kanya,” paliwanag nito na ikinatango-tango ko. “Alam ko na. Nakukuha ko naman eh. Let's just say that I'm helping you para hindi ka ipakasal sa taong hindi mo mahal.” Sagot ko. Napatango-tango ito na nag-iwas na ng tingin. Inabot ko ang kape ko na inubos iyon kahit malamig na. “Gusto mo?” alok ko na naglagay ng pancit canton sa pandesal. “No, I'm full. Thanks.” Pagtanggi naman nito na muling sa cellphone nito natuon ang attention. Sabay kaming napalingon sa may pintuan nang may kumatok doon. Nangunotnoo naman ako at wala akong inaasahang bisita ngayon. “Sino ‘yan?” tanong ko na tumayo na. “Bossing, ako ito. Dinaanan lang kita para ayain. Mag-iinuman daw tayo. Sama ka?” saad ni Niño. Tumayo na rin si Naya na salubong ang mga kilay. Napalingon ako dito na nagtatanong ang mga mata. Hindi ito nagsalita pero marahang umiling na muli ding naupo. Napalunok ako na bumilis ang kabog ng dibdib. Kahit hindi kasi ito nagsalita ay hindi siya pumapayag na sasama ako sa mga kasamahan ko para mag-inuman sa site. “Uhm, pass na muna, Niño. Gusto kong magpahinga ngayon eh. Sa susunod babawi ako,” saad ko na nanatiling nakatayo sa tabi ni Naya. “Gano'n ba? Sige, bossing. Magpapaalam na rin ako.” Pamamaalam pa nito na dinig pa namin ang mga papalayo nitong yabag. Napahinga ako ng malalim na muling naupo sa tabi nito. “Kasamahan ko sa site.” Wika ko kahit hindi ito nagtatanong. “Palagi ba kayong. . . nag-iinuman?” tanong naman nito na ikinailing ko. “Minsan lang. Kapag nagkayayahan. Alam mo na, pampatanggal pagod sa bigat ng trabaho sa site.” Sagot ko dito. Lumamlam naman ang mga mata nito na napatitig sa akin. Hindi ako makakibo na dama ang pag-iinit ng mukha ko sa pagkakatitig nito sa akin lalo na't ang lapit namin sa isa't-isa. Para akong kinukurye sa ugat ko na hindi maalis-alis ang paningin dito. Nakakalunod damdamin ang mga mata nitong mapupungay na kulay abo na matiim na nakatitig sa akin. Natural na makapal at malantik ang mga pilikmata nito na parang mata ng barbie ang mga mata. Napakaganda niya na wala kang maipipintas sa panlabas niyang anyo. Para siyang buhay na manika sa ganda at amo ng kanyang mukha. Idagdag pang may kaliitan itong babae at maganda din ang kurbada ng katawan. Makinis ang mala porselana niyang balat at may bilugang pang-upo at hinaharap. “I want to sleep here. . .with you.” “Ha?” Napahinga ito ng malalim na napailing. “Dapat masanay ka ng matulog ako dito paminsan-minsan, Rohan. Para hindi magtaka sila Daddy kapag nagpa-imbestiga sila ng tungkol sa atin,” saad nito na nag-iwas ng paningin sa akin. “S-sige. Uhm, dito na lang ako sa sofa. Doon ka sa silid.” Sagot ko na ikinatango nitong tumayo na. Inihatid ko ito sa silid na pumasok at naigala ang paningin. “Wala akong dalang damit. Pahiram ng gamit mo pantulog.” Saad nito na ikinatango at ngiti ko. “Sige.” Kumuha ako ng boxer at white shirt ko mula sa closet na iniabot dito. Kinuha naman niya iyon na hindi nagkomento. “Uhm, sa susunod ay bibili ako ng mga pambabaeng gamit para kapag dito ka matutulog ay may magagamit ka.” Saad ko na inakay ito sa banyo. “It's okay. Hindi mo naman ako priority. I can handle myself.” Sagot nito na pumasok na ng banyo. HABANG naliligo ito ay naghanda na ako ng hapunan. Kahit pagod ang katawan ko sa maghapon na pagtatrabaho sa site ay gumaan bigla ang pakiramdam ko na nandidito si Naya. Idagdag pang sa mga susunod na araw ay ikakasal na kaming dalawa. Para akong nananaginip ng gising sa kaisipang ikakasal kami ng mahal ko. Dati ay pangarap ko lang iyon. Pero ngayon ay magkakatotoo na. Alam ko naman na gagamitin niya lang ako para makaligtas sa ama niya para hindi na siya ipakasal sa iba. Gano'n pa man ay labis-labis ang tuwang nadarama ko na magiging asawa ko siya kahit sa papel lang. Nagluto ako ng adobong pininyahang manok na paborito nito. Madalas ay sa labas na ako kumakain para pag-uwi ay magpapahinga na lamang ako. Pero ngayon ay gusto kong especial ang gabing ito. Ito ang unang beses na dinalaw ako ni Naya dito sa tinutuluyan ko. Idagdag pang dito siya matutulog kaya gusto ko, feel at home ang mahal ko. Matapos kong makapagluto ay saka lang ito lumabas ng banyo. Napasulyap ako dito at hindi maiwasang mamangha na makita siya sa unang pagkakataon na suot. . . ang damit ko. Kahit simpleng white shirt lang ang suot nito na nagmukhang dress sa liit niyang babae ay napakaganda at sexy pa rin nitong tignan. Lumapit ito na pinupunasan ng tuwalya ang mahabang buhok. Lihim akong napangiti na napasamyo ito sa usok ng ulam na napapikit pa. “Uhmm. . .wow. Mukhang masarap ha?” saad nito na naupo na rin ng silya. “Nagugutom ka na ba?” tanong ko na ikinatango nito. Kumuha ako ng dalawang plato, kutsara at tinidor na dinala sa mesa. Hinayaan lang naman ako nitong ipinagsandok siya ng kanin at ulam. Kita ang kasabikan sa mga mata nito na natatakam sa niluto kong ikinangingiti ko. “Dahan-dahan, mainit. Mapaso ka,” paalala ko na akmang susubo na ito. Napangiwi pa itong hinipan na muna ang kanin at ulam sa kutsara nito bago isinubo na ikinapikit nitong kitang nagustuhan ang lasa. “How is it? Nagustuhan mo ba? Hindi talaga ako nagluluto eh. Kaya nga halos hindi nababawasan ang mga stock ko d'yan sa ref,” saad ko na nagsimula na ring kumain. Nangunotnoo naman ito na bumaling sa akin. “What do you mean? Eh saan ka kumakain kung hindi ka nagluluto dito?” tanong nito na naninita ang tono. “Eh,” napakamot ako sa ulo na napangiwi ang ngiti. “Kumakain na lang ako sa karinderya sa tapat ng site. Para matutulog na lang ako pagdating dito.” Sagot ko na ikinakunot lalo ng noo nito. “What's that you call–” “Karinderya. Maliit na kainan. Restaurant, gano'n.” Sagot ko na ikinatango naman nito. “Oh, I see.” “Kumain ka pa. Medyo pumayat ka yata.” Pinaglagay ko pa ito ng kanin at ulam sa plato nito. Hindi naman ito umangal na hinayaan lang ako. “Busy lang sa trabaho,” sagot nito na nagpatuloy sa pagkain. MATAPOS naming kumain ay ako na ang naghugas. Hindi naman ito marunong sa gawaing bahay at lumaki ito na prinsesa ang kinagisnang pamumuhay. Bunso si Naya na babae. Kaya kahit mas bata si Kuya Noah sa kanya ay ito ang tinuturing nilang bunso. Nasa siyam silang magkakapatid. Si Ate Roselle, ang panganay at anak sa labas ni Tito Dwight. Habang sina Kuya Delta, Drake, Ate Angelique at si Naya ay anak niya sa asawa na si Tita Anastasia. Sina Kuya Haden, Leon, Darren at Noah naman ay mga bastardo din nito sa iba't-ibang babae. Pero kahit gano'n ay napakasaya nilang pamilya na walang lamangan o inggitan sa kanila. Samantalang kami ni Ate Yumi ay ulila na. Hindi naman lingid sa kaalaman namin ang naging trabaho ng Daddy ko noong nabubuhay pa siya. Isa siyang drug lord na pinamumunuan ang isang sindikato na mahigpit na katunggali nila Kuya Delta. Grupo din ni Kuya Delta ang pumatay kay Daddy. Gano'n pa man ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila dahil alam kong ginawa lang nila ang tama. Malaking banta din kasi ang Daddy sa buhay ni Ate Yumi. Si Ate Yumi kasi ay anak ito ng babaeng kinabaliwan ni Daddy. Magkapatid kami ni Ate Yumi sa ina. Pero iba ang ama nito na katulad ni Daddy ay namamahinga na rin. Buhay pa naman si Mommy Mikata. Nasa poder ng bago nitong asawa na kanang kamay ni Kuya Delta, at kita naman naming masaya ito sa buhay nito ngayon. Paminsan-minsan ay dinadalaw namin si Mommy sa bahay nila. Abala na rin kasi si Ate Yumi ngayon na nasa tatlo na ang anak nila ni Kuya Delta. Maging si Ate ay masaya rin sa buhay may-asawa nito at nakikita ko naman kung gaano ito kamahal ni Kuya Delta. “Hey, what's wrong?” Napabalik ang ulirat ko na magsalita ito sa tabi ko. Hindi ko namalayang tapos na pala ako sa paghuhugas ng plato pero heto at nakatulala ako sa gripo. “Ahem! May naalala lang. Uhm, inaantok ka na ba?” sagot ko na nagpunas ng kamay. Napanguso naman ito na matiim na nakatitig sa akin. Tila binabasa na naman ang mga tumatakbo sa isipan ko. “Are you comfortable? Sabihin mo lang kung naiilang ka. Uuwi na lang ako,” saad nito na kaagad kong ikinailing. “Hindi ah. Masaya nga ako eh.” “Masaya ka?” Napalapat ako ng labi na nag-init ang mukha lalo na't may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi nito. “Ahem! Magpahinga na tayo. Sa silid ka,” pag-iwas ko na nagpatiuna ng lumabas ng kusina. Dinig kong mahina itong natawa na sumunod sa akin. Pumasok ako ng silid na kumuha ng kumot sa closet. Napasandal naman ito sa may pintuan na nakahalukipkip at matamang akong pinapanood. Hindi ko tuloy maiwasang mataranta na pinapanood ako nito. “Uhm, sige na. Magpahinga ka na.” Saad ko na makalapit dito pero nanatili naman itong nakasandal sa may pintuan. Napahinga ito ng malalim na humakbang palapit na ikinalunok ko. Muling nagkarambola ang pagtibok ng puso ko lalo na't titig na titig ito sa mga mata ko. “This is the first time na magsuot ako ng damit ng lalake,” anas nito na ubod ng lambing sa pandinig ko. Hindi ako nakaimik na natuod sa kinatatayuan. Humaplos sa tyan ko pataas ang hintuturo nito hanggang sa may baba ko na may ngising naglalaro sa mga labi at titig na titig sa aking mga mata. “How do I look, Rohan?” malambing tanong nito. Napalunok ako na dama ang paggapang ng init sa mukha ko na ikinasisiya naman nito. “M-maganda ka pa rin naman kahit anong isuot mo,” utal kong sagot na lalong ikinangiti nito at kita ang kakaibang kinang sa mga mata. “Do I look hot and attractive on your clothes?” nanunudyong bulong nito. Nakagat ko ang ibabang labi na nagpipigil mapangiti. Bumaba naman ang paningin nito sa mga labi ko na ikinabitaw ko mula sa pagkakakagat ko doon na ikinalunok nito. Hindi ko alam pero tila may boses ang nag-uudyok sa akin na halikan ang mga labi nito! Dahan-dahan kong nailapit ang mukha na ikinalunok nitong nakamata din sa mga labi ko. Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko hanggang sa magkasagian na ang tungki ng aming ilong! Nalalanghap ko na rin ang mainit ang mabangong hininga nito na tumatama sa mukha ko. “Damn. What's happening to me?” mahinang usal nito na hindi naaalis ang paningin sa mga labi ko. “Uhm, sige na. M-matutulog na ako. Matulog ka na rin ha?” utal kong pamamaalam na halos takbuhin na ang pinto. Para akong nakahinga ng maluwag pagkalabas ko ng silid na ikinahawak ko sa tapat ng puso ko at dama ang pagwawala nito sa loob ng ribcage nito! “Fvck. Muntik na ‘yon!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD