Chapter 3

2400 Words
PABALING-BALING ako sa sofa na pilit pinagkakasya ang katawan ko. Hindi ako makatulog kahit anong pilit ko. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang eksena namin kanina ni Naya sa silid. Kung hindi lang ako nakapagtimpi ay baka sinunggaban ko na ang mga labi niyang pinaka inaasam kong malasap! Bumangon ako na nagtungo sa kusina at kumuha ng ilang beer. Pasado alauna na ng madaling araw pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Maaga pa man din ang trabaho namin bukas sa site. Walang nakakakilala sa akin sa site. Maski forman namin doon ay hindi alam na ako ang boss nila. Paraan ko rin iyon para makilala ang mga trabahor ko. NAPALINGON ako sa may pintuan nang bumukas iyon at niluwal si Naya na napasulyap sa akin dito sa kusina. Napalunok ako nang magtama ang aming mga mata at humakbang ito palapit. Muling bumilis ang pagtibok ng puso ko na dinig na dinig ko ang paghakbang nito palapit sa akin. Hinila nito ang silya na nasa gilid ko at naupo na dinampot ang isang beer. “Can't sleep?” tanong nito na tinungga iyon. Tipid akong ngumiti na tumango ditong napahinga ng malalim. “I can't sleep too. Mainit sa silid mo. Maliit ‘yong kama mo at hindi malambot.” Sagot nito na napabusangot. Napangiwi ako na nagkamot sa ulo. Electric fan lang kasi ang meron ako sa silid at sakto lang ang size ng kama ko maging ang foam nito na manipis lang. Samantalang air-conditioned ang silid nito, malaki ang kama at napakalambot no'n na halos lumubog ang katawan mo sa lambot pag humiga ka. “Pasensiya ka na. Bukas ay bibili ako ng aircon na ilalagay ko sa silid. Uhm, bibili na rin ako ng mas maayos-ayos na kama para komportable ka kapag dito ka matutulog sa akin. Aabutin pa kasi ng dalawang buwan ang pagpapatayo sa condominium eh.” Sagot ko dito. “It's okay. Nagiging abala pa ako sa'yo.” Mahinang saad nito na ikinailing ko. “Hindi ah. Kailanman ay hindi ka abala sa akin, Naya. Okay lang. Gusto kong komportable ka kapag nandidito ka. Hayaan mo na ako, hmm?” sagot ko na ngumiti ditong marahang tumango na nakanguso pa rin. Ilang oras kaming nag-inuman. Kitang tamado na rin ito sa nainom at lumalabas ang pagkapilya. Tumatawa na rin ito na sinasabayan ako kahit sa mga corny at dirty jokes ko dito. “Uhm. . . ang init,” reklamo nito na inaalalayan kong mahiga sa kama. “Sandali lang, bubuksan ko ang electric fan,” sagot ko na inayos ito sa kama at inabot ang electric fan. Kaya naman pala sinasabi nitong mainit dito sa silid dahil hindi nakabukas ang electric fan. Itinutok ko iyon sa kanya na mahinang ikinaungol nitong tila naginhawaan. “It's still hot, Rohan. Maliligo ako,” lasing nitong turan na akmang babangon. “Hwag na. Hindi mo na kaya. Uhm, pupunasan na lang kita para maginhawaan ka, hmm?” agap ko na muli itong inalalayang mahiga. Kita ko ngang nagsisimula na itong pagpawisan. Dala na rin marahil ng nainom nito. Hindi naman na ito nagprotesta pa kaya lumabas na ako ng silid. May pagmamadali akong nagtungo ng banyo. Kumuha ng basin, maligamgam na tubig at face towel na dinala sa silid. Inilapag ko ang basin sa sahig na piniga ang basang bimpo. Naupo ako sa gilid ng kama na inayos ang ilang hibla ng buhok nitong nakatabing sa maganda niyang mukha. “Uhmm.” Ungol nito na maramdaman ako. “P-pupunasan lang kita para maginhawaan ka,” pabulong saad ko na maingat itong pinunasan sa mukha. “Rohan,” mahinang sambit pa nito na ikinangiti ko. “Bakit?” tanong ko na patuloy itong pinupunasan. “I want to marry you.” Napangiti ako sa sinaad nito. Nakapikit ito at bakas ang kalasingan sa mukha at tono pero kinikilig pa rin ako na marinig iyon mula sa kanya. Mula sa mahal ko. “Bakit naman, hmm? Ang dami naman d'yang iba ah,” nangingiting tanong ko na muling binasa ang bimpo at piniga bago pinunasan ito sa kamay at braso. “Because I want you.” Sagot nito na nakapikit pa rin. Natigilan ako na napatitig ditong nangingiti na nakapikit. Paulit-ulit ko pang inaalisa sa isipan ko kung tama ba ang narinig ko pero hindi nga ako nagkamali. “You want me? Lagi mo nga akong inaaway eh,” sagot ko na mahinang ikinatawa nito. “Because that's my way to get your attention. Hindi mo ako pinapansin ‘pag hindi kita inaaway eh,” sagot nito na bakas ang kalasingan sa boses. Napangiti akong pinakatitigan na muna ito. Namumula na nga ang maganda niyang mukha sa kalasingan. At kitang hindi na kontrolado ang sarili. Kusa ng nilalabas ang saloobin. Tama nga ang kasabihang. . . nagsasabi ng totoo ang mga lasing. “Hindi ko kasi alam kung paano kita kausapin eh. Pakiramdam ko ay ang taas-taas mo at kay hirap abutin ng isang tulad ko, Naya. Kaya sa tuwing pinag-iinitan mo ako at inaaway ay sinasabayan kita, doon ko lang kasi nakukuha ang attention mo. Hindi ko alam na. . . na pwede naman pala tayong magsama sa iisang lugar na hindi nag-aaway. Katulad ngayon. Sobrang saya ko na ito ang unang araw na magkasundo tayo,” saad ko na nakangiting hinahaplos ito sa pisngi. Hindi naman na ito sumagot na kitang tulog na. Matapos ko itong banyusan sa buong katawan ay pinakatitigan ko na muna ito ng ilang minuto. Nang maramdaman ko na ang antok ay lumabas na ako dala ang mga ginamit kong pambanyos dito. Nilinisan ko ang kusina na nagkalat pa ang mga pinag-inuman namin ni Naya. Pasado alaskwatro na nang humiga ako sa sofa na dama ang panlalambot ng katawan ko dala ng puyat, pagod at nainom. KINABUKASAN ay maaga pa rin akong bumangon. Nahihimbing pa si Naya nang silipin ko ito. Mabuti na lang at nakatulog din ito kahit electric fan lang ang gamit. Mabilis akong nagluto ng agahan para sa aming dalawa. Fried egg, sinangag, longanisa at hamon ang niluto ko. Matapos kong makapagluto ay naghanda na rin ako pagpasok ng trabaho. Nakaligo at bihis na ako pero nahihimbing pa rin si Naya. Pumasok na ako ng silid na nilapitan ito at marahang niyugyog sa balikat. “Naya? Gumising ka muna. Lalabas na kasi ako,” wika ko na muli itong niyugyog sa balikat. “Uhmm,” reklamong ungol lang nito na napabusangot. “Gumising ka muna, Naya.” Muling pagyugyog ko dito. “Rohan naman. It's too early. Masakit ang ulo ko sa puyat at hangover,” reklamo nito na namamaos pa ang boses. “I-lock mo lang ‘yong pinto, hmm? Maigi nang naka-double lock ka at iiwan kita ditong mag-isa. Sige na, hmm?” sagot ko na inalalayan itong bumangon. Napangiti akong pinagmasdan itong napainat ng mga braso na nanatiling nakapikit. Napakaganda niya pa rin kahit sabog-sabog pa ang buhok niya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang bagong gising at ibang-iba lang ang dating sa puso ko lalo na't nasa place ko ito at suot pa ang damit ko. “Papasok ka?” tanong nito na inakay ko palabas. “Yeah. Gusto mong kumain muna?” “No, mamaya na lang. Hwag ka na kasing pumasok. Ikaw naman ang boss doon eh,” saad pa nito na ikinatawa ko. “Hindi pwede. Ano ka ba?” natatawang sagot ko na inakay ito sa may pintuan. “Uuwi ako mamayang tanghali ha? Kung hindi ka maagang aalis ay hintayin mo ako. Magdadala ako ng tanghalian natin, hmm?” saad ko pa na napahaplos sa ulo nito. Tipid itong ngumiti na tumango. Kitang inaantok pa rin ito kaya kinuha ko na ang sweater at gloves ko. “Sige na. Matulog ka na muna. Mamaya, kumain ka ha? May agahan ka d'yan sa kusina. Mag-double lock ka,” pamamaalam ko dito na lumabas na ng apartment. “Uhm, Rohan?” pagtawag nito na ikinalingon ko. Sumenyas itong lumapit ako na ikinasunod ko dito. “Bakit?” tanong ko na pinamulaan ito ng pisngi at nagpipigil mapangiti. “Uhm, you've forgot something.” “Ha?” Napakapa ako sa bulsa pero nandito naman ang cellphone ko. Hindi ako nagdadala ng kotse dahil nilalakad ko lang ang pagpasok sa trabaho at malapit lang naman. “Come closer,” anito na ikinasunod ko. Itinuro pa nito ang pisngi nito na ikinatitig ko doon pero wala namang dumi. “Bakit?” “Gosh. Where's my goodbye kiss, hmm?” ingos nito. Napakamot ako sa batok na nag-init ang mukha. Pero dahil hinihintay nitong halikan ko siya ay yumuko na ako at mabilis na hinagkan ito sa pisnging napangiting pinamulaan din. “Mag-lock ka ha?” pabulong ko na hinagkan itong muli sa noo na impit na napairit. “Yeah. Sige na, namumuro.” Ingos pa nitong ikinatawa ko. Napakindat ako ditong natatawang isinara na ang pintuan. Naglakad na rin ako pababa ng apartment na hindi maalis-alis ang ngiti sa aking mga labi. Hindi pa man kami kinakasal pero pakiramdam ko ay. . . asawa ko na ito. PAGDATING ko sa site ay nandito na ang mga kasamahan ko na binati ako at binati ko rin pabalik. “Ang saya mo yata ngayon, bossing?” nakangiting puna sa akin ni Niño habang nagbubuhos kami ng semento. “Halata ba?” balik tanong ko ditong tumango-tango na may malapad na ngiti sa mga labi. “Oo eh. Ibang-iba ang ngiti mo at aliwalas ng mukha mo. Babae ‘yan, noh?” tudyo pa nito na mahinang ikanatawa ko. “Sabi na eh. Kaya tumanggi ka kagabi sa aking sumama makipag-inuman. Mukhang. . . naka-score tayo ah.” Natatawa kong pabirong siniko itong napahagikhik. “Anong score? Walang gano'n, ano ka ba? Masyado ko siyang mahal para madaliin ko. Masaya na ako sa kung anong meron kami ng mahal ko,” sagot ko na halos ikaluwa ng mga mata nitong napalingon sa akin. “Hwag kang maingay,” agap ko pa. Napatikom ito ng bibig na napalingon sa mga kasamahan naming abala na rin sa trabaho. Lumapit pa ito na bumulong. “Di nga? Kasama mo ba kagabi ‘yong babaeng mahal mo, bossing?” pabulong tanong nitong ikinatango ko. “Hindi nga sana ako papasok ngayon at nasa apartment siya eh. Pero ayoko namang lumiban.” Napamaang naman ito sa narinig na bakas ang gulat sa mukha. “Siguro mas maganda ‘yan kay Fatima, bossing.” Saad pa nitong ikinailing ko na hindi maitago ang ngiti. “Pinakamaganda,” pagmamalaki ko pang ikinahiyaw nito ng mahina na ikinatawa kong nakipag-apiran dito. “Gusto ko tuloy makilala ang babaeng 'yan na nakabighani sa bossing ko,” saad pa nito na nagpatuloy na sa ginagawa. “Sa susunod, Niño. Ipapakilala kita sa kanya.” “Promise ‘yan ha, bossing?” “Oo na.” DUMATING ang tanghalian at umahon na kami sa trabaho. Malayo pa ay natanaw ko na si Fatima na parating at may dalang basket na tiyak na pagkain para sa akin. “Uhm, Niño, favor naman oh?” pagkalabit ko kay Niño na tumango kaagad. “Sure, bossing. Ano ‘yon?” tanong nito. “Eh, salubungin mo si Fatima. Sabihin mong kumain na ako,” saad ko pa dito na ikinalingon nito sa may unahan at nakita ang parating na dalaga. “Oh, sige bossing. Ako ng bahala.” Sagot nito na tinapik ko sa balikat. Lumiko ako sa site na lumabas sa likuran at pumuslit pauwi ng bahay. Bumili ako ng kanin at ulam sa karinderya at halos patakbo ng bumalik ng apartment. Mabuti na lang at nand'yan si Niño na kasundo ko sa lahat ng bagay. Magmula unang araw ko dito ay siya na ang pinakamalapit kong naging kaibigan dito. Napangiti akong napahawi sa buhok kong basang-basa ng pawis na mabungarang nasa harapan pa rin ng apartment ko ang kotse ni Naya katabi ang kotse kong isang secondhand fortuner na sinadya kong bilhin para ‘di halatang may kaya ako. Umakyat ako ng second floor kung saan ang apartment ko na kumatok sa may pinto. “Naya, it's me.” Saad ko na muling kumatok. Narinig ko naman ang mga yabag nitong papalapit at kalauna'y bumukas ang pinto. Napangiti ako na kitang nakaligo na ito at suot pa rin ang damit ko. Pumasok ako na isinarado ang pinto at sumunod ditong nagtungo sa kusina. “Bakit ngayon ka lang?” tanong nito na naupo ng silya. Napangiti ako na masulyapang kinain nito ang iniwan kong agahan niya. ‘Yon nga lang ay nakatambak naman sa lababo ang mga pinagkainan nito. Naiintindihan ko naman na hindi siya marunong sa gawaing bahay at nakahanda akong pagsilbihan ito. “Uhm, hinintay ko pa kasi ang break time namin eh. Nakakahiya naman kasi kung mauuna akong umahon sa trabaho. Nagugutom ka na ba?” sagot ko na naghugas muli ng kamay bago naghain ng binili kong pananghalian namin. “Pasensiya ka na dito ha? Masarap naman ito.” Hindi ito umimik na pinaglagyan ko siya ng kanin at chicken curry sa plato. Nilagyan ko rin ng boneless bangus na prito ang plato nito bago inilapag sa harapan nito. Naupo ako katabi ito na nagsimula ng kumain. Kumakalam na rin kasi ang sikmura ko. Sa bigat ng trabaho namin sa site bilang construction worker ay kailangan naming kumain ng marami. “You look so tired, Rohan. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo eh. Look at yourself oh? Umitim ka na,” puna nito habang kumakain kami. “Okay lang ‘yan. Natural lang na umitim ako at nabibilad ako sa araw. Masaya akong kasama akong nagpapaka pawis sa pagpapatayo sa condominium, Naya. Sige na, kumain ka pa.” Sagot ko na pinaglagyan pa ito ng ulam at kanin. “Pero ayokong nagpapagod ka.” Mahinang saad nito na umabot pa rin naman sa pandinig kong ikinangiti ko. MATAPOS naming kumain ay naghugas na ako ng mga plato para malinisan ang lababo. Matamang lang naman ako nitong pinapanood sa ginagawa ko. “I'm sorry.” “Ha? Para saan?” Ngumuso ito na lumapit at yumapos sa baywang ko na ikinalunok kong kumabog ang didbib! “Hindi ako marunong maghugas ng plato. Pero pag-aaralan ko para. . . ako na ang maghuhugas sa susunod. Ayokong napapagod ka, Rohan.” Malambing saad nito na napakalamlam ng mga matang nakatitig sa akin. “N-Naya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD