ABALA ako sa laptop ko nang lumapit si Naya na galing sa silid.
“Coffee?”
Napaangat ako ng mukha na ngumiti ditong tumango bilang sagot. Ngumiti din naman ito pabalik saka nagtungo sa kusina. Muli kong itinuon ang attention sa laptop ko na kasalukuyan akong nagre-review sa salestock ng kumpanya.
Ilang minuto lang ay lumapit na ito na may dalang dalawang mug ng kape na tinimpla nito. Naupo ito sa tabi ko na maingat inilapag sa mesa ang dalawang baso. Umuusok-usok pa iyon na nalalanghap ko ang mabangong aroma ng kapeng barako.
“Hindi ka pa ba magpapahinga? Inaabuso mo yata ang katawan mo? Maghapon ka na ngang nagtrabaho sa site,” puna nito na sa laptop nakamata.
Tipid akong ngumiti na sa laptop pa rin nakatuon ang attention. Kita ko naman sa gilid ng mata ko na bumaling ito sa akin at matiim akong pinapanood.
“Saglit lang ito. Para makapag-focus ako sa site. Eh ikaw. . . “ aniko na nilingon ito. “Hindi ka pa ba magpapahinga.” Saad ko na napasulyap sa wristwatch ko at kitang pasado alasonse na ng gabi.
Napanguso naman ito na dinampot ang kape niya at sumimsim doon. Nangingiti naman akong nakamata dito. Napakaganda niya talaga kahit wala siyang suot na make-up ngayon. Mas lalo pa nga siyang gumaganda sa paningin ko kapag gan'tong hindi siya naka-makeup. Kitang-kita kasi ang natural niyang ganda at ang kinis ng kutis niya.
“Natulog ako maghapon kaya hindi na ako inaantok,” sagot nito na napanguso.
Inabot ko ang kape ko na napasimsim doon. Napapikit pa ako na sobrang tamis ng lasa nito pero dahil hinihintay nito ang reaction ko ay ngumiti na lamang ako para hindi siya ma-offend.
“How is it? It's my first time na magtimpla ng kape. I don't usually doing this sa kahit na sino. Kahit sa sarili ko. Uhm, hindi kasi ako marunong.” Saad nito na nilingon ko at nginitian.
“Matamis, but I like it. I feel special na ako ang unang pinagtimpla mo ng kape.” Sagot ko na ikinapula ng makinis niyang pisngi.
“N-nagustuhan mo ba?” nahihiyang tanong nito na ikinangiti at tango ko.
“Yeah. Because you're the one who made it.” Sagot kong ikinayuko nito na kinukubli ang ngiti.
Napahalik ako sa ulo nito na dama kong natigilan bago bumaling sa laptop ko. Lihim akong nangingiti na pinapakiramdaman itong dahan-dahang nag-angat ng mukha na napatitig sa aking kunwari abala sa ginagawang pagtitipa.
“Uhm, day off ko bukas. Kung hindi ka abala, pwede tayong lumabas.” Saad ko sa ilang minuto naming katahimikan.
“Totoo? Are you asking me to go out. . . on a date?” masiglang tanong nito na mahinang ikinatawa kong napakamot sa batok.
“Kung. . .ayos lang sa'yo. Para na rin mas magkakilala tayo.” Sagot ko na matamis nitong ikinangiti na pinamumulaan ng pisngi.
Napatitig ako dito at parang nahihipnotismong napahaplos sa kanyang pisngi. Hindi naman ito umangal na hinayaan lang ako. Kita ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata na matiim ding nakatitig sa akin.
Bumaba ang paningin ko sa nakaawang niyang mga labi na ikinalunok kong makadama ng kakaibang uhaw. Napahawak naman ito sa kamay kong nakasapo pa rin sa makinis niyang pisngi.
“R-Rohan,” mahinang sambit nito na napakalambing sa pandinig ko.
“I want to kiss you,” salitang kusang lumabas sa bibig ko na ikinalunok nito.
Napataas sa kanyang mga mata ang paningin ko at para na naman niya akong nilulunod sa malamlam niyang mga mata.
“Kiss me then.” Pabulong sagot nito na humawak sa batok kong sinalubong ang mga labi ko.
Napahawak ako sa kanyang may kaliitang waistline na tinugon ang masuyo niyang halik. Yumakap naman ang braso nito sa aking batok na ikinakabig ko ditong mas pinalalim ang aming halikan.
Kinakabahan ako pero ayoko namang putulin ang halikan namin. Buong buhay ko ay siya lang ang bukod tanging babaeng inibig at pinangarap kong maging akin. Na ngayon ay abot kamay ko na.
“Uhmm. . . fvck,” ungol nito na napabitaw na sa malalim naming halikan.
Inilapat nito ang noo sa aking noo na napapikit. Malalalim ang paghinga katulad ko sa may katagalan naming halikan.
“Sige na, magpahinga ka na doon, Naya. Habang nakakapag timpi pa ako ng sarili ko,” pabulong saad ko na mariing hinagkan ito sa noo.
Nagsalubong ang aming mga mata na ikinalamlam ng mga mata kong mapatitig sa namumungay niyang mga mata.
“Sige na, hmm? Magpahinga ka na. Goodnight, baby.” Saad ko na muli itong hinagkan sa noo.
Pilit itong ngumiti na humalik din sa pisngi ko bago tumayo na pumasok ng silid. Nangingiti naman akong napasunod ng tingin dito hanggang makapasok siya ng silid. Napahaplos ako sa pisngi kong hinagkan nito at parang timang na mag-isang nakangiti. Pakiramdam ko ay nakalapat pa rin ang malambot niyang mga labi sa pisngi ko.
“Damn, Rohan. Hwag mo siyang pagsamantalahan,” kastigo ko sa sarili na makadama ng kakaibang init at pananabik.
KINABUKASAN ay maaga akong bumangon. Kahit madaling araw na akong nakatulog ay pinilit kong bumangon ng maaga para makapaghanda ng agahan namin ni Naya.
Isinangag ko ang natira naming kanin kagabi na hinaluan ko ng sliced hotdog, chopped potatoes, cornbeef at itlog. Nagprito din ako ng itlog, luncheon at mushroom soup na may halong mashed shrimp. Saktong naghahain na ako nang bumukas ang pinto ng silid at niluwal no'n ang mahal ko na bagong gising.
Sabog-sabog pa ang mahaba nitong buhok na napapahikab na lumapit. Nangingiti akong nagtimpla ng kape naming dalawa at nag-toasted ng tinapay na pinahiran ko ng strawberry jam.
“Good morning, Rohan. Ang aga mo.” Pagbati nito na nagtungo sa sink ng lababo na naghilamos at toothbrush.
“Good morning too. Uhm, maaga talaga akong bumabangon. Nakasanayan na lalo na ngayon na may tinututukan akong trabaho sa site.” Sagot ko na dinala na sa mesa ang tinimpla kong kape namin.
Matapos nitong naghilamos at toothbrush ay nagpunas pa ito ng mukha gamit ang face towel na nakasampay sa kanyang balikat.
“Thank you,” malambing saad nito na ipinaghila ko siya ng silya.
Naupo ako katabi ito at pinaglagay siya ng sinangag sa plato. Hinayaan lang naman ako nito na napasimsim sa ginawa kong kape nito na napangiti.
“Uhmm. . .this is much better than sa ginawa ko kagabi.” Saad nito na malasahan ang kapeng tinimpla ko.
“Nagustuhan ko rin naman ang timpla mo. Kasi ikaw ang gumawa no'n,” sagot ko na naglagay na rin ng kanin sa plato ko.
“Gusto kong matuto ng mga gawaing bahay. Nakakahiya kasi sa'yo. Ako itong babae pero. . .ikaw ang gumagawa ng mga gawaing bahay.” Saad pa nito na nagsimula na ring kumain.
“Well. . . madali lang naman matututunan ang mga gawaing bahay, Naya. Ako kasi, bata pa lang ako ay naging independent na ako dahil lumaki ako na hindi kasama ang Mommy at Daddy ko. Alam mo naman ang nangyari sa amin.” Sagot ko habang kumakain kaming dalawa.
Lihim akong nangingiti na kita kong napakagana nitong kumain. Simple lang ang nakahaing pagkain sa mesa ko, kumpara sa mga hinahain sa kanya sa mansion pero wala itong kaarte-arte na napakaganang kumain.
“Alam mo, masarap din kumain na nagkakamay ka.” Aniko na mapansing gumagamit ito ng kutsara at tinidor.
Lumingon ito sa akin na nagtatanong ang mga mata. Ngumiti ako na tumayo at inalalayan ito. Dinala ko ito sa lababo na pinaghugas ng kamay. Sumunod naman ito sa akin. Muli din kaming naupo na sinenyasan ko itong kumain na gamit ang kamay.
Bakas ang kalituhan dito na hindi malaman kung paano iyon gagawin.
“Gan'to, Naya. Gayahin mo lang ang gagawin ko,” saad ko na ipinakita dito kung paano kamayin ang kanin saka isubo na kamay ang gamit.
Napaawang pa ito ng labi na ginaya ang ginawa ko. Nangingiti naman ako na hindi nga ito marunong. Kumalat pa ang kanin sa gilid ng labi nito na pinunasan kong isinubo iyon na ikinapula ng kanyang mukha.
“Not bad. Try mo ulit,” saad ko na ikinatango nito.
Hanggang sa nagamay din nito kung paano kumain na nagkakamay at parang batang tuwang-tuwa sa natutunan.
“Can you teach me how to wash the dishes too?” paglalambing nito matapos kaming kumain.
“Sure.” Sagot ko na dinala sa lababo ang mga pinagkainan namin.
Sumunod naman ito na tumabi sa akin at matamang pinapanood kung paano ko binanlawan muna ang baso, bago ko sinabunan gamit ang sponge na may dishwashing liquid. Namamangha pa ito na bumula agad iyon nang lamas-lamasin ko. Matapos kong sabunan ay binanlawan ko ng maigi na ikinatango-tango naman nito na tila nakukuha ang tinuturo ko.
“See? Madali lang siya. But be careful. Kasi kapag sinabunan mo na siya, nagiging madulas na.” Saad ko na ikinatango nito.
“Let me try it,” saad nito na kinuha sa akin ang sponge.
Hinayaan ko naman ito na dinampot ang mug na binanlawan na muna bago maingat na sinabunan. Lihim akong nangingiti na kahit napapapilantik ang mga daliri nito ay nagawa naman niya ng maayos.
“Nice.”
Napangiti ito na kitang proud sa sarili. Napahalukipkip ako na matamang pinapanood itong siya na ang nagpatuloy sa mga hugasin. Kita ang kamanghaan at kasabikan sa kanyang mga mata na mabilis niyang natutunan kung paano maghugas ng mga plato.
Hindi ko naman siya masisisi na wala siyang kaalam-alam sa mga gawaing bahay. Pinanganak siyang prinsesa na ultimo ang pagsusuklay sa buhok niya ay may gumagawa. Spoiled ito sa lahat. Lalo na sa mga Kuya niya dahil siya ang bunso sa kanilang tatlong babae.
“How is it?” nasasabik nitong tanong matapos mahugasan lahat.
Napangiti akong pinalakpakan itong lumapad ang ngiti sa mga labi.
“Not bad. Kaya lang. . . bawasan mo sa susunod ang lakas ng tubig sa gripo, look oh? Nabasa na ‘yang damit mo at ang sahig.” Saad ko na ikinababa nito ng tingin sa damit at sahig na napangiwi.
“Sorry, akala ko perfect na eh.” Nakangiwing saad nito.
“It's okay, ano ka ba? Ganyan talaga sa una. Ang mahalaga? Natututo ka, hmm?” wika ko na hinaplos ito sa ulong napangiti.
“Sige na, maligo ka na. Ayusin ko na muna ang dapat ayusin bago tayo lumabas.”
Sumunod naman ito na pumasok muli sa silid. Mabilis kong ni-mop ang sahig at naglinis na muna ng kusina at sala.
“Uhm, Rohan?” pagtawag nito sa akin ng nagliligpit ako ng kumot na ginamit ko.
Napaangat ako ng mukha na nagtatanong ang mga mata ditong nasa may pinto. Napakamot pa ito sa ulo na alanganing ngumiti.
“Uhm, can I borrow your clothes? Wala kasi akong dalang extrang damit.” Nahihiyang saad nito na ikinangiti kong tumango.
“Sige. Ako ng mamimili,” sagot ko na tinapos ang tinutupi ko. “Maligo ka na. Malamig ang tubig ha?”
Tumango ito na nagtungo na sa banyo. Pumasok naman ako ng silid na nagtungo sa closet at pumili ng maisusuot nito.
Isang black cargo pants at white shirt ang napili kong isuot nito. Kumuha din ako ng boxer short at belt ko dahil tiyak na malaki sa kanya ang pants ko. Nagtungo ako sa banyo na nasa tapat ng kusina at kinatok ito.
“Are you done, Naya? Here's your clothes.” Saad ko na nasa tapat ng pintuan.
“Almost done, baby. Just a minute.” Dinig kong sagot nito na ikinangiti kong timawag niya akong. . . baby.
Ilang segundo lang at bumukas ang pinto. Napalunok ako na nakabalot lang ng towel ko ang kabuoan nito na ngumiting inabot ang damit sa akin.
“Thank you,” saad pa nito bago muling isinara ang pinto.
Kakamot-kamot ako sa batok na bumalik ng silid at namili na rin ng maisusuot ko. Mahirap nang matangay na naman ako at baka hindi ko na ma-control ang sarili ko. Ayoko namang isipin nitong sinasamantala ko ang pagkakataon. Gusto kong mas magkakilala pa kami bago ang kasal. Para kung tanungin kami ng pamilya niya ay may alam na kami sa isa't-isa.
Isa pa ay ayoko din namang mapunta siya sa iba. Kaya pagbubutihan kong maging asawa sa kanya kahit na ba hanggang sa papel lang ang karapatan ko at may hangganan din ang pagiging mag-asawa naming dalawa.
Napahinga ako ng malalim na sumagi sa isipan ang bagay na iyon. Iisipin ko pa lang na darating kami sa puntong maghiwalay na ay para na akong pinipira-piraso sa puso ko. Mapapalapit ako kay Naya. Tiyak na mas mamahalin ko pa siya sa pagsasama naming dalawa. Pero ngayon pa lang ay natatakot na ako at nasasaktan na dumating ang araw. . .na kailangan na naming pakawalan ang isa't-isa.