ROHAN: MAGHAPON akong nakakulong ng apartment ko. Sobrang sakit kasi ng buong katawan ko sa pambubugbog sa akin nila kuya Delta kagabi. Hindi na muna ako pumasok sa site at nanghihina pa ako. Nasa sofa akong nakahilata at nanonood ng football sa TV nang may kumatok sa pintuan na ikinalingon ko doon. "Sino 'yan?" tanong ko. "Uhm, bossing. Ako ito, si Niño." Anito. Dahan-dahan akong bumangon na napapadaing pa sa pagkirot ng katawan ko. Paika-ika akong nagtungo sa pintuan na pinagbuksan ito at nagulat na makitang may kasama ito. Si Fatima. Pinandilatan ko ito ng mga mata na dinala pa talaga niya dito ang babaeng iniiwasan ko sa site! Napangiwi naman itong kakamot-kamot sa ulo. "Uhm, bossing. Pasensiya ka na ha? Mapilit kasi si Fatima na isama ko siya dito kaya isinama ko na." Pauma

