Chapter 11

2532 Words

ROHAN'S POV: NANATILI sa poder ko si Naya. Napag-usapan kasi namin na dito na siya titira sa akin at sasamahan ako dito hanggang matapos ang condominium building na ipinapatayo ko dito sa Taguig. Unti-unting nagagamay din nito ang mga gawaing bahay. Maliban sa pagluluto ng ulam. Hindi talaga siya marunong. Madalas ay kung hindi maalat, mapakla, walang lasa, overcooked o kaya ay hindi luto ang mga ulam na niluluto niya. Kahit nga pagprito ng itlog ay nasusunog niya. Kaya tanging pagsasaing, paghuhugas ng pinagkainan, paglilinis dito sa apartment, paglalaba at pagtutupi sa mga damit at higaan namin ang mga ginagawa niya. Sa paglalaba naman ay tinutulungan ko siya dahil ayokong nagpapagod ang mahal ko. Masaya ako na kahit nahihirapan siya ay nakahanda siyang matuto para magamay ang mga g

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD