04

1383 Words
THIRD PERSON POV “SO, Isla, may boyfriend ka na ba?” Napailing na lang si Ana sa pasimpleng tanong ng kapatid. Nasa likod siya samantalang nasa harapan naman si Isla, katabi ng kapatid niyang nagmamaneho. Nasa cellphone niya ang atensyon, pero ang tainga niya ay nasa dalawa. “Ahm… wala,” simpleng sagot ni Isla. Tumingin si Ana sa harapan, kulang na lang mangisay siya sa kilig nang makita ang pasimpleng ngiti ng kapatid niya. Alam niyang noon pa man ay gusto na nito si Isla. Takot lang itong umamin lalo na at bata pa noon si Isla. “Isla,” Lumingon si Isla sa kanya. “Birthday ni Mommy sa Saturday, available ka ba?” “Oo,” pasimpleng ngumiti si Ana nang walang pag-aalinlangan na sumagot si Isla. “Punta ka ha, matutuwa si Mommy pag nakita ka niya,” ngiting sabi ni Ana. Alam niyang matutuwa ang Mommy niya kapag nakita si Isla dahil matagal na rin nitong gusto ang dalaga. Noon pa man, si Isla na rin ang wini-wish ng mga ito na maging manugang para kay Matthew. “Papaalam pa ako, e. Baka kasi may gawin kami sa bukid,” “Ipagpapaalam na lang kita,” maagap na sagot ni Ana. ●●●●● ISLA RAE ALONZO “SALAMAT sa paghatid,” ngiti ko kay Matt. Binalingan ko si Ana. “Bye, ingat kayo,” “Ops, wait,” agap nito nang bubuksan ko na ang pintuan ng kotse. “Bakit?” nagtataka kong tanong. “May nakalimutan ka,” Kumunot ang noo ko. “Isla, halos, araw-araw natin ‘yun ginagawa tapos ngayon nakalimutan mo dahil lang sa pesting C na sinasabi mo kanina?” Saad niya sabay irap. Hindi ko maintindihan ang tinutukoy niya. “Goodbye kiss, nakalimutan mo?” Natawa ako nang mahina. Oo nga pala at lagi namin itong ginagawa. “Lapit ka,” agad naman siyang lumapit at tinagilid ang mukha. Hinakan ko siya sa pisngi, at ginawa rin niya iyon sa akin. “Okay na?” Asar na inikotan niya lang ako ng mga mata. “Sige na, bye,” nakangiting sabi ko. “How about me?” Napabaling ako kay Matt. “Just joking,” agap niya sabay kamot sa batok niya. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na hinalikan ang pisngi niya. Napakurap-kurap pa ako nang makitang umawang ang bibig niya. “O.M.G!” Nanlaki ang mga mata ko sa matinis na tili ni Ana. Mabilis akong nagpaalam at bumaba sa kotse. Hindi ko na sila nilingon at nagtuloy-tuloy na hanggang sa makarating ako sa maliit naming gate. Tumigil ako saglit nang nasa harapan na ako. Parang nangangarera ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. “Shucks, did I just kiss him?” hindi makapaniwala na bulong ko sa hangin. Napapikit pa ako at huminga nang malalim para pakalmahin ang puso ko. Ngunit…. “You kissed who?” “Ay tikbalang!” Sigaw ko at muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko sa sobrang gulat. Mas nadagdagan ang pagbilis nang t***k ng puso ko. Nakita ko si Ninong Oliver sa gilid ko. Walang emosyon ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. “Kanina ka pa po ba diyan?” Hinihimas ko ang dibdib sa sobrang kabang naramdaman ko. “Who did you kissed?” Napapantastikuhang tumingin ako sa kanya. ‘Anong klaseng tanong ‘yan? At bakit niya ako tinatanong kung sino ang hinalikan ko?’ Umirap ako. “Pasok na po ako,” sabi ko imbes na sagutin ang tanong niya. Diretso lang ang lakad ko hanggang sa makapasok ako sa loob ng bahay. Namaataan ko agad sila Nanay at Tatay. “Magandang gabi po, Nay, Tay,” Lumapit ako at nagmano. “Kamusta ang pag-aaral anak?” Napakagat-labi ako. Umupo ako sa pagitan nilang dalawa at napabuntong-hininga. “May problema ba anak?” Tanong ni Nanay. “Pwede kang magsabi sa amin kung ano man ang problema mo,” si Tatay. “Ano po kasi… ako po ang ginawang muse sa papalapit na basketball kompetisyon,” pag-amin ko. “Aba'y mabuti ‘yan anak, masaya kami para sa'yo,” masaya na sabi ni Tatay. Bumuntong-hininga ako. “Kaso ayuko ko po e, alam niyo naman po na hindi ako sanay sa mga ganito. At ayuko pong mag-participate lalo na sa harap ng maraming tao.” Hinawakan ni Nanay ang kamay ko. “Pwede ka naman siguro tumanggi, Anak.” “Ginawa ko na po, pero wala rin akong nagawa dahil sabi nila ako na daw ang naiboto nang karamihan na maging muse sa araw ng kompetisyon,” “May magagawa ba kami? Gusto mo bang kausapin namin ang professor o ang teacher mo anak?” Napangiti ako dahil sa aking mga magulang. I am truly blessed to have them as my family. Although we are not rich in material things, sagana namin kami sa pagmamahalan. Wala man kaming malaking bahay, masaya at kontento kami sa kung anong meron kami. Hindi man sila nakapagtapos ng pagaaral, buong puso ko silang ipinagmamalaki sa lahat. “Hindi na po, Nay, Tay,” ngiting sabi ko. “Kaya ko na po,” Tumayo ako at nagpaalam. Pumasok ako sa maliit kong kwarto. Binaba ko ang bag at umupo sa sahig. Wala akong kama or bed frame dito sa loob. Ang tanging hinihigaan ko lang ay ang banig. Sapat na rin iyon para kapag nagising ako maititiklop ko lang ang hinigaan ko, para na rin mas malaki ang espasyo ng kwarto. Napabuntong-hininga ako. Mukhang wala na akong choice, kundi ang maging muse sa kompetisyon. “Hay buhay!” Napahinga ako nang malalim. Ibinagsak ko ang sarili pahiga, ngunit agad rin akong napadaing nang tumama ang likod at ang ulo ko sa matigas na sahig. “Ang tanga mo talaga,” mahinang bulong ko sa sarili. “Alam na ngang matigas, binagsak pa!” Kulang na lang batukan ko ang sarili sa katangahan na ginawa ko. Napailing na lang ako. Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan. “Anak, magbihis ka na at kakain na tayo,” si Nanay. “Sige po, ‘Nay!” Sigaw ko upang marinig niya. Ilang saglit pa akong nanatili sa pagkakahiga bago bumangon at nagbihis. Nag suot ako ng cotton pajama at sando na puti. Hindi na ako nag-abalang mag bra dahil makapal naman ang sando ko at isa pa natatabunan naman ang s*s* ko ng mahabang buhok ko. Dumeretso ako sa kusina, ngunit kumunot ang aking noo nang makita si Ninong Oliver na prenteng naka-upo katabi ng upuan ko. ‘Ano na naman kaya ginagawa niya dito?’ Lumapit ako at umupo sa palagi kong inuupuan. Naramdaman ko ang paninitig niya kaya naman ‘di ko napigilang lingunin siya. “May problema po ba?” He just stared at me blankly. Ni hindi man lang siya ngumiti sa akin. Inirapan ko na lang siya. Mukha siyang abnoy. Kahapon lang abot tenga ang ngiti niya noong kinakausap niya ako tapos ngayon naman para siyang patay sa sobrang lamig kung makatitig. ●●●●● THIRD PERSON POV OLIVER WAS holding his breath. Kanina pa siya nag-iinit, lalo na nang mapansin niya ang dalaga na walang suot na bra. Natatabunan iyon ng buhok ng dalaga ngunit napansin niya pa rin iyon. He is pissed earlier. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla na lang siyang nagalit. He showed coldness towards Isla after he heard that she kissed someone. Mas lalo siyang nainis nang makita niya ito kanina na bumaba sa isang kotse. "Oliver, saan ka matutulog ngayon?" Tumingin si Oliver sa dalaga na ngayon ay nasa may lababo at naghuhugas. Pasimple siyang napamura nang makita ang kasexsyhan ng dalaga. Binaling niya ang tingin sa kaibigan, laking pasasalamat niya nang makita niya ito na sa ibang direksyon nakatingin. "Hm.... is it okay if I parked my car outside? Doon na lang ako matutulog," Kahapon kasi, nang matulog siya sa loob ay sumakit ang likod niya dahil sa liit ng hinigaan niya. "Hindi ka uuwi sa hotel na tinitirahan mo ngayon?" Umiling si Oliver. Gusto niyang umuwi, ngunit dahil sa nakita niya ay gusto niyang bantayan ang dalaga. "Ikaw kung saan ka komportable," nasabi na lang ng Ama ni Isla. ********** Xoxo ☺️❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD