ISLA RAE ALONZO
“NAY, sa sabado po pala, pwede po ba akong lumabas? Birthday po kasi ng mommy ni Ana, inimbitahan po nila ako,”
Tumingin sa gawi ko si Nanay. Nasa maliit na sala na kami ngayon. Tapos na kaming kumain, tapos na rin akong mag hugas. Si Tatay at Ninong Oliver naman ay nasa labas nakikipag chikahan sa kapitbahay namin.
“E, anong oras ba gaganapin iyan, Anak?”
“Gabi raw po. Pero ‘wag po kayong mag-alala dahil susunduin naman po ako dito ni Ana. Ihahatid din niya po ako kapag uwian na,”
Napatango si Nanay. “Sige, basta mag-iingat ka lang. Wag ka rin iinom nang alak, ha,”
Napangiti ako. “Opo Nay,”
Napatingin ako sa labas. Napataas ang kilay ko nang mamataan si Ninong Oliver na nakatingin sa gawi ko. Ganun pa rin ang expression niya. Malamig pa rin ang tingin niya sa akin na para bang may nagawa akong masama.
“Nay,”
“Hmm,”
Binalingan ko si Nanay. Nakatuon ang kanyang mga mata sa maliit naming TV nanunuod siya ng iba't ibang balita.
“Napansin ko lang po, bakit po laging dito kumakain si Ninong Oliver? Wala po ba siyang pamilya?”
I'm just curious. Kasi kung pagmamasdan siyang mabuti, masasabi ko na galing siya sa mayamang pamilya. Sa pananamit palang nito, halatang expensive na.
“Nasa kamaynilaan kasi ang pamilya niya anak, may condo naman siya dito pero medyo malayo ‘yon sa bahay natin.”
Napatango ako, ngunit nagtataka pa din. “Pero bakit lagi po siyang nandito?” Dalawang araw ko na rin kasing napapansin, dito siya lagi kumakain.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Nanay, kaya naman napabaling ako sa kanya. “Matagal kasi silang hindi nagkita ng Tatay mo, Anak. Siguro mga 18 years silang hindi nagkita. Matalik na magkaibigan ang Tatay at ang Ninong mo kaya siguro lagi siyang nandito para magkaroon ng oras at para na rin sa mga panahon na hindi sila nagkita.”
Napatango ako. “Ilang taon na nga po ulit siya? 38? 39?”
“Isang taon ang tanda ng Tatay mo. Dito ‘yan sila nanirahan noon, ngunit dahil sa trabaho ng ama niya ay kinalilangan nilang lumipat sa maynila.”
Napa-O ang bibig ko. So taga dito rin pala sila dati. Kaya rin siguro sila nagkakilala ng tatay ko.
“Pasok na po pala ako sa kwarto, Nay.”
Tumayo ako at dumiretso sa kwarto. Nahiga ako sa banig kong nakahanda na. Tumitig ako sa kisame at napangiti.
Ito ang gusto ko dito. Kaunti lang ang tao dito sa Sta. Rosa, iilan lang kaming nakatira sa barangay na ito. Puro din masayahin ang mga tao dito at laging nagtutulungan. Isa sa mga gusto ko sa lugar na ito ay ang sariwang hangin na malalanghap mo. Siguro dahil marami ang punongkahoy ang nakatayo, at may kalapitan din kami sa dagat.
Pumikit ako at pinagsalikop ang dalawang kamay saka umusal nang panalingin. "Lord, thank you. Thank you for this day, for the gift of life and every moment within it. Thank you for faithfully providing for all my needs, seen and unseen, and for your constant care and protection over my beloved family. Your boundless provision and immeasurable grace sustain us daily. We are grateful for your unfailing love, your guidance in our paths, and the peace you bestow upon our hearts. May we always walk in your light and honor your name. Amen.”
Napangiti ako. Ako na yata ang pinakamasayang tao sa mundong ito. Hindi man kami mayaman, ngunit sagana naman kami sa pagmamahalan. Bukod pa rito, laging nariyan ang Diyos para sa amin.
●●●●●
ALAS QUATRO nang madaling araw akong nagising. Lumabas ako sa kwarto. Kinukusot-kusot ko pa ang mga mata ko. Dumeretso ako sa kusina. Balak ko kasing magluto ng pang umagahan para makakain kami ng sabay-sabay bago sila Nanay umalis sa trabaho at ako naman sa school. Nitong mga nakaraan kasi ay medyo late na akong nagigising kaya ‘di na kami nagkakasabay-sabay na kumain. Kaya ngayong araw na ito gusto kong magluto ng maaga para makasabay ko sila.
Nakapikit ang isa kong mata na kumuha ng baso. Kumuha ako ng tubig sa dispenser. Nakaharap ako sa lababo habang naglilimog-mog.
“Why are you up so early?”
Muntik ko nang mabitawan ang basong hawak ko sa gulat nang marinig ang boses na ‘yon. Pumihit ako, nagtaka ako nang makita si Ninong, nakatayo siya sa entrada ng maliit naming kusina, nakasuot siya ng puting kamisa de chino at itim na pajama. Medyo magulo rin ang buhok niya na para bang kagigising nya lang.
“Ahm… g-good morning,”
Pinasadahan ko nang tingin ang buong katawan niya. Napalunok ako bigla nang dumapo ang tingin ko sa braso niyang natatabunan ng suot niya.
Iniwas ko ang tingin. “Ahm… ang aga niyo naman po yata? Dito po ba kayo natulog?”
Hindi ko naman kasi siya nakita sa sala kanina. O baka naman dahil inaantok pa ako kaya ‘di ko siya nakita?
“I slept in my car.”
Kunot noo ko siyang binalingan. ‘Ibig sabihin sa kotse niya siya natulog?’ “H-hindi ka po ba umuwi?” Nakita ko siyang umiling.
Nagtataka ako. Kung may condo naman siya, bakit nagtyaga syang matulog sa kotse niya?
“Ahm… gusto niyo po ba ng kape?”
Mabilis ko siyang pinagtimpla ng kape nang tumango siya. Matapos ay binigay ko na iyon sa kanya at nagsimula na sa dapat kong gagawin.
Isang oras din bago ako natapos magluto. Nailang pa ako dahil feeling ko pinanunuod ni Ninong Oliver ang bawat galaw ko. Hindi siya umalis, hanggang sa magising ang mga magulang ko.
“Aba'y, kay sarap naman yata nang niluto mo anak,” masayang saad ni Tatay.
Umupo silang dalawa ni Nanay. “Tay, tuyo lang naman at omelet ang niluto ko,” first time ko yata na mahiya ngayon sa papuri ni Tatay, siguro dahil may iba kaming kasama.
“Sus, nahiya pa ang Anak ko,”
Nahihiya na naupo ako sa tabi ni Ninong. Pinakain na rin namin siya total nandito naman siya at mukhang wala siyang balak na umalis.
Matapos naming kumain, ako na ang naglinis ng lamesa. Ako na rin ang naghugas. Pinauna ko na rin sila nanay para makapag handa na papunta sa trabaho nila.
“Oh, alis na kami anak,”
“Ingat po kayo,”
Pumasok na ako sa banyo. Mabilis akong naligo. 30 minutes nalang din kasi ang natitira kong oras. Matapos makapagbihis, agad na akong lumabas habang bitbit ang bag.
Nagtaka ako nang makakita ng itim na sasakyan. Napalinga pa ako sa paligid, tahimik at walang katao-tao.
Bumukas ang pintuan ng sasakyan, halos malaglag ang panga ko nang makita kung sino ang nasa loob.
“Ninong Oliver?”
Nakasuot na siya ng puting polo shirt. Nasa-ayos na rin ang buhok niya. Fresh na fresh na siyang tingnan ngayon kumpara kanina.
“Get in,”
Tinuro ko ang sarili. “A-ako po?”
Luminga ako sa paligid. Gusto kong masiguro na ako ang kausap niya. Baka kasi may nakikita siyang iba na hindi ko nakikita.
Napatikhim ako nang makita ang malamig niyang mga mata. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay, mabuti na rin ‘yon lalo na at nasa syudad ang pinapasukan ko.
“Ahm.. hindi pa po ba tayo aalis?” kagat-labi na tanong ko nang hindi siya gunalaw. Nakatitig lang siya sa akin. Nanunuyo ang lalamunan ko sa uri nang pagkaatitig niya sa akin.
“Ninong…” kabado na sabi ko. He slowly moved his body, and I almost lost my breath when his face was just inches away from mine. “A-ano po'ng g-ginagawa n'yo?”
Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi nito. “Your seatbelt,” bulong nito. Napapikit ako. Sobrang bango nang hininga niya na tumatama sa mukha ko.
“Are you expecting something?” He huskily ask. Bumilis ang t***k ng puso ko. Napakagat labi ako nang makita ang pilyong ngiti sa labi nito.
Buti nalang at umayos na siya ng upo. Nakahinga ako ng maluwag at napakapit ng mahigpit sa
laylayan ng damit ko.
Buong byahe ay tahimik ako. Wala akong imik. Nanatili ako sa kinauupuan ko. Takot ako na magsalita o balibgan siya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganun nalang kabilis ang t***k ng puso ko.
“T-thank you,” hindi ko na hinintay ang sagot niya. Mabilis akong lumabas sa kotse.
Nakakailang hakbang palang ako nang may tumawag sa pangalan ko.
“Isla,”
Lumingon ako. Agad akong napangiti ng makita si Matt. Nilapitan niya ako.
“Hi,” nahihiyang bati ko.
Ngumiti siya sa akin. May kinuha siya sa kanyang bulsa at binigay sa akin.
“I know you love butterfly, so i bought this for you,”
Napangiti ako ng makita ang purple butterfly-clamp. Purple color is my favorite and also i love butterflies. Kapag nasa bukid kami nila nanay, butterflies ang lagi kong hinahanap.
“Thank you,” nakangiting sabi ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin, basta ko nalang siyang nilapitan at hinalikan sa pisngi sabay takbo paalis.
***********
Xoxo ☺️❤️