KABANATA 12

1008 Words
--Sacha-- ISANG PLANO ang nabuo nila sa tulong ni Eden at ng Cartels. Alam nilang ang sunod na target ni Judas ay ang mag-ina ni Zeki, upang malaman kung nasaan ang kapatid niya kailangan nilang gawin bitag si Eden at ang anak nito ngunit imbes si Zephyr, si Rufus ang umaktong anak ni Eden. Kaya naman hinayaan nilang mamasyal ang dalawa sa isang community park, hahayaan nilang makuha ng LA EME ang dalawa. Sa ganitong paraan malalaman nila kung nasaan si Zeki. May tracking devices sa taas ng gilagid ni Eden at sa suot nitong contact lense. Sa tulong ng high tech contact lense naririnig at nakikita nila ang nangyayare kay Eden. Hanggang sa nangyare na ang inaasahan nila. May kumuha na kay Eden at Rufus. Gottacha! You're so stupid Judas! Lahat sila ay napangisi at naghanda na. Kanya-kanya na silang dala ng baril, habang ang ibang Cartels members ay may naka-ready ng sniper guns. "--suicide in position!" ma-awtoridad na wika ni Eagle, nakasuot ito ng bluetooth device sa tenga. Senyales sa mga tauhan. Napangisi siya habang nakatingin sa monitor kung saan nakikita nila ang pag-galaw ng red dots. That's Eden and Rufus. Inaantay na lang nila kung saan hihinto ang mga ito. I will kill that bad f*****g omen! "Hold for Pegasus, over--" wika ni Sky sa radio device na naka-konek sa mga computer monitor nila. Pegasus ang code nila sa chopper. Oras na matunton nila ang kuta ni Judas, wala na sila sasayangin na sandali. "I heard, Judas have a badass executioner. Lady assassin." kapagkuwa'y saad ni Eagle na nakatayo sa tabi niya. Tumaas ang kilay niya. She knew that, but she don't care. "--she's a ghost shooter. She's professional but I still don't care. I don't care how badass she is, I'll kill her if she mess up with my plan--" tiim ang bagang na tugon niya sa kausap. Wag lang siyang magkakamali, humarang sa plano ko dahil hindi siya mangingiming patahimikin ito at ibaon sa ilalim ng lupa. Narinig niya ang nakakalokong pagtawa ni Eagle. Huminga siya ng malalim. Pumapasok sa isip niya ang naging pag-uusap nila ni Tanner kagabi. Sinabe niya sa binata ang tungkol sa White Fence. Hindi niya masabe kung nagulat ito o ano dahil blanko ang expression ng mukha ni Tanner. Nabigla siguro ito nang malaman na White Fence is Mafia. She sighed. Of course, kahit sino naman makakarinig ng salitang Mafia ay puro illegal na gawain ang maiisip. Lahat ng klaseng illegal na business maging illegal na pagpatay. She heavy sighed again. Sana lang hindi magbago ang tingin ni Tanner sa kanya. Kanina kasi nang magpaalam siya tila balisa ito at seryoso ang mukhang tumango lang sa kanya. Kinabahan tuloy siya, gusto niya kasing maging maayos ang relasyon niya kay Tanner. Nawala ang pag-iisip niya ng tumunog ang tracking device na nasa monitor. Sign na 'yun. Sabay pa silang nagkatinginan ni Eagle at saka dinampot ang mga nakahandang baril nila. Dumampot na rin ng kanya-kanyang mga armas ang lima pang miyembro ng Cartels. Si Tiger, Bullet, Red, Slate at Wolf..code names ng mga ito. Wala kasi ang mga ito nun isang araw. "Pegasus out--two minutes!" boses ni Sky ang pumailanlang sa mga bluetooth earphone nila. Nagtakbuhan sila paakyat sa roof top ng White Fence mansion para sumakay sa chopper. Naririnig nilang lahat ang pagsigaw ni Eden. Bawat segundo at minuto ay mahalaga. Patungo na rin ang ibang tauhan sa lugar. Wala pang ilan minuto narating na nila ang kuta kaya naman nang magpaputok na ang kalaban sa gawi nila ay sumugod na sila. Baril sa baril. Lakas sa lakas. Lahat ng humarang sa dinaraan niya ay binabaril niya ng walang awa sa ulo. Napasulyap siya sa device watch nya, tumakbo siya upang hanapin si Eden at Zeki. Napasinghap siya ng marinig ang boses ni Zeki na tila kinakausap si Eden. Shit! She have to move fast. Zeki's voice like freaking dying. Tumakbo siya. Mas binilisan pa niya ang paghahanap sa dalawa ng marinig niya ang kumosyon at makarinig ng tunog ng baril. Damn! Hanggang sa makita niya ang isang madilim na pasilyo, mabilis niyang pinagbabaril ang mga tauhan ng La Eme na humarang sa kanya. Pagbukas sa dulong pinto, nakita niya agad si Eden at si Zeki na tila walang buhay na nakahiga sa semento. Tinawag niya agad si Eden pero kaagad siyang natumba sabay napaigik sa duguan na braso. Judas shot her! Oh this son of b***h! "I will kill you both--!!" sigaw ni Judas at saka inumang baril kay Eden. Eden also aimed the gun to Judas. Nanlaki ang mga mata niya nang sabay nagpaputok ng baril ang dalawa. Pero mas kinagulat niya ng payakap na humarang si Zeki kay Eden. "Zeki--!!!" sigaw niya. Bumagsak ang katawan ni Zeki, kasabay na pagbagsak rin ni Judas sapo ang dumudugong tiyan. Nagdilim ang paningin niya sa labis na galit. Tumayo siya, lumapit kay Judas saka walang kakurap-kurap na binaril si Judas. Humiyaw siya sa matinding galit. This is for my mother! for my father! for my friends! for Zeki! And for ruined my fücking life!! Mamatay kang hayup ka! Sunod-sunod na putok ang ginawa niya, halos ubusin niya lahat ng basyo ng baril niya kay Judas. Nanggigigil na pinagbabaril niya si Judas Horquez. "Sacha stop! He's dead. Come on, we need to hurry. Parating na rito si Don Luis--hindi natin kakayanin..let's go!" pigil na sigaw ni Eagle sa kanya. Sakto rin naman ang pagpasok ng ibang Cartels members at pinagtulungan na buhatin si Zeki. "Helicopter is ready--take Zeki first!" sigaw ni Tiger. Dahil may tama rin siya isinakay rin siya sa chopper habang si Eden ay kasama ng ibang members sa kotse saka nagmamadaling umalis sa lugar. Hindi nila kakayanin oras na dumating si Don Luis, masyadong marami ang alagad ng La Eme. Hindi niya maiwasan mapangiti, ano kaya ang mararamdaman ni Don Luis Horquez once matagpuan nito ang kalunos-lunos na katawan ni Judas. Im still not done, ako mismo ang papatay sayo Don Luis. Just wait. ˆ̑՝̮ˆ̑❤︎ヾ(*'∀'*)ノ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD