KABANATA 11

1287 Words
--Sacha-- HINDI NAKALIGTAS sa kanyang mga mata ang madilim na mukha ni Fuji habang pinakikinggan nila ang sinasabe ni Reese at Twix. "Carlo Horquez ang pangalan ng bastardong anak ni Don Luis--" ani ni Twix habang nakaupo sa reclining chair. "--base sa information na nakuha rin ni Reese, mula nang mamatay ang Lola ni Carlo napunta ito sa isang bahay ampunan sa Surigao." "Ang huling balita ay inampon si Carlo ng isang mayamang negosyante." pagpapatuloy naman ni Reese. Tumango-tango siya saka pinagsiklop ang dalawang braso sa dibdib. "Tapos? 'yun lang?" Tumayo si Reese at nagtungo sa kusina. "--dead end na. Walang information kung sino ang umampon kay Carlo, dahil two months after ma-ampon siya ay nasunog ang bahay ampunan. Namatay lahat ng tauhan sa bahay ampunan." paliwanag ni Reese saka nagbukas ng isang beer in can. Tsk. s**t! Mukhang mahihirapan silang mahanap ang isa pang anak ni Don Luis. "A-Ano pala balita sa pag-uusap ninyo ni Eden?--" si Fuji na ang nagtanong. Umiling siya. "I'm not sure kung sasama sila..pero kailangan mong magpaiwan, once na pumayag si Eden, dalhin mo sila agad sa White Fence. Samahan mo sila. Kailangan ko munang mauna, Zeki needs me." saad niya. Ilan araw na mula nang makuha ni Judas Horquez si Zeki ay wala pa rin silang balita. Mamayang gabi na ang alis niya kasama si Tanner patungo Los Angeles. Hindi sasama ang triplets na Donovan, sapat na ang naitulong ng mga ito sa kanila. Nagsabi na lang siya na i-update kaagad siya, once may bagong information na nakuha ang mga ito tungkol sa Carlo Horquez na iyon. Huminga siya ng malalim. Pinagdadasal din niya na sana'y mapatawad ni Eden ang kapatid niya. Masyadong mabigat ang nangyare sa nakaraan ni Eden at may kasalanan din si Zeki. Pero naniniwala siyang magiging maayos din ang lahat para sa dalawa. Nagpasya na siyang umalis at magpaalam. Nasa parking lot na siya pasakay na sa kanyang Red Ducati, pagsuot niya ng helmet saka biglang may pumigil sa braso niya. Si Fuji. "What?--" puno ng iritasyon tanong niya. Pero imbes sumagot ang Hapon na ito, inalis nito ang suot niyang helmet at walang takot na hinalikan siya sa labi. What the hell?-- Mabilis niyang tinulak si Fuji at sinapak sa mukha. Hindi ito natumba, nang akmang hahalikan siya uli ni Fuji, tatadyakan sana niya ito pero nasalag nito ang paa niya. "W-What the hell is that?! Baliw ka ba?!" hiyaw niya. Nakakagigil ang Hapon na ito. Kapal ng mukhang halikan siya ng ganoon na lang. Napangiwi ito sabay himas sa pisngi. "--Tsk. You can say that but kukunin ko na--" ngumisi ito sa kanya. Nag-isang linya ang kilay niya at puno ng pagtatakang tinitigan si Fuji. Anong kukunin nito? Naka-drugs ba itong gago na 'to? "--kukunin ang alin?" "--puso mo." maikling sagot ni Taka sabay balik sa kanya ng helmet. "--susunod ako sa'yo agad. Isasama ko si Eden at Zephyr. Take care" wika nito sabay dampi ng halik sa pisngi niya at saka umalis na. Natigalgal siya. Ano raw? Kukunin nito ang puso niya? Nanggigil siya. How dare him kissed her?! May boyfriend na siya. She love Tanner. Sigurado siyang may binabalak si Fuji. Siraulo talaga! Sumakay na agad siya sa Ducati at tumalilis. Pupuntahan na niya si Tanner, kailangan na nilang umalis. *┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈ "KANINA KA pa tahimik, you okay baby?--" tanong niya kay Tanner. Kasalukuyang nasa private plane sila patungo Los Angeles. Kanina pa niya kasi napapansin na tahimik ang binata. Magkahawak kamay sila pero hindi ito umiimik. Tumango lang ito sa kanya at pinikit ang mata. Nagkibit balikat na lamang siya. Inihilig nya ang ulo sa balikat ng binata. Na-e-excite siyang dalhin si Tanner sa White Fence. Ito kasi ang unang beses na magdadala siya ng kasintahan sa mansion. "Ang sabi mo, isasama mo ang asawa't anak ng kapatid mo--" kapagkuwa'y tanong ni Tanner. Tumingala siya at ngumiti sa binata. "Yup. Susunod sila, kasabay nila si Fuji." Muling tumahimik si Tanner. Isang mabining halik sa ulo ang naramdaman nya. Ang sarap sa feeling na tinuturing siyang special ng taong special din sa kanya. Nakangiting pinikit din niya ang mga mata. Parehas silang nakatulog ni Tanner sa buong oras ng byahe nila. Kaya nang makarating sila sa Los Angeles, kaagad naman silang sinundo ng private car at dinala sa White Fence. Marami silang napagkwentuhan ni Tanner habang nasa sasakyan. Nalaman niyang may properties din ito sa Los Angeles, nangako pa ito na dadalhin siya sa bahay nito sa California. Promise, oras na matapos niya ang kailangan nyang gawin at maligtas si Zeki..gusto niyang magpakasal kay Tanner. When they reached the White Fence she immediately introduced Tanner to the staffs and to Majordomo, their ultimate butler. "Sino 'yun bata?--" tanong ni Tanner sabay turo kay Rufus na simpleng nakaupo sa malambot na carpet sa malaking salas. Bahagya siyang natawa. So, Rufus is here. Inampon nila si Rufus dahil sa muntik na itong patayin ng sariling pamilya. Niligtas ito ni Zeki at pinatira rito sa White Fence. Rufus have dwarfism, its a medical condition. Mukha lang ito six or seven years old pero twenty years old na ito. "That's Rufus. At hindi na siya bata, he's twenty already." simpleng sabi niya. Tumango-tango lang si Tanner. Napangiti na lang ito at kinamayan si Rufus ng ipakilala niya ang dalawa. "El cartel quiere hablar contigo." The cartel wants to talk to you. wika ng Majordomo nang makalapit sa kanila. Pa-simple siyang tumango..saka nagpaalam saglit kay Tanner na may kakausapin lang siya. Nagbilin din siya kay Rufus na samahan si Tanner papunta sa silid niya. "I'll see you later baby, magpahinga kana muna--" lambing niya sa binata at hinalikan ito ng magaan sa labi. "H-Hindi ba ako pwede sumama sa'yo?--Lalaki ba ang kakausapin mo?" parang bata ito na nagtatanong sa kanya. Pinisil niya ang pisngi ni Tanner, pinangigilan niya habang natatawa. "Jealous?--don't worry saglit lang 'yun. Later we will talk, hmm? I'll tell you everything.." matamis siyang ngumiti saka sumulyap kay Rufus. "--take him to my room, thank you" utos niyang sabi kay Rufus. Nag 'okay' sign naman ito sa kanya saka iniwanan na niya sina Tanner at Rufus sa salas. Sa kabilang panig ng mansion, naabutan nya si Eagle, Hawk, Ice, Sky at si Ash. Present ang limang miyembro ng Cartels. Hindi nila mga tunay na pangalan iyon. Bawat members ng Cartels ay mga code nicknames. "Yow!--Lady Sacha.We heard you brought a boyfriend here. is that right?" tanong ni Sky. She crossed her arms over her chest and look at him intently. "Yes. Do you have a problem?" she said and sarcastically smiled. Nagtawanan naman ang limang kalalakihan na nasa harapan niya. She just sighed and shrugged. She sat down in an empty seat facing these five men. Mayamaya pa ay nagsimula nang magsalita si Eagle. Sakto naman na tumunog ang cellphone niya. Si Fuji Taka. Nag message ito na kasama na nito si Eden at Zephyr patungo na ang mga ito ng White Fence. Napangiti siya saka nakaisip ng sasabihin. "Maybe we should wait for Zeki's wife. She's the real Mrs. White here. We need her--" sumilay ang ngiti sa mukha niya. Good news sa kanya na dahil nagbago ang isip ni Eden. Kahit papaano nabawasan ang pag-aalala niya, si Zeki na lang ang kailangan nilang isipin. Kailangan nilang malaman kung saan dinala ni Judas Horquez si Zeki. Sumangyon naman ang limang lalaki nasa harapan niya. Pero ka-kailanganin pa rin nila ang desisyon ng lima pang miyembro ng Cartels. "--sounds like a plan." maiksing sagot ni Eagle. Tumayo na ng sabay-sabay ang limang kalalakihan at nagsabi na babalik sila once na dumating na ang mag ina ni Zeki. Hang on, brother. Don't go to hell. (▱˘◡˘▱)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD