--Sacha-- NANG magmulat siya ng mga mata, ang matamang pagkakatitig ni Tanner sa kanya ang nabungaran niya. Her heart freaks out, napakalapit ng mukha nito sa mukha niya. Bigla tuloy siyang nailang, parang gusto niyang tumayo at lumayo sa binata ngunit hindi niya magawa. All she did was stare at him too. "G-Gising ka na pala," paanas niyang sabi. God Sacha! Anong klaseng tanong 'yan? Ayan ba ang gigisahin? Nginitian siya ni Tanner. "Kanina pa ako gising." Nanlaki ang mata niya. Lalo siyang binalot ng hiya. s**t! Kung noon over confident siya sa itsura niya kahit tulog pero ngayon, duda na siya. For sure, ang panget niya pagtulog. "B-Bakit ganyan ka makatingin? Sana ginising mo ko," nakasimangot na sabi niya. "Na-miss kita sobra. Nakakatulala talaga ang ganda mo kapag tulog ka,

