--Tanner-- NAGING abala na si Sacha sa pagpapa-s**o ng kanilang triplets. Salit-salitan ang pagpapa-dede nito, bakas ang kasiyahan sa mukha nito habang buhat-buhat si Theron. Kung kanina, nakangiti pa siya ngayon hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa lantaran pamba-balewala ni Sacha sa kanya. Dapat ako rin e! Dapat siya naman! Gabi na pero hindi man lang niya masolo si Sacha. Parang bang sinasadya rin ni Sacha na iwasan siya. Damn! Inis na inis siya, padabog na dumapa siya sa kama, saka tumingin nang matalim sa nakapinid na pinto ng banyo. Napapalatak siya. Ilang na buwan siyang tigang. Sobrang miss na miss na niya si Sacha. Kahit isang beses hindi niya nagawang sumiping sa ibang babae. Mula nang maghiwalay sila, naging tahimik ang s*x life niya. Tanging si Sacha lang ang hinahan

