Anyways uuwi ako ng maaga dahil pupunta pa akong bayan para mag attend ng ceremony sa taekwando center na pinag trainingan ko before. Yup! alam nyo na guys! mamaya kwento ko nalang hehe at mag groceries na rin syempre kasi wala na akong stock.
Medyo malayo din ang bayan about 30-40 minutes.depende kung mag co-commute lang. Anyways,anjan naman si baby black so mas mabilis lang.
Wag kayong mag isip mga reader kung sino si "baby black" partner in crime ko yan my Sniper 150. Yup! Mag momotor ako.
Sorry naman wala akong jowa na maghahatid at susundo e. Napakatagal kasi akong bigyan ni Miss author! Haha
Anyways pag patak ng alas kwatro, umuwi na agad ako sa bahay. Malapit lang dito ang bahay ko. Nilalakad ko lang 3 blocks away lang naman. Basta sa school walang alam ang mga tao tungkol sa tunay na pagkatao ko at kung sino ako kapag gabi. Sumasayaw ako ng sapatos lang ang suot guys kapag gabi. Joke! hahaha . May trust issue ako e sorry naman! hehe. Ipinagpapasalamat ko rin talaga na dito ako nakapag work sa San Lorenzo. Mas malapit sa bahay.
After a while. . .
Dahil Law abiding Citizen ako:
Helmet?✔
Driver's License?✔
Wallet?✔
Cash and Cards?✔
Bag for groceries?✔
Hmmmm . . Tingin ko naman complete na. Nagpray muna ako bago mag drive. Ugali ko na yon kahit bad girl ako minsan. Para laging safe sa maling tao este disgrasya.
"Let's go Black! ".
Wala pang 30 minutes nasa bayan na ako.
Naghahanap ako kung saan pwede mag park ng motor. Mag aalis na sana ako ng helmet ng biglang may tumatakbong lalaki naka hoodie at naka face mask habang sa di kalayuan nito ay may tumatakbong pulis. Ang lalaki ng tyan. Napapailing nalang ako pano kaya nila maaabutan yan. Ng mapansin kong may bitbit itong bag na pang babae.
Wait what??!!!
"Magnanakaw! Tumabi kayo !" Sigaw ng pulis habang hinahawi ang mga nakiki chismis.
Ang layo pa nila samantalang si kuya palapit sa may area ko. Baka madali ang motor ko so tinabi ko saka para akong si flash na mabilis tinalon ang hanggang bewang na barricade at inabangan si kuya.
Hindi nya napaghandaan ang pag patid ko sa paa nya kaya sapol na sapol sya hinablot ko ang bag ng makita ko ang babae na mukhang siya ang may-ari dahil tumatakbo din ito habang ang mga pulis ay malayo layo pa.
Ngunit paglingon ko mukhang aagawin pa ni kuya ang bag mabilis ko syang sinipa at tinamaan sya sa may tiyan.
"Puta Ka"! saad nito.
Naglabas ito ng kutsilyo at mukhang susugod ito sakin. Agad ko syang sinipa sa kamay at binigyan ng upper cut. Sapol siya kaya naagaw ko ang kutsilyo at ibinalibag malayo sa kanya.
Alam mo kuya, kung wala lang mga mata dito gigilitan kita e. Wala ka na bang maisip na ibang trabaho at pinaghirapan ng iba ang trinatrabaho mo? ! Galit kong saad.
Hindi ito maka galaw dahil iniipit ko ng aking leather boots ang kanyang leeg.
Inantay kong maka lapit ang pulis upang pusasan ito.
Inabot ko sa babae ang bag. Mukha syang nasa late 40's at halata mong medyo may kaya.
"Thank you hija jusko! Andito ang mga dukomento ko at mga importanteng IDs salamat talaga hija ha". Laking pasasalamat nito.
"Welcome po sa susunod po pag iingatan nyo ang inyong gamit sa panahon ngayon marami ng mandurugas
Mayamaya ay dumating ang dalawang pulis na humahangos.
"Maraming salamat sayo" at pinusasan na ito.
Wala hong anuman sige ho dalhin nyo na yan sa presento at ng maparusahan. sabi ko na lamang.
"Ano ang iyong pangalan ineng? Mukhang bihasa ka sa ganitong trabaho a? Pulis ka rin ba?" saad nito at sinisilip silip ang aking mukha.
Naalala ko naka helmet pa pala ako.
Mabuti nalang. Dahil ayaw ko ng exposure. sa isip ko.
Ahh eh hindi po nagkataon lang po yun dahil natuto lang din po ako ng self defense. Turan ko.
Sige ho! Akoy aalis na. paalam ko sa mga ito.
Minsan na boboysit ako sa mga pulis na ang lalaki ng tiyan.
Paanong makakahabol ito ng magnanakaw. Reklamo ng isip ko. Kaya hindi nila nahuhuli ang mga kupal e dahil ang lalaki ng mga bituka!
Pulis din ang tatay ko nong nabubuhay pa sya pero maganda ang katawan nito kahit na nagkakaidad na sya. At alam na alam kong napaka tenik nito sa mga hinahawakang kaso. Ang dami nitong awards. Kaya tinitingala ko talaga ang aking ama.
Hindi na ako lumingon. umikot nalang ako sa kabilang side ng building at dumaan sa employees entrance ng taekwando center. Para wala ng maraming tanong. Dito ko tinapos ang black belt ko at ngayon naimbitahan ako para sa Upgrading ng mga trainees kung baga ay magsasalita ako for ceremony ng maiksi lang. Si Sir Marcos Alleja and naging tatay tatayan ko mula ng mawala ang mga magulang ko.
Ng maalala ko na di pa pala ako naghuhubad ng Helmet.
Hinubad ko na ito at nag Bow upang pumasok sa training center.
Bumalik lahat ng memories ko noong nag tetraining pa ako. Madalas akong magka violation kasi sumusubok ako ng mga technique na hindi pang level ko. Ako kasi yung tipo ng tao na kapag nakuha ko na ayaw ko ng paulit ulit.
Naaalala ko noong unang araw ko. Subrang excited ako mag training kasi napapanood ko dati sa mga action movies yung mga magagaling sumipa at sumuntok. Sina papa at mama naman ang katwiran nila pang self defense lang daw ang gusto nila kaya sya na enroll.
Kaso noong bago ko makuha ang black belt ko, inatake si Mama sa puso. Hindi naging masaya ang pagkuha ko non. Nagluluksa pa kami. Si mama reteradong guro.
Si papa naman ay isang pulis na may ranggo na makalipas ang isang taon, ay sumunod na rin kay mama dahil sa isang aksidente, ayon sa findings, possible na inatake si daddy at natumba kaya tumama ang ulo sa bowl kaya namatay ang daddy ko. Siguro sa subrang pagmamahalan nila ni mommy, umakyat na rin si daddy sa langit. Masyado syang nagmadali dahil andon na si mommy.
Napapailing nalang ako sa mga naaalala ko. Kaya kay mama ko namana ang pagkuha ng education at nag major in MAPEH ako. Upper elementary at High school ang hinahawakan ko. May isa parin akong trabaho sa gabi pero secret na muna. . Sabi ko sa inyo sumasayaw ako ng sapatos lang ang suot kapag gabi na! joke!
Haha sabi daw ni author secret daw muna! ✌
Minsan nag sasideline din ako dito kapag naiimbitahan ni Sir Marcos Alleja. Lagi nyang sinasabi na kahit pasaway daw ako sa training ako daw ang pinakamagaling sa batch namin.
Bumukas ang pinto at lumabas si Sir. Marc.
"Kamusta Lee?" Naka ngiting bungad nito. Nagbow naman ako at ngumiti na rin.
"Ayos lang po Sir. Medyo pasaway ang mga bata tulad ko pero yakang yaka naman ho". Pagbibiro ko. Naging close na rin kami ni Sir dahil minsan tumatambay ako dito lalo na nong mawala sina mama at papa. Parang naging pangalawang tatay ko na talaga sya.
"Naku! Bakit naman kasi naisipan mong sundan ang yapak ni Carina, hayan ! E di nararanasan mo na rin makisama sa mga kabaro mo!". Pag bibiro din nito.
"naku sir! Nasa dugo ko na siguro talaga ang pagiging guro".
Gusto ko nga sana magpulis Sir eh, kaso itong si papa kontrabida ayaw nya kong sumunod sa yapak nya alam mo naman Sir diba! gusto ko talagang magpulis. Pangungumbinsi nito sa sinabi.
"Naku Lee, alam na alam mo kung bakit ayaw na ayaw ng ama mo na magpulis ka katulad nya. Sa galing at pagiging batikan ng ama mo sa pagiging Pulis at heneral alam nya ang magiging kalakaran mo. Alam naman natin Lee na sa mundong ito, kapag gumagawa ka ng tama, mas marami minsan yung nakakabangga mo. Hindi pareparehas ang takbo ng utak ng tao Lee. Minsan kung sino yung gumagawa ng tama, yun ang maraming kabangga".
Nakikita ko ang concern ni Sir Marc sa akin. Itunuring na nya akong parang anak. Kaya naman hindi ko narin na kwento sa kanya na, ang ipinunta ko talaga sa Amerika last 2 years ay dahil sa pag-aaral ko ng isa pang hilig ko. Alam kung hindi pabor si Sir Marc doon, kaya minabuti ko nalang na huwag ng sabihin at ipaalam sa kanya na maliban sa pagiging guro, ay may isa pa akong trabaho.
Sa nangyari kay Daddy alam na alam kong hindi sya basta nadulas sa banyo dahil biglang tumaas ang BP at nahilo kaya nabagok ang ulo.
May mga suspicious findings kay Daddy na alam kung hindi lang basta nabagok.
"Kung bakit kasi hindi pa mag asawa at ng malagay ka na sa tahimik. Abay baka ang mga magulang mo sa kabilang buhay e nag aalala na rin sayo malapit ka ng lumabas sa kalendaryo!". Pagbibiro muli nito.
"Naku Sir! Nobyo nga po o kayay manliligaw wala ho e. Pano pa kaya ang asawa". . na pa bungisngis siya.
"Paano'y napaka pihikan mo. Dati may binatang nanliligaw sayo dito bigla mo namang sinuntok sa mukha ng binigyan ka ng bulaklak."' Pagrereklamo nito. .
"E Sir, hinalikan nya kamay ko e, edi syempre po aalma ako, saka ayaw ko ho don sa Arnel na yun, masyadong mahangin!". .pag dedepensa niya sa sarili.
Tumatawa lang ito sa mga sinasabi nya.
"Hay nakung bata ka talaga! Tara na nga sa ceremonial hall at magsisimula na ang programa". Giya nito sa kanya.
Halos 30 mins. Lang siya doon at nagpaalam na rin. Halos mag 6:00 na ng gabi mag gogroceries pa sya. Dumaan muna siya sa may motor niya at cheneck ito. Ng masigurong okey naman ay dumeretso na siya sa groceries store tatawid lang ng kalsada mula sa Training Center papunta sa Groceries Store kaya naman hindi na niya kailangang dalhin pa ang motor sa kabila. Nakatapat naman ito sa may CCTV.
So no worries na baka may mantitrip kay Black.
Huh! Subukan lang nilang pagtripan ang boyfriend kong si Black at may sapak sakin 3 months ko ring sahod ang katumbas ni black.
Hindi naman sa pagmamayabang e marami akong pera pera syempre angtitipid lang talaga ako. Malay ko ang makatuluyan ko pala ay dukha naku! E di naluko na puti mata namin.
Wag naman sana Ms. Author!