THE SCENE
Past backward. . . . .
Nasa gas station ako malapit sa groceries store at kitang kita ko ang mga nangyayari from the girl rider that I don't really know kong girl ba dahil parang siga maglakad na nagpapark ng motor sa may tapat ng isang Taekwando Center hanggang sa pulis, may-ari ng bag at magnanakaw na nagtatakbuhan at napaka lakas ng loob ng babaing hindi ko nakita ang mukha dahil naka helmet, inabangan niya ang magnanakaw at pinatid ito.
"What the f*ck! " napamura ako ng wala sa oras. That was f*ckin dangerous!
"Sir?! minumura nyo ho ba ako?!" Asik ng gasoline boy na nakatingin ng matalim sakin habang naglalagay ng gas sa tank ng kotse ko.
"Oh ! No! No. hindi ikaw pasensya na.
"Ah akala ko ho ay ako ang minumura mo Sir". . saad nito.
Itinabi ko sa di kalayuan ang kotse ko para pagmasdan ang mga nangyayari. Trip ko lang panuorin bakit ba? Kahit pulis ako di naman ako basta-basta nag bubutt in sa mga ganyang eksena. Nakita ko naman na sa di kalayuan ay may mga pulis na. Natutuwa lang ako sa dalawang tukmol kasi mukha silang gasol na nag jojogging ang lalaki ng mga tyan.
Taina, pulis din ako pero 6 packs tong abs ko kaya loves na loves to ng mga chicks ko kasi ulalam. Napangisi ako sa aking kagwapuhan. Dito lang ako sa tapat kunyari nanood ako ng sine.
Doon parin ang mata niya nakatutok sa Girl Rider na inaabangan na ang may ari ng bag. Inaabot nito ang bag sa mismong may-ari at nakatalikod ito sa magnanakaw.
"Thank you hija jusko! Andito ang mga dukomento ko at mga importanteng IDs salamat talaga hija ha". Nagpapasalamat ang ginang sa babae.
"It was. . . s**t!" Napa maang na ako at akmang tatakbuhin na ang magnanakaw dahil mukhang mapapahamak ang babae nakita kong bumangon ang lalaki at naglabas ng kutsilyo, tatakbuhin ko na sana ngunit nagulat ako sa mga sumunod na ginawa nito bigla itong lumingon at sinipa niya ang magnanakaw at tinamaan sa tiyan sa aking tancha ay matalas ang pakiramdam nito dahil sa tindig nito'y mukhang experyensado sa mga ganong eksena hindi gaya ng mga normal na babae kumilos.
Pagkatapos nitong mapatumba at masipa ang kutsilyo palayo sa magnanakaw ay inipit pa nito ng paa ang leeg at bahagyang naka tungo dito na mukhang kinakausap ito.
Tang gala parang gago lang ako dito di ko alam kung bakit pinagmamasdan ko ang babaing hindi ko nga alam kung babae ba talaga. Well, naka black leather jacket ito at naka fitted black pants tapos naka leather boots. Ayos ah, saan kaya ang lamay nito naka EVO helmet pa ito na version 2 na black din gusto kong makita ang mukha.
Di joke lang! di ako interesado hindi ganon kalaki ang hinaharap pero parang 34 siguro pwede na rin and pang upo naman nito ay maganda ang hugis parang gusto kong hawakan ah! di subrang laki pero maganda ang shape at umbok hmm. . . pwede na. . mas malulupit lang talaga yung mga nagiging babae ko mas malalaki j*ga nong mga yun pati butty talagang nakakagana kahit di ka na kumain hahaha. Napangisi ako sa naisip ko. Pinagmasdan ko nalang ang mga nangyari sa di kalayuan.
"Maraming salamat sayo" at pinusasan na ng mga ito ang magnanakaw.
"Wala hong anuman sige ho dalhin nyo na yan sa presento at ng maparusahan" saad nito.
"Ano ang iyong pangalan ineng? Mukhang bihasa ka sa ganitong trabaho a? Pulis ka rin ba?" saad nito at sinisilip silip sa mukha ng babae.
Na curious din ako sa sagot nito kaya medyo tinalasan ko ang aking pandinig.
Hindi ako chimoso gaya ng iniisip nyo.
"Ahh eh hindi po nagkataon lang po yun dahil natuto lang din po ako ng self defense." sabi nito.
"Sige ho! Akoy aalis na." nagpaalam na ito.
Weah? di nga? self defense yun? napaisip ako. Parang di naman.
Napukaw tuloy ang kuryusidad ko.
lalot maya-maya pay hindi ko na ito nakita.
Saan yun pumunta? isip-isip ko.
Napapailing nalang ako.
Makaalis na nga at wala na yung pinapanood ko. Sayang walang bugbugan walang masyadong thrill.
Present. . .
Hindi naman ako interesado. Sus! Naisip ko lang.
Binalikan ko na ang kotse ko sa di kalayuang gasulinahan. .
"Pambihira muntik ko pang makalimutan". Naiiling nalang na nausal ko.
Tumuloy na ako sa opisina ko ng biglang makatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan kong humahawak ng case na palihim kung pinaiimbestigahan.
Lihim. .kasi tungkol ito sa mga magulang ko. Hindi talaga ako naniniwala na aksidente lahat ng nangyari. Alam ko may foul at hindi basta aksidente lang ang nangyari.
"Hello? Acierto? Kamusta pinapatrabaho ko sayo?". . Bungad ko. Ayaw na ayaw niyang tawagin ko siya sa Apelyedo nya para daw akong gago. Kasi mula pa ng hindi pa kami parehas natutuli ay magkaibigan na kami.
".T . .Ina mo talaga Villa para kang gago jan! " . . Maktol nito sa kabilang linya.
"O ano na nga ang ganap, may bago ba?". Alam na nito ang tinutukoy ko. Ang usad ng imbestigasyon.
"Oo pare mukhang malaki-laking tao ang involved dito sa kasong hawak dati ng tatay mo at ni General Selverez. Magaling yung bagong profiler namin kaso may pagka werdo., minsan tuloy parang wala akong tiwala. Pero kahit na ganon ay mukhang maaasahan naman".
Paanong werdo brad? Tanong ko.
"Hindi yun nagpapakita dito sa Opisina, bigla nalang nasa mga disk namin ang mga files kina umagahan. Galing daw US saka sideline lang ang pagiging profiler at undercover. Yung pinaka head lang namin ang nakakakita ng personal sa kanya. Ang balita, dating Heneral ang tatay. Pero balita ko ula-lam daw haha"
Tingnan mo to si gago pambabae na naman! Asik ko.
Sabagay ako rin pero mas matinik yun, kahit saan kami mag hangout tumitira si gago.
Basta balitaan mo lang ako pupunta ako jan mga bukas ng hapon. May aasikasuhin lang ako ngayong araw.
"O sige sige, areglado boss basta ikaw nanginginig pa! pangaasar nito.
Bye ulol! Sabay end button.
Hay, sana matapos na tong problema na to para naman wala na kaming aalalahanin ni Justin. Gusto ko ding matutukan ang kapatid ko at nagiging pasaway na habang nagdadalaga.
Sabagay, kanino pa ba yun magmamana. .
Pero ang akin lang naman gusto ko talaga syang maging matapang para naman maipagtanggol nya ang kanyang sarili. Hindi naman ako ganon ka samang kuya gaya ng iniisip nyo, kung baga gusto ko lang syang mamulat sa realidad ng buhay.
Basta yun na yun.
Actually hindi naman talaga ako busy dahil Sabado bukas magpapahinga lang ako sa bahay. Sinabi ko lang yun dahil ayaw ko munang mapasabak na naman sa inuman at magising sa ibang kwarto. T*ng ina kahit ganto naman ako hindi ako nag-uuwi ng babae sa pamamahay namin. Nererespeto ko lang naman ang pamamahay namin.
Para sa akin ang mga p**a hindi inuuwi sa bahay. Saka di ako basta-basto pumapatol sa mga kanto-kanto lang, ang tinitira ko ay mga high class.
No palagay nyo sakin? cheap! ako lang naman ang Director General ng kapulisan sa lugar namin kaya pumipili din ako ng ikinakama. Tinitiyak kong hindi ako sasabit.
Tatapusin ko lang ang mga ginagawa ko para makauwi na.
few hours later. . .
Kararating-rating ko lang sa bahay ng biglang mag ring ang phone ko.
Restricted number? Bukod sa mga importanteng katrabaho ko, wala ng ibang nakakaalam ng number ko ah.
Yes hello?
"Yes hello Sir, this is Ms. Casidy, May I ask if this is Justin Charles Villa's guardian?"
Paano kaya nito nakuha ang personal numer ko? ahh. . baka sa admin naalala ko ito nga pala ang nilagay kong contact noong enenroll ko si Justin.
Yes. Ma'am is their anything wrong with my sister?
"So far wala naman dahil nakausap ko na sya regarding her alibi, but I still need to talk to you as her guardian Sir pointing a pencil to someone else is basically a violent reaction and not proper behavior of a child. I hope you get what I mean siguro naman ho ay nasabi na rin sa inyo ni Justin ang nangyari". saan nito.
Boses palang nito mukhang may pagka tigre na kahit mahinahon lang. Expert kaya ako sa mga ganyan.
Biglang parang nag init ang pandinig ko sa di malamang dahilan baka dahil sa pagod ko na nadala galing sa trabaho o dahil para sa akin ay simpleng bagay lang naman iyon.
Kala ko naman kung anong emergency.
Okey Ma'am, so if you have talked to my sister then you have heard everything. Siguro naman na explain na nya ang point nya kung bakit nya nagawa yon.
"Sir, you don't get my point. It's already settled because she say sorry but as her guardian, It's also your obligations to talk to her and explain that its improper behaviour". . Nahahalata na sa tuno nito ang medyo naiirita.
I'm so sorry Ma'am don't worry I will talk to her later but let me ask you a question ma'am, if you’re in that situation at alam mo may mali naman sya, hindi ka ba gaganti? I mean, com'on lets be honest here cuz you are a teacher right? Balik na saad ko.
"Sir, kung ganyan ang magiging katwiran nyo sa pag didisiplina, e di parang sinabi nyo na rin na oras na magpasaway ang mga bata sa school ay pwede kung gantihan? Hindi ko kine kwestyon ang paraan nyo sa pag didiseplina pero remind ko lang sir na ang isang sanga, mahirap ng baluktutin kapag tumanda na" saad nito na tila nanggigil na sa tono ng salita.
Pero sa loob loob ko, nababadtrip na ako kasi kung tutuosin kasalanan nong kaklase nya,kung bakit nagawa yun ng kapatid ko. Pero syempre alam kong mali parang ang sarap lang kasi talagang mang asar ngayon parang di ko maimagine ang mukha nitong nagtitimpi ano kaya ang itsura nito hahahaa
Alright! I will just do it. salamat sa pagtawag.
"Kaya pala may pinagmanahan ng saltik" pabulong nito sa kabilang linya parang inilayo pa nito sa tainga ang phone pero rinig ko parin kasi matalas ang pandinig ko.
May sinasabi ka ba MA"AM? tanong ko ng pabalang dahil rinig ko talaga ang kanyang mga sinabi.
Ano raw may saltik ako? isip isip ko anak ng. . .
"Wala po Sir baka po TV ang inyong narinig okey Sir. Thank you so much".
At pinatay na.
Aba?! hanep ah may pagka maldita ang teacher na yon. Ha! baka hindi pa nya ako nakikita baka malaglag panty nya kapag nakita nya ang kagwapuhan ng isang James Zach Villa. Naiimagine ko na ang hitsura nya. Baka kapag nakita nya ako ay pumila lang din sya sa mga taga hanga ko! sa gwapo kong ito. Baka ipasilip ko lang tong 6 packs ko ay makalimutan nyang teacher sya! Hah!
Mapasyalan nga minsan!
Ng ma videohan ang reaction nya. hahaha
wala lang trip ko lang baka kasi hindi pa nakakakita ng gwapong Director General hahaha
Sa tuno ng pananalita ng teacher na yun, halata kong ma awtoridad ito. Ang pinagtataka ko bakit restricted number ang gamit nito?
Hmm. . baka naman nagkataon lang.
Kibit balikat ko nalang.
bahala sya basta ituturo ko lang sa kapatid ko ang alam kong makabubuti sa kanya.
Makapag pahinga na nga dami ko ng problema dumadagdag pa ito sa problema ko.
Sabi nga diba? Let the problem, Problem you! hahaha
Talaga? So sinasabi nya na, dahil natanggap ko na ang sorry ni Justin that's it??? Anong klaseng guardian yung ganon?
Tono palang ng pananalita nito ay mahahalata ng arogante naihipan yata ang utak e.
Napabuga nalang ako ng hangin. Pwes subukan nya ako! Ipapakita ko sa kanya ang kabilang kara ko.
Hah! I can't believed him!
Poor little kid, she got a brother who's abnoy!
Aba napaka sungit pa, mukhang nang aasar ang damuhong. . Huh! Kala nya hindi ko alam na pinagtritripan nya ako. Baka bigyan ko sya ng isang full kick sa mukha nya para matauhan sya. Aabot naman siguro paa ko sa kanya 5'5 naman ang height ko. Takte nya!
Biglang uminit ang ulo ko pagkatapos kong tawagan ang guardian ni Justin na never show up.
Kala nya uubra sya sakin. Huh! kala lang nya yun!
Napapailing na lamang ako.
Makapagtrabaho na nga lang! sa isip isip ko.
Well I know that being a profiler and undercover is hard but aside from teaching, It's my dream to be a profiler and undercover.
Tada! Here I am.
Yeah. This is my job during the night. To be honest, mas malaki pa ang kinikita ko sa pagiging Profiler at undercover kesa sa pagiging guro. Pero mahal ko rin ang pagtuturo kaya hindi ko rin mabitawan.
I am about to start the profiling for this Case Alfonzo Villa. Closed case ito at pinalabas na car accident. Sa unang tingin ko palang sa mga pictures, hindi ko sasabihing car accident lang dahil may mga factors na kahinahinala.
I go farther, . .
No way!
Bakit ngayon ko lang napansin na Villa nga pala itong hinahawakan kong profile!
Oh my gad. . .
Natutop ko nalang ang sarili ko ng makita ang Background information ng biktima. .
"Alfonzo Villa who is a General, found dead together with his wife in a car accident living there children Jack Jeffrey, James Zach and their only daughter Justine Charles Villa in grief . . ."
Tiningnan ko ng maigi ang picture para maka sigurado talaga ako. Hindi ako maaaring magkamali, Its Justine my student.
Medyo nagulat ako sa part na yun.
Bigla nalang umahon ang awa ko kay Justine. Sa murang idad ganito pala ang sinapit ng mga magulang nila. I know she's too young for this at yun ang pinaka masaklap sa lahat.
But not only that, how could I forget.
Matingnan nga ang itong mukong na to!
So ito yung case, at ito pala si James Zach Villa. . Habang sinisipat sipat ko ang dyaryo at mga stolen pictures nito.
Sige! sabihin nating gwapo ka nga, pero gaspang naman ng ugali mong tukmol ka, bad influence ka pa sa kapatid mong hinayupak ka! Ang sarap upakan ng tukmol na to! ha! Di uubra yang pangiti-ngiti mo! Biglang ang sarap nyang bugbugin.
Kinakausap ko ang picture nya at mukha akong timang! Di ko alam kung bakit basta ba boboysit na ako agad sa pagmumukha nya. Sarap nyang sampulang ng isang black eye!
Imbes turuan ng magandang asal ang kapatid ay mukhang ito pa ang nakakaimpluwensya.
May naisip akong kalukuhan. Teka, e print ko nga mukha mo at gagawin kong dart!
dinikit ko ito sa dark at ginawang target sa mukha ko patatamaan lagi idikit ko rin kaya to sa shooting range at gagawin firing target. . Hmmpp good idea! hahaha
At magiging kleyente ko pa talaga! Naku! Kung hindi lang ako nangangailangan ng pera ngayon!
At hindi ko estudyante si Justine, nong kang hawakan ko ang profiling nito!
Hay naku! makapag trabaho na nga.
Pero hindi lang yun ang gumulat sa kanya, kasama pala ang Papa nya sa investigation. At habang iniimbestigahan ni papa ang kaso, sa di malamang dahilan na suspended sya ng 3 months at ng bumalik sya, closed na ang kaso. .
Kilala ko si Papa, he will not conclude this case right away if he notice something. Isa lang ang conclusion ko sa case na to:
My kasabwat sa loob at mataas kaya pino ang gawa.
Siguro alam nila na mag re-investigate si daddy kaya nila ni suspend. At ayon sa pag profile ko, ang tinuturong matibo ay ang pag imbestiga ni daddy at ni Alfonzo Villa sa kaso ni Mayor Alejandro kaugnay sa druga. Malalaman ko rin Mayor anong baho mo. Sisiguraduhin kong mabubulok sa bilangguan. Kailangan kong malaman kung sino ang Hepe at mga humawak sa kaso na to dahil malaki ang hinala ko na magkakasabwat sila. Mga hayop talaga sila sisiguraduhin kong mag rereunion kayo sa selda. Doon ako magsisimula kailangan kong makapasok sa police station na pinagta trabahuan dati ni daddy ng hindi nila nahahalata na anak ako ni General Arthuro Selverez.
Ang case na to ay naipasa sa akin nong isang araw lang ni Sir Andy Casem the head of the Investigation Bureau pero matagal ko nang tinatrabaho ito hindi ko lang akalain na may ganito kalaki ang range ng kasong ito at meron pang involve na ibang tao kaya kahit papano may nasimulan na ako. Mas papabor sa akin na hawakan ito dahil involve ang pangalan ng ama ko.
My phone rang.
Speaking of which. .
Yes Sir?
"Lee, how's the case going? Can you come tomorrow afternoon in the office?". .
By the way, paalam ko lang sa inyo na ang tawag sa akin ng mga tao sa school ay Cas at sa IB naman ay Lee kasi mas cool daw sakin yung palayaw na yun. Sabagay mas gusto ko naman talagang Lee ang palayaw ko.
Sir, alam nyo pong bang gabi lang ang trabaho ko IB dahil may work ako kapag raw Sir. Alam ko naman na kaya lang ako pinapapunta don ay dahil gusto akong ilako na naman dahil single parin daw ako at my age. O my gosh, ang laki ng problema nila,sa pagiging single ko talaga Sir.
Pa asar kong sagot.
"Haha alam mo naman sina Ivon at Kyla, kilala ka nila saka palagay ko naman e hindi ka nila ibubugaw sa chick boy". Pagbibiro nito.
Sir, yun na nga po e ibubugaw na naman ako ng mga yun., baka wala akong matapos na trabaho kapag nangyari yun.
"Well anyway ikaw ang bahala, o sige, thank you for your update yesterday sinubukan ko lang naman kung makakasama ka sa amin mamayang gabi dahil nagtataka na ang mga iba nating kasama para ka raw bampira dahil gabi ang tirada mo. Mag iisang taon ka na dito pero ako palang at mga ka undercover mo ang nakakakita sayo" mahabang saad nito.
Sir, alam nyo na may hinahawakan akong kaso ngayon kaya talagang hindi ako basta basta makakasama sa inyo hahanapin ko pa bukas ang mga dapat kong hanapin na involved sa kasong ito. Sisimulan ko na bukas Sir sa mga kung sinu-sino ang huling may hawak nitong kaso. Dahil sa hinala koy malaking tao ang nasa likod nito.
"O sige, sige ikaw na nga ang bahala mukhang kahit kaladkarin ka namin ay hindi magbabago ang isip mo pero kung sakaling magbago man nasa Nonagon Club lang kami sayang naman ang kagandahan mo kung palagi kang trabaho baka wala ka ng mahanap na mapapangasawa nyan". hirit nito sabay hagalpak.
Nako sir Andy! hindi magbabago isip ko alam mo yan kahit bulahin mo pa ho ako. Saka di pa kailangan ng asawa sir, jowa nga wala ako eh baka traffic lang yun aantayin ko lang konte hahaha pilosupong saad ko.
"O sige na next time na nga lang! baka mapagbigyan mo naman kami kapag na natapos na yang hinahawakan mong kaso basta mag iingat ka Agent Lee asset ka namin, alam naman namin gaano ka kagaling humawak ng kaso kaya hangang hanga sayo ang mga taas natin at lahat kami pero hindi laging amihan Agent Lee alam mo yan kaya ingat parin". saad nito.
Salamat sa concern Sir. Sige ho enjoy nalang kayo baka next time makasali na rin ako sisiguraduhin ko Sir. saad ko
" sige sabi mo yan, aasahan ka namin bye Agent Lee!". Hahaha
Sa totoo lang gusto ko din talagang mag relax pero sa ngayon parang hindi pa kaya ng mood ko lalo pat involve ang tatay ko sa kaso na hinahawakan ko ngayon.
Andito parin ako sa Working room ko, mag aalas dose na pero kailangan ko pang tapusin,ang mga ginagawa ko. May access naman ako sa opisina kaya anytime pwede kong ilapag sa mga desk nila ang mga files with attachments. Kailangan kong umuwi ng batangas mamayang madaling araw para di ako ma traffic bale iidlip lang ako at uuwi sa San Lorenzo kukunin ko ang kotse ko. Yun lang pwede kong gamitin dahil mag eexpress way na ako para mabilis ako bukas makarating ng Batangas.
Kumuha ako ng Condo Unit na katawid lang ng opisina ng Bureau of Investigation pero hindi nila alam na dito lang ako minsan. Tuwing lalabas sila natatanaw ko sila dito sa unit ko dahil katapat lang. Kagaya ngayon paalis na sila at nasa labas na para pumunta ng Nonagon Club. Alam ko yun dahil malapit lang iyon dito mga 10 minutes lang.
Mas madalas pa ako dito matulog kesa sa bahay. But during the weekends, sa bahay talaga ako natutulog which is nasa batangas pero mukhang ngayong weekend hindi ko magagawang matulog doon pero uuwi ako. Walang nakakaalam na may bahay ako sa batangas which is naipundar ko sa pagiging undercover and profiler ko. Naguguluhan ba kayo guys? Ganto yan, bale tatlo ang bahay ko, Yung sa San Lorenzo, Laguna na bahay talaga ng parents ko na tinutuluyan ko kapag weekdays, itong Condo na kinaroronan ko ngayon dito sa Alabang at Bahay na naipundar ko sa Batangas which is yun ang masasbi kong malaki. Sayang nga lang at namatay na si daddy hindi ko manlang naipasyal sa mga naipundar ko. Nasasaktan parin ako sa mga nangyari isang taon na rin pero gusto ko talagang magkaroon ng hustisya si daddy.
Buti nalang walang pasok bukas sa school dahil sabado. Hayyy. .
Ang pinaka masarap na regalo sa akin ay yung weekends dahil nakakapag pahinga ako pero ngayong may hawak na naman akong kaso mukhang walang tulog na naman si ako nito.
Napapatingala nalang ako sa kesame at nagiisip ng mga plano. Matutulog na ako dahil kailangan ko ng umpisahan ang lahat bukas.