AT DAHIL LIBLIB ang daan, malakas na tinapakan ni Blue ang preno ng kaniyang sasakyan. Huminto iyon sa kalagitnaan nang kadiliman na tanging kuliglig at kulisap lamang ang nag-iingay. Malakas na umuga ang buo niyang katawan sa ginawa at kung hindi siya naka seatbelt tiyak niyang tumama ang ulo niya sa manubela. Hindi na niya pinatagal, pinatay niya ang makina at kagat labing napatitig siya sa harapan ng kaniyang sasakyan. At hindi nagtagal malakas at gigil niyang tinampal ang manubela ng kaniyang kanang kamay. Saka hirap na huminga habang nakatitig doon. Hindi siya makapaniwala na ganoon siya kabilis bitawan ng dalaga. Mas pinili nitong masaktan kesa harapin ang bagay na narinig nito. Sa mga oras na iyon hindi niya alam kung may relasyon pa ba sila ni Alexa. Hirap siyang bumuga ng hini

