"BLUE, WHERE ARE YOU?" bungad ng ina ni Blue no'ng sagutin niya ang tawag. Hindi siya sumagot, kaya muli galit na nagpatuloy ito sa pagsasalita, "Ang sabi ng Daddy mo umalis ka and i kow, sinundan mo ang probinsyanang babae na 'yan! Nawawalan ka na ba ng pag-iisip? Right now, you go home!" nanggagalaiting bigkas nito. Pero tama na ang mga salitang binitawan niya sa ina kanina nung nag-uusap sila nito. Hindi siya pala sagot sa ina, mas gusto niyang maging tahimik pag nagagalit ito. At nang naramdaman nitong wala siyang balak salubungin ang galit nito akmang magsasalita ito nang p*****n niya ito ng linya. Iniliko niya ang sasakyan papasok sa malaking garehan ng sasakyan ng hotel. Mabilis siyang bumaba ng kotse niya at naglakad papasok sa loob ng hotel. Namamaga ang mga mata ni Alexa at

