PINUNASAN NI ALEXA ang mga luhang sabay-sabay na bumabagsak sa kaniyang pisngi. Hangga't nakikita niya ang binata lalo siyang nahihirapang kalimutan ito. Wala itong kasalanan sa kaniya at alam niya iyon, pero... Paano nila ipagpapatuloy ang relasyon kung isa sa pinakamamahal nito ay ayaw sa kaniya? Bawat punas niya sa pisngi, kada patak naman ng luha ang pumapalit doon. Sobrang nasasaktan siya, pero pinipilit niyang maging matatag sa ganoon hindi siya bumigay sa mga ginagawa nito. Natitiyak niyang hindi ito titigil sa panunuyo sa kaniya, kahit na ba pagsalitaan niya ito ng masasakit na salita alam niyang magpapatuloy ito. Isa lang ang paraan para makalimutan niya ang binata. "Bakla!" tawag sa kaniyanh likuran ni Lhira kaya mabilis siyang napalingon sa kaniyang likuran. Kahit na ba na

