Chapter 30 Ospital Sa ikalawang araw ni Gabriel sa ospital ay medyo kumupas na ang kaniyang mga sugat at galos sa mukha. Nakikilala na ang iritasyon sa mukha niya sa tuwing kukunot ang noo. Katulad lamang ng araw nang bumisita ulit ako. Nanonood kami ng TV kung saan may reporter na nakatutok ang mga mata sa amin. “Natunton na ng kapulisan ang mga hinihinalang suspek na sangkot sa nakawan ng dating branch ng Palawan Pawnshop sa Santiago, Isabela pagkatapos ng halos mahigit isang taong paghahanap. Kinikilalang ang mga suspek ay sina Daniel del Rosario, Gabriel del Rosario, Cory Sotomayor, Garry Solano…” Inabot ko ang remote at pinatay kaagad ang telebisyon. “Gusto mo pang apple? Ipagbabalat kita?” tanong ko sabay tayo. Tahimik akong sinundan ng tingin ni Gabriel. Tumungo ako sa estante

