bc

How To Bargain With Gabriel

book_age12+
421
FOLLOW
1.9K
READ
family
time-travel
confident
drama
tragedy
comedy
sweet
bxg
humorous
friendship
like
intro-logo
Blurb

There are only limited steps to finally meet your guardian angel. Step number one: die.

Ana's simple life turns upside down after almost dying in a robbery. Comatose and half-way to heaven, she desperately tries to hold on to her life as a trapped soul in the mortal world but no worries, Angel Gabriel comes to the rescue. His methods of helping challenges Ana to a take trip back to her memories, and together, the two start an adventure. An adventure that will hopefully solve her one last problem on Earth: finding out how she died.

Ana must play detective while resisting the cunning, witty, and tempting guardian angel in order to save her soul or be doomed on Earth until eternity.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Puti at Pino “Ilag! Andiyan na ang bola!” Maingay at magulo ang gymnatorium ng school dahil sa ginaganap na Intramurals. Nakapaikot sa quadrangle ang mga nagpa-practice ng cheer leading squad samantalang ang mga athletes naman para sa track ay nakahilerang nagjo-jogging sa isang tabi. Hindi lang lumiliyab ang init ng madamong lupa dahil nagbubuga rin ng buhangin. Katanghaliang-tapat sa aming school ay kasagsagan naman ng iba’t ibang warm ups mula sa mga athletes. Nakikisabay rin ang mga vendors sa paligid na siyang pinamumugaran ng mga gutom na manunuod. “Ana! Ilag!” Hawak ko ang isang basong buko juice, tamad na nakatayo dahil hinihintay pa ang kaibigang si Flor para sa kaniyang order na inumin. Sabay ang pagrehistro ng mga sumisigaw na boses, ang gulat na mukha ng aking kaibigan at ang mabilis na pag-ikot ng basketball sa ere sa gilid ko. Napapikit akong mariin sa takot na dapuan ng humahagibis na basketball na alam na alam kong magtatapon sa juice kong hawak. Sa gilid man ng pisngi o sa noo tatama ang bola ay tiyak na mamumula mamaya. Isa… dalawa… tatlo… Lumagaslas ang mga dahon, nanahimik ang covered court at ang tanging nangibabaw lang ay ang tunog ng isang malakas na pagaspas ng kung anong may pakpak. Katahimikan. Unti-unti, binukas ko ang mga mata ngunit ang maliwanag at magaang himpapawid ng langit lang ang nakita. Nasabi ko na ba kung bakit mas mahalaga sa akin ang umaga kaysa sa hapon? Kung papipiliin ako kung alin ang mas matimbang, kung ang umaga o ang hapon ba, ay hindi ako tatayo sa gitna. Dahil ang umaga – ang umaga na mabagal at hindi gumagalaw sa kahit ilang segundo lang ng isang araw – ito ang pipiliin ko. Mas mahalaga sa akin ang umaga hindi dahil sa panibagong bukas pero mas mahalaga sa akin ang umaga dahil doble ang oras ng hapon dito. Sa isang perpektong mundo, oras lang ating kakampi at kalaban. “Ana, ayos ka lang? Si Peter kasi! Ang lakas maghagis ng bola! Sorry!” Bumilis muli ang lahat. Muling rumehistro ang ingay ng buong campus na nakasentro sa mainit na fields. Mabilis kong nilingon ang paparating na si Jacob, pinupulot na ang bolang dapat ay lalagapak sa mukha ko at magtatapon ng aking juice. “Huy! Ayos ka lang?” Siniko ako ni Flor habang humihigop ng sariling inumin. Si Peter sa malayo ay naka-peace sign habang si Jacob naman ay akap na sa isang siko ang basketball. Si Flor sa aking tabi ay sarap na sarap sa lemon juice. Nararamdaman ko pa rin ang pagbagal ng umaga o dahil siguro sa pagmamahal ko sa umagang mabagal at magaan. Inaalala ko pa rin ang bolang hindi naman ako tinamaan. Tumagilid ang ulo ko sa mga nakalapit na cheerleader, iniisip kung nasagi ba nila ang bola ngunit kagaya ng mga classmates ko ay mukhang ako lang ang may pakielam. “Ayos lang…” Tumango na lang ako kay Flor. “Sorry ulit, Ana! Ingat ka!” kaway ni Jacob paalis, ang maluwag na pulang jersey ay bahagyang hinahangin. Nagsimula nang maglakad si Flor. Halata na ang ginhawa sa mukha dahil ang lemon juice ay saktong-sakto sa tag-init. “Doon naman tayo sa shawarma. Gutom na ako, e!” Wala sa isip akong sumunod sa kaibigan. Bago tuluyang makaalis sa pwesto ay nasipat ko ang tatlong pirasong puting-puting balahibo malapit sa aking paanan. Mas binilisan ko pa ang lakad. Isa sa pinakakilalang unibersidad sa Santiago ang pinag-aaralan ko. Binubuo ng tatlong malalaking rektanggulong parang mga pulu-pulong pinagdikit-dikit at kagaya ng mga pulo ay pinaliligiran din ng libreng espasyong imbes na tubig ay mga lupa. Kaya tuwing hahangin nang malakas, tag-init man o tag-lamig, dinadala ang mga buhangin mula sa lupa paakyat at paikot sa mga pasilyo ng building. Bata pa lang ay dito na ako nag-aaral. Pati na ang mga nakababata kong kapatid na sina Adam at Abigai. Bilang panganay sa aming tatlo, masasabi kong ang isang unibersidad ay maaaring gawa sa mga ladrilyo, semento, o kahit ano pang uri ng konkreto. Pero ang isang unibersidad na kagaya nito ay hindi ang mga daang libong ladrilyong itinayo sa mahigit labin-limang taon nang nakalipas ngunit ang mga estudyanteng nagdaan at dadaan pa. Ang puso, kwento, at mga pangarap. Tuluyan na ngang humangin nang malakas. Ang umaatikabong hangin na galing pa sa katirikan ng araw ay bumaba sa lupa, muling umakyat, at umikot sa mga pasilyo ng school. At sa wakas, dinapuan ang aking pisngi habang naglalakad kasabay si Flor. Nagsilbing mga kamay ang hangin para hawiin ang aking hanggang bewang na buhok palikod sa aking batok. Humawi sa aking malapad na noo pababa sa mga labi. Inayos ko ang sumabog na buhok sa isang balikat kaya naman nang dumaan sa salamin ay kumintab ang aking name plate. Resurreccion, Anastasia P. Grade 11 Ginto ang maliit na parisukat sa kanang gawi ng aking dibdib. At sa tingin ko, bagay na bagay ang gold sa uniporme naming white at navy blue. Puti ang blouse, asul ang skirt. Sa repleksyon at sa matingkad na sikat ng araw, mas lalo lang akong pumusyaw. Ang pwesto ng shawarma ay puno ng mga estudyate. Pinagsamang mga atleta at manunuod kaya humahalo ang init, alibok at pawis. Kahit ganoon ay maraming nagtitiis para sa shawarma. Tuwang-tuwa ang dalawang mamang tiga-luto habang nag-aabot ng mga paninda. “Masarap daw talaga kaya pinipilahan!” Napabuntong-hininga ako. Malapit sa tindahan, naroon ang bukas na volleyball court. Kahit kasagsagan ng init ay mukhang hindi alintana ng mga players. Mas malakas ang hampas ng bola kaysa sa mga raketa ng badminton sa kabilang court. Tumigil ang palo sa malakas na pagpito ng referee. Naghiyawan ang mga nanunuod sa bleachers. “Go, Diaz! Go, number thirty-one!” “Diaz lang malakas! Go, go, go, blue team!” Sa sobrang lakas ng mga sumisigaw ay napapatingin kaming bumibili lang ng shawarma. Nakakaagaw ng atensyon ang kanilang mga papuri lalo na sa blue team. Habang nakatayo sa gilid ni Flor ay nakapako lang doon ang tingin ko. Sa kabila ng init, sigawan, at pagod, si Lucas Diaz ay nagtatampisaw sa sariling pawis sa gitna ng volleyball court. Magilas na magilas ang mga galaw. Ngayong break time ay nakaupo na lang sa bench, seryosong nakikinig sa coach kasama ng iba pang players. Kunot-noo, nakahawak sa mineral water, at hinihingal sa pagod. “Spicy o hindi?” singit ni Flor. “Hindi...” wala sa sarili kong sagot. Kahit na senior high pa lang, matangkad at malaki na ang pangangatawan ni Lucas. May ibubuga na sa mga beteranong college. Kung sa mga normal na araw, nakataas ang kaniyang buhok, mabagal ang bagsak ng makakapal at maiitim na mga pilik-mata, at ang lakad ay matindig kapares ng ngiti sa mata. Ngayong Intrams, bagsak sa pawis ang buhok ni Lucas. Taas-baba ang kaniyang hinihingal na dibdib, ang dibdib na binabalutan ng asul na jersey na may numerong thirty-one sa harap at likod. “Si Lucas 'yon, 'di ba? Si Lucas nga! Crush mo!” walang prenong tili ni Flor. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mga pisngi ko, at hindi ang mataas na sikat ng araw lang ang dahilan. “H-Hindi! Shhh! Baka may makarinig sa'yo, Flor!” Nagpalinga-linga ako sa paligid ng pinamumugarang tindahan. Mukhang busy ang lahat sa paghihintay ng kanilang mga order at hindi napansin ang malaking bunganga ni Flor. Kaagad ko siyang tinuro gamit ang hintuturo at pinanggigilan ng tingin. Hindi ko naman crush si Lucas! Hindi naman gaano... “Hindi raw! Kaya pala kanina ka pa tahimik!" “Lagi naman akong tahimik...” tutol ko. Tumaas ang kilay ni Flor sabay ngisi. Hindi sinasadyang sumulyap ako kung nasaan si Lucas. May kumosyon sa bench dahil magsisimula na ulit ang laro. Naghahanda na rin ang players ng kabilang court. Mas lalong humalakhak si Flor. “Crush na crush talaga si Lucas! Kahit sa hallway. Kasalubong lang naman pero natatameme ka,” aniya habang inaabot sa akin ang shawarma. Tinanggap ko ang pagkain, sinusubukang doon na lang ipako ang tingin. Niyaya ko na ring maglakad palayo si Flor pero ayaw papigil. Kahit anong gawin kong pag-alis ng atensyon ay napupunta pa rin sa volleyball court dahil sa muling pagpito ng referee, hudyat na tuloy na ang laro. Dahil sa sinabi ni Flor, naalala ko ang maraming beses na pagsasalubong namin ni Lucas. Lagi itong bumabati sa akin kapag mag-isa akong naglalakad tuwing umaga, at kapag uuwi sa hapong may mga kasama na ay maliit na ngiti na lang. Mas lalo ko lang pipiliin ang umaga kesa sa hapon dahil sa simpleng detalyeng iyon. At dahil siguro mas maayos akong tingnan kapag papasok kaysa sa pauwi. Gustong-gusto ng lahat si Lucas. Binabati at kinawayan ng marami. Kaya naman tuwing binabati niya ako, hindi ko lubos maisip na sa dinami-dami ng pwede niyang batiin tuwing umaga at hapon ay ako pa. “Tara, Ana! Simula na ng game! Nood tayo!” biglang hiklat sa akin ni Flor. Halos tumapon sa damit ko ang hawak na shawarma. Walang pakiealam si Flor, at kahit miski sa mga nakaharaang na tao ay pinalilihis niya rin. Para kaming lumangoy ngunit sa alon ng mga estudyanteng manunuod. Ilang sandali lang ay nasa harapan na kami ng court. Kumpara sa kaninang hanggang tanaw lang ay nasa malapitan na si Lucas. Ang kaniyang nanginginig na katawan sa pagod, ang kunot-noo, ang kaniyang buong tangkad at gilas. “Go, Lucas! Nanunuod kami ni Ana! We support you!” Nakatili na rin si Flor. Nalaglag ang panga ko. Nasa harapan ko lang si Lucas na pawis na pawis at pagod na pagod. At kung hindi pa ba sapat, ang mga kasama naming nanunuod ay pangalan niya lang ang sinisigaw. “Go, Lucas! Ay! I-cheer mo naman 'yung crush mo, Ana!”baling ni Flor sa akin. Sumobra na yata ang pula ng mga pisngi ko. Hindi katulad kanina sa tindahan ay busy ang lahat kumain. Ngayong tutok lang ang atensyon sa harapan ay napatingin sa akin ang iilang manunuod. Napansin ko pa ang ilang classmates. Pangisi-ngisi ang mga ito. Mas lalo akong nahiya. Panay ang asar ni Flor kaya naman nakikisali ang iba pang classmates namin. Para tumigil sila ay tinapangan ko na ang loob. Saktong napahinto si Lucas sa malapit habang hinihintay ang serve ng kalaban. “G-Go, Lucas! Galingan mo! Lucas...” papahina kong sigaw. Natawa sina Flor samantalang napatigil ako sa kahit anong paggalaw. Hinding-hindi mangingibabaw ang boses ko sa tilian ng nakararami. Kaya nang tumingin si Lucas at binigyan ako ng ngiting laging binibigay niya tuwing binabati ako ay natulala na lang ako. Sa akin at sa akin lang siya tumingin at ngumiti. Wala na sa akin ang tilian na ginagawa ng classmates o ang malakas na t***k ng dibdib. Dahil ang susunod na palo ay ang magpapasya kung uuwi bang masaya o luhaan ang team nila Lucas. Parang bumagal ang oras. Pumapalo siya ng bola, tagaktak ang pawis sa court, at ang ngiting binigay niya sa akin ay paulit-ulit sa aking utak. Napatingin ulit ako sa langit. Sobrang bagal. Sobrang gaan. “Prrrtttt!” Malakas ang pito ng referee. Bumilis muli ang lahat. Ang bola ay bumagsak sa sahig. Napamura si Lucas. Tuwang-tuwa ang kabilang grupo, taliwas sa grupo namin. Sinipat kong maigi ang bola. Kung hindi ako nagkakamali ay may nakita ulit akong ilang piraso ng puting-puti at pinong mga balahibo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.8K
bc

My Son's Father

read
583.3K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
967.2K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.5K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook