bc

USOK "Nakaw na pagibig"

book_age18+
121
FOLLOW
1.5K
READ
BE
badboy
independent
single mother
drama
no-couple
mystery
campus
like
intro-logo
Blurb

Si Andrea Rosario, ang dalagang walang maalala sa kanyang nakaraan, ay tila binabangungot habang nakatira sa marangyang hotel ni Rafael Buenavista. Ang kanyang pag-iral ay hindi isang fairy tale dahil sulit ang gastos ni Rafael sa kanya bilang isang mistress. Habang nahuhulog ang loob ni Andrea sa lalaking ito, ay saka niya napagtanto na isa lang siyang laruan na anumang oras ay itatapon. Sino ngayon ang kanyang magiging "bayani" para tulungan siyang makatakas sa malupit at babaero na si Rafael Buenavista.

chap-preview
Free preview
PUSO'NG WASAK
“Bakit ka bumalik?” Mabigat ang boses ni Andrea, halos hindi maibuka ang bibig dahil sa takot na baka sa pagbuka pa lang nito ay bumuhos na ang lahat ng sakit na matagal na niyang kinikimkim. Nasa harap niya si Jobert, nakatayo, na para bang lumiliit ang mundo sa pagitan nila. “Dahil mahal kita... Hindi ka man naniniwala sa akin. Pero ngayon? pinipili na kita..” sinabi ni Jobert sa mahinang tono, na nakikiusap upang siya'y pakingan. Parang bala na walang ingay kapagkinalas mo na, pero ang tama nito ay tumagos sa puso, nakakamatay. Hindi kumibo si Andrea. Dahil kahit ang sariling paghinga ay napakahirap, ang magpatawad pa kaya? “Ano pa bang gusto mo sa’kin?” sinabi ni Andrea na halos pabulong, pagod at puro poot na lang ang mayroon sa kanya. Lumakad si Jobert palapit sa kanya. At sa hindi inaasahan, bigla lumuhod si Jobert sa harap ni Andrea. “Gusto kitang makita. Mahawakan, at makasama.. Kaya please... patawarin mo na ako..." Napahigpit ang hawak ni Andrea sa kanyang bag. “Bakit ako pa...? Kung ang dami mo namang ibang babae?” Biglang natigilan si Jobert, at itinaas ang kanyang mukha, “Kasi ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang pinipili ko… Pwede ka bang maging akin na ulit?” Biglang umandar ng malakas ang isang tunog. Isang tunog nang pagtawa ng malakas ni Andrea.. Pero may halong galit. "Kung ganun… bakit mo ako niloko?” At dito... tuluyang bumalik ang alaala; Maliwanag... masakit, at mas detalyado pa sa totoong nangyari. Yung gabing nakita niya si Jobert… Yung paghatid nito sa babae sa may kanto. Pagkatapos ay may pabaong halik sa pisngi… Yung sa bawat pagtawa nila ay napakagaan… na parang walang taong nakakita at nasasaktan. Yung mga matang kumikislap sa tuwa. Tuwa na hindi niya kailanman nakita sa mga mata ni Jobert kahit ilang taon silang magkasama. Tuwa na ang dulo't ay sakit at pagdurusa sa isang puso'ng totoong nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya. Parang tinuhog ang puso ni Andrea, ng barbed wire. Dumurugo sa sobrang sakit. Para sa lalaking manhid at walang paki-alam, hindi niya ito ramdam at hindi niya ito nakikita. At ngayon nagpaliwanag si Jobert, na parang siya ang iniwan, at mas nakakaawa ang itsura. Kasabay nito, may mga nakikialam, komento at mga intriga na naririnig sa paligid nila. Ang mga tsismosa at tsismoso. Komento Uno: "Ano ba yan.. kawawa naman ang lalaki, pinapahiya niya.." Komento Dos: "Oo nga.. bat di pa pagbigyan. Akala mo naman kagandahan siya!" Komento Tres: "Kanina pa yan nakaluhod, ba't di nalang niya prangkahin, kung ayaw na, e di wag! napakaraming babae diyan, bakit pa siya magtitiis diyan?!" Sa lugar kung saan maraming nakikialam. Madalas nakikita nila kung anong tama sa mali. Dahil kung ano ang nakikita ng mata, ay diyan sila magaling humusga. “Hindi kita niloko! Siya… siya yung ayaw magpa-let go. Ngayon sinabi ko na sayo... dahil ayoko na sa kanya...” paliwanag ng lalaki na basag ang boses . Napapikit si Andrea, pagkatapos ay lumabas ang dalawang patak ng luha sa kanyang mga mata. “Paano ko malalaman na totoo ‘yan? Hindi ba't ganyan din ang ginawa mo sa akin, kaya moko iniwan? “Anong gusto mong gawin ko?” Kagat-labi na sinabi ni Jobert, at nanginginig. “Lumuhod ako? eto... ginagawa ko na... Ganito ba?” Hindi sumagot si Andrea. Pinanood lang siya ito. Lumipas pa ang ilang sigundo. Huminga si Jobert nang malalim, walang paki alam sa mga nakakakita sa kanilang dalawa ngayon, kahit pa nanginginig na ang tuhod. Sa harap ng maraming tao, nananatili siyang nakaluhod. Kaya lahat ng mga kumakain sa loob ng restaurant, ang attensyon ay nasa sa kanila na. Namilog ang mata ng iba. Nagsilayo ang mga waiter, parang may eksenang hindi dapat makita. Malas pa sa negosyo.. “Andrea… patawarin mo na ako…” sinabi ni Jobert na parang pinunit ang katahimikan ng hangin. Pero tila hindi nayanig si Andrea. “Tinry mo ibang putahe… tapos ngayon babalik ka kasi alam mong mas masarap ito? Ganoon ba?” Napalunok si Jobert, namumula na sa hiya. "Hindi gano’n... oo, natukso ako... pero Andrea, mahal kita!” “Pero hindi ako pagkain Jobert. Hindi mo ako pwedeng tikman lang kapag nagugutom ka.” At dito na tuluyang napaiyak si Andrea. Tumulo na ang maraming luha sa kanyang mga mata. Hindi siya dapat umiiyak o ma stress, lalo na’t limang buwan na siyang nagdadala ng bata sa sinapupunan, pero hindi na niya kinaya. “Ano bang gusto mong gawin ko?” pabulong ni Jobert, nanginginig ang kamay sa pagkakahawak sa pantalon niya habang nakaluhod. “Sabihin mo lang… gagawin ko. Para lang mapatawad mo ako.” “Wala.” Isang salita lang.. Pagkatapos ay lumipat ang tingin ni Andrea sa kabila, malayo sa mga malamig niyang tingin. “Wala kang pwedeng gawin. Tapos na tayo. Winasak mo na ang puso ko. At kung pwede lang… hayaan mo na akong mag isa.. maging malaya. At may hihilingin lang din ako sayo… mahalin mo siya. Alagaan mo siya… gaya ng pag-aalaga ko sayo.” Sumilay ang katahimikan. Napayuko ang lahat ng nakatingin. Na parang tumigil ang oras at naglaho ang mundo. Ang natitira na lang, ay ang sarili nila. Ang sakit... Sapagkat ito na ang huling sandali. Tuluyan na nilang bibitawan ang isa't isa. Tumayo si Andrea, hindi na inintindi ang malamig na pagkain, ang natunaw na ice cream, at ang kapeng hindi man lang naubos. Lumabas siya ng restaurant… hindi na lumilingon. “Andrea! Andeng!” Sigaw ni Jobert, na nagmamakaawa ang boses niya. Hinabol ni Jobert si Andrea sa labas, pero mabilis si Andrea kung maglakad. Kahit buntis, kahit nanghihina, kahit nasasaktan.. ay pilit pa ring iginalaw ni Andrea ang kanyang mga paa. Ayaw na niyang marinig ang boses niya... Ayaw na niyang makita ang mukha niya. At higit sa lahat, ayaw na niyang maramdaman ang presensya niya. Sa gitna ng maingay na kalsada, at maraming taong naglalakad sa gilid nito. Nakakasabay ang magulong isip ni Andrea. Ngunit nang marating na niya ang stop light, Tumatawid siya bigla, at sa eksaktong oras din, may isang mamahaling kotse ang lumiko mula sa kanto, mabilis ang takbo, na parang hindi nakikita ng driver ang pedestrian lane. BLAG!!! “ANDREA!” sigaw ni Jobert. Tumilapon si Andrea. Dumiretso sa metal trash bin sa gilid. Yumuko ang ulo niya na pabagsak, at duguan. Sa tiyan niya, ay parang may pumutok na panubigan, at nagkalat ang dugo sa buong katawan. Makapal, at madilim. Nagtakbuhan ang mga tao para tingnan at kung paano makakatulong.. “BUNTIS SIYA! MY GOD, BUNTIS SIYA!” sigawan ng mga tao sa paligid. Habang ang driver sa loob ng kotse, ay nanginginig nanglaki ang mga mata, at halos maehi na sa sariling pantalon. Gayonpaman nagawa niya pa ring tumawag ng ambulance. "May nasagasaan ako...hurry! Please... she’s bleeding, oh Panginoon ko... buntis siya." Nagkagulo na ang lahat. Si Jobert? namumutla at hindi makagalaw. Hindi niya alam kung tatakbo siya... lalapit ba o hayaan na lang at magpanggap na hindi niya ito kilala. Pero mas nangibabaw ang takot. Dahil sa maitim na dugong bumabalot kay Andrea ngayon. Parang naging invisible ang hangin sa paligid. At sa gitna ng pag-angat ng stretcher… Sa gitna ng mga sigawan, ng umiiyak na driver, ng police na nagpo-posas… Tumalikod si Jobert. At... Tumakbo. Tumakbo palayo. Naduduwag, na parang walang puso. Na parang wala siyang ginawang kasalanan. Muli, iniwan niya si Andrea… Iniwan niya ang anak nila… Habang sinusundan siya ng sarili niyang konsensya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cousins' Obsession

read
195.8K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
67.4K
bc

Wife For A Year

read
73.2K
bc

His Six Months Rule

read
33.8K
bc

Daddy Granpa

read
302.5K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
64.2K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
280.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook