"Naawa lang ako sa kanya.. wala bang naghahanap sa kanya o ang pamilya niya?" tanong ni Claudia. "Isa din yan sa mga bagay na naisip ko, walang nag-claim at report sa mga pulis looking for her. That's I think ulila siya." sagot ni Rafael. "Pero may paraan naman na gagaling pa siya hindi ba?" "Yes, I hope so... nakahanda naman ako diyan para ibigay ang kanyang kalayaan oras na bumalik na ang kanyang mga ala ala." ang kalmadong sagot ni Rafael. Ngayon ay alam na ni Claudia ang dahilan kung bakit naroon si Andrea sa Buenavista Hotel, ang kilalang hotel kung saan siya kasalukuyang nagta-trabaho. Sa isip niya ay wala ngang maaalala si Andrea tungkol sa kanya, dahilan para maalala niya ang mga reaksyon at den-deny ni Andrea tungkol sa mga nakaraan o connection mula sa nakaraan nilang dalawa.

